Alam na alam natin ang terminong ito subalit hindi natin tiyak kung ano ang pinagmulan nito, bilang nag-aaral sa Wikang Filipino hindi na bago sa akin ang ganitong sulatin sapagkat noon pa lamang ay hinihikayat na kaming alamin ang pinagmulan ng bawat terminong kumakalat sa lansangan upang matutuhan natin ang ibig ipabatid nito at ang katangian ng terminong ito.
Mas mabuti nang alam natin upang naipaliliwanag natin sa mga tao kung ano nga ba ang pinangmulan nito.
"TARA MAKI CHISMIS TAYO"
What is Tsismis?
Tsismis is a Spanish term chimes, translated into a Filipino as chismis or tsismis that means Gossip or rumor.
Ano ba ang Punto De Vista ng Tsismis?
Ang chime o tsismis ay mga salita o pangungusap na binibitawan ng mga tao laban sa buhay ng ibang tao ito ay kadalasan na nasa negatibong aspekto.
Sa karaniwang diskurso ito ay pagbabaginan lamang ng mga kuro-kuro at mga impormasyong inilalatag ng isang tao na ang katotohanan ay hindi tiyak.
May mga iilang magsasabi na ang ganitong gawain ay tawag lamang ng pagkakroon ng insecurity ng isang tao sa kanyang kapwa sa kadahilang gusto niyang ibaba ang tao sa parang kaya niya, at itaas naman ang kanyang sarili sa iba.
Sumisibol rito ang negatibong kaugalian ng mga tao ang pagkakaroon ng "UTAK TALANGKA" kung tawagin ng marami sa atin ito ay panghihila pababa ng mga tao kapag nakikita nilang lumalamang o umaagat na sa buhay ang kanilang kapwa.
Ang ilan naman ay sinasabing libangan o pampalipas oras lamang ito ng mga taong walang trabaho at nasanay sa ganitong gawain makikita mo agad sila sa daanan umaga palang ay nagtitipon-tipon na at pinagsasaluhan na ang mga salita laban sa kanilang kapwa.
Chismoso at Chismosa
Ang tawag sa mga taong nahihilig o sangkot sa ganitong gawain, sila ay tinagurian ding "News Caster" sa katagalugan at "Radyo baktas" naman sa mga Waray. Sila ang mga taong ang nais lamang ay umangat at maging malinis sa mata ng iba.
IS CHIMES A CRIME?
YES! it is, a gossip is a crime. Kapag ang tao ay siniraan o binabaan ng dignidad ng ibang tao.
Article 358. Slander. — Oral defamation shall be punished by arresto mayor in its maximum period to prision correccional in its minimum period if it is of a serious and insulting nature; otherwise the penalty shall be arresto menor or a fine not exceeding 200.
retrieved:
End thought
We should be mindful of our action, because language is powerful"NO TO GOSSIP YES TO PEACE OF MIND".
Here's a poem originally written by yours truly
HISTORYADOR
Minsan pa'y napadaan si Ace sa isang kanto
iyon kasi ang daan patungo sa kanilang munting kubo
malayo palang namataan na niya
ang mga kumare ng kanyang Ina
pinangungunahan lagi ito ni Aleng Maria
lagi niyang kasama ang kanyang mga ka tropa
Ito ang madalas gawain ng mga kababaihan dito
inaalmusal ang buhay ng ibang tao
Malayo palang ramdam niyang
may ibig sabihin ang kanilang matatalim na titig,
ang pagbuka ng kanilang bibig.
Nang makalapit na siya'y
biglang nag-iba ang pakikisalamuha
kita niya ang saya sa kanilang mukha,
ang mga ngiting ipinapakita
Nariyan pang tinawag ang kanyang pangalan at kinumusta
sumagot siya ng may respeto ngunit ramdam niya ang pangamba
hindi niya maipaliwanag kung bakit sobra naman yata ang kaba
Nagpahayag siya ng paalam,
dali-dali niyang pinadyak ang kanyang mga paa
upang mabilis na mawala sa paningin nila
ngunit, limang padyak pa lamang ang kanyang nagagawa
narinig niya galing sa kanila ang mga salitang:
mga mare ramdam n'yo ba, ay kay hinhin ng anak ni kumare,
magaslaw gumalaw, balita ko 'di pa nag kakaroon ng kasintahan 'yan
Napatigil si Ace sa kanyang lakad
humanap ng mapagkukubliang lugar
malapit sa kinaroronan ng mga historyador
upang marinig ang mahiwagang usapan
Nagpatuloy ang mahiwagang usapan
ng mga mababait na historyador sa kanilang bayan
Ay, darna si ateng
mahilig din sumubo ng mansanas ni Adan,
balita ko nga'y maarte raw sa katawan
bumibili ng pampakinis ng balat
baka sa susunod niyan magpagawa pa ng bilat
Hoy' balita pa yata'y nagpapalaki ng bundok
may tinataling kung ano ang ugok,
'yong isang tumpok ng talong
para di raw kumawala ay kinukulong
Nako kumareng Marites, bata palang daw 'yan
kumekendeng na ang baywang
naglalagay ng mga kolorete sa katawan
rumarampa-rampa pa raw sa daan
Salot sa lipunan, ito nanaman
ang makapangyarihang salita sa bibig ni Aleng Marga
pagdating sa mga taong taliwas sa
pamantayan ng lipunan
Tigas ng ulo ng mga iyan,
wika naman ni Aleng Goyang
sinabing magpakabarako
aba'y gustong ang ka'y Adan ang isubo
Itong anak ni kumareng Pudadang
dagdag pa ni aleng Danday
Ayaw pa kasing magpakalalaki
mas inuna pa ang suso sa pagpapalaki
Nako Kumareng Danday,
mas inuuna ang kagustuhan
at tawag ng laman
ng mga salot na iyan
Nalintikan na! alam na alam nila ang buong istorya
mayroon pang kasukdulan sa bawat kabanata,
ani Ace na wala manlang magawa
kundi damhin ang masasakit na salita
Maya-maya pa'y
lumabas na si Ace sa kanyang kinukublian
lumapit sa mga historyador ng bayan
P*ky* with respect,
paunang salita.
Ako ay taong may pangarap hindi ako sumasabay sa uso ng lipunan
wala ako sa nakikita n'yo sa ibang kalalakihan
at wag n'yong hanapin ang di ko maibigay sa inyong kasiyahan
Mahal ko ang aking katawan kaya ko'to inalagaan
ayoko pang magkaroon ng kasintahan dahil iba ang aking pinaglalaanan
hindi katulad n'yo na pa upo-upo lang
at puro galit at paninira ang nasa puso't isipan
Siya nga pala bago ako lumisan
may isang pabor akong iiwan
sa mga susunod na pagkakataon
sakaling balakin kong gumawa ng talambuhay
maaari bang kayo na ang sumulat ng nilalaman nito
para alam n'yo kong gaano ito kakulay
Yours Truly
--Sirpogs
references:
https://unsplash.com/s/photos/gossip
https://www.istockphoto.com/search/2/image?phrase=gossip
To all my reader and silent supporter thank you so much po. I know i didn't know you personally but God sees your good deeds. I am so grateful to have you here in noise.cash.❤️God bless your kind heart.
Never ko papangarapinv maging chismosa HAHAAHAHAH