Sunod sunod ang blessing sa bebe gurl ko. Bigay naman ito ng tita ko. Mga pinagliitan ng mga apo niya. Hindi siya mukang luma. Para siyang bago na once lang nagamit. Yun shoes niya di niya hinubad. Nagustuhan din niya lalo na ang dress na frozen di ko lang pinasuot kasi sabi ko magsisimba kami mamaya at yun ang kanyan isusuot. Sana hindi siya maglugalig mamaya sa simbahan dahil ngayon lang ulit siya makapagsisimba. Simbang gabi na mamaya. Bukas naman ang simba ng madaling araw. At dahil sa gabi lang kami pwede. Mamayang gani mag start ng unang gabi namin. Magdadala na din ako ng upuan para sa mga anak ko. Dahil malang hindi kami makakapasok ng simbahan.
No comments yet