Kakauwi lang namin galing sa kabilang bahay para alisin ang mga basura na naiwan ng dating nangpahan dun. Mejo ok ok na yun bahay wala ng basura na nakatambak dun. Mga bote nalang na basag ang nandun ayaw kasi ipatapon ng basta basta ng asawa ko kasi kawawa naman daw ang kukuha ng basura baka daw matapakan o masugatan ang makakuha non. Kaya naman nag bungkal akk at ibinaon ko nalang ang mga basag na bote. Pag kauwi ko nagluto na ako agad kasi aalis kami. Pupunta kami ng tagaytay mamaya. Ipapasyal namin ang mga bata doon. Kasi yun anak kong pangalawa tanong ng tanong kung nakarating na ba siya doon. Sabi ko o nakarating na siya kaso bata pa nga lang siya. Sabi ko din dun sa paanan ng bulkan taal nakapunta na din siya. Di lang sila nakaakyat dahil matarik at mahal ang kabayo kaya kami nalang umakyat at nakita ko ang ganda ng bulkan taal noon hindi pa siya nadabog. Matagal tagal na din di kami nakakapunta kaya naman try namin bumiyahe at lumunta doon. Adobong baboy nga pala ang akin niluluto ngayon. Yan kasi ang natirang stock sa ref ko at dahil gusto ko ng mabilisan ang luto, adobo ang naisip ko.
No comments yet