Umalis na kasi tayo dito.
At saan naman tayo, doon sa bahay ng Mama mo? Eh kulang na lang ultimo isusubo ko na pagkain eh bibilangin.
Eh kesa naman dito, araw-araw na lang eh nagbubunganga ang Mama mo.
I was trying to take a nap kanina sa kwarto pero dinig na dinig ko ang usapan ng mag asawa na kapitbahay ko. Don't get me wrong po, I am not evesdropping. Sadyang dinig na dinig ko lang yun pinag-uusapan nila dahil pader lang naman ang pagitan ng bahay namin. The girl is my daughter's friend, a year older sa kanya. And she got pregnant and gave birth last year.
Now, they're living in her mother's house, the house beside us. I can't blame her mother for being like that though, I mean, ang magbunganga araw-araw. Kasi naman pinag-aral ng maayos tapos biglang nabuntis and the guy is also studying pa din. But she's back in her studies naman kasi since online class pa naman eh madali pa sa kanya ang studies kasi no need to go to school.
Okay, enough sa pagiging Marites, hahaha! Actually, ang article ko is about living with in-laws. I have written an article about this already but doon sa very first account ko. But since most of my subscribers here ay di nakasubscribe sa akin before, I'll just give you a quick rundown of the said topic.
Every married couple who has lived or still living with their in-laws or even with their parents after settling down can totally relate to this. I personally, experienced kung gaano kahirap and tumira kasama ang mga byenan or in-laws.
Your house, your rules
Walang makikialam sayo kung ano ang gusto mo sa loob ng bahay mo. Kahit tanghali ka na gumising at di magwalis or maglinis ng bahay eh okay lang, kasi bahay mo naman yan. Walang sisita sayo at magbubunganga.
Privacy
Eto ang importante lalo na sa mga newly wed dyan, ang privacy. Alam nyo na ang ibig ko sabihin๐.
Matututo kayo maging independent
Kung paano magbudget, mga gusto nyo lutuin kahit sa kung paano nyo idecorate ang bahay nyo. Dahil nga sa wala kayo ibang aasahan kundi mga sarili nyo lang.
Walang makikialam sa kung paano nyo palakihin ang mga anak nyo.
Naging problema ko talaga eto noong nakatira pa kami sa byenan ko. Nakikialam sya talaga pagdating sa anak ko. Kung ano yun pinagbabawal ko eh yun naman yun ginagawa nya sa anak ko. Kaya naging spoiled ang bata at nahirapan ako pasunurin sa gusto ko dahil anjan lagi si Lola nya.
Walang nakabantay sa bawat kilos mo
Naku eto ang pinaka da best. Nakaka stress kasi talaga yun di ka makakilos ng maayos dahil baka may masabi sila. De-numero bawat kilos mo eh.
Wala din makikialam kapag may problema kayo mag-asawa.
Maayos nyo ang problema nyo ng walang makikialam. Minsan kasi eh imbes makatulong eh mas lalo lag lumalala ang problema dahil sa mga sulsol ng iba.
So @imanagrcltrst and @Eirolfeam2 dapat may bahay muna kayp bago kayo mag settle down ha?๐ Hindi bale na kayo ang magdala ng lalaki sa sarili nyong pamamahay, ang importante eh may sarili kayong tirahan kapag nagsimula na kyo bumuo ng pamilya.
Closing Thought
Planning before settling down is a must talaga. You have to be financially stable and of course, emotionally and physically. Hindi biro ang lumagay sa tahimik kasi pang habangbuhay na commitment yan kaya dapat paghandaan.
Thank you doon sa kapitbahay ko hahahaha! Wala talaga ako maisip na topic for today pero dahil sa kanila eh biglang umilaw ang bumbilya sa tuktok ko eh,hahaha!
Date Published: November 29, 2021
...and you will also help the author collect more tips.
hahaha tama nga naman pero sa kagaya kong paki nanay ayaw ko talaga humiwalay sa nanay ko eh hahaha