I woke up beautiful today, coz why not, char! Hahaha! It's my birthday! Oh my gosh, 4 decades and two! Qouta na ako, hahaha? Siempre hindi pa, 42 years pa lang nga ang nakalipas ng maglandian si ama at ina kaya nakabuo ng isang magandang dalaga eh, hahaha!
Okay, enough with my ilusyon. How to start this article ba, kasi I don't plan on writing today talaga. Parang pabirthday ko na sa self ko. Rest day kumbaga, kaso habang nagluluto naman ako kanina eh andami daming pumapasok sa isip ko. Yun bang parang kinakausap ako about sa isusulat ko, HAHAHA! Ang weird lang, so para tantanan nila ako eh isulat ko na.
I will start by saying thank you sa lahat ng bumati sa akin sa noise.cash and read.cash. Lakas makagoodvibes ng mga greetings nyo sa akin. Feeling ko eh ang daming nagmamahal sa akin eh, hehe. Pero dito talaga ako tawa ng tawa sa comment na to eh. Di ko alam if matutuwa ako or hindi eh pero mas lamang yun tawa ko, hype na yan, HAHAHAHA!
@kingofreview pinasaya mo ang birthday ko, HAHAHA!
And siempre, thankful din ako sa asawa ko na ang agang may pa hug sabay kiss eh. Meron pang padialogue na, "Anong date nga ngayon?, Sino may birthday?" Tapos sya din ang sumagot sabay hug at kiss with keriboomboom, Hahaha! Hay naku, kaya naman topakin ang asawa ko eh di ko maiwan iwan, charot!
And siempre kay @Yen , thank you ulit sa regalo, hehe and of course sa mga friends ko dito, di ko na kayo isa isahin ha, knows nyo na mga self nyo, hehe.
Pero yun inaantay ko na tawag from my sisters and mudrabels eh wala pa. Imposible na nakalimutan nila na sinilang nya ang magandang anak nya sa araw na ito. Kaya wait pa din ako gang mamaya, baka may importang bagay na mahalaga lang na inasikaso, ano daw, hahaha!
Okay, punta tayo sa medyo serious na usapan pero di naman yung tipong pang ICU ha, ayoko ng ganun. Ano ba ang mga natutunan ko in life?
Unang -una eh wag agad agad magtitiwala. Okay din minsan yung may trust issue din eh, kahit pa sa bestfriend nyo mga teh, no no. Keep a secret from them kasi your bestfriend can be your greatest enemy in the end.
Second, I learn to appreciate every little thing. Kasi before reklamador akong tao talaga. Puro ako reklamo, puro inggit sa katawan not knowing na andami kong bagay din na ginugusto ng ibang tao na sana meron din sila, pero di ko yun napapansin kasi nakafocus ako sa inggit. Kaya ngayon eh talagang naappreciate ko yun mga bagay na meron ako. Kahit nga ang ilong ko na pango eh sobrang thankful na ako kasi yun iba talaga eh super pa but still they are thankful kasi nakakahinga pa sila so ako pa ba ang di makaappreciate sa ilong ko, charot. Basta yun, I learn to be more appreciative of what I have.
Third, habang tumatanda tayo eh paunti unti din yung mga friends natin. Ewan ko, pero in my case eh ganun. I don't know if I am the problem or them. But I am happy with th friends that I have now coz they are real. It's quality over quantity.
Last but not the least, be happy! Yun ang importante talaga. Wag magpakastress mga teh. Hayaan na yang problema na yan, kahit naman isipin natin yan or dibdibin eh anjan pa din yan at di mawawala. So hayaan lang mga yan, mapapagod din yan sa pag stay sa atin at kusa na sila aalis, hahaha! Pero seryoso, learn to be happy or be happy. Ganyan ginagawa ko ngayon, happy lang. Ayoko naman na igugol sa problema yun nalalabing oras sa buhay ko noh, hello! Saka mababaw lang akong tao, di ako deep tulad ng mga kasing edad ko. Kaya okay na yung ganun sa akin. May naiintinduhan ba kayo sa sinabi ko? HAHAHA!
So today, plano sana ni husband na magdinner date kami kaso sabi ko sa kanya, napakaunpredictable ng weather ngayon. Baka mamaya eh biglang bumuhos ang ulan so sabi ko magluto na lang ako ng pansit. Pumayag naman sya, kaya luto ako ng pansit after this. Sa totoo lang, umiral lang pagkakuripot ko kaya sabi ko eh wag na kami magdinner, bigay na lang nya sa akin yung pera, HAHAHA!
So before I wrap this up, I want to say thank you once again to everybody for making my day meaningful and of course to our creator for another year of life.
THANK YOU SO MUCH ALL!
--
Date of Published: April 9, 2022
Belated happy birthday ate tho nabati na kita sa noise pero now ko lang kasi inalikan mga babasahin ko dapat last week pa hehehe..
Ganun dapat ate, be contented and be happy, di na tayo bumabata eh.