Good evening! Lakas ng hangin sa labas. Kailangan ng mag jacket dahil malamig ang hangin sa labas. Paniguradong maaga na naman akong nakakatulog nito. Hapunan na pero wala pa din kaming ulam. Hindi kasi maganda ang mood ko ngayon. Ewan ko ba! Magbukas nalang muna kami ng delata. Ayaw ko kasi magluto ng wala sa loob ko dahil baka iba ang kalabasan. Gusto ko kasi kapag nagluluto ako nasa puso ko at yun may pagmamahal para alam kung mabubusog ko ang mga anak ko. Im sure naman na kahit delata ang ipaulam ko, alam kong mabubusog sila kasi favorite nila ang sardinas at century tuna. Maghahanda na ako sis! At gusto ko na din talagang humiga at talagang wala ako sa mood.
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
No comments yet