Paano ba maging boss? Lahat naman tayo gugustuhin atang maging boss eh. Pero paano nga ba ang maging boss?
Tamang maging madiskarte, magtyaga, matalino, masikap at dapat may investment ka din. Kailangan mo pagisipang mabuti ang investment na ilalabas mo.
Di naman pwedeng maupo ka lang tapos magiging boss ka na depende nalang kung pinanganak kang mayaman pero worth it ba yun? Worth it ba na umaasa ka lang sa magulang mo?
Mas masarap sa pakiramdam na naging boss ka dahil sa sarili mong sikap. Mas maipagmamalaki mo sa ibang tao na naging boss ka sa sarili mong company o business sa sarili mong sikap.
Kaya ano pa ginagawa mo, planuhin mo na paano maging boss.
Totoo masarap maging Boss, lalo na kung kasundo mo yung mga taong nsa paligid mo mga employees mo. Yung tipong hindi pressure sa kanila ang makatrabaho ka nila bilang boss. Yung nagkakasundo kayo at nagagawa nyo ng maayos ang trabaho tapos at the same time my bonding din kayo. They will treat you as their boss in professional ways but also as a friend.