Paano nga ba kaming batang 80s-90s sa eskwela noon?

45 102

Paano nga ba kaming batang 80s-90s sa eskwela noon? Anu-ano ang mga naranasan namin pagdisiplina ng mga guro?

Naging inspirasyon ko sa pagsulat ng artikulong ito si @Sydney2. Yun artikulo nya ay tungkol sa ang pagiging guro ay di madali. At tama nga naman sya, sino ba ang nagsabi na madali lang ang maging guro? Simula pa lang sa pagawa ng lesson plan araw-araw ay di na biro. Para pa din silang nag aaral habang nagtuturo dahil dapat ay sigurado sila sa mga itinuturo nila. At ang pinakamahirap sa trabaho nila, sa aking palagay, ay ang paghandle o pagdisiplina sa mga ibat'ibang pag-uugali ng bawat estudyante. Sa tingin ko lahat kayo ay sang-ayon dito.

Mabalik tayo sa talagang topic natin. Sino ba dito ang batang 80s o 90s? Taas ang paa, hahaha! Char, biro lang! Masasabi ko na ibang iba ang mga kabataan noon at ngayon pagdating sa eskwela. Ganoon din ang klase ng pagdidisiplina ng mga guro namin. Masasabi ko na mas matindi ang naranasan namin na pagdisiplina o paghandle ng mga guro kumpara ngayon.

Isa sa mga naranasan ko ay yung papaluin ang kamay ng patpat. Ang mas matindi pa eh dapat ganito ang kamay mo kapag papaluin. Kaya isipin nyo na lang kung gaano kasakit.

Grade 5 ako ng maranasan ko yan. Teacher namin sya sa Science and Health kaya istrikto sya pagdating sa cleanliness. Once a week ay may routine sya na ginagawa. Chinicheck nya yun mga kuko at tenga kung malinis. Pati yun buhok ng mga babae ay dapat nakaayos, ayaw nya yung may nakalugay na buhok sa mukha kaya halos lahat kami noon ay nakahead band. Ganoon din sa lalaki, dapat eh presentable lalo na sa uniporme. Pero dahil nga ako ay may pagkaburara noon, yes, inaamin ko po yan, madalas talaga ako mapalo.

Ang adviser naman namin at teacher sa English ay napakaistrikto din. Bawal kami magtagalog sa subject nya. Kapag nahuli ka na nagtatagalog eh ikaw ang maglilinis ng buong school ground. At napakalaki ng school ground namin noon kaya di biro ang paglilinis. In fairness eh talagang effort ako sa pag eenglish. Di baleng english carabao wag lang mapaglinis ng ground, hahaha!

Naranasan ko din ang mapasquat, mapalabas ng room habang nagkaklase at mapasulat ng "Hindi na ako mag-iingay" ng back to back to back sa isang intermediate na papel.

Photo from Google


Pero may mga teacher din naman na abusado. Grade 5 ako, adviser namin noon eh may katandaan na. Madalas kami talaga maparusahan noon kasi konting pagkakamali lang eh nagagalit sya agad. Kapag mali ang sagot mo eh palo agad. Naranasan namin na mapatayo yun buong row at mapasquat buong period nya dahil lang sa walang assignment ang isa na nasa row namin. Isa sa hindi ko makakalimutan noon ay yung pamamahiya nya sa kaklase namin na transferee, si Joan. Hindi ko sya makalimutan kasi that is the worst thing na ginawa ng teacher sa isang estudyante na nawitness ko.

Nagtransfer si Joan nasa kalagitnaan na ng school year, I think third grading na yata noon kasi magpapasko na eh. Mabait naman si Joan, tahimik lang sya. Saka nag eeffort din sya para mapalapit sa amin na mga bagong kaklase nya. Lage sya nagdadala ng imported na chocolates saka mga food na mamahalin. Yun nga lang, may pagkaslow sya. Hindi sya nakakasagot sa mga tanong ng adviser namin. Hindi ko na tanda yung eksaktong nangyare pero isang araw, pinatayo nya si Joan at sinabihan na "Isa kang bulaan. " Yan mismo ang salitang sinabi nya. Sa mga di nakakaalam ang ibig sabihin ng bulaan ay sinungaling. Napaiyak na lang noon si Joan at awang-awa talaga ako sa kanya. Feeling ko eh parang ako yun napahiya. Kinabukasan di na sya pumasok at sabi ng teacher namin noon eh lumipat na sa ibang school.

Pero alam nyo, kahit na ganoon ang naranasan namin sa kamay ng mga teacher, parang balewala lang sa amin. I mean may magandang naidulot sa pagkatao namin. Walang magulang na sumugod sa school para awayin ang teacher. Mas natuto kami na maging organize, maging malinis sa katawan at higit sa lahat eh maging handa kapag papasok. At andoon pa din yung respeto namin sa mga guro. This is not in general ha, pero ang mga estudyante natin ngayon eh parang nawawala na ang respeto sa mga teachers nila. May mga estudyante kasi na talagang pasaway at binabalewala ang mga guro dahil alam nila na di sila pwedeng saktan dahil nga sa ipinagbabawal na yan ngayon, ang pagdidisiplina ng guro sa mga estudyante kasi maaari silang mawalan ng trabaho at matanggalan ng lisensya. Hindi ko naman sinsabi na tama or pabor ako sa pagdidisiplina ng guro sa pamamagitan ng pamamalo, ang sa akin lang eh, kung ayaw natin madisiplina ng guro ang mga anak natin, turuan natin ang mga bata na matutong rumespeto sa guro at maging maayos sa pag-aaral. Pero siempre depende pa din ha, kung ang klase naman ng pamamalo eh yun parang hazing na sa fraternity eh di na pwede yun. Lage po natin tandaan, lahat ng sobra ay mali.

Pwede kayo magshare ng mg experiences nyo at magshare ng opinion tungkol sa topic ko.

Petsa ng Paglathala: Enero 11, 2022

13
$ 7.55
$ 7.32 from @TheRandomRewarder
$ 0.05 from @Ruffa
$ 0.05 from @Codename_Chikakiku
+ 6
Sponsors of Pachuchay
empty
empty
empty

Comments

Sorry for the late read, Ate. Now lang nakapag-kalkal eh, hehe. :D

I also experienced na mapalo sa kamay. I think grade 2 yata ako 'nun. Abot kasi CR ko kaya ayun, baka nainis na si Ma'am sa kaka-"Ma'am, may I go to the CR ko." Hehe, oldies na din si Ma'am dati. Masungit at istrikta pero isa s'ya sa mga da best na teacher namin that time. Kasi after the class, napakalambing n'ya. Sadly, may sakit na yata s'ya kaya nasa bahay na lang now. Di ko sinumbong 'to kay Mama pero kini-keep ko s'ya until now kasi maganda naman naging epekto n'ya eh. 🧡

$ 0.00
2 years ago

Tama un beh, para ka na lang dinidisiplina ng nanay mo kaag ganun.. Kami eh malala pa naranasan nyan pero wala naman nagsumbong sa nanay..

$ 0.00
2 years ago

Kapag ngayon 'to ginawa, ipapa-Tulfo or ire-reklamo agad si teacher. 😅

$ 0.00
2 years ago

Ay sinabi mo pa, hahaha...

$ 0.00
2 years ago

Katakot. Baka mawalan ng lisensya si teacher. Kasi 'di naman lahat ng students and parents ay naiintindihan si teacher kung bakit n'ya nagagawa 'yung ganun. Hehe

$ 0.00
2 years ago

Ako naman mamsh, grade 5 ako kinotongan ako ng teacher namin sa Science. Known terror yung teacher na yun, tapos nag buckle ako sa reporting kasi kinabahan talaga ako sa kanya, maya-maya lumapit sya sakin at kinotongan ako sa harap ng klase. Nakakapangliit nung mga panahong pero ngayon natatawa na lang ako hahaha naging close din namin kami nung teacher afterwards.

$ 0.00
2 years ago

Pero siguro kung atbthat time eh meron ng smartphone, baka madaming teacher ang napatulfo, hahahaah

$ 0.00
2 years ago

Naranasan ko din Yung sitting on the air na yan noong grade 3 ako tapos pinatongan pa ng libro sa ulo hays. Pero totoo Po sinabi niyo dahil nagpabago din sakin at nagturo sakin ng mabuting asal. Dabest talaga ang mga karanasan ng batang 80s and 90s hehe

$ 0.00
2 years ago

Ay korek, ibang iba talaga tayong mga batang 80s at 90s, hehe

$ 0.00
2 years ago

Oh my. This just means I'm not getting any younger najud madam. 90s baby talaga. 😆

$ 0.00
2 years ago

Okay ra na madam, we are all young at heart naman, hehe.

$ 0.00
2 years ago

Mas gusto ko ang way of teaching before kasi makikita mo ang respect ng mga bata sa teacher. I another way, nadisiplina din sila. Unlike ngayon

$ 0.00
2 years ago

Agree ako sis, ngayon kasi eh parang ang teacher pa ang need mag adjust sa student eh.

$ 0.00
2 years ago

True, kami nga dati binabato pa ng teacher namin ng chalk at eraser kapag d marunong magsolve sa math

$ 0.00
2 years ago

Realte ako sis, ako naman eh madalas mabato ng chalk dahil sa kadaldalan..

$ 0.00
2 years ago

Sabi nang lola at lolo ko mas magalang at disiplinado daw mga bata o estudyanti noon kisa ngayon hay nako d na ako mag tell hahahha

$ 0.00
2 years ago

At agree ako sa lolo at lola mo.

$ 0.00
2 years ago

Yes po ate grabi na talaga mga binata ngayon

$ 0.00
2 years ago

Noon kasi talaga didisiplinahin ka talaga ng guro ee unlike now na makurot laang ata ipapa tulfo na. I mean, pano matututo ang bata diba ang o.a na ngayon ee. Talang tayo noon papa squat-in kapa sa labas ng room. Mga ganyang memories pero ang saya pa ring balikan haha.

$ 0.00
2 years ago

Tama madam, parang nawalan ng power ang teachers over their students dahil s panahon nga ngayon eh big deal na un mapalo ng teacher.

$ 0.00
2 years ago

Aee correct yan sis! Been there naranasan ko tlga yan kng paano mag disiplina sa sarili. Every morning bago magsimula ang klase check muna ung mga kamay na nakapatong na sa desk, kasi pag may dumi papaluin na ni teacher..

In my side, kahit gnun mn ka strict noon for sure magbibigay yan ng halaga sa pagddisiplina sa sarili.

$ 0.00
2 years ago

Tama ka sis, kaya tingin ko eh mas disiplinado at may respeto ang mga estudyante noon..

$ 0.00
2 years ago

Hi, what this is about? Have a wonderful day. :)

$ 0.00
2 years ago

Oh, i am sorry sis. It is about how I was in my elementary days. How our teachers disciplined us.

$ 0.00
2 years ago

oh wow.. yesterday one of my friends from kinder garden whom I'm still friends with called me and we talked for an hour and talked exactly about this topic.. how coincidental

$ 0.00
2 years ago

It is so nice to look back those memories, right?

$ 0.00
2 years ago

oh surely sis.. we talked abut the punishments we used to get lol.. that was such a nostalgic thought

$ 0.00
2 years ago

Naabutan ko pa ate lahat nang yan at to be honest, na-experience ko rin hahaha especially yung pagsusulat ng " Hindi na po ako mag-iingay". 10 pages back to back hahaha, masakit sa kamay haha. Tsaka yung face the wall jusko pero ngayon natatawa na lang ako kapag naaalala ko yun, narealize ko na ang kulit ko rin pala talaga dati hahaha. Pero grabe naman yung teacher nyo, below the belt yung words niya eh

$ 0.00
2 years ago

Kaya nga eh, as in talaga kaya awang awa ako sa kaklase ko na yun. Ang bait pa naman saka tahimik lang. Kung ngayon nangyare yun eh baka natulfo na sya..

$ 0.00
2 years ago

Ako kase batang 20s na ako, naabutan ko padin yung mga pamamalo pero hindi gaano, naransan ko na maglinis, mapasquat at mapalo sa kamay pero kahit ganun di padin natuto hahaha Palawan padin tlaga. Pero kung ano man yung mga naranasan ko noon, yun yung humubog sa akin ngayon, alam ko kung ano limitation ko at alam ko kung paano umayon sa mga bagay na nasa paligid ko.

$ 0.00
2 years ago

Tama natuto din tayo doon di ba? At kapag naaalala natin un eh matataw ka na lang kasi marerealize mo na lang un kakulitan mo.

$ 0.00
2 years ago

Ang worst naman ng pagkasabi ni teacher,pero kung ngayong yan nangyari sa panahon na to,siguradong nasampahan na ng kaso at magkakapera pa ang parents .May teacher kami dati na mahilig manakit at mang insulto ng estudyante ,na petesyonan ng mga parents kaya napaalis.Hindi pa rin nakaktulong ang pagsasabing ng hindi maganda sa bata kahit ilang beses pa,mas mabuti kausapin ng mabuti ang bata at parents nya.Hay,nakakarwlate ako neto,yong pinalo kasi may kaklase na walang assignment o di kayay pasaway.nabato na rin ako ng gallon sis,yong lalagyan ng tuyo kasi pinag iigib kami,hehe

$ 0.00
2 years ago

Grabe nga talaga yun sis, kaya di ko sya talaga makalimutan eh. Ramdam ko yun panghihiya ng teacher sa kanya. Naku tama ka, kung ngayon nangyare yan eh nakasuhan na yun teacher.

$ 0.00
2 years ago

Dito sa amin ,may nakapagbayad na nga kasi binato ng sandal yong bata eh natamaan sa noo,may hill pa yong takong nya ,kaya barangay ang nagsettle ,binayaran nlang nya baka matanggalan pa.ng lisensya.

$ 0.00
2 years ago

May teacher naman kmi madam bakla, laging galit sa amin pero sa boys naku laging may libreng soup, taz nung graduate na kmi ng elementary at nakikita nya kami, natatawa na lng sya siguro naalala nya mga galit nya sa ming mga babae

$ 0.00
2 years ago

Ay iba din yun teacher mo ha, lantaran ang favoritism,hehe

$ 0.00
2 years ago

Oo madam kabaklaan ba naman🤣

$ 0.00
2 years ago

naalala ko nung nainis samin yung adviser namin, binato kami ng chalk box ng di namin alam. Bigla na lang syang nambato ng kung sino. Bigla nya hinagis yung laman ng chalk box nya, ts lahat kami nagtinginan pero natatawa. HAHAHHA. wala naman akong naexperience na intense pero kadalasan pinagtatawanan namin talaga after.

$ 0.01
2 years ago

hahaha, kaya nga di ba, natatawa na lang tayo. Pero in fairness eh walang mga magulang na sumugod sa school,hehehe

$ 0.00
2 years ago

totoo yan, minsan pag pinapapunta pa sa guidance office magulang magyayabang pa yung ibang bata na napatawag magulang nila tapos ending babatukan din sila ng magulang nila sa ginawa nila HAHAHAHA

$ 0.00
2 years ago

Hahaha, jusko buti na lang ako di umabot sa point na ganun, hahahaha

$ 0.00
2 years ago

Natatawa ako habang binabasa to mommy Kasi naalala ko Yung teacher ko na palagi kaming binibentahan ng puto HAHAHAHA.

$ 0.01
User's avatar Yen
2 years ago

Ay ako di ko naranasan yan noon Yen. Wala pang nagtitindang teacher nun kapanahunan ko. Sa Canteen talaga kami bumibili,hehehe

$ 0.00
2 years ago

Tas no choice ka Kasi teacher mo nagtitinda. Haha.

$ 0.00
User's avatar Yen
2 years ago

korek,hahahaha. takot mo lang na di makapasa eh.

$ 0.00
2 years ago