read.cash Log in

@Eulamaev01

Joined 15 June 2020 · 14 posts

Simple and friendly πŸ’–

120 KT

0 KT Β· 11Β’ received · 0 KT given

Posts

@Eulamaev01

Hindi pa nag eearn yung last article na pinost ko? Naaprove naman dito sa community. Bakit kaya ganun?

@Eulamaev01

2nd tranche Ayuda To whom it may concern, I created this post in behalf of all the beneficiaries of SOCIAL AMELIORATION PROGRAM under the DSWD and the National Government. Para po sa mga taong mas nakakataas sa amin, at sa may akda ng mga alituntunin sa SAP ako po ay lumalapit sa inyo upang ibahagi ang aking saloobin at alam kong saloobin din ito ng nakararami. Ang ayuda pong inyong ipinamahagi noong 1st tranche ay lubos po naming ipinagpapasalamat dahil naging malaking tulong po ito sa mga panahong kinakaharap po natin. Lumipas pa po ang ilang buwan at ang ating ekonomiya ay unti unting nabuksan. Ngunit hindi naman po lingid sa kaalaman ng lahat na apektado parin po ang kabuhayaan ng iilan nating kababayan. Kabilang na po dito ang mga POOREST OF THE POOR na mga benificiaries ng SAP. Ang lubos pong ikinababahala ng lahat sa ngayon ay ang pagpapatupad ninyo ng panibagong pamamaraan para sa pagkuha ng ayuda para sa 2nd tranche. Alam po naming hangad ninyo ang kaligtasan ng lahat at kaakibat po nito ay ang maipamahagi sa lahat ang nasabing ayuda. Ngunit ang inilunsad nyo pong makabagong pamamaraan ay hindi po naangkop sa nakararami sa ating mga kababayan. Sa mga kadahilang : * HINDI PO LAHAT NG SAP BENEFICIARIES AY MAY CELLPHONE NA GAGAMITIN PARA MAG INSTALL NG MGA APPLICATION KAGAYA NG [ Starpay, Gcash, Paymaya] * HINDI PO LAHAT AY MAYROONG INTERNET CONNECTION. HINDI PO LAHAT AY MAY KAALAMAN SA PAGGAMIT NG MGA NASABING E-WALLET O APPLICATIONS NA INYONG NAPILI PARA SA PAMAMAHAGI NG AYUDA. * SILA PO AY POOREST OF THE POOR, NA ANG KABUHAYAN AY NABIBILANG SA INFORMAL SECTOR. KAYA ANG NAKARARAMI PO AY WALANG MAIPRESINTANG VALID ID UPANG MAGAMIT SA PAG VAVALIDATE NG MGA NASABING APPLICATIONS O NETWORK PROVIDER. Ang layunin po ng post ko na ito ay upang maidulog sa inyo na maglunsad ng mas maayos, mas mabilis na paraan para sa pamamahagi ng ayuda. Kung ang layunin po ng ahensya ninyo ang magbigay ng serbisyo sa taong bayan, nawa po ay maging bukas ang inyong mga kaisipan para sa mga suhestiyon kagaya nito. Ako po ay isa sa mga naunang nakatanggap ng ayuda sa pamamagitan ng STARPAY. Ngunit ang iilan po sa aking mga kapit-bahay, kakilala at iba pang benificiaries ng SAP ay dumadaing dahil sa inyong pahirap na sistema. NANINIWALA PO AKO SA KASABIHANG "KUNG MAY TIYAGA, MAY NILAGA". AT SA KASABIHANG "PATIENCE IS VIRTUE". PERO HINDI PO ITO NG COCOMPLY SA PANAHON NG PANDEMIC KUNG SAAN ANG LAHAT AY NANGANGAILANGAN. KAYA SANA PO AY MAGAWAN NYO ITO NG MALINGAP AT AGARANG AKSYON. PLEASE SA LAHAT NG MAKAKABASA NITO. CONSIDER SHARING PARA PO MABASA NG NAKAKARAMI. SALAMAT PO!

@Eulamaev01

6 Na Rason Kung Bakit Mahalaga na may Goal tayo sa Buhay Ang pagkakaroon ng GOAL sa buhay natin ay sadyang napakahalaga. Dahil isa ito sa mga unang hakbang na gagawin mo sa iyong paglalakbay patungo sa paghahanap ng iyong tunay na tungkulin at walang kapantay na tagumpay sa iyong personal na buhay. Ayon nga sa isang sikat na philanthropist and author na si Tony Robbins, β€œSetting goals is the first step in turning the invisible into the visible.” Narito ang anim na dahilan kung bakit mahalaga ang pagtatakda ng mga layunin o GOAL sa ating buhay. **Goals give you focus**. Kung walang isang layunin o goal, ang iyong mga pagsisikap ay maaaring magbigay sayo ng kalituhan. Kung sa una pa lang ay naka set na ang layunin o goal mo sa iyong nakatakdang gawin o sa personal mo mang buhay ay mas makakatulong ito na makapag focus ka sa iisang layunin lamang at mas matatapos mo ito ng mas maayos. **Goals Help you measures progress.** Ang pagsubaybay sa iyong pag-unlad patungo sa pagkamit ng isang layunin ay posible lamang kung naitakda mo na sa una palang ang iyong mga layunin. Ang kakayahang masukat ang pag-unlad ay lubos na nagbibigay-kasiyahan. **Goals help you to stay motivated**. Halimbawa, isaalang-alang natin ang buhay ng isang atleta. Kung ang goal nila ay magkaroon ng malakas at malusog na pangangatawan, magsusumikap sila sa bawat araw, may nararamdaman man sila o wala, kung sila ay may sakit o wala, kung sila ay pagod o hindi, dahil mayroon silang isang layunin ay mas nagpupursige sila na pumunta sa gym para ma achieve ang goal nila. Ang kanilang pagnanais na makamit ang kanilang layunin ay nagpapanatili sa kanila sa gym kung kailan mas gugustuhin nilang laktawan. Sa parehong paraan, ang pagkakaroon ng isang layunin ay magpapanatili kang maging motivation. **They Help You Beat Procrastination.** Ang pagseset ng goal ay nakakatulong para makaiwas tayo sa PROCRASTINATION o pagliban. Ito ay isang bagay na kaylangan nating labanan mula sa oras-oras. Gayunpaman, kapag nagtakda ka ng mga layunin sa buhay, ang mga tukoy na layunin para sa nais mong makamit, makakatulong ito na maunawaan na mapanganib ang pagpapaliban. Ito ay nasayang na oras. Ito ay isa pang araw na hindi mo pagtupag o pag gawa sa mga layunin mo na iyon. **You Achieve Even More.** When you set a goal and reach it, it gives you the taste of victory. You will want to taste that again. Anong ibig sabihin niyan? Itutulak mo ang iyong sarili patungo sa susunod na hakbang ng iyong layunin. Goals Help You Determine What **You Want In Life.** Ang pagtatakda ng mga layunin ay nagtutulak sa iyo na pag-isipan pa kung ano ang tunay na nais mo sa buhay. Ano ang antas ng tagumpay na nais mong makamit? Ano ang antas ng kita na nais mong magkaroon? Kumusta naman ang pangarap mong tahanan? Kapag naitakda mo ang layunin na ito, ay itinatakda mo na rin ang iyong mga hangarin sa buhay at hindi ka titigil hanggang sa hindi mo ito nakakamit.

@Eulamaev01

Fundraising for my BABY (Refferal Links For A Cause) Since nagstart ang pandemic nahirapan na talaga kami financially dahil sa gamutan ng baby ko who's been diagnosed with pre-luekemia last January 2020. Kaya po I decided na gumawa ng fund raising for the medication of my Baby Cardo. Alam ko po pare pareho tayong nasa crisis ngayon kaya instead na manghingi ako sa inyo financially ay mag offer nalang po ako ng mga ways para makapag donate po kayo sa fundraising ko. Wala po akong hihingiin na kahit magkanong amount sa inyo. Dah through Refferal system po ang ways para makapag donate kayo. Kung pamilyar po kayo sa mga apps kagaya ng GCASH, PAYMAYA, COINS.PH, DISKARTECH ito po ay mga apps na may Refferal system para kumita ka o magkaroon ng funds yung account mo. Ginagamit din po ito as mobile banking, pang bayad ng mga binili online, pwede din po sya pagkakitaan like pag papaybills or e-loading. Ishare ko po sa inyo ang mga referral links ko sa mga app na yan at sa mga may mabubuting puso na nais pong tumulong ay iclick nyo lang po ang mga link. I-DOWNLOAD/INSTALL MAG REGISTER OR MAG SIGN UP PARA MAKAGAWA NG ACCOUNT I-VERIFY ANG ACCOUNT PARA MA CREDITS ANG REFFERAL BONUS. Lahat po ng maveverify na account ay makakakuha po ako ng Refferal bonus dahil po ginamit nyo yung Refferal link ko, and in that way po ay malaking tulong na ang amount na iyon para sa sa gamutan ni baby. REFFERAL LINKS: GCASH : Hi, I've been loving GCash so far, and was hoping you'd join me. I've shared PHP 70 worth of freebies for you to try it out: https://gcsh.app/r/F625xXj PAYMAYA : Get P100 for FREE when you sign-up to PayMaya using my invite code! Send money, buy load, scan-to-pay and more! Register using my invite code and you'll receive your P100 gift after you sign-up, upgrade and add money to your account. Download and register here: https://p85qk.app.goo.gl/4M9Y My Invite Code is 4jxgip3 DISKARTECH : Madali lang ang diskarte para sa#BuhayGinhawa. I-download ang DiskarTech App at i-verify ang account gamit ang invite code ko na AAAE7446. Instant β‚±10 agad ang kita mo. Para iba pa pong information or inquiries please send me a message! Maraming Salamat po! GOD BLESS πŸ™πŸ’–

@Eulamaev01

Read.cash Payout I'm so happy since day one that I've joined here in read cash. Not just because writing articles is my favorite hobby it is also because read cash is super legit. It pays all the articles you've written and also you've earned by commenting on articles of other authors. To the producer/maker of this platform I really hoped you continue your positive doing. Thank you for providing this platform to help us earn money in just easy way.

@Eulamaev01

Turon with a Twist Introducing this new concept. Malagkit Ube Turon with Cheese. At first sa mga banana lover jan, maninibago talaga kayo kasi yung classic na turon na nakasanayan natin ay marami ng new version. Isa na nga itong Malagkit Ube Turon na mas pinasarap pa with cheese. Sa kulay palang ay matatakam kana. Na curious ako nung nakita ko sa friend ko. Then suddenly ng crave ako kaya ng decide ako na umorder sa kanya. At nung natikman ko nga grabehhh panalo yung lasa. Kaya isa na sya sa mga favorite merienda ko 😍

@Eulamaev01

My Little Brave Man Meet my Baby Cardo and his Pre-leukemia journey. He was diagnosed na positive sa dengue that was October 29 2019, after ilang days na discharged na kami sa hospital. The following week, nag follow up check up kmi sa Opd ng Dasca at sabi ng pedia na meron syang Iron deficiency anemia. That's the reason na kada kukuhanan sya ng dugo ay palagi nalang inuulit, dahil malabnaw yung dugong nakukuha sa knya at mas lumalamang yung white blood cells nya. Niresetahan sya ng ferrous sulfate for one month and other vitamins to take. Akala ko magiging okay na lahat, pero simula nun hindi na sya nawawalan ng lagnat, palaging ngsusuka at one time dumugo pa yung ilong. Nakailang beses ko syang naisugod sa hospital for an emergency dahil sa balik balik na paglalagnat nya at pagsusuka but same as first diagnosis dhil daw yun sa anemia nya. Mataas ang bacteria sa dugo nya kaya nahihirapan tanggapin ang gamot na pinapainom ko sa kanya at nahihirapan mag produce ng red blood cells ang katawan nya. *Disclaimer ; Hindi po bacteria na dulot ng maduming paligid ang nsa katawan nya, bacteria na ktwan nya mismo ang ngproduce. Nag decide ako na mag pa second opinion sa ibang pedia kaya pinacheck ko sya sa Opd ng Umc last January. Dala dala ko lhat ng previous laboratory test nya then ng request ulit sila ng panibagong cbc para mpagcompare nila yung result sa mga previous test nya. Hanggang sa nakita nila na meron nang abnormalities sa dugo nya. Sobrang taas white blood cells nya at sobrang baba naman ng pula samantalang yung platelets nya lumampas na sa normal average na meron dapat ang isang batang kagaya nya. Niresetahan sya ng zinc-sulfate para makatulong na ma intake sa katawan nya yung iron na kulang sa knya. Kahapon check up nya ulit sa umc at ngpa cbc ulit kmi pero halos wala paring pinagbago yung result compared last week. Ngconduct ng private talk yung pedia na tumitingin sa knya kasama yung hematologist at internal medicine doctor para mas maipaliwanag sakin yung kondisyon nya. Hindi ko napigilang umiyak sa harap nila, sobrang sakit sakin bilang isang ina na malamang nasa ganung kondisyon yung anak ko. He was diagnosed with Myelodysplastic Syndrome or pre-leukemia at kylangan mag under go ng bone marrow aspiration para makakuha sila ng sample ng tissues sa ktwan nya at malaman ang causes ng abnormalities sa dugo nya. Tinitibayan ko lang ang loob ko, ngumingiti at hinaharap lahat ng pagsubok na binabato sakin ng Diyos. Minsan inisip ko bakit sa anak ko pa, bakit samin nya pa binigay ang pagsubok na to. Pero sino ako para Questionin lhat ng desisyon nya sa buhay ko? Naniniwala parin akong may dhilan sya kung bakit nya binigay sakin lhat ito. Kaya patuloy lang akong kakapit at mgtitiwala sa knya. πŸ™πŸ™ Ps: Maraming salamat sa mga doctor na kausap ko kahapon, hindi sila nangiming damayan ako. Sabi nila kasama ko daw sila sa laban namin ni baby cardo 😊 Continue to fight, my little brave man πŸ’™ ILOVEYOU

@Eulamaev01

Edukasyon Nakakapanibago talaga ang sitwasyon natin ngayon dahil sa hinaharap nating pandemic. Kagaya na lamang ng nalalapit na pagbubukas ng taunang pag aaral ng mga estudyante. Dahil sa kinakaharap natin ngayon ay kinailangan mabago ang nakagawiang pag aaral ng mga bata na kung saan ay limang araw sa loob ng isang linggo ay nasa eskwelahan sila. Nakikinig sa kanilang mga guro, nakikita at nakakasalamuha ang mga kapwa nila estudyante. May mga bumabyahe at mero namang kilo kilometro pa ang nilalakad makarating lang sa paaralan. Lahat ng iyon ay magbabago. Dahil sa ipinatupad na ibang alternatibong paraan para sa pag aaral ng mga estudyante. Ang nakakalungkot lang isipin ay hindi lahat ng mga tao sa ating bansa ay pantay pantay ang estado sa buhay kaya maraming umaangal sa panibagong pamamaraan ng pag aaral. May pangamba rin ang ilang magulang na baka hindi sapat ang kanilang kakayahan para matulungan aking kanilang mga anak sa pag aaral na gagawin na lamang sa kanya kanyang tahanan. Malawak sa usapin pag dating sa edukasyon dahil tayong mga Pilipino ay malaki ang pagpapahalaga dito. Kaya nararapat lamang na bago pa magsimula ang pagbubukas ng klase ay ihanda at ilatag ng maayos ng pamahalaan ang programa para sa mas maayos na pagbibigay ng edukasyon sa ating mga kabataan.

@Eulamaev01

Money VS. Health Sa sitwasyon ngayon kaylangan mong manimbang papasok kana sa trabaho para sa araw araw na pangangailangan nyo ng pamilya mo. Pero kapalit nun yung risk na baka maging infect ka ng virus. Hayst πŸ˜“πŸ˜“ San naman lulugar yung mga walang wala na talagang madukot? Tapos kapag nagugutom at humingi ka na ng tulong sasabihin dapat kasi may ipon ka para handa ka sa gantong sitwasyon. Well to be fair, hindi naman po tayo pare-pareho ng estado sa buhay. Karamihan umaasa lang sa kinikita araw araw madalas nga kulang pa. E pano kung hindi pa makabalik sa trabaho dahil nga may virus pa, paano na sila? Kaya sana imbis na magsiraan, imbis na magreklamo sa gobyerno, magkaisa po tayo sumuporta sa nangangailangan at sumunod sa mga pinaiiral na batas para sa kabutihan ng lahat. πŸ’–

@Eulamaev01

Online Seller Kung bibili kayo sa Online Seller, pls take note of these: 1. Nagbebenta yan para kumita..kaya nga Seller. 2.Gagastos pa yan sa gasolina..walang public transpo di ba? 3. Kukuha pa yan ng stocks sa Supplier , gastos ulit. 4. Ihahatid sayo, gastos ulit. A little bit pricey kung tutuusin di ba?pero ang dami namang benefits para sayo kasi nga: 1. Hindi ka na pupunta ng mall. 2. Hindi ka na gagastos sa pamasahe. 3. Maghihintay ka na lang sa bahay mo, Sis. Compute compute din muna pag may time bago magreklamong OA sa presyo si Ma'am/Sir kasi di naman lahat gahaman sa pera, yung iba gusto lang din mabuhay tulad mo. Di karin naman pinipilit para bumili😁 We don't need your loyalty, respect is enough. Thank you very much πŸ’–

@Eulamaev01

Paying Apps FREE APPS PROVEN LEGIT WITH PROOF PO ANG BILIS KUMITA DTO πŸ‘‡πŸ‘‡ 🎁FREE 1200 BAX = 3.8$ or 135 pesos Pwe convert to eth or btc withdraw to coin.ph 1.DOWNLOAD APP πŸ‘‡ πŸ‘‰ BABB APP in (playstore ) 2. Sign up with email (yung active po kasi may isesend po sa inyo na activation link) 3. INPUT THIS CODE: πŸ‘‰ 749651 πŸ‘‰ 749651 πŸ‘‰ 749651 ‼️NO CODE NO BONUS‼️ 4. SUBMIT KYC ( LIVE KYC ) any Valid ID pwede. 5. VERIFIED IN MINUTES βœ…TRADEABLE/WITHDRAWABLE AFTER KYC VERIFIED https://play.google.com/store/apps/details?id=com.babb.app

@Eulamaev01

#1 note to self Surrender your worries to God, he will never let you sleep with a heavy heart. Pray. God is always ready to listen. Always remember that He is listening no matter what your problem is. No matter how difficult it is there is always an answer to your prayers. Just put your trust in the lord and He will not disappoint you.

@Eulamaev01

Libreng Donuts Naalala ko pa last year nung namigay ng libreng donut sa Dunkin. Sobrang haba ng pila. Nakipila din ako kasama mga pinsan ko at anak ko. Sobrang sayang experience at syempre sarap ng donut lalo na pag libre πŸ˜ŠπŸ˜‰

@Eulamaev01

Buhay Online Bakit ko daw po laging hawak ang CP ko? - Minsan busy sa pag oonline selling pero napakadalang ko na magpost ng mga items kasi karamihan ng mga fb friends ko seller din. Kaya hanap ako ibang way para kumita at pagkakitaan ang cellphone ko. Then I started joining mga online websites, mga earning apps, yung iba namumuhunan pa nga ako. Tapos meron naman free lang. Kagandahan sa ibang online earning sites and apps pwede ka kumita kahit di ka mag invite. Hanggang sa nakahiligan ko na sya, ngreresearch ako, nanunuod ng mga tutorials mga video na may mga proof na kikita talaga sa sites or app na sasalihan. At kagaya ng iba di maiiwasan na masabi nilang scam naman yan, lalo na sa mga hindi open minded. Pero ako as far as kumikita ako khit piso ng wala akong naabala at naagrabyadong tao ok na sakin yun. Honestly, madami na ko proof na kumita ako hindi man ganun kalaki pero I considered it as my savings. Panatag ako na kahit papano may savings kahit maliit na halaga lang. Kasi pag physical money di talaga ako makaipon πŸ˜‚ Ang online world parang investment din yan mamumuhanan ka minsan pera, pero madalas tiyaga, sipag, at positive mindset. Parang sa buhay natin kaylangan mo din mamuhunan ng tiyaga, mag sipag para hindi magutom, at maging positive para malagpasan ang mga pagsubok. πŸ’–