Hindi lang sa itsura nasusukat ang kagandahan, alam na nating lahat yan pero minsan hindi pa rin natin maiwasang magbigay ng puna na para bang ipinanganak tayong perpekto sa mundo. Bumabase sa anyo at nanghuhusga agad. Inaamin ko namang ganyan din ako, "minsan" pero kahit minsan pa yan, yang minsan na yan kapag nakarating sa kinauukulan, I mean doon sa taong iyong pinatutungkulan tapos ang sama ng dating at naapektuhan ang kanyang "thinking" that may lead to suicide, sino ngayon sa inyo ang may panget na "anyo"?
Yong kaakit-akit ka nga na tao, pero ang ugali mo nama'y pinagsamang Evil at Demon . Kay ganda mong tunay ginagastusan mo pa ang sarili para lalo kang gumanda okay lang kahit umabot sa 4 million ang gastos. Ginagamot ang dapat gamutin para mapanitili ang angking karikitan. Pero kamusta kaya ang ugali mo? Nagamot mo naba yang pagiging mapang husga mo? Naturukan naba ng pampatikom ng bibig iyang labi mo na kay sasakit ng mga salitang minumutawi, napaka tabil ng iyong dila kamusta naman kaya ang iyong buhay?
Puna tayo ng puna sa iba, ee yang sarili mo kaya? Nahusgahan mo naba? Madali sa atin ang mag bitaw ng masasakit na salita without thinking the consequences. Pati yang sarili mo hindi mo muna echeck baka mas panget ka pala, hindi man sa mukha pero sa kaloob looban ng katawan mo, hindi sa atay at balunan kundi yang diyan puso mo. Inuuna ang pagiging "Judger" yong hugasan mo nakatambak pa pala iniipis na, aba'y tapusi muna ang gawain bago ka sumabak sa "Judging" asali pa kita sa pa pageant, gawin kitang judge pag natapos hugasan mo.
Salita lang yan, pero kayang humiwa ng pagkatao. Hindi ginamitan ng patalim pero ung talim ng salita yon ang masakit. Walang dugong dumanak pero ang luha ga-river. Ginagamit lang ang mata para manilip sa abs ni Oppa hindi para gamitin sa pagiging mapang husga mo, natin. Yung mata na kung maka tingin ee parang tae ang tinitingnan, ni hindi na ma edrawing ang mukha sa pagka gusumot na mukhang aduwang aduwa. Yang mga ganyang tingin, yan yung tingin na mapanakit. Masakit pa sa naiwan ng jowa na hindi naman nag eexist, huh? Yung, matatalim na tingin, na kapag hindi ka pa umalis sa harapan nya sa loob ng isang segundo sisigaw na sya ng "Guardddd close the gate, pronto"
Kung ikaw ay maganda na'y marikit pa, sana din ang ugali mo ay kapantay ng ganda mo. Hindi yong kay ganda mo nga pero ang ugali mo naman dinaig pa sa pagka dimunyo ni Evil Mother, aba'y inagawan mo na ng korona ee, wala kang patawad. Fictional Character na nga lang inagawan mo pa ng papel, aba'y maawa ka wala kang modo. Ang pagiging maganda ay hindi lang sa pang labas na anyo makikita, ito ay pwede din sa ugali, sa ugali at sa ugali. Alam naman na natin to pero minsan talaga nalilimutan natin ano? Isa na ako diyan, diko maiwasan ee lalo na pag nakita ko jowa ni ex-Crush 🙄, talagang nilalait ko mula ulo hanggang semento. Pero sa isip ko lang naman, alangang isigaw ko sa harapan niya yun ee di pahiya ako. Baka isipin naloloka na ako, pero hindi naman siya magkakamali if ever yon ang maisip niya. Ako'y talagang lokang loka na sa kaniya, iniibig ko na ata siya, naloko na.
Nasipagan akong mag sulat ngayon. I am so happy right now that I can't stop myself from smiling, labas ang gums. I have a goal to reach so I need to be active. Anyway, I hope my fellow Pilipino's read this article, an I hope you can enjoy it. I write just whatever with a little bit of "kalokohan" but off course mas lamang ang seryosniss.
Feel free to judge my writings so that I can improve it pa. Opinyon, kuro-kuro or haka-haka is very much appreciated. Thank you and Happy Friday Y'all.
Image Souces:
FIND ME!!!
Nagiging judgmental din po ako. Hindi maiwasan hahaha. Pero pilit iniiwasan. Bago lang ako sa site, pahingi pong idea. Hahaha