Darating talaga sa buhay natin yun point na mapapatanong ka kung bakit. Hay, bakit ngayon pa, bakit ako pa, puro bakit, bakit, bakit? Nakakalungkot, nakakadepress.
Lead image from Unsplash
Maaga pa kami nagpunta sa EENT kanina para sana hindi kami pumila ng pagkahabahaba. Pero pagdating namin doon eh 10 am pa daw ang dating ng doctor. So umuwe muna ako at nagluto sa bahay kasi malapit lag naman yun bahay namin. After ko magluto, bumalik agad ako doon sa clinic pero hindi na pala sila nagchecheck-up ng lalamunan at nirecommend nya ako sa isang ospital dito sa city. So pumunta agad kami ni husband doon.
Mabilis naman ako nakapasok sa loob ng ospital. Mas matagal pa yun procedure ng pag fill-in ng forms for contact tracing. Mga 30 minutes din ako naghintay bago dumating ang doctor. Una ginawa sa akin eh physical examination then tinanong nya ako sa mga symptoms or nararamdaman ko.
hirap sa pagnguya
hirap lumunok
hirap sa pagsasalita minsan ngongo na
Yan kako lahat ng naramdaman ko, kinapa nya yun leeg ko to check if may bukol pero wala naman daw at okay din ang thyroid ko. After nya sinabi yun eh need daw ako magpa endoscopy para makita yun loob ng lalamunan ko and it will cost me 3000 pesos kasi wala ako Philhealth. Then after nya sinabi yun, he asked me kung naranasan ko din daw ba yun bigla na lang nagdrop yun eyelid ko involuntarily. And naalala ko twice na nangyari sa akin yun, sa lamay ng Papa ko and last week lang. Hindi ko pinansin yun nun una kasi akala ko eh kakacellphone ko lang.
So ang sabi nya, maaring ang sakit ko daw eh Myasthenia Gravis. Sabi ko anong sakit yun. He said na sakit daw sa nerve and muscle yun. Pero para makasiguro lang daw na okay ang lalamunan ko eh magpaendoscopy muna ako. So sabi ko eh iproduce ko muna yun 3000 pesos kasi wala pa akong hawak na pera. So after that eh umuwe na ako at naghintay sa asawa ko kasi sunduin nya ako.
Habang naghihintay sa kanya eh ginoogle ko yun sakit na sinabi ng doctor at nagulat ako. Bigla ako nanlambot. So to give you an idea of what Myasthenia gravis is, eto sya..
Myasthenia gravis (MG) is a chronic autoimmune disorder in which antibodies destroy the communication between nerves and muscle, resulting in weakness of the skeletal muscles.
Myasthenia gravis affects the voluntary muscles of the body, especially those that control the eyes, mouth, throat and limbs.
The disease can strike anyone at any age, but is more frequently seen in young women (age 20 and 30) and men aged 50 and older.
A myasthenia gravis crisis can involve difficulty in swallowing or breathing.
The cause of myasthenia gravis is unknown and there is no cure, but early detection and prompt medical management can help people live longer, more functional lives.
Source: https://www.hopkinsmedicine.org/health/conditions-and-diseases/myasthenia-gravis
After reading that eh feeling ko pinagsakluban ako ng langit at lupa. Habang hinihintay ko asawa ko eh parang bibigay na yun katawan at isip ko. Kaya pagdating na pagdating sa bahay eh umiyak agad ako. Sa isip ko eh bakit ako pa di ba? Walang gamot para sa a sakit na yun. Yun mga treatment eh para lang mapahaba ang buhay ko kasi yun iba daw nyan eh namamatay dahil sa respiratory failure.
Mixed emotions ang nararamdaman ko. Sino ba naman ang hindi di ba? Pu**a pwede ako mamatay ng maaga. Ang pinagpapasalamat ko na lang eh di sya nakakahawa at di namamana, so safe ang mag-ama ko.
Kailangang-kailangan ko ang tulong nyo guys. Please pray for me. Sana maging okay ang lahat. Sana mali yun sinabi ng doctor na sakit ko. Sana mabuhay pa ako ng matagal. Ayoko pang mamatay, jusko. Ang bata ko pa at isa pa di pa nakakapagtapos ng pag-aaral anak ko. Sa totoo lang, habang sinusulat ko to eh umiiyak ako. Natatakot ako talaga. Pero naisip ko na lang, kung mamamatay, eh di mamamatay. Ganun talaga ang buhay, una -una lang yan. Hay, mamamatay ba ako na di ko man lang magagawa yun pangarap ko na makapagtravel.
Pasensya na kayo guys, feeling ko eh sasabog yun dibdib ko sa sari saring nararamdaman ko ngayon kaya idinaan ko na lang sa pagsusulat. Kahit papaano eh gumaan ang pakiramdam ko. Bukas, pacheck -up ako ulit para sa 2nd opinion. At bahala na kung ano ang resulta. Iniisip ko pa ngayon kung saan ako kukuha ng pera, jusko.
Salamat sa pagbabasa at pasensya na.....
Kaya mo Yan sissy..not sure pa Naman Yan and hopefully hndi talaga ganun at simpleng sakit lang yang mararamdaman mo.