Umuwi muna ako ng bahay kasi mahaba pa ang pila sa vaccination site. Iniwan ko muna ang panganay ko dun at sinabihan ko na ichat ako kapag malapit na siya. Mahirap kasi na walang kasama ang dalawa kong anak dito sa bahay. Tapos wala pa un kapit bahay namin. Wala akong mabilinan. Hipag ko naman umalis kasi may deliver. Dito ako sa lugar ng asawa ko, marami siyang kamag anak dito pero ni isa wala akong mabilinan. Ewan ko ba. Kung nandun ako sa nanay ko di ako nag iisip kung saan ko iiwan mga anak ko. Para masamahan lang ang panganay ko.
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
No comments yet