Ano ang Nasa Dako Pa Roon?

12 461
Avatar for Pachuchay
2 years ago
Topics: Horror story

the photo was taken last night. Sorry for the not-so-good quality.

Ano ang nasa dako paroon

Bunga ng malilikot na pag iisip
likha ng balintataw
O halaw sa isang daigdig ng Kababalaghan
Di Kayang Ipaliwanag

Ngunit alam mong magaganap

Source

Only batang 80s ang makakarelate dito, hahaha! Dahil sa article na to eh bunyag na bunyag ang edad ko eh noh. Pamilyar ba kayo sa palabas na Pinoy Thriller or Regal Shocker? Eto yung mga sikat na sikat na horror na palabas sa IBC Channel 13 noon. (Sana may kaedad ako na makabasa nito pra di sayang yung effort ko,hahaha). Sa pagkakatanda ko, edad 6 or 7 yata ako nung sumikat 'to.Mga panahong yan eh wala pa kaming television set kaya nakikinood lang kami sa kapitbahay. Tapos ang usong tv pa that time eh yung tv na nasa loob ng kabinet. Bale ang bahay namin noon eh nasa tabing kalsada, as in yung main road. Tapos hindi pa ganoon kadami ang bahay saka madami pang puno sa paligid. So dahil wala nga kaming tv noon eh nangangapitbahay pa kami makapnood lang nyan. Yun Tita ko na may pagkaMaritess, may friend sya noon na medyo richie rich kaya kumpleto sa gamit at doon kami nakikinood. Medyo may kalayuan ang bahay ng friend ng tita ko na yun. Hindi ko na tanda yun eksaktong oras pero sa tingin ko eh gabing - gabi na yun kasi wala na halos tao sa labas at kapag nakikinood kami doon, kami na lang halos natitira.

So one time, nakinood ulit kami. Ang kasama ko noon eh yung Tita ko, anak nya saka yun kapatid ko. Papunta pa lang kami noon sa bahay ng friend ng Tita ko eh nagkakatakutan na. Takot na takot kami dati kapg bilog ang buwan dahil lalabas daw mga aswang. Saka kapag tumutingin kami sa buwan, feeling namin kami ay sinusundan, hahaha! Pagdating namin doon sa bahay eh nanonood na sila tapos kami doon na lang sa terrace nakapwesto. Nahiya din kasi ako pumasok sa loob ng bahay nila, may pogi kasi syang anak,char!

So ayun na nga, habang nanonood kami eh nagsisiksikan na. Tapos nagtatakip ng mata habang nanonood. Natapos yun buong palabas na puro sigaw lang kami magkapatid at pinsan. Tapos nun pauwe na kami, eto na ang takutan. Bale yun pinsan ko na kasi na yun eh sobrang duwag. Napakamatatakutin kaya inaasar namin yun na bakla. So habang naglalakad kami, may naririnig kami na parang kaluskos sa mga puno saka parang may sumusunod sa amin. Hawak kami agad na 3 sa Tita ko. Pero alam ko that time tinubuan na din ng takot yung Tita ko kasi madilim talaga doon sa dinadaanan namin. So habang naglalakad kami, wala talaga umiimik. Nakikiramdam kami sa paligid. Tapos may aso na biglang umalulong ng todo, yun bang alulong na kikilabutan ka talaga. Kanya- kanya kami ng takbo, hahaha! Grabe talaga yung takbo ko, feeling ko noon eh di na sumasayad sa lupa yun paa ko eh, hahaha! Naiwan tapos yun tita ko saka pinsan ko, tapos kami ng kapatid ko ang naunang nakarating sa bahay. Nakarating kami sa bahay noon na wala nang tsinepen. Simula noon eh di na kami pinayagan ng lola ko makinood at after 1 month eh bumili kami ng tv na nasa kabinet,hehehe!

--

Pasensya na kayo kung napakwento agad ako. Naalala ko lang to bigla nun nakita ko yun artilcle ni @Bloghound about sa moon. Then last night, ang creepy din nun moon kaya kinunan ko agad ng picture. Tapos yun nga, habang nakatingin ako sa moon kagabi eh naalala ko yun mga time na nauso yun Pinoy Thriller.

Pero looking back at those palabas now, naisip ko hindi naman pala sya nakakatakot talaga. And yun graphics nya eh di ganoon kaganda. Siempre di pa naman ganoon ka hightech before. Sinubukan namin panoorin kagabi yun isang episode sa youtube at inantok lang ako,char!

--

Date Published: January 20, 2022

Video from Youtube

11
$ 5.26
$ 5.02 from @TheRandomRewarder
$ 0.05 from @Jane
$ 0.05 from @Ruffa
+ 5
Sponsors of Pachuchay
empty
empty
empty
Avatar for Pachuchay
2 years ago
Topics: Horror story

Comments

How creepy, haha... I can already see them running in fear, imagine if someone would have come out covering himself with a white sheet.

$ 0.00
2 years ago

Mommy dikona alam yang palabas na yan hehe

$ 0.00
User's avatar Yen
2 years ago

Hahaha a g kulit, diko sure madams if naabot ko ba yan wala akong memories na ganyan before ee hahaha.

$ 0.00
2 years ago

Batang 90s po ako at uso din sa amin yong mga panakot na ganyan lalo na kung matagal matulog. Hehe. Sikat ang aswang noon eh. 😅🤦‍♀️

$ 0.00
2 years ago

Tama, legit yun takot kapag ganyan eh, hehe

$ 0.00
2 years ago

Yung Gabi ng Lagim ate sa radyo? For sure abot mo yun haha. Pantakot yun samin ni mama

$ 0.00
2 years ago

Oo Jane, hahaha.. 9pm yata un ini air eh, hahaha.. Inaabangan tlaga namin un noon.

$ 0.00
2 years ago

Ate, kapag talaga nakatira ka sa probinsya usong uso lagi magtakutan no kapag maliwanag na na lalo ang buwan ? ehehehe

naalala ko di ko naanbutan ung horror film na tinutukoy mo pero naranasan ko din yan, ang matakot. kahit alam mo na minsan eh tinatakot nyo lang talaga mga sarili nyo hahaah

$ 0.00
2 years ago

kalokohan nun kabataan natin eh noh,hehehee

$ 0.00
2 years ago

Relate ako sa man&angapit bahay oara manood 😂 may TV kami noon pero mas gusto ko pa sa ibang bahay manood kasi walang maglilipat ng chanelle 😂

$ 0.00
2 years ago

hahaha, agawan ba sa remote beh?

$ 0.00
2 years ago

Oo kamo te laging agawan 🤣

$ 0.00
2 years ago