read.cash Log in
@Reysky more from that month

Yan na yun mga naharvest ko sa nanay ko. Di ko na sinama ang chocolate kasi nilagay ko na sa ref . Nandyan na din ang mga damit ng bata at kasama na din ang damit na napili ko may mga short na din. Nakakatuwa lang yung mga damit na pambata ang gaganda. Naalala ko nun maliit ako di ako naka experience na mabigyan ng mga damit kasi wala kaming kamag anak na nasa ibang bansa. Meron man, di kami kilala. Ganun talaga pag mahirap hindi kilala kaya yun ate ko nag sikap makarating ng ibang bansa at ito unti unti din kami nakilala hahaha. Pero hindi porket nasa ibang bansa ay mayaman na. Syempre hindi naman nila pinupulot ang mga perang nakukuha nila dun. Pinagtatrabahuan nila iyon. Kaya kami kahit simple, malaking pasasalamat namin na naalala kaming bigyan. Salamat sa ate ko na naalalang magpadala sa amin.

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.