Que Horror!

22 45
Avatar for Pachuchay
2 years ago
Topics: Nightmares

Nagising ako sa isang mahabang pagtulog. Nagising ako kasi parang andaming tao sa bahay. Pinilit kong tumayo kahit hinang-hina ang katawan ko. Hindi pa din kasi ako nakakarecover sa sakit ko. Pakiramdam ko ay napakabigat ng aking katawan kaya hirap ako sa paglakad. Pagkalabas ko ng kuwarto eh nakita ko na may bisita pala kami. Kinakausap nila ang asawa ko habang nakita ko naman ang anak ko na naghahanda ng merienda para sa bisita. Naglakad ako papunta sa banyo para umihi. Habang nasa loob ako ng banyo ay naririnig ko yun usapan ng mga tao sa sala. May umiiyak habang nagsasalita. Meron pala kaming namatay na kamag-anak. Napaisip tuloy ako kung sino. Kasi kapag naman may namamatay sa side ng asawa ko eh wala naman pumupunta dito sa bahay kasi nga wala naman sila pakialam sa amin or kung meron man ay di ganun kaayos para sabihan kami kapag may namatay sa side ng asawa ko.

Paglabas ko ng banyo ay eksakto naman na papunta din sala ang anak ko bitbit yun mga hinanda nya para sa bisita, softdrinks at tinapay. Dahil hindi ako pwede sa softdrinks eh tinanong ko ang anak ko kung may kape pa ba kami at tinapay kasi magkakape na lang ako. Pero siguro dahil sa busy sya sa pag- aasikaso sa bisita eh di nya ako napansin. Hindi ko alam kung bakit hinang-hina ako kaya paika-ika ako na naglakad sa kusina at nagsalang ng mainit na tubig sa kalan. Habang hinihintay ko na kumulo ang tubig ay nagsilapitan sa akin ang mga alaga kong pusa at nagulat ako kasi biglang lumapit sa akin si Ash! Sa sobrang tuwa ko eh kinarga ko agad sya at umiiyak habang sinasabi na "Ash buti bumalik ka kay Mamita, miss na miss kita!"

Gusto ko sana sabihin sa asawa at anak ko na bumalik na si Ash kaso bigla naman sumipol yun takure namin na ibig sabihin eh kumulo na yung tubig na sinalang ko. Nilapag ko muna si Ash at sinabihan sya na wag na aalis at nalulungkot si mamita, sumagot naman sya sa akin ng "meow" kaya naman tuwang-tuwang talaga ako. Pagkasalin ko ng tubig sa thermos eh nagtimpla na agad ako ng kape at kumain ng tinapay doon na mismo sa dirty kitchen. Hindi na ako humarap sa bisita kasi hindi ko din naman sila talaga kasundo kung mga kamag-anak man ng asawa ko yun. Pero habang kumakain ay pasilip silip ako sa sala at nakita ko anak ko na malungkot at umiiyak. Ganun din ang asawa ko, umiiyak habang kausap ang isang babae na nakatalikod sa akin or sa lugar kung saan ako naroom kaya di ko makilala kung sino. Nacurious tuloy ako bigla kung ano ang nangyare or kung sino ang namatay na kamag-anak namin para iyakan ng asawa ko dahil kahit nga noong namatay ang byenan kong babae eh hindi man ko man lang nakitang umiyak ang asawa ko.

Kaya kahit hinang-hina ay lumapit ako sa kanila. Tinatawag ko ang asawa ko pero di nya ako pinapansin or naririnig. Ganoon din ang anak ko, or baka di lang nila ako narinig dahil nga sa isang bisita namin na grabe umiyak. Pero habang papalapit ako, unti- unti kong nabobosesan ang mga bisita namin. Bakit parang kilalang kilala ko kung kanino ang mga boses na yun lalo na yung grabe kung makaiyak. Grabe ang kabog ng dibdib ko habang palapit ako ng palapit sa kanila. Bakit ganun, bakit parang kinakabahan at takot na takot ako.

Nang tuluyan na akong nakalapit sa kanila ay nagulat ako dahil ang bisita pala namin ay ag kapatid,tyahin at mama ko. Kaya sabi ko agad sa kanila, "Ma, Katy, mommy Ging, ano nangyare, bakit kayo nandito? Ipaliwanag nyo nga sa akin ang nangyare? " Pero parang di nila ako naririnig, ganoon din ang asawa at anak ko. Tapos narinig ko na sinabi ng kapatid ko, "Ano ba ang nangyare Cris? Bakit ganun nangyare kay Ate Ne? Akala ko ba ay okay na sya, di ba yun ang sabi mo." Tapos sabi ng asawa ko, "Nagkaroon ng komplikasyon ang sakit ni Melinda kaya bigla na lang tumigil sa pagfunction ang utak nya. Nang dinala namin sya sa ospital ay brain dead na daw sya kaya wala ng nagawa ang mga doktor. "

Nagimbal ako sa mga narinig ko. Pakiramdam ko eh umiikot ang paligid ko. Ano nangyari!? Paanong namatay ako samantalang andito ako sa harapan nyo!? Sa sobrang pagkabigla eh bigla na lang ako nawalan ng malay.

Nagising ako na nasa kwarto ulit. Tinawag ko agad ang asawa ko, "Pa, pa! " Pasigaw sya na sumagot ng "Bakit, naano ka? " Sabi ko n lang eh, "Wala pa, akala ko eh umalis ka. Bumili lang ako ng merienda. Tumayo ka na dyan para makakain ka na. " Salamat naman at panaginip lang pala. Akala ko ay totoo na talaga grabe pa man din ang kaba ng dibdib ko dahil akala ko eh patay na talaga ako.


Anhyeong guys! Pasensya na kayo at tagalog ngayon ang gawa ko at medyo mahaba. Gusto ko lang ishare sa inyo yun napanaginipan ko kanina. Medyo morbid noh, kahit ako eh takot na takot nun nagising eh. Akala ko talaga eh totoo. Ewan ko ba kung bakit these past few days eh ang weird ng mga napaanaginipan ko. Sana manatiling panaginip lang talaga ang lahat.

--

Date Published: January 14, 2022

10
$ 5.55
$ 5.31 from @TheRandomRewarder
$ 0.05 from @OfficialGamboaLikeUs
$ 0.05 from @Codename_Chikakiku
+ 5
Sponsors of Pachuchay
empty
empty
empty
Avatar for Pachuchay
2 years ago
Topics: Nightmares

Comments

Anong binili ni hubby na meryenda, sis?

$ 0.00
2 years ago

Ginataang bilo bilo sis, hehe

$ 0.00
2 years ago

Kakaiba din yang dream mo madam, tama nga na sinulat mo para daw makontra, pero prayer parin po ang pinaka best na kakapitan natin. Manood po kayo ng mga nakakatuwa para maibsan po ang iyong stress.

$ 0.00
2 years ago

Katakot naman kya pls ndi ka pinapansin:) naku madam dasal tayo lagi

$ 0.00
2 years ago

Kahit ako madam eh takot na takot.. Buti nga nagising pa ako eh..

$ 0.00
2 years ago

Parang bangungot nga un madam ano

$ 0.00
2 years ago

Kinilabutan naman ako ate jan. Buti na lang andito pa ako sa kwarto namin nila mama kaya may kasama pa ko. Ayoko pa naman nagbabasa ng nakakatakot twing gabi.

Pag ganyang binabangungot ako ate, feeling ko bangungot na din ung ganyan eh.. ginagawa ko dadasal ako tapos di ako umaalis sa bahay. masamang pagitain daw yan. Hindi man sakin pero pwede sa part ng family ko. Pag ganyan panaginip ko na may namamatay or ako namaamtay, di ako makakatulog nyan ng ilang gabi.

Pray ka ate ko, saka siguro sa stress lang yan kaya kung ano ano napapanaginipan mo.

$ 0.00
2 years ago

Stress nga lang siguro to beh ilang araw ng puro weird ang panaginip ko eh..

$ 0.00
2 years ago

Same tayo ate. Madalas nga din na hnd maganda ang gising ko at alam ko pangit napapanaginipan ko nitong mga nakaraan. Kaya ngayon puro nakakatawang vids muna pinapanood ko.

$ 0.00
2 years ago

Same, napadownload ako ng tiktok ng wala sa oras eh hahahah

$ 0.00
2 years ago

Hahahahaha. Isa pa yan ate, naadik na ko sa tiktok pero ayoko nung mgs may sumasayaw na anlalaswa na tignan.

$ 0.00
2 years ago

Ano ibug sabihin ng brain dead ate?

$ 0.00
2 years ago

As in un brain mo ang deads na beh, un bang ibang organ mo eh okay pa, nagfunction pa pero un utak mo eh wala na.

$ 0.00
2 years ago

Kapag ba ganyan ate as in di kana makakasurvive or may pagasa pa?

$ 0.00
2 years ago

Wala na pagasa beh kasi un brain natin ang nag uutos sa mga organs kung paano mahfunction eh..

$ 0.00
2 years ago

Akala ko multo mo sis yung nagsusulat neto. Jusko! Wag ka lang masyadong mag isip ng mga bad and nega. Always pray before matulog.

$ 0.00
2 years ago

Hehehe natakot ka ba sis.. Ako din eh, kaya nga sinulat ko agad para kumbaga macounter un ibig sabihin..

$ 0.00
2 years ago

Natakot ako. Nagkape ka pa talaga. Hahaha

$ 0.00
2 years ago

Ako din nanqnaginip ng mga weird na bagay pero ang maangas dun eh alwm kong panaginip lng un kaya madali lng saken na makalabas sa mga bangungot. Ayaw naman sa tinatakot kita ate pero kase minsan yung mga panaginip natin ay may pinapahiwatig yan, sana lang at panaginip lang talaga.

$ 0.00
2 years ago

Tinakot mo na ako beh, hahaha.. Pero ang alam ko eh kabaligtaran daw ang panaginip.

$ 0.00
2 years ago

It's just a dream po, wag nyu nlng emind kasi nakakasama lalo yan sa kalusogan ninyu. Keep praying nlng at wag po mag overthink kasi pag panay iniisip nyu masasama ehh ganyan mapapanaginipan mo talaga.

$ 0.00
2 years ago

Salamat beh..

$ 0.00
2 years ago