read.cash Log in
@Reysky

@Reysky in December 2021

@Reysky

Chopsuey and Fried Chicken Lunch time na. At dahil sinipag ako magluto chopsuey at Fried chicken ang naisipan kung lutuin. Gusto ko kasi ng gulay kaya kahit may kamahalan ang sangkap sige lang makakain lang ng gulay. Chicken for my kids naman kSi di naman sila kakain ng gulay kung walang fried chicken. Pero panganay ko request niya ang chopsuey. Sarap daw kasi kapag ako ang nagluto. Hahaha! Pagbigyan kasi bagong vaccine eh. Haha Tara lets eat!

@Reysky

Meryemda time! Ito talaga yun gusto ko na pizza. Maraming cheese tapos crunchy yun tinapay. Sarap! Di nakakaumay kainin. Kapag kumakain kami ng panganay ko, tig apat kami. Kami dalawa lng ang naubos. Haha! Mahilig din kasi sa pizza ang panganay ko, parehas kami! Meryeda tayo mga frenny! Magandang hapon sa lahat.

@Reysky

Tapos na ako mag dinner, sinubuan ko nalang ang bunso ko para mabilis matapos. Kapag siya lang kumain mag isa. Aabutin kami ng 2 hours tapos puro ulam pa kinain. Yun kanin matitira. Continuation pa ako sa pagtitiklop ng damit namin. Yun maliliit nalang di ko natitiklop kasi sa totoo lang yun kasi ang pinaka nakakaantok tiklupin kaliliit kasi. Konti nalang mauubos at makakapag hugas na din ng pinggan. Salamat nga pala sa mga generous giver jan na walang sawa mamahagi ng…

@Reysky

Kamusta kaya ang babayaran kung bill ngayon. Parehas na silang gumagamit. Parehas na sila nag oonline class. Haha.. Hindi na sila mag aagawan kasi panganay ko nagamit ng cp dati ngayon hindi na siya mahihirapan magsagot ng module. Katatapos lanh din kumain, tapos na din mag hugas at magsampay. Naglaba na din ako kanina kaya now lang nakapagparamdam sa noise. Papahinga muna ako para makakuha ulit ng lakas. Dahil mamaya ang kwarto naman namin ang lilinisin ko. Gandang hapon sa…

@Reysky

Tamang meryenda muna ako ng bananaque habang pinanonood anak ko na naglakati ng slime. Sabi niya gagawa daw siya pizza kaya yan puro bilog ang gawa niya. Yung bananaque ng kumare ko ang sarap. Ganito yun gusto kong luto na bananaque yun hindi tunaw ang sugar. Yung pagkagat mo yung sugar niya may pagka crunchy, sa iba kasi na banana que basa yun banana kaya di ko trip kainin. Pero ito masasabing kong da best. Haha.. tara mereyenda tayo.!

@Reysky

Hindi ko talaga matiis na hindi maibili ang baby ko nyan. Minsan ko lang naman maipasok sa ministop at hinayaan ko na lang kung ano gusto niya. Gusto ko sana ang kunin niya at biskwit ngunit yan ang dinampot niya. Napakahilig talaga sa kendinat chocolate. Nahawa kasi sa ate niya. Ang papa naman nila kung ano gusto sige bili kaya yan. Di ko na naagapan. Sa bagay minsan lang naman kaya pagbigyan na.

@Reysky

Ang lamig ng simoy ng hangin. Pasok na pasok dito sa kwarto namin ang malamig ng sumoy ng hangin. Para akong nakaaircon no need na ang electricpan. Mukang mapapa aga na naman ang tulog ko nento. Kagabi kasi napaga aga ang tulog ko dahil sa lamig. Ramdam na talaga ang hangin amihan. Sana tuwing gabi ganito kalamig para masarap ang tulog. At syempre masarap din ang may kayakap sa gabi. Ako ang kayakal ko ang bunso ko. Panggabi kasu si mister ngayon. Hehe

@Reysky

Maaga natulog pero tanghali na nagising! Wala kasing online klass ang anak ko kaya tuloy ang pagtulog. Tirik na ang araw pero ang lamig pa din sa kwarto. Wala na akong ginamit na fan kasi babaluktot lang kami kapag nag fan pa sa sobrang lamig. Nakakatamad pang tumayo at mag almusal ninanamnam ko pa ang higaan ko. Tapos basa basa lang ng mga naka post dito. Isip isip din ng maalmusal, gusto ko sana champorado pero pag ganitong oras ubos na yun. Kaya kape nalang muna at…

@Reysky

Laing and spam ng Korean Try ko lang ang spam ng korean kung masarap ba o hindi. Pero yun amoy niya spam na spam ang bango bango. Tapos yun laing binili ko sa kapit bahay. Wala kasi ako sa mood magluto at lumabas ng bahay. Iba talaga ang pakiramdam kapag tanghali ginising tatamarin na buong maghapon haha. Ang nagawa ko lang maglinis ng bahay dahil sinabog pala kagabi ang mga laruan di ko alam dahil maaga ako umakyat sa kwarto. Tara mga kaibigan kain tayo.!

@Reysky

Dumating na yun order kong bag sa shoppee. Mura lang naman sila. Pang reregalo ko sa xmas. Kaso iniisip ko kung sinu pag bibigyan ko. 4 pcs palang nabibili ko yun isa wallet tapos itong picture na yan sabi ng bunso ko kanya nalang daw. Kaya sige bigay ko na. Nilagyan na niya ng mga laruan niya na maliliit haha. Kapag may kinita pa ako. Bbili ulit ako para sa pasko hindi ako mangangapa. Hehe..

@Reysky

Good evening! Lakas ng hangin sa labas. Kailangan ng mag jacket dahil malamig ang hangin sa labas. Paniguradong maaga na naman akong nakakatulog nito. Hapunan na pero wala pa din kaming ulam. Hindi kasi maganda ang mood ko ngayon. Ewan ko ba! Magbukas nalang muna kami ng delata. Ayaw ko kasi magluto ng wala sa loob ko dahil baka iba ang kalabasan. Gusto ko kasi kapag nagluluto ako nasa puso ko at yun may pagmamahal para alam kung mabubusog ko ang mga anak ko. Im sure naman…

@Reysky

Hanggan kelan kaya maglalagas ang buhok ko. Feeling ko nakakalbo na ako sa dami ng buhok na nalalagas sakin. Ipusod ko o hindi nalalagas pa din buhok ko. Di ko ba pinicturan kung gaano kadami kasi kapag nag susuklay ako sa labas kasi kapag sa loob ng bahay kakalat lang. Lalo na pag naliligo ako, grabe dami ang lagas. Mas nasstress ako sa lagas ng buhok ko kesa sa pang araw araw na kakainin namin. Ano kaya nangyayare bakit kaya. Halos isang buwan ng naglalagas ang buhok mo.…

@Reysky

Grabe taas ng bilihin ngayon. Lalo na ang sibuyas. Nakakataas dumin ng dugo haha. Hindu ka naman pwedeng hindi bumili dahil kailangan sa rekado. Bumaba naman ang mga gasolina pero ang bilihin patuloy ang pagtaas. Sana pati sweldo ng manggagawa tumataas din hindi yun bilihin lang. Habang nagbibike ako nakita ko na nabundol ng naka motor ang matandang babae buti hindi ganun katindi ang nangyare kaso nagasgas ang muka ng matandang babae. Hindi naman kasi hiway yun kalsada dito…

@Reysky

Gusto kong mag thank you sa mga kanoise natin na kahit wala akong maibigay na kapalit pero patuloy pa din sinusuportahan ang akin mga post dito. Naway hindi kayo magsawa sa mga kwento ng buhay ko. Nagluluto nga pala ako ng sinigang na manok. Request naman ito ni jowa. Gusto daw niya ng may sabaw. Gusto ko sana tinola kaso hindi naman siya nakain, wala daw kasing lasa ang tinola kaya di niya trip. Pero ang bunso ko favorite niya ang tinola sayote lang ulam na sa kanya. May…

@Reysky

Grabe binaba ng bch ngayon. Sarap bumili. Kaso nun bumili ako 27 pa. Sayang! Pero ok lang makakapag intay pa naman ako hanggan sa tumaas siya. Sa gustong bumili hanggat mababa pa, bili na! Nakapag lunch na kami kanina kaya pahinga muna ngayon. Napasilip ako sa coins ko. At ayan nga ang nakita ko. Hahaha.. hindi ko pa namn kailangan kaya hold muna ako. Alam kong tataas pa siya.

@Reysky

Ito yun wallet na nabili ko sa shoppee 39 pesos lang. Maganda at malambot. Sana lang may mailagay ako sa kanya kasi kapag sweldo ni jowa derecho sa bills sa kuryente tubig at net. Tapos pambili pa ng foods, dadaan lang siya sa palad ko hahaa. Minsan nga kulang pa kaya paluwal pa ako. Pero ok lang mahalaga mailalagay ko dito ang id ko. Hindi yun pakalat kalat lang sa bag. Importante may maayos na silang lagayan.

@Reysky

Magkakape muna habang hinahantay ang gasul. Grabe na din pala itinaas ng gasul ngayon dating 680 ngayon 820. Nakakadismaya na ang mga presyo sa merkado. Sana katulad din sila ni bch bumababa hindi yun laging mataas. Kasi sakit sa ulo ang sakit pa sa bulsa. Haha

@Reysky

Ang sarap tumambay sa labas. Feel na feel ko yun lamig ng hangin. Tapos nakasando pa ako. Kaya ito namamaluktot sa lamig hahaha. Sinasamantala ko na ang panahon habang malamig pa. Kasi pag datin ng march mainit na naman ang panahon. Kaya ito kahit nakasando keri lang basta maramdaman lang ang lamig ng simoy ng hangin. Damo din tao sa labas. Mga nagpapahangin din. Dati kasi kapag ganitong oras nasa loob na ng bahay. Ngayon aba ang dami atang tambay. Feel n feel din nila ang…

@Reysky

Good night noisemate. Nag papaantok na ang bunso ko kasi nanahimik na siyang nanonood ng youtube. Ako naman tamang basa muna dito sa noise. Kahit gusto kong mag share ang prblema biglang bumaba si bch. Wala naman akong efti na maishashare sa inyo. Hindi na siguro ako magkakaroon ng efti kasi laging narereport ang account ko. Ewan ko ba. Pinalitan ko na nga ganun pa din. Haha.. nakakasawa na din naman magpapalit palit. Kaya ok lang hayaan nalang. Good night sa inyo sana bukas…

@Reysky

Good morning! Grabe sama ng panaginip ko. Pumutok daw ang bulkan. Di ki lang malaan kung sinu sa dalawa, kung si taal o si pinatubo. Grabe kasi yung pagputok niya sa panaginip ko yung tipong naghahagis siya ng malalaking bato. Ang nakakatuwa kapag nabagsak yun bato na malalaki madali kong naiilagan. Nakakatakbo ako ng matulin. Buti nalang sa panaginip ko malayo ang mga anak ko na nag aantay sa akin. Hanggan sa pumunta kami sa evacuation. Wala kaminh dalang gamit kundi ang…

@Reysky

Kahit kailan ang Maynilad wala sa ayos. Mag aabiso kung kailan wala ng tubig. Buti nalang hindi ako naglaba ngayon. Kundi uusok tenga ko sa inis sa Maynilad. Ang mga hugasin ko tambak na. Tapos isang timba lang ang naipon ko. San aabot yun. Hays! maynilad kelan ka kaya magbabago..

@Reysky

Pangarap ko makapunta jan sa lugar na yan. Yun maraming snow! Photo taken yan ng bilas ko na nasa alaska sobrang lamig daw dun. At ang mga pamangkin ng asawa ko lagi naglalaro sa snow. Lalo na kapag naulan ng snow. Sarap siguro maglaro noh! Sana maging ok na ang lahat para kung mauna man ang asawa ko at dalawang anak atlist naexperience nila snow. Kaso dahil sa pandemic naudlot lahat. Hindi pala naudlot tumagal lang dahil walang tao sa usem para mag interview. Hays! Sana…

@Reysky

Bukas pa kami makakaligo. Bukas pa ng umaga magkakaroon ng tubig. Mga hugasin ko di ko mahugasan. Saba man lang may tangke ng tubig na pumunta ngayon para kahit papaano makapag hugas man lang ng plato at may pabuhos sa cr. Buti nalang malamig ang panahon hindi kami pinagpapawisan. May bagong pusang ligaw na naman dito sa amin. Dalawa sila un isa nag tatago. Un isa maamo. Dito ata nila tinatapon sa akin ang mga pusa dahil nagpapakain ako ng mga ligaw. Ok lang naman sa akin…

@Reysky

Dumayo pa kami ng subdivisin para lang makaigib ng tubig. Nawala na kasu ang mga poso dito simula nun nagkaroon ng maynilad dito. Laking perwisyo ang ginawa ng maynilad. Mag aabiso kung kailan wala ng dumadaloy na tubig. Buti nalang sa kabilang subdivision di pa sila sakop ng maynilad kaya nakaigib kami. May tangke din naman dito kaso di na nila pinapagana dahil pangit na ang tubig na nalabas sa gripo. Ngayon palang kami makakain dahil nag igib pa kami ng asawa ko. 6 na…

@Reysky

Happy ang bata na naglalaro sa playground kanina. Buti konti lang ang bata sa playground minsan kasi kapag marami hindi siya makaakyat jan. Pero sympre sinasamahan ko baka kasi mahulog. May mga siso din jan kaso mas trip niya jan. Mag goodnight na din ako dahil antok na din ako. Maaga kasi ako nagising kanina tapos hindi pa naka idlip ng tanghali dahil dumating ang kalaro ng anak ko. Ayun sabog ang bahay kalat doon kalat dito. Ok lang yun kesa sa lbas maglaro dito nalang sa…

@Reysky

Ang aga aga may nagsusuntukan sa tapat ng bahay namin. Dahil sa pasehero na di umanoy binastos daw. Ayun nagkainitan at nagsuntukan. May mga umawat na kaso ayaw nila mag paawat. Kailangan pang may barangay na dumating para kumalma sila. Buti nalang tulog pa mga anak ko kasi ayaw ko na may nakikita silang ganyan. Baka matrauma o gayahin nila. Minsan kapag dinaan sa init ng ulo ang usapan walang patutunguhan. Kundi away ang kalalabasan. Good morning sa inyong lahat.

@Reysky

Laba laba muna ang inyong lingkod. Wala na kasing susuotin ang mister ko. Kahapon kasi nawalan ng tubig kaya di ako naglaba. Habang naikot ang washing linis linis muna bahay habang tulog pa mga anak ko. Wala kasing teacher ang anak ko ngayon dahil may importante daw siya na lakad. Pero may iniwan naman siyang gawain para kahit wala siya may gagawin ang studyante niya. Nga lang ang anak ko natulog ulit nun nalaman wala silang google meet. Sabi sa akin mamayang hapon nalang…

@Reysky

Pagnakikita ko ang larawan ng tatay ko, bigla nalang pumapatak ang luha ko. Sobrang miss ko na kasi siya. Miss ko na yung mga kwento niya. Miss ko na yun kung paano siya mag alala sa akin kahit may pamilya na ako. Miss ko na yun kapag nagkkwento ako nakikinig siya sa akin. Miss ko ang lahat sa sa tatay ko. Kaya sa may mga tatay at nanay pa jan. Mahalin nyo sila. Kahit ano pang masakit na masabi nila sau. Hindi para sa kanila un. Para sa inyo din. Dahil gusto nila na maging…

@Reysky

Magandang hapon! Tamang tambay ulit sa labas. Napapaisip kasi ako aa binili ng asawa ko na sofa kung napa mura ba o hindi. Hindi ko kasi nakita yun item bago nabayaran. Nakita ko nalang bayad na. Maganda naman yun sofa kaso kulang ng lamesa na maliit kasi kapag may sofa may kasamang mesa na maliit. Kaya napapaisip ako king mura ba o mahal ang pagkakabili niya. Di kasi nagtatanong sa akin bago bayaran. Hays!!!

@Reysky

Wala na talagang katapusan sa pagkakalat kapag nasa loob ng bahay bebe ko. Kumakain na naman choclate. Binigyan kasi ng kapit bahay namin ng isang plaatic na chocolate at malamng to ubusin niya din kaagad. Di pa naman nagtitira to gusti nito ubos kong ubos. Tinutulungan ko nalang kasi baka hindi makatulog sa gabi dahil mahyper na naman ito. Dinner na tayo guys adobong adidas ang amin ulam. Nilagyan ko ng laman kasi mga anak ko di nakain ng adidas. Ako lang ang punapak pati…

@Reysky

Pang himagas namin ngayon ang lecheplan nabili ko siya sa halagang 3 isangdaan. Para sa akin mura na. Bukod sa mura yun lasa taga namn hindi nabago. Masarap at babalik balikan mo. Tuwing saturday sunday lang siya nagtitinda kasi may work din siya. Kung baga sidine ang pagtitinda ng lecheplan.

@Reysky

Good night noise mate! Sana mag enjoy kau sa bagong update ni noise. Nag try ako at effective naman. Nabawasan ang laman ng wallet ko. Pero ok lang wala naman masama kung susubukan mo. Pwede mo naman iset ulit sa zero kung ayaw mo mag share. Ganun lang kasimple. At dahil wala naman aking natatanggap na ft sa wallet talaga ako nahugot. Nitong bumaba lang bch di ako makapag share halos wala na din natira sa akin. Haha.. Good night and sweet dream mga kanoise. I love you all!

@Reysky

4th death anniversary ng tatay ko ngayon. Kaya pala nun nanaginip ako nun sumabog ang bulkan bigla ko siyang nakita dun. Siya yun nagbantay sa mga anak ko. At tanging communication namin kung ligtas ba kami ay mga cp. Kasi nagtxt siya sa akin at sinabi niya yun location nila, kaya dali dali ko sila pinuntahan. Nun nakita ko tatay ko sa panaginip ko dun ako nagising. Siguro yun ang way niya para gisingin ako sa masamang panaginip. Hanggan ngayon inaalala niya pa din ako. Miss…

@Reysky

Natuwa lang ako sa b na kapag nag heart ka lumalaki yun B. Haha.. nagtry ako mag set sa bagong update. Since wala naman akong ft at mahilig akong pumuso ayan nag set ako. Para naman kung mag magustuhan ako at napusuan atlist may value diba. Ok lang kahit mabawas sa wallet atlist naligyahan ako sa post na pusuan ko. Yun ang importante.

@Reysky

Happy silang naglalaro sa playpen nh pinsan nila. Tuwang tuwa din si baby isla sa mga kalaro niya. Nakapasyal na din sa wakas sa bahay ng nanay ko. Bihira lang kasi ako makapunta dito. Iniisip ko kasi yun pamasahe, mahal! Kahit magkalapit baryo lang pero ang pamasahe mahal pa din. 2 sakay kasi kami isang jeep at isang trike. Sa jeep tumaas na din ang pamasahe hindi ko naman sila makakandong. Sa trike mas mabigat ang pamasahem kaya uubos ako ng balika ng 300. Malaking bagay…

@Reysky

Sarap tumambay dito sa sementeryo kung saan nakalibing ang tatay ko. Ang lamig dito. Sobrang mahangin. Ang saya namin pamilya na kukwentimuhan ang nagbabatuhan ng joke. Yung mga anak ko tamang takbo lang kasi kami lang ang tao sa sementeryo. Mabuti hindi umiyak ang bunso ko. Kasi huling punta namin dito kung ano ano tinuturo at gusto na agad umuwi ng bahay. Buti kanina hindi, naenjoy niya ng husto doon. Di na din akong maghahapunan at madami akong nakain dun. Yung ibang…

@Reysky

Good night mga repa! Mejo pagod ako ang inyon repa kaya naman talagang gusto ko ng ipikit ang aking mata. Inayos ko muna ang bahay namin bago ako umakyat kasi yung mag ama ko di talaga maasahan sa gawain bahay. Abay kumain hindi pa hinugasan ang pinagkainan. Inantay pa talaga ako. Kaya ayun nakatikim ang panganay ko ng ratatat ko. Hahaha.. nakaka hb eh.. yun ng saya mong umuwi tapos pag uwi ng bahay bigla akong mabubusit. Umalis akong walang hugasin at maayos ang bahay tapos…

@Reysky

Good morning! Natuwa naman ako na namulaklak ulit sila. Akala di na sila mamumulaklak kasi akala ko namatay na sila. Ngayon ko lang sila napansin at napangiti ako nun nakita silang namulaklak. Kakatuwa talaga kapag ang inaalagaan mo ay nagpapakita ng ganda. Nakakawala ng pagod. Pero mga 3 days lang sila ganyan tapos mawawanla na din pero ok lang yun akala mong wala ng pag asa gugulatin ka nalang.

@Reysky

Ito yun nabili ko sa shoppee na solar xmas light. Kahit magdamag naka open tipid sa kuryente kasi tapat mo lang sa araw para makarecharge ay sa gabi iilaw na siya ng bongga. Sa buong buhay ko ngayon lang ako maglalagay ng xmas light sa tapat ng bahay. Next naman xmas tree.

@Reysky

Nailagay ko na yun xmas light sa nga plants ko, yun isa sa may bintana namin. Kahit magdamag silang bukas ok lang kasi solar naman sila. Buti nalang may nakainvento ng solar kundi mabigat ang bayaan nito sa kuryente. Balak ko din bumili ng solar light para naman sa tapat ng bahay kasi madilim kasi dito kapag gabi walang naka lagay na street light. Ewan ko ba, sa amin lang ang napagkaitan. Haha..

@Reysky

Iba talaga ang dala ng kape sa buhay ko. Yung bawal na pero patuloy mo pa din hinihigop lalo na mainit. Kahit na papaso ka na patuloy pa din sa paghigop hanggan sa mainit ang sukmura na parang nakakaginhawa ng pakiramdam. Flex ko face ko puro anak ko nalang kasi ang na feflex ko. Try ko naman ang face ko haha..good morning guys!

@Reysky

Dahil nag titipid ako. Ang sub muna sa petchay ay malunggay. Parehas naman ang bitamina na makukuha dito parehas din naman dahon kaya ito ang naisipan ko. Marami din kasi sa bakuran ng kapit bahay namin at free naman akong nakakakuha dito.magkano din ang petchay diba!. Ito ang ilalagay ko sa potchero na niluluto ko. Noon pa man ito na nilalagay ko. Kahit my petchay nilalagyan ko pa din ng malunggay. Iba kasi ang bitamina binigay ng malunggay. Nasa kanya na ata lahat ayun sa…

@Reysky

Tulog ang princess ko, pati ako napaidlip din. Nakakantok kasi ang hangin na dumadaan aa bintana ko. kahit hindi ka na mag fan ok lang kasi malamig ang hangin. Sino hindi aantukin kung ganito ang panahon. Meryenda na pero parang busog pa din ako. Maghahanap ako sa ref na makukukot kasi may uwi ako nun nagpunta ako sa nanay ko. Tara na bangon na! Hahaha

@Reysky

Ayan ang nahalungkat ko sa amin ref. Isang pizza at konting spagetti. Pwede na yan sa kumakalam na sikmura ko. Buti may natira pa! Minsan kasi ang panganay ko kapag ginutom sa gabi naghahalungkat din para kumain. Sigro di niya trip mag init kaya di niya kinain haha..

@Reysky

Flex ko lang ang asong nahiram ko si Sam Sam. Namiss ko ito. Matagal tagal din kami di nagkita. Buti sinipag ako maglakad lakad kaya hiniram ko muna at ipinasyal dito sa amin. Tuwang tuwa nun makita kami. Nakilag laro siya sa amin. Tapos nun nakita kong pagod ba siya isinauli ko na. Kusa naman siyang pumasok sa bahay nila mukang nag bye bye din sa amin. Sarap mag alaga ng aso na ganito un hindi na nalaki. Hehe

@Reysky

Flex ko lang si olap sa likod ko. Kaya pala malamig ang panahon kasi dinalaw tayo ni olap. Ginamitan tayo ng mahika para makaranas tayo na mala aircon na lugar. Haha Favorite ko yan ng bunso ko si olap. Meron din siyang toys na olap kaso binalot ko muna at di na siya magmumukang olap. Nagiging otim na hahaha..

@Reysky

Gagawa ako ng shanghai! Nag crave kasi ako. Ang tagal ko na din hindi nakakain ng shanghai. Kahit sa handaan na napuntahan ko walang shanghai. Matrabaho kasing gawin. Pero dahil gusto kong kumain, kahit matrabaho, gagawin ko pa din basta makakain lang ng shanghai haha..

@Reysky

Sa wakas , natapos din mag balot ng shanghai. Its time to cook na.. yehey! Makakain na ulit ng shanghai. Haha. Ito na din ang ulam ko. Nakagawa ako ng 45 pcs. Mga ilang araw ko din ulam ito. Hahaha Niluluto ko na din sa mahinang apoy baka kasi masunog sayang din yan haha

@Reysky

Kakauwi lang galing Imus. Para na naman akong inosente palinga linga, syempre ang dami kasing makikita. Kung may pera lang ako baka nakabili ako ng gusto ko. Kaso wala eh, uunahin ko muna foods ng mga anak ko kesa sa needs ko. Pero bumili ako ng lalagyanan ng kutsra at baso kasi sobrang luma na ng lalagyanan ko. Di ko pa ata pinapanganak ang pangalawa ko yun na ang gamit kaya this time naisipan kong bumili. Yun lang ang nabili sa halagang 90 na un dalawa. Ok na yun, di ko…

@Reysky

Good night na. Di ko namalayan na 11 pm na pala. Meron kasi akong ginawa sa computer nag check ako ng mga module ng anak ko kung tama ba ang ginawa. Kasi magpapasahan na bukas. Ok naman lahat. Ang totoo nawili akong manood sa computer ng mga movie sa youtube, try lang ako kasi sila nalang nagamit palagi. Tulog na ako bukas ulit. Salamat sa mga mapagbigay natin kaibigan jan. Sana di kau mag sawa. God bless all!

@Reysky

Magandang umaga mga kaibigan! Wala akong maisip na maipost ngayon. Blanko utak ko. Pero flex ko na din ang mga niluluto ko, chopsuey at Fried chicken. Grabe na kamahal any chicken ngayon lumilipad sa mahal. Ayaw ko naman kasi ng pork kapag isda naman kikulangin sa amin. Ito kasing niluto ko pang hanggan hapunan na para tipid sa gas. Ang gas ngayon mahal na din. Lahat na mahal. Sana lahat minamahal char! Hahaha

@Reysky

Gara naman ng panahon! Makulimlim yun sinamapay ko na pantalon need niya matuyo ngayon dahil wala ng susuotin si jowa. Yare ako pag hindi natuyo ito. Gusto ko matulog pero di dalawin ng antok. Iniisip ko kasi baka bigla din umulan ang mga sinampay ko nasa labas. Baka makatulog ako at biglang umulan mabasa lalo ang sinampay ko lalong walang magagamit si jowa haha.. Merienda time na ano ang merienda nyo? Ako wala! Haha wala sa mood kumain haha..

@Reysky

Di na kinaya ng kimakalam na sikmura ko ang gutom kaya dali dali akong nag bike at bumili ng empanada at ube bar. Sarap ng empana mainit init pa. Una ngang naaubos ang empanada kasi pati panganay ko nasarapan din. Natuwa naman ako sa bill namin sa tubig kasi bumaba ng 100. Paano ba naman hindi baba eh laging pinapatay ng Maynilad ang tubig. Mag rereklamo sana ako kung mataas pa din. Buti nalang hindi. Di ko na kailangan pumunta sa main. Ayaw na ayaw ko pa naman ang nabiyahe…

@Reysky

Ang cute ng husky na ito. Name niya nga pala ng husky ay si Yaso. Ang bait at cool lang siya. Kahit pisilin ko ang pisnge niya wala siyang palag. Magaling ang nag alaga sa kanya kasu kung ibang aso yan malamang sinakmal na anak ko. Kita nyo naman picture yapos yapos pa siya ng anak ko. Sana lahat ng aso na makikita namin ganyan kabait. Yun iba kasi nang dadamba at di malapitan. Buti nalang talaga mabait si Yaso. Hehe

@Reysky

Pagtapos namin kumain ng hapunan napansin ko na nakatulog na pala siya jan sa upuan na yan. Hilig niya talaga matulog king saan saan. Minsan dito sa ilalim ng mesa natutulog o kaya sa ilalim ng upuan. Pinalipat ko ng pwesto kasi baka sumakit ang paa niya kasi nakababa sa upuan ang paa niya. Baka mangimay. Hugas muna ako ng pinggan para makapag noise ng maayos.

@Reysky

Nakatapos na din sa lahat ng gawain, nakaligo na kaminh dalawa at ready na matulog. Pero malamang hindi aantukin ang katabi ko kasi nakatulog siya kanina sa upuan. Haha Ako naman di pa naman ako inaantok balak ko sana manood ng movie o di kaya manood ng mga nagvvlog o kaya makipag chikahan muna dito. Kulit ng katabi ko, palibhasa nakatulog kanjna. Walang ginawa kundi kulitin ako. Pero ok lang naman kasi yan ang way niya ng paglalambing.

@Reysky

Tinatamad ako pumunta ng palengke, nakaidlip kasi ako kanina. Need ko pa naman mag stock na panluto ng ulam. Dahil pang umaga na ang asawa ko. Mahirap mag hagilap ng lulutuin sa madaling araw kaya dapat ngayon palang makaisip na ako ng masstock ko. Ano nga kaya.. dalawin sana ako ng sipag. Haha

@Reysky

Ngayon lang ulit nakapag post, busy kasi kanina. Flex ko ang ulam namin adobo na may paa at ibang part ng manok. Nilagyan ko din ng egg kasi gusto nila may egg kapag adobo ulam. Naghiwa din ako ng pipino at sinamahan ng lettuce para kahit papano may gulay kaming kakainin mag asawa. Namamapak lang ako ng paa kasi ang sarap kasi. Sympre sinamahan ko ng pipino letuce. Hinay hinay muna ako sa pagkain at wala na talaga akong masuot. Di pa naman ako mahilig bumili ng damit haha..…

@Reysky

Akala ko matutuloy na kami gumala sa mall. Ayun sa pasko nalang daw kami lumaboy. Miss ko pa naman ang mall lalo na mga bata. Ang pangalawa kong anak tanong ng tanong kung tuloy, sabi ng mister ko hindi na daw at may gagawin daw siya. Kapag natapos daw punta nalang daw kami sa lugar na marming ilaw. Hays! Panigurado kapag ngpunta kami dun, uuwi agad kami dahil sa dami ng tao. Sabi ko di ako papabudol sa 12 12 ng shoppee ewan ko ba ang lakas ng hatak hahaha

@Reysky

Pumunta ako ng court para bantayan ang anak kong naglalaro sa play groud. Magkatabu lang kasi ang court at paay ground. Nakakatuwa din manood ng basketball nakaka miss ang mga paliga kung walang pandemic siguro may paliga na dito sa amin. Lalo na ngayon mag eelection mas madaling lumipat sa mga kandidato. Nakaka enjoy kasi ang manood ng basket ball lalo na kung may pustahan.

@Reysky

Tamang nood ng kmjs ngayon habang nag nonoise. Totoo kaya na na umiiyak siya ng dugo. Abangan kung ano ang totoo. Pero kung totoo man sana hindi sakit kasi kawawa naman ng baby mahirap kasi kapag ang baby ang may sakit.

@Reysky

Good morning! Tumawag nanay ko sa akin at pinapupunta niya ako. Dumating na kasi ang bagahe na pinadala ng ate ko. Meron daw mga damit ang mga anak ko. At meron akong noodles na favorite ko. Gusto ko ng pumunta pero may online class pa ang anak ko. Pag tapos nalang siguro ng online class saka kami pupunta dun. Im so excited sa noodles na yun masarap kasi yun eh. Hahaha

@Reysky

Ginisang toge at fried chicken na niluluto ko palang ang ulam namin for today. Dapat talaga di ako magluluto kasi nga aalis kami ng mga anak ko. Balak ko sana dun nalang sa nanay ko kumain kaso ang anak ko ayaw kumain dun. Ayaw niya ng luto ng iba. Gusto luto ko lang. Lalo na kapag kanin. Ubod arte! Wala daw kasi lasa ang luto don kaya eto nagluto nalang ako kesa sa hindi kumain ito dun. Ginisang toge ko amoy palang alam mong masarap na. Kahit di pa tikman. Hahaha Charoot…

@Reysky

Nakakatuwa naman ang anak ko, nun sinabi kong aalis kami agad niyan kinuha ang damit na yan at yan ang gusto niyan suotin. Mahilig kasi siya sa ganyan mga dress. Bigay nga pala yan ng tita ko 2 yan un isa nasuot na niya. Ayaw pa nga hubarin kasi feeling princess siya. At ngayon may mga bago na naman siyang damit galing ulit sa tita ko. May mga apo kasi siya na kasing laki ng anak ko at ang iba ay nakaliitan na. Dahil payat ang anak ko binigay nalang ang iba sa kanya. Iba…

@Reysky

Yan na yun mga naharvest ko sa nanay ko. Di ko na sinama ang chocolate kasi nilagay ko na sa ref . Nandyan na din ang mga damit ng bata at kasama na din ang damit na napili ko may mga short na din. Nakakatuwa lang yung mga damit na pambata ang gaganda. Naalala ko nun maliit ako di ako naka experience na mabigyan ng mga damit kasi wala kaming kamag anak na nasa ibang bansa. Meron man, di kami kilala. Ganun talaga pag mahirap hindi kilala kaya yun ate ko nag sikap makarating…

@Reysky

Ako'y mag papaalam na muna at ako' y talagang inaantok na. Maaga pa akong gigising bukas. Ito oras na kasarapan ng tulog pero need mong gumising para mag handa ng susuotin at kakainin ng asawa. Ganun talaga ang asawa dapat tulungan din ang nagtatrabaho at nag aangkat ng pera sa bahay. Hanggat maaari alagaan upang hindi magkasakit. Nakakatuwa lang at kahit bagong turok ay nakuha niya pa din tulungan ako sa akin mga dalahin kanina. Basta nagtutulungan ang pamilya, walang…

@Reysky

Ramen for breakfast.. sa wakas makakain na ulit ako nento. Tagal din nun huling nag padala ang ate. Siguro 2019 pa. Uuwi sana siya ng march 2020 meron na din siyang ticket kaso nagka lock down naman. Naisip niyang ibagahe nalang ang mga naudlot niyan ipapadala. Hati nga pala kami ng anak ko kasi gustong gusto niya din. Ako naman maamoy at makatikim lang sapat na. Kailangan tipirin di ko alam kung kelan ulit kami magkakaroon niyan. Alam kong meron ng nabibili niyan sa Pinas…

@Reysky

Paksiw na Bangus Request ni hubby ang paksiw na bangus. Sa totoo lang wala talaga akong maisip na maiulam kasi mga anak ko di nakain ng paksiw. Maasim daw kasi. Pero nakain sila ng sinigang hahaha.. Maglalaba sana ako ngayon kaso umandar na naman si katam.. iba talaga epekto ni katam. Kapag nakaramdam ka tuloy tuloy hanggan hapon. Hahaha

@Reysky

Tiklupin is real! Ilan araw na yan nanjan. Ngayon ko lang naisipan na tiklupin. Kasi maglalaba na naman ako baka abutan pa yan. Kaya ngayon palang tiklupin na para bukas panibagong tiklupin na naman haha. Kamusta na kayo mga kanoise. Ang sasarap ng ulam na nakita ko dito. Ako nagluto ng paksiw pero ang inulam ko tortang sardinas. Mas gusto ko kasing kainin yun kesa paksiw ewan ko ba hahaha

@Reysky

Ang sarap siguro nitong emeryenda. Wala akong mahagilap na makain. Ito nalang! Ito yung favorite ko na noodles na galing japan. Ito talaga yung hiningi ko. Hindi siya maanghang kasi sabi ko sa ate ko ayoko ng spicy dahil di ako gaanong mahilig sa maanghang. Depende siguro sa pagkain. Masarap para sa aking kung sawsawan ang maanghang. Tara meryenda tayo guys! Gugutom talaga ako. Ayoko sana magmeryenda kaso di kaya ng sikmura ko haha

@Reysky

Dumating na ang nochebuena package ng asawa ko galing sa trabaho niya. ang ganda ng lalagyanan pwedeng lagyan ng bigas o kahit na ano pang pwedeng ilagay. Last year basket ang lalagyan ngayon box. 13th month naman ang akin inaantay. Kukuha kasi ako dun ng pang parebond. Pangako niya kasi sa akin yun. Pero pinag iisipan ko pa din kasi mejo konting lagas pa ang buhok ko. Siguro kapag di na naglalagas saka nalang mag parebond. Kaya ko naisipan magparebond kasi 10 yrs na kasi…

@Reysky

Late break fast Buti maagang nagbukas si ate ng kanyan paninda at nakita ko may tindang siopao siya. Feel ko kasi matagal pa ang niluluto kong sinigang gusto ko kasi malambot ang pork kapag kinain ng mga anak ko. Minsan lang din kami kumain ng pork kapag natripan ko lang. Mura kasi 230 ang kilo kaya bumili ako ng isang kilo. Para makatikim man lang. Kain muna ako siopao pang tanggal ng gutom.

@Reysky

Happy ang bata batuta sa bigay sa kanya na bolang umiilaw ng kanyan pinsan na ninong. Matagal na kasi samin inuungutan ang ganyan na laruan. Kung saan saan kami naghahanap kaya naman nagtanong kami sa pamangkin ng asawa ko kung saan makakabili ng ganyan. At ang sabo niya siya na daw ang bibili. Kaya ayan tuwang tuwa ang bata. Malamang to hanggan pag tulog kasama niya haha

@Reysky

Sunod sunod ang blessing sa bebe gurl ko. Bigay naman ito ng tita ko. Mga pinagliitan ng mga apo niya. Hindi siya mukang luma. Para siyang bago na once lang nagamit. Yun shoes niya di niya hinubad. Nagustuhan din niya lalo na ang dress na frozen di ko lang pinasuot kasi sabi ko magsisimba kami mamaya at yun ang kanyan isusuot. Sana hindi siya maglugalig mamaya sa simbahan dahil ngayon lang ulit siya makapagsisimba. Simbang gabi na mamaya. Bukas naman ang simba ng madaling…

@Reysky

Maulap ang kalangitan ngayon ngunit di mo alam kung uulan ba o hindi. Kasi kanina ganyan kakapal ang ulap tapos biglang aaraw. Syempre natuwa ako ako na biglang aaraw dahil may sinampay akong pinapatuyo. Mag gagabi na! Konting oras nalang unang gabi ng simbang gabi. Sana kapag nagsimbang gabo kami hindi umulan kasi may mga kasama kaming bata. Kasi unang simba namin na kasa ang bata mula nun nag kalock down. Doblen pag iingat nalang ang kailangan.

@Reysky

Kakauwi lang ng bahay galing simbang gabi! Nakatapos ng isang gabi sa simbang gabi. Maligalig lang talaga ang bunso ko dahil natuwa sa mga ilaw sa labas. Mabuti maaga kaming nakapunta kanina at nasa unahan kami. Ang ganda ng altar ng simbahan puno ng tupa, di ko lang nasakop ang belen sayang kasi mabilisan kuha lang dahil nahihiya ako. Bukas try ko makunan ang belen. Pahinga na din ako at mejo napagod kakasaway sa anak ko haha. Matagal din kasing di nakapasok ng simbahan…

@Reysky

Good morning, kakagising lang! Wala na kasing pasok ang mga bata ngayon kaya pati ako tanghali na din nagising. Kape lang muna ang almusal ko. Wala pang sa mood kumain. Siguro babawi nalang ng tanghalian kung sisipagin din magluto. Iba talaga pakiramdamn ng tinanghalin ng gising yung lalo kang tatamarin. Ewan ko ba.!

@Reysky

Yung anak ko nagpaoatulong ng ibat ibang klase ng fold sa napkin para sa presentation nila sa tle. Sabi ko mag search sa youtube at gayahin. Hindi daw niya magaya kasi hindi marunong mag fold. Hay naku kaya nga gagayahin eh! Tamad lang talaga sa ganitong subject ang anak ko. Haha

@Reysky

Im so bored bored bored! Wala sa mood masakit ang ulo, tinatamad kumilos, hindi makapag isip ng maayos, at hindi makaluto ng ulam. Sobrang tahimik kasi ng bahay para bang nakakapanibago, ang tatahimik ng anak ko ngayon haha! Pati panahon ang tahimik din makulimlim at walang kahangin hangin hinihigop na ata ng bagyo. Sa mga dadaanan ng bagyo ingat kayo. Kung alam nyo na nasa danger zone ang lugar nyo sana lumikas na kau sa safe na lugar para walang mapahamak.

@Reysky

Makulimlim at walang gaanong tao sa labas. Kaya lalong boring. Hindi malaan kung uulan ba o hindi. Pero sana wag nalang umulan, tama na yung ganitong panahon. Hindi mainit hindi malamig, katamtaman lang. Nagsaing na din ako para mamaya ulam nalang problemahin ko. Kamusta na kaya mga kamag anak ko sa visayas sana ok lang sila. Sana nakapaghanda sila kung sakaling daanan man sila. Kung dito nga lang madalim na what more pa sa dadaanan. Hays!!

@Reysky

What a beautiful sunset! Pero hindi nga lang kita. Ang ganda lang ng combination ng kulay may asul, orange and violet. Sabi nila ang ganyan kulay ay nagpapahawatig na may darating na sakuna. At yung nga po ang bagyong sumasalanta sa ibang bahagi ng ating lugar. Dasal ko lang po na sana na humina ang bagyong Odette para hindi mahirapan ang ating kababayan.

@Reysky

Dinner time na! Daing na Bangus ang amin ulam. Ngayon lang ulit nakapg luto nito kasi yun binibilhan ko hindi muna nagtinda busy kasi siya nitong nagdaan linggo. Sa kanya na ako nabili kasi marinate na tapos mura lang 3 150. Kapag binili ko sa palengke ganun din pero ako pa mag marinate. Edi nakatipid ako ng suka at bawang. Diba! Tara kain tayo. Sabayan nyo kami.!!

@Reysky

Kakauwi lang galing sa paghatid sa jowa ko. Hinatid ko lang sa kanto para nakatipid ng pamasahe. Ang dami na din tao sa simbahan ngayon. Nadadaanan ko kasi. Na miss din siguro ng mga tao ang magsimba dahil usang taon din na puro sa live lang nanonood ang tao. Iba pa din kasi ang nakakarating sa tahanan ng Panginoo. ANg dami din nagtitinda sa gilid ng sumbahal sympre ang pinakapatok ang puto bungbong at bibingka. Sayang lang hindi ako nakadala ng pera hindi tuloy ako…

@Reysky

Good morning kanoise! Napaidlip ako kanina. At ngayon suffer na naman sa pag iisip kung ano uulamin. Meron na akong manok dito pero di ko alam ang lulutuin. Hmmm! Ano kaya magandang luto sa manok maliban sa sinigang at adobo. Itong week kasi nakapag sinigang at adobo na ako. Ano kaya next na mailuto. Noon muna sa youtube baka dun makakuha ng idea. Hehe

@Reysky

Ito ang aking sangkap sa pagluluto ng chicken curry. Hindi ko lang naisama ang paminta. Nasa lalagyanan kasi. Ito ang aking naisip kasi madali lang lutuin at kumakain ang mga anak ko nito. Mahirap kasi mag isip kapag ang mga bata may hindi sila trip kainin like gata na isda, yun pa naman ang trip namin mag asawa. Kapag nagluluto ako ng ganun, nagluluto naman ako ng fried chicken para ulam nila. Diba mahirap kapag salungat sa mga bata ang gusto mong kainin. Dahil nagtitipid…

@Reysky

Charan! Luto na po ang Chicken Curry! Yung mga anak ko nun naamoy ang niluluto ko nagbabaan lahat. Sabay sabing "Ma kain na tayo!" Sabi ko maya maya.. in in ko muna para masarap ang pagkakaluto. Ang panganay ko di nakatiis timikman habang niluluto. Nakakatuwa na makita sa itsura nila nasasaraoan sila sa luto ko. Kaya minsan ginaganahan din ako. Kahapon lang talaga ako wala sa mood magluto. Although, meron naman lulutuin kaso wala talaga ako sa mood kata bumili nalang ako ng…

@Reysky

Kamusta na kaya ang mga kaibigan natin sa visayas, lalo na ang taga cebu. Kamusta na kaya sila @jtved at miss @pame8 alam ko kasi tiga cebu sila. 9 hours na ang huling post nila. Sana nasa mabuti silang kalagayan at walang napahamak sa kanila. Pag pray po natin sila na sana nasa maayos silang kalagayan at walang napahamak. Alam kong hindi sila pababayaan ni God.. Lord pls help them!

@Reysky

Meryenda sa maulan na panahon. Kape at noodles na padala sa akin ng ate ko. Iba talaga ang pancit canton ng japanese ang sarap. Hindi nakakaumay tsaka may herbs na kasama. Kahit araw araw kang kumain healthy pa din. Kaya yung ibang japanese noodles lang sapat na sa kanila. Ngayon lang umulan dito sa amin. Ayaw na ayaw ko pa naman ang naulan kasi magbabaha ang kusina ko. Pati sa terrace ko naagos din ang ulan dun. Mababasa pa naman ang mga nilagay kong basahan dun. Hays. Sana…

@Reysky

Nag pa gas lang ako ng motor, di ko inaasahan na madidisgrasya ako. Di ko napansin na lubog dun sa nilikuan ko, medyo madilim din kasi at di pansin na putek ang lilikuan. Pagliko ayun di kimapit ang gulong at bigla akong natumba. Ang masama walang taong nakakita sa akin. Pero ok ok lang keribels naman. Sana may caution na nakalagay dun sa gasolinahan na yun. Nakaka disgrasya eh! Sakit! Di lang yan dami ko gas gas sa siko at sa kabilang tuhod. Grabe ang sakit! Hahaha buti…

@Reysky

Anong oras na di pa din naliligo. Nagiging marites na naman ako. Paano may nabasa na naman akong nilalait kaya ito sinusubaybayan ko na anong mangyayare. Lakas kasi manlait ng taong to. Meron pa nga post about sa mga nanay na di nag aayos sa sarili. Palibhasa di pa nanay kaya di niya alam kung bakit di nakakapag ayos ang isang nanay. Alangan naman bibili ka lang ng kape poporma ka pa. Ewan! Kung anong utak meron yun.

@Reysky

Gising na gising pa ang bata batuta. Ako din gising pa. Di ako makatulog. Ang sakit kasi ng mga sugat ko at yun baba ng tuhod ko. Ngayon ko lang naramdaman yung banda sa tuhod ko. Ang kirot kirot! Natuhan ata ako. Haha.. pero kaya pa naman. Makirot lang talaga. Sana makatulog na ako at maaga akong gigising para mag prepare ng pagkain ng asawa ko. Tapos non, tulog ulit haha..

@Reysky

Nag start na ang misa para sa simbang gabi. Pangatlong araw na ngayon. At ang anak kong panganay desidido na matapos niya ang siyam na araw. Nag aalarm pa talaga siya para makapag simba sa umaga. Hindi naman ako makasabay sa kanya kasi yung maliit ko tulog pa at anong oras na kung matulog. Gusto ko din sana kaso mahirap kapag may bata. Kaya ginagawa ko sa online nalang ako nakikinig ng misa. Unang beses lang ata ako nakapag simba sa simbahan, di na nasundan kaya sa online…

@Reysky

Dahil aalis kami, niluto ko na ang stock na natira sa ref. Papatayin ko kasi ito dahil bukas pa kami uuwi. Dadalaw kasi kami sa bahay ng nanay ko at dun na din magpapalipas ng gabi. Ang mga anak ko kasi panay request na pumunta at mag over night dun kaya naman pinag bigyan ko na ang mga bata. Dito na din kami mag tanghalian kasi sayang ang nasaing ko at ang stock sa ref. Para pag umalis kami hindi mamamaho ang akin ref.

@Reysky

Bago kami umalis, nagtiklop muna ako ng mga tiklupin ko. Para pag umuwi ako ng bahay wala akong iisipin na may naiwan akong trabaho sa bahay. Tsaka para pagbalik sa bahay maayos at hindi nakakaburyong. Syempre nakakainis din na magulo ang bahay nakakapag init ng ulo. Lalo na pag uwi namin dito kanya kanya na ng higa at ako naman iikot ang tumbong sa kakalinis ng bahay. Kaya ngyon palang linisin na ang dapat linisin at tiklupin ang dapat tiklupin.

@Reysky

Nag chat ang asawa ko sa akin. Sabi wag na muna daw kami pumunta sa nanay ko kasi igagala daw niya ang mga bata bukas. Sabi ko ok lang kasi di din kami masusundo ng kapatid ko dahil may lakad daw sila mag asawa. Kaya ayun nadismaya ang mga bata. Kaya naman ibinili ko ng pizza para di sila malungkot. At syempre natuwa naman sila. Sa 24 nalang kami pupunta at mag overnight.

@Reysky

Kawawang shubby, bartolina muna. Ang kulit kasi. Baka makakagat! Pero kapag nanjan siya kulangan niya nag bebehave na, parang sinasabi na " promise mangbabait na ako at di na magkukulit" haha.. Cute cute talaga ni shubby, ang sarap hawakan ng pisnge niya kasi ang taba at ang kapal ng kulot niyang buhok. Kaso nga lang kapag sinimulan mo na landiin ayun na di na titigil, kailangan ibartolina na. Haha

@Reysky

Good evening everyone, ganda ng buwan ngayon. Bilog na naman ang buwan. May konting ulap kaya ganyan na parang sabog ang liwanag. Di kasi maganda cp ko kaya yun gusto kong kuha hindi ko maachive. Pero ok lang mahalaga maishare ko dito. Nag dinner na ba kayo. Kami hindi pa. Wala pa kaming ulam. Hindi pa din nauwi ang asawa ko. Baka nayayaya ng mga katrabaho niya na mag inuman malpit sa kanilang trabaho. Hinahayaan ko lang kasi minsan need niya din mag unwine kasama ang…

@Reysky

Bumili na lang ako ng letchon manok kasi wala na akong mabilhan na ulam. Ang tagal kasing umuwi ng asawa ko kaya nauna na kaming kumain. Late na kami nakapag dinner kakaantay sa kanya. Mukang nag eenjoy pa sa feeling ng mga katrabaho niya. Haha Ang takaw ko ngayon araw na ito. Panay ang kain ko. Haha.. siguro dahil im bored. Walang makausap, walang magawa kasi nagawa ko un dapat gawin. Except ang mag luto. Kasi nga wala talaga sa plano ko mag luto ngayon dahil pupunya sana…

@Reysky

Maulan na umaga dito sa amin! Sa inyo ba maulan din ba? Halos kagabi pa ulan ng ulan kaya di din ako gaanong nakatulog ng maayos kasi yung kusina ko may butas, kaya ayun mejo binaha ng konti. Kahit may sahod na pero hindi keep masakop lahat. Kaya ayaw ko ng naulan kasi ganito ang nangyayare. Kahit dito sa terrace ko yun mga sapatos at tsinelas nabasa din kasi yun alulud butas na din. Hays! Kapag umaraw patutuyuin ko nalang. Sana umaraw ngayon kasi may lakad din kami.

@Reysky

Ayan! Di ako nakalabas ng bahay dahil maulan. Maling and egg muna ulam namin. Total kagabi masarap naman ulam nila. Pero masarap din naman toh. Isa nga sa favorite nila ito eh. Ako naman no choice gusto ko isang lutuan nalang din. Sana di na umulan ng malakas. Kasi gusto ko talaga makalabas ng ng bahay.

@Reysky

Kakauwi lang galing robinson, nakita namin si Santa na pwedeng mag papicture at namimigay ng candy sa mga bata. Ang bunso ko tuwang tuwang na nakarating sa mall. Parang nakawala sa kulungan. Nakakatuwa lang makiya silang masaya na nakagala at nakapasyal sa mall. Pinag laro ko sila sa Toms world. Siguro 400 pesos na token din ako. Maenjoy lang nila dun. Sympre kapag makita mong masaya ang mga anak mo doble ang saya na mararamdaman mo. Hindi ko pa malaan kung kelan ulit ang…

@Reysky

Ito yung mga nakuha ng anak ko sa kalalaro sa Toms world. Buti pa siya nakakasungkit ako, hindi makasungkit. Di talaga ako magaling sa ganyan basta alam ko maglaro lang ng larong pangbata. Takot may lalabas na ticket yun ang gustk ko. After nilang maglaro sympre kumain kami. At dahil sobrang haba sa jollibee, sa chowking nalang kami kumain atlist duma maigsi ang pila kaso tagal nga lang iserve ang food. Yun lang share ko lang ang kaganapan kanina hehe..

@Reysky

Good morning friends! Maagang almusal ako ngayon. Ginutom kasi ako, konti lang kasi nakain ko kagabi kaya ito ang sikmura nagburubok. Tapos parang naglilihi oa sa champorado, naghanap ako sa labas na sana bukas na un binibilhan ko, at di ako nagkamali bukas na siya. Nilagyan ko nalang ng powddr milk, kasi mas bet ko talaga ang powder kesa sa evap. Heto naglalaway na ako at lalantakan ko na ito. Sa mga gising jan tara kain tayo.

@Reysky

Dumating na yung order ng asawa ko galing sa shoppee puro laruan. Ang tawag dito Infinity Cube, di ko alam kung anong laruan to. Hilig ng anak ko mag pabili ng laruan sa shoppee. Kung ano ano kasi nakikita kapag nanonood ng youtube. Tapos sasabihin sa papa niya at ipabibili naman. Nakaligtas nga ako sa mga bilihan sa palengke peri sa shoppee hindi haha.. ok lang mura lang naman yan sa shoppee. Free ahipping at ginamit ang mga nalikom na couns sa shoppee. Yung lang kagandahan…

@Reysky

Sa wakas, nakapag pa rebond din ng hair. Ganito pala ang feeling, feeling maganda ahahha! Ngayon ko lang ulit kasi na experience na iparebond ang hair ko. 13 years na hindi ko pinagalaw ang buhok ko kasi nadala ako noon, dahil nun 1st time king marebond ang hair ko napanot ang tuktok ng buhok ko kaya ngayon ko lang ulit natry at ito na nga ang resulta. Ang gaan sa pakiramdam. Lumapad nga lang ang noo ko. Parang landingan na ng eroplano haha.. Dinner time na. Di pa kami…

@Reysky

Matutulog nalang naglalaro pa ng infinity cube niya. Sabi niya mamaya na daw siya matutulog, sabi ko bukas naman kasi nanjan lang naman yun toys mo. Kaso ayaw pa din. Ganyan talaga ang anak ko kapag may bagong toy hindi makatulog sa kakalaro. Pero maya maya makakatulog din yan kasi di naman siya nakatulog ngayon hapon. Mag good night na din ako. Kasi ako baka makatulugan ko na naman ang pag ccp. Minsan nga sumasalpok nalang sa muka ko yun cp kakascroll haha.. gue gudnyt…

@Reysky

Good morning! Maaga na naman ako nagising. 2nd dose na kasi ng vaccine ang panganay ko, napapaisip ako kung sinu pag iiwanan ko sa dalawang kong anak. Champorado again. Tsalap tsalap kasi eh!! Di ko mapigilan di bumili sa labas. Ewan ko ba, di naman buntis pero ito ang trip kong kainin. Gustk sana ng pares kaso wala yun binibilhan ko. Masarap pares sa kanya, kaya sa kanya lang ako nabili. Tara sabayan nyo ako mag almusal! Para sabay sabay tayong mabusog hehe

@Reysky

Umuwi muna ako ng bahay kasi mahaba pa ang pila sa vaccination site. Iniwan ko muna ang panganay ko dun at sinabihan ko na ichat ako kapag malapit na siya. Mahirap kasi na walang kasama ang dalawa kong anak dito sa bahay. Tapos wala pa un kapit bahay namin. Wala akong mabilinan. Hipag ko naman umalis kasi may deliver. Dito ako sa lugar ng asawa ko, marami siyang kamag anak dito pero ni isa wala akong mabilinan. Ewan ko ba. Kung nandun ako sa nanay ko di ako nag iisip kung…

@Reysky

Thanks God at natapos na ang 2nd dose ng anak ko. Tinawagan niya ako kasi hinahanap daw ako. Di kasi siya mabibigyan ng vaccine kapag wala ang parent kaya, dali dali akong umalis ng bahay at nag motor. Syempre suot muna ako ng protesyon ko kasi naka motor ako. Di din naman kalayuan kaya moderate lang takbo ko, takbong 30 lang haha.. Mejo tinanghali na dumaan na din kami sa talipapa at yan ang nakita ko. Mag fried fish nalang ako para madaling maluto.

@Reysky

Good afternoon! Flex ko lang yun halaman ko na di ko alam na namumulaklak pala siya. Nakakatuwa lang makita. Balak ko pa naman silang putulan dahil itatamin ko sa ibang paso. Ganda kasi nilang tingnan. Pero dahil namulaklak siya, hindi ko muna puputulan. Hayaan ko muna kung hanggan saan ang pamumulaklak niya. Ilan 2 araw ko lang silang hindi nadiligan dahil maulan naman. Pag pasyal ko sa kaniya ayan na siya. May bulaklak na! Heheh

@Reysky

Nakatulog pala ako. Ginising lang ako ng alarm clock ko. Ganda bali ng panaginip kaso ayun nagising din. Hindi pa pala ako nakapag hugas ng plato, ngayon ko na gagawin sabay saing na din para mamaya wala ng iintindihin. Nakameryenda na ba kayo? Ako siguro hindi muna. Walang maisip na makain eh. Siguro maya maya dahil nga kagigising ko lang din. Init din kasi ng panahon, kakatamad lumabas.

@Reysky

Bantay sa mga batang makukulit. Naglalaro kasi sa labas. Binabantayan ko baka may sasakyan na dumaan, baka masagi. Mga bata pa naman bigla bigla na takbo ng di nila alam na may nadaan na pala. Kaya kailangan bantay maige. Minsan pa naman ang mga naka motor na nadaan mabibilis magpatakbo akala hiway ang dinadaanan di nila subdivision ito. Lalo na kapag bata bata ang driver naku po. Feeling ngayon lang nakapagpatakbo ng motor. O siya bantay muna at baka mabangga.

@Reysky

Flex daw niya yung dress niya. Na ayaw ng hubarin kasi, muka daw siyang princess sa damit niya. Nakakatuwa talaga ang mga bata kapag meron bago. Hanggat maari hindi nila huhubarin o itatabi nila ito sa pagtulog. Kahit yun shoes niya na bigay ng tita ko, lagi niyang suot yun kahit hirap siyang suotin. Lalo na tong damit. Gagawin pa atang pang tulog. Sa bagay nun bata ako ganyan din ako. Laging excited at ayw kong mawaglit ang bagong damit o laruan sakin. Kasi sa totoo lang…

@Reysky

Maagang breakfast again. Naghatid kasi ako sa asawa ko kaya nakabili ako sa Ministop ng tuna mushroom at tinimplahan ko na din ng kape. Maaga din kasi ako maglalaba dahil tambak na din ang labahan ko. Nakakaumay sa labahan eh! Hindi matapos tapos. Pati sa pagtitiklop hahaha. Bago ang lahat, nag thank you muna ako kay Lord. Lord God Thank You po sa lahat ng blessing na amin na tatanggap. Salamat po sa amin kalakasan na binibigau nyo sa amin. Salamat sa magandang umaga at araw…

@Reysky

Umalis na yung kapit bahay namin na naupa dito kabilang bahay. at dahil walang mesa ang laptop ng anak ko. Kinausap ko yung may ari na bilhin ko nalang ang mesa nila para wala na silang gaanong butbitin. At dahil mabait si kuya manong. Ibenenta niya sa akin ng 300 pesos ang mesa. Mabigat at mukang matibay. Laptop lang naman ang ilalagay at ibang school work ng anak ko ang ipapatong kaya im sure keribels na yan ng mesa. Matagal na din kasi kaminh nag hahanap ng mesa kahit sa…

@Reysky

Lunch break muna. Until now di pa din tapos mag laba. Kakain muna ako at gutumers ang sikmura ko. Parang nakakapagod naman ang araw na ito. ang daming trabaho. Di pa ako nakapag linis ng bahay. Nauna kasu ang pakikilagchikahan sa kapit bahay dahil nga may kailangan ako haha. Pero ok lang worth it naman. Haha

@Reysky

Yung magsasampay nalang ako, tapos bigla naman umulan. Oh no! Hindi pa naman kasya sa loob ang isasampay ko dahil sa dami. Bakit ngayon ka pa umulan sana. Next week na! May pa kulog at kidlat ka pang nalalaman. Hay naku naman! Hahaha.. Tigil muna sa pag sasampay at walang masasampayan. Saklap! Hahha

@Reysky

Kape kape muna sa malamig at maulan na panahon. At dahil di ako nakasampay kanina. Nakatulog tuloy ako. Tumila na naman din ang ulan kaya ihahanger ko muna ang sinampay ko sa labas. Para mahanginan ng konti. Para hindi din bumaho. Mahirap kapag bumaho. Lalabhan ulit. Kape muna meryenda ko ngayon. Tipid tipid muna. Baka hindi umabot ng linggo ang budget ko. Sa bagay may stock na din naman ako sa ref kaya, kaya pa toh. Wala atang xmas break ang asawa ko panay ang trabaho.…

@Reysky

Good night na mga kaibigan. Antok na ako! Ewan ko ba kapag nagbabasa ako, inaantok ako pero kapag nanonood di ako inaantok. Lapit na pasko pero wala pa din laman wallet ko. Sana sa pasko magkalaman. Kaso sa edad kong to wala ng magbibigay sa akin. Buti nalang mga inaanak ko malalayo kundi mag bibigay ako ng ampao na nakasulat " mahal ka ni ninang" hahaha ok na yan. Di naman basihan ang ibibigay kundi ang pagmamahal at ang tamang pag gabay sa kanya. Sorry sila di mayaman si…

@Reysky

Hinatid ko ang asawa ko sa sakayan. Pag uwi ko iyak na pala ng iyak ang bunso ko. Di ko alam na nagising na pala. Gusto sanang sumama sa paghatid sa papa pero nalate na siya ng baba kaya di ko siya naisama. Pero kung napaaga ang pag baba niya naisama ko siya at nakabili ng almusal. Saglit lang din naman ang paghatid ko di naman ako matagal dahil malapit lang naman ang sakayan. Kaoag sumakay pa kasi ng trike 40 pesos din un. Kaya hinahatid ko siya ng naka motor. Bakit di…

@Reysky

Good morning, late breakfast. Kanina kasi di nakabili kaya yung tirang ramen nalang dito sa bahay ang inalmusal namin. Sharr kasi kami ng anak ko. Di niya daw kasi mauubos kaya share nalang daw kami. Nakatulog ulit yun bunso ko sa kakaiyak kanina. Di ko malaan kung anong oras magigising ang bunso ko. Ano kaya maiulam. Meron akong stick ng manok. Ano kaya magandang iluto dun.??? Sa palagay nyo. Hehehe

@Reysky

Lunch time na. Kakaluto lang ng ulam namin. Tapos sabay tawag na sa mga junakis na kakain na. Kanya kanya ng sandok. At nagmamadali ako. Dahil hinahabol ko ang araw. Nakapag patuyo na ako, dahil maliit lang sampayan kapag natuyo na yun iba inaalis ko at yun iba naman ang pinapalit ko. Iba pa din kasi yun naarawan ang damit, iba ang amoy. Paano kakain muna ako.. maya maya nalang ulit.. kain na din kau. Para sabay sabay tayo.

@Reysky

Share ko lang ang kalangitan ngayon. Parang alon alon ang ulap. Nakakatuwang pagmasdan. Nakakawala ng pag kabagot sa buhay. Habang nagtatanggal ako ng sinapay ko yan ang tinitingila ko. Ganda kasi. Bihira lang kasi ang ganyan ulap. Anyway tiklop tiklop na din habang wala akong ginagawa. Pag tapos mag tiklop magkakape na din para buhay na buhay ang diwa ko haha

@Reysky

Wala atang gaanong nangangaroling ngayon. Mukang nagsawa na. Ikaw ba naman laging sabihan na sa pasko na bumalik edi tatamarin ka na talaga. Tapos sa pasko mga sarado bahay, pinaasa lang mga bata. Haha Kaya ako kapag may nangangaroling sa bahay namin, binibigyan ko. Kasi sa pasko nagsasarado talaga ako ng bahay haha. Kasi umaalis din kami at namamasko haha.. diba ang saya...

@Reysky

Its dinner time. Kaso late na kami ng kain. Kasi wait pa namin ang panganay ko dahil nag simbang gabi pa ngayon. Sa totoo lang gutom na ako. Pero di kami sanay ng hindi kami sabay sabay kumain kaya wait namin si kuya. Sisig nga pala! Binili namin ni jowa, siguro namiss niya kumain ng sisig kaya naghanap ng mabibilhan.

@Reysky

Good night mga kaibigan kanoise at tropapips Pahinga time na, need natin ipahinga ang atin katawan pati ang atin isip. Wag na tayong mag isip isip bago matulog, bagkus tayo ay magpasalamat sa araw araw na ating buhay. Ipagpasalamat na tin na tayo ay ligtas at hindi nagkakasakit. Nakakasama ang pamilya, nakakausap at katawanan. Ipagpasalamat ang mga blessing na natatanggap maliit man ito o malaki. Kaya wag natin isipin ang problema, lagi lang natin isipin ang mga masasayang…

@Reysky

Good morning! Siguro ang iba abala sa paghahanda ng ihahain nila para sa nochebuena. Kami abala sa paglilinis sa lilipatan namin na bahay. Actuallyy matagal na dapat namin ginawa, dahil busy ang asawa ko at ngayon lang siya makakabakasyon ng mahaba haba, ito yung araw na lilinisin, pipinturahan at aayusin ang dapat ayusin. Pero kung di namin magawa lahat ngayon. Sa 26 namin ipagpapatuloy. Kasi bukas syempre pasko pupunta naman ng Quezon province para kamustahin ang byenan…

@Reysky

Ito nga pala ang pinagkakaabalahan namin ngayon. Ang mag pintura at maglinis sa lilipatan namin na bahay. Grabe kapagod.! Gusto ko na maligo peri bawal pa dahil kwarto palang ang napipunturahan namin. Gusto sana namin matapos bago mag new year. Kakaiba kami noh. Imbis na pagkain ang pagkakaabalahan, pagpipintura. Haha. Kasi ngayon lang walang pasok ang asawa ko. Sana matapos namin hanggan 26 para pwede ng lumipat. Excited na ako sa bahay na ito. Dahil dito talaga ang gusto…

@Reysky

So tired! Ang sakit na ng ulo ko dahil sa init kanina. Grabe! Tirik na tirik ang araw. Bumili kasi kami ng ulam ng asawa ko, nag motor kami kaya ayun grabe sakit sa anit ng init ng araw. Kaloka! Pagod ka na nga tapos ganyan pa katindi init ng araw. May kukunin pa akong order ko. Tapos mag motor na naman ako.. whoooo! Sana magkaroon ng ulap para matakpan ang pansamantala ang tirik na araw.

@Reysky

Merry Christmas sa inyo.. Share ko lang yung Graham na ginawa ko. Every Christmas lang ako nagawa niyan. Ibang occasion hindi. Kasi libre lang eh, kasama kasi sa noche buena package ang graham kaya nakagawa ako. Favorite din ng asawa, nagpagawa sa akin. 3 tab ang nagawa ko paabutin ko nalang ng hanggan new year hahah. Joke lang! Grabe pagod keep ngayon. Asawa ko kasi king kailan magpapasko tsaka naisipan magpintura sa kabilang bahay. Ulam namin bili lang sa labas. Baka nga…

@Reysky

Gusto ko sanang gumala kaso yung asawa ko ayaw umalis ng bahay. Mas gusto daw niya magpahinga kesa gumala. Aalis naman daw kami bukas kaya magpahinga nalang daw kami. So bored talaga ngayon! Magtutulog nalang ako ngayon. Hays!

@Reysky

Magandang tanghali! Nandito kami ngayon sa Quezon province, sa farm ng byenan ko.. daming nakatanim na kalamansi. Unli harvest haha! Mamaya na ako mangunguha kahit mga isang kilo lang pang juice pag uwi ng cavite. Sarap tumambay dito, fresh air, tagal din nun huli kaming nakarating dito. Ang dami na dib pinag bago. Dati kasi nun tumira kami dito ang mga nakatanim mga sintones o dalandan. Ngayon kalamansi na. Enjoyin ko muna dito, at ngayon lang uliy nakapasyal dito.

@Reysky

Tuwang tuwa ang anak ko sa na receive niyang gift galing sa ninong pinsan niya. Kakatuwa yun laruan, parang pang disco kaya pinatay ko ilaw para maenjoy nila. Kahit ang nagandahan. Nun bata ako, walang nag reregalo sa akin ng laruan kaya natutuwa ako sa mga anak ko may narereceive sila. Kahit sobrang dami nilang laruan hindi ko basta basta tinatapon kasi ako noon walang laruan. Masaya akong nakikita ang anak ko na masaya sa mga new toys niya.

@Reysky

Lasing na ata ako!. Dahil di nakapagcelebrate kahapon, ngayon namin si nicelebrate. Puro alak. Lasing na ako! Hahaha Sarap mag inom. Nakakawala ng stress. Tapos nento tulog na.....

@Reysky

Habang bumibiyahe kami kahapon pauwi ng cavite, ito ang nakita ko sa pagtanaw tanaw ko sa amin dinadaanan. May rainbow sa tabi ng bundok, di ko alam kung anong bundok ito pero ang ganda lang makakita. Syempre kapag napapaligiran ka ng bahay at hindi nakakalabas, kapag nakakita ka ng ganito ma aamaze ka nalang talaga. Haha nashare ko laang! Saya kasi makalabas ng bahay at makabiyahe ng malayo layo. #goodmorning #blesssunday

@Reysky

Kakauwi lang namin galing naman sa nanay ko. Pumasyal kami at nagbigay ng aguinaldo sa nanay ko. Namili din kami ng damit ng napamaskuhan ng mga anak ko. Para may rememBrance sila sa mga napamaskuhan nila. Pagod match lang lola nyo kaya makakapagrest ba ulit ako. Gandang gabi sa inyo lahat.

@Reysky

Good evening mga noisemate, kamusta ang araw nyo. Ako eto busog na busog, puro matamis kasi ang tinira ko ngayon. Ewan ko ba nag crave ako sa mga matatamis ngayon. Nonood nga pala ako ng Kmjs ngayon. Episode na napapanood ko ngayon about sa chinese. Yun lang ni share ko lang. Wala din kasi ako maisip ishare kasi blanko pa utak ko haha..nood muna ako.. kayo din manood muna at relax relax..

@Reysky

Good morning Pilipinas, kamusta ang umaga niyo. Ako ito tambak ang labahin. At sinisimulan ko na ngayon. Di ko alam kung anong oras ako matatapos nento. Pero ok lang ganun talaga, masipag maligo at magpalit ng damit eh kaya dami agad labahan. Nakapag almusal na ba kayo. Ako heto nagkakape muna. Pang pagising sa natutulog kong diwa. Ang lamig kasi ng panahon, kailangan kong sipagan para makatapos ng gawain dito sa bahay. At susunod yung kabila naman ang aayusin ko para next…

@Reysky

Lunch time na. Paksiw na bangus at Chicken Curry ang ulam namin. Ngayon lang ulit nakapagluto, kasi nun mga nakaraan araw puro bili lang sa labas dahil sobrang busy. Daming ganap ng mga nakalioas na araw kaya naman ngayon busy pa din pero sa paglalaba at paglilinis ng bahay. Pero kahit anong linis ko magulo pa din kasi ang anak ki laging nag lalaro. Lalo na ngayon dami niyang bagong toys. Kain tayo mga kanoise.!

@Reysky

My dessert for today is graham, durog na nga lang. Isa sa mga favorite ko ito. Kaya naman tuwing may occassion naggagawa ako ng graham para sa amin ng pamilya ko. Nilagyan ko ng toppings ng fruit cocktail ito kasi ang madali para sa akin. Di ko na need mag balat ng prutas, buksan ko lang ang lata at meron na akong toppings. Sana magustuhan nyo ang akin graham.

@Reysky

Selpi namin ng baby ko kanina habang nagpapahinga ako sa pagpipintura ng sala namin. Sabi niya kanina selpi kami kaya naman pinag bigyan ko na. Kita nyo naman ang laki ng ngiti niya. Parang nanalo sa isang games. Kakatuwa lang makita ang malaking ngiti ng anak ko.

@Reysky

Kape at noodles Ito ang breakfast ko ngayon. Mapapalaban na naman sa pagpipintura mamaya. Kakain muna ako ng marami para hindi agad mawalan ng energy. Sabi ng bilas ko, wag daw kaming magmadali sa paglipat ng bahay dahil di pa naman daw sila lilipat dito. Sabi ko naman unti unti lang, gusto ko din kasi maayos ang at kaaya ayang tingnan ang lilipatan namin. Para maganda ang pasok ng taon sa amin. Tara kain tayo. Para may enrgy sa mga gawain bahay.

@Reysky

Pritong bangus at ginisang toge Sinipag ulit akong magluto ng ulam. Para mamayang gabi di na ako magluluto, isang lutuan nalang. Tipid kasi kapag hanggan hapunan na ang ulam tapos di ka na mag iisip kung ano uulamin sa gabi. Di pa ako tapos mg prito kaya post ko muna ang ulam namin ngayon.

@Reysky

Ang ganda talaga ng niregalo sa bebe girl ko. Pwedeng idisplay kapag nalowbat na. Mas gusto ko ganyan matatanggap ng anak ko kesa sa pera. Kasi ang pera di nila maapreciate pero ang toys. Sobrang saya nila kapag nakatanggap ng ganyan. Ako kasi noon bata walang nagbibigay kasi mga ninong at ninang ko hindi ganun kayaman, inshort kapos din sa buhay. Pero ok lang atlist diba bumawi sa anak. Kakatuwa lang!

@Reysky

Good night mga tropapips, pagod na pagod ako ngayon kasi nagtuloy kami ng pagpipintura sa kabilang bahay, unti unti na siyang gumaganda. Kulang nalang malagyan siya ng renolyom. Gusto ko sana ng tiles kaso cant afford. Baka mapordoy kaming mag asawa. May kalakihan din kasi ang bahay kaya mejo mahal kung ipapatiles namin. Kaya mag renolyom nalang muna. Mag iipon muna ulit para makapagpalagay ng tiles. Maganda sana kung tiles kasu wala eh! Di naman kaya. So paano papaalam na…

@Reysky

Nag stock na ako ng mga sabon shampoo colgate. Para hindi na ako mag iisip kaoag naubusan ako. Mas maige na yun laging may kaman ang akin lalagyanan kesa sa wala. Minsan kasi walang pera. Kaya kahit walang pera basta may stock di ka na mamomoblema.

@Reysky

Nabiyayaan ng axie ang anak ko. Binigyan siya ng kapatid ko ng axie at ang nakakatuwa hindi na siya humati sa makukuha niyang slp. Tuwang tuwa ang panganay ko nabigyan siya ng axie syempre iniisip niya na kikita na siya. Nakakatuwa lang sabi niya kapag kumita siya, siya na daw mag babayad ng net. Haha

@Reysky

Dito napunta ang pinamaskuhan ng pangalawa kong anak. Gusto niya daw kasi ng single na higaan kaya yung napamaskuhan niya ibinili namin ng sofa bed. Para kapag gusto niya umupo pwede din niyan gawin upuan. May remembrance na siya sa napamaskuhan niya. Ayun tuwang tuwa siya sa bago niyang higaan.

@Reysky

May pahabol pa para sa mga anak ko. Talaga naman dinaan pa nila dito para ipaabot ang aguinaldo nila. Salamat za mga mababait na ninong nila. Kahit nasa abroad hindi sila nakalimot. Natuwa lang ako kasi di naman namin inaasahan na magbibigay dahil nga malayo sila. Tulugan na! Hindi na muna ako nagpunta sa kabilang bahay namin para magpintura. Ipinahinga ko muna ang sarili ko kasi ilang araw na din akong latang lata. Nakabawi na ako ng lakas ngayon. Para bukas yung mga kalat…

@Reysky

Ngayon umaga lang ulit kami nagkasabay sabay kumain ng almusal kasi maaga nagising ang mga anak ko. Yung panganay ko aalis, pupunta sa bahay ng nanay ko kasi yun kapatid ko doon nakatira, magpapaturo kung paano ang galawan sa axie. Kasi kahapon puro talo siya syempre di niya pa gamay ang hawak niya. Pero naniniwala ako sa kakayahan ng anak ko. Dahil napakahilig nun sa games. Sabi nga niya sa akin. May pera sa games. Kaya sige suportahan ang gusto niya. Yun lang po at kakain…

@Reysky

Kakauwi lang namin galing sa kabilang bahay para alisin ang mga basura na naiwan ng dating nangpahan dun. Mejo ok ok na yun bahay wala ng basura na nakatambak dun. Mga bote nalang na basag ang nandun ayaw kasi ipatapon ng basta basta ng asawa ko kasi kawawa naman daw ang kukuha ng basura baka daw matapakan o masugatan ang makakuha non. Kaya naman nag bungkal akk at ibinaon ko nalang ang mga basag na bote. Pag kauwi ko nagluto na ako agad kasi aalis kami. Pupunta kami ng…

@Reysky

Ang magandang tanawin mula sa tagaytay. Nakakarelax at nakakapawi ng lahat ng problema sa buhay. Ang saya saya lang maKarating dito ulit. Dati nakakarating lang kami dito kapag umuwi ang mga kapatid ng asAwa ko ngayon nag try kaminh bumiyahe ang sumakay ng bus. At ito kami kanina nasaksihan ang ang paglubog ng araw sa magandang lugar na ito. Sana maulit ulit ang kaganapan na ito.

@Reysky

Nakauwi na kami sa bahay! Salamat at safe kaming mag anak. Ang saya lang ng araw na ito dahil naipasyal namin ang mga bata sa tagaytay. Ito nga pala ang picture namin, pauwi na kami niyan. Puro live kasi ang ginawa ko kanina sa fb kaya ito ko nalang naisipan na mag picture kami. Kumain din kami kanina sa bulalohan, after 3 years namatikim ulit ng bulalo haha.. tagal na din noh.. so paano matutulog na ako. At talagang napagod kami amin pag gala kanina. Pero kahit pagod nag…

@Reysky

Ilan oras nalang magpapalit na ang taon. Dapat iwan na natin ang masamang nangyare ngayon 2021. At gawin masaya at masagan ang 2022. Masaya, mahirap, masakit at iba pa ang naranasan natin ngayon 2021 dapat pa din natin ipagpasalamat na ito tayo hanggan malalakas at walang sakit. May nawala man sa buhay natin isipin nalang hanggan dito nalang talaga ang buhay nila. Pero syempre mamimiss natin sila. Oras na para bumangon ang maglinis ng bahay, para pag iniwan ko to mamaya…

@Reysky

Prosperty bowl Nagtry lang ako gumawa ng prosperity bowl para swertehen ang pasok ng 2022. Gumawa na din ako nito last year at masasabi ko lang maganda ang takbo ng amin relation at maganda ang pasok sa amin ng 2021. Hindi man natupad ang wish namin pero maganda ang inilaan ni lord sa amin. Masasabi ko, salamat 2021 sa maganda at masaganang taon na binigay mo sa amin. Sana itong 2022 maging maganda, maayos at walang sakit ang amin pamilya. Thank you Lord 🙏 amen!

@Reysky

Isa sa mga handa namin ang piniyahan pata. Every year laging may ganyan nakahain sa hapag namin tuwing sasapit ang new year. Dati tatay ko ang nagluluto, at dahil wala na siya kuya ko naman ang nagluluto niyan ngayon. Sana nandito tatay ko. 4 years na namin siya hindi nakakasama sa pag salubong ng taon