The Power of a Mother's Love [Missin' My Mother]

9 47
Avatar for Sirpogs
3 years ago
Topics: Life, Writing, Blog, Story, Random, ...

There is absolutely no love in this world like the love of a mother. There is something that cannot be filled, no matter what anybody tells you. 

The Power of a Mother's LOVE

Mother's love and emotional availability are vital to their children’s well-being. They brings lights to the family, something that is unreplaceable.

With the statement mentioned above, I created a poem focusing on the sacrifices and Loved of a mother. I hope you will find time to read it.

Tinig na MA[hiwaga]

Nak gising na

Boses nanaman iyon ni Mama

Una niyang sambit sa umagang tila hindi nanaman tiyak ang patutunguhan,

kagaya ng dati,

gising, aral na inaantay lang matapos ang oras parati.

Dali daling Bumangon

Kahit hinihila pa ng kama

pinilit tumayo, ipinadyak ang mga paa.

"OPO Ma AKO'Y BABANGON NA"

Nak bilisan mong kumilos at baka mahuli kana.

Pagkatapos mong maligo

kumain ka,

Wag kang papasok na

Walang laman ang sikmura.

Tinig nanaman ni Ina

na walang sawang nagpapaalala, kahit ako'y nasa wastong gulang na.

Pagkatapos maligo, kumain at magbihis, ito na papasok na, 'di niya nakalimutang magsabing Anak baon mo pala, baka makalimutan mo't baka magutom ka sa iskwela, sabay sambit ko ng "Salamat Ma"

Alis napo ako, pahabol niya ang salitang "mag-ingat at nak galingan mo ha" walang ibang nasambit kundi "Opo Ma".

Alam mo sa sarili mong malaki ang takot na iyong nadarama

baka kasi madapa ka at hindi mo maabot ang gusto nila para sa'yo

ganoon paman nagpapatuloy ka,

hinaharap ang hirap para maabot ang mga pangarap

kahit hindi tiyak ang bukas

patuloy na sinusuong ang mga alon, hindi nagpapatangay, nagpapatuloy, lumalaban, inilalaan ang lakas sa kasalukuyan upang maabot ang rurok ng katagumpayan. Ginagawa, pinagsusumikapan, kahit sa anong kaparaanan.

Sandata lamang ang tibay

ang may lalang ang SIYANG gabay

Mandirigma ka sa iyong panahon

Nakikipaghabulan sa oras at panahon

upang makabangon, upang makaahon

Dahil sa isang RASON...

na kung nahihirapan ka mas nahihirapan sila, ngunit walang bakas ng hirap ang makikita sa kanilang mukha

kapag naiisip mong sumuko na..

Iniisip mo muna ang hirap at sakripisyong ginagawa nila, para makapag aral ka, para matupad mo ang mga pangarap na binuo mo kasama sila, upang madala ka sa magandang katayuan at maging maayos ang iyong kinabukasan

KAYA MO'YAN, KAKAYANIN MO'YAn

Nay Mahal Kita

#TulangPasalaysay

Yours Truly

--Sirpogs

7
$ 0.30
$ 0.10 from @OfficialGamboaLikeUs
$ 0.05 from @Bloghound
$ 0.05 from @Idksamad7869
+ 4
Sponsors of Sirpogs
empty
empty
empty
Avatar for Sirpogs
3 years ago
Topics: Life, Writing, Blog, Story, Random, ...

Comments

Nakakatuwa naman po :) totoong swerte talaga ang magkaroon ng isang anak na katulad mo pero mas swerte ang magkaroon ng isang Mama na katulad ng Mama mo po 🥰 Kapag mabuti talaga ang Ina mabuti din ang Anak sakanya.

God bless po sainyo sir😊

$ 0.00
3 years ago

Maraming salamat sa iyo. Nasa pagpapalaki talaga ng Ina ang magiging tungtungan ng Anak.

$ 0.00
3 years ago

Nakakatuwa naman makabasa ng ganito. Sobrang swerte ng mga magulang mo sayo sir. Makikita talaga kung gaano mo kamahal sila, at ganun din sila sayo. At bilang isang nanay, gagawin ko rin ang lahat para sa anak ko. Godbless sayo sir at sa pamilya mo.

$ 0.00
3 years ago

Indeed mother love is best thing exist on this earth a heaven for every child

$ 0.00
3 years ago

pag-umuuwi tayo sa bahay ay lagi nating hanap agad ang ating mga Magulang lalo ang ating Nanay

$ 0.00
3 years ago

Napakabuting anak nyo naman po sir and napaka caring din ni Mama mo. Yan yung mga memories na talagang iniingat ingatan natin mga anak at mga magulang na kahit misnan napapagalitan andon parin ang concern at pagmamahal. Keep writing sir.

$ 0.00
3 years ago

Salamat po sa pagbisita sa article. Totoo pong ang parents lasi ang lagi nating kasangga sa lahat ng oras at pagkakataon kaya't mas nagiging motivated tayo sa lahat ng pagkakataon.

$ 0.00
3 years ago

nakakatuwa sir, ako everytime na gusto ko sumuko iniisip ko sakripisyo ng nanay at ama ko. Kasi yung nanay ko dating katulong, ayaw nyang maranasan ko rin yug naranasan nita kaya proud ako sakanila kahit minsan may kumparang nagaganap.

$ 0.00
3 years ago

Hindi natin maiiwasan ang pagkukumpara ibig sabihin lamang no'n na medyo may kulang sa atin na kailangan nating linangin sa oositibong pagtanaw naman ito. Lahat gagawin ng ating mga magulang madala lang tayo sa maayos na Kalagayan. Maraming Salamat sa'yo sa patuloy na pagtitiwala sa mga likha kong artikulo. lalo akong nagkakaroon ng hangaring pagbutihin pa ang pagsusulat hindi sa aspektong kapital ngunit upang magpamulat at magbigay ng inspirasyon kahit sa ganoong paraan. Nawa'y patuloy po ninyo akong samahan sa aking Journey dito sa Read.cash at ganoon din ako patuloy ko kayong susuportahan sa mga likha ninyo. Muli salamat ng marami ang pagpapapala ay sumaating lahat.

$ 0.00
3 years ago