Anak

57 110
Avatar for Pachuchay
3 years ago

Naalala mo pa ba, noong ikaw ay musmos pa?

Lagi mo sinasambit ay ang salitang "Mama"

Mawala lang ako saglit sa paningin mo

Hanap mo agad ay si ako

Mama saan ka nagpunta?

Mama bakit di mo ko sinama?

Mama kwentuhan mo ko .

Mama i love you.

Tuwang-tuwa ako noong unang sinabi mo yan

Ang sabi ko pa, "saan mo yan natutunan?"

Ang sabi mo naman, "Sa palabas po, sabihan daw ng I love you ang mga Mama"

Kung sino ka man na nagsulat ng script na yun, Good job!

Naalala mo pa ba, noong unang araw mo sa eskwela,

Umiiyak ka dahil ang gusto mo samahan kita

Pero sabi ko sayo, "Anak, hindi pwedeng samahan ka"

Kaya ang sabi mo noon ay, "Huwag ka aalis Mama ha, dyan ka lang at ako'y bantayan"

Tuwang-tuwa ka pa noon ng tinatakan ni teacher ng 3 star ang kamay mo

"Mama, very good daw ako" yan ang pagmamalaking sambit mo.

Kaya naman si Papa mo ay may pasalubong agad sayo

Chocolate at ice pop na paborito mo.

Dumating ang araw na nagtapos ka ng kinder

Excited ka na suutin ang puting bestida na hiniram ko

Nakakalungkot dahil sa mga panahong yun ay walang wala tayo

Kaya naman pagkatapos ng okasyon ay di man lang kita napakain sa paborito mo na Jollibee

Pero sabi mo naman ay, "Mama okay lang yan, Kain na lang tayo sa bahay. Mas masarap ang pagkain na niluto mo kesa kay Jollibee"

Naalala mo pa ba, noong unang beses na nabully ka?

Galit na galit si Mama anak, alam mo ba?

Di baleng ako ang kantiin nila, huwag lang ikaw

Dahil mahal na mahal kita

Dumating ang araw na pumasok ka ng high school

Excited din ako sa bagong chapter ng buhay mo

Kaya kahit ako lang yata ang Nanay na andoon para samahan ang anak

Eh okay lng, mapapanatag ako na makita kang maayos ang kalagayan sa bagong mong eskwelahan

Madami kang nakilala, mga bagong kaibigan na makakasama

Masaya ako na nakikita kang masaya at alam ko na mabubuti sila

Naging bahagi sila ng iyong pag-unlad

Bilang tao at mabuting kaibigan

Sa dami ng iyong pinagdaanan bilang estudyante

Masaya ako na naging matatag ka sa tukso at masamang impluwensya

Lagi mong sinasabi na "Mama magtiwala ka, tutuparin ko ang pangako ko sa inyo ni Papa"

Lagi mo sinasabi sa akin na "Mama, kapag ako'y nakapagtapos na at natanggap sa magandang kumpanya, Ipagtatayo kita ng malaking bahay at ikukuha ng sampung yaya"

"May tagahugas, tagaluto at tagapagpaligo sa inyo ni Papa Ma, ang gagawin mo na lang ay ang magpaganda"

"Bibilhan din kita ng Ferrari, at ikukuha ng driver na macho"

Tawa tayo tapos ng tawa, dahil sa mga pangarap natin na sana ay hindi hanggang pangarap lang din.

Pero alam mo anak, makita lang kita na nakapagtapos eh masaya na ako

Hindi ko hangad ang mga binanggit mo

Makita lang kita na maayos ang estado sa buhay ay okay na ako

Di ba, lagi ko sinasabi na laging andito si Mama, gawin mo akong kalasag sa mga hamon ng buhay anak.

Kaya ngayon na magkokolehiyo ka na,

Laging andito pa din si Mama

Kahit minsan ay di mo ako kailangan

Basta lagi mo tatandaan, Isang tawag mo lang anak, si Mama ay palaging andyan.


Closing Thought

Emeged, masyado ako napaiyak ng sinulat ko na to! I'm sure lahat ng mother earth eh makakarelate dito. At sana din sa mga anak na makakabasa nito, malaman nyo sana na mahak na mahak kayo ng mga Mama nyo at siempre Papa na din. Kaya mahalin nyo sila at pahalagahan..

Date Published: August 11, 2021

19
$ 2.35
$ 1.00 from @Jeaneth
$ 0.40 from @Ruffa
$ 0.25 from @bmjc98
+ 12
Sponsors of Pachuchay
empty
empty
empty
Avatar for Pachuchay
3 years ago

Comments

Ateeeeee 'di naman kita inaano ah? Bakit mo ako pinapaiyakkkkkk? HUHUHUHU

Ang tagal mo nang na-published 'tong article mo na 'to pero ngayon lang ako nagkalakas ng loob na basahin kasi sa title pa lang alam ko nang iiyak ako. Pero walaaaaaa, umiyak pa din ako. Ate kasi eh. Huhuhu

$ 0.00
3 years ago

Hehehhe, sorry beh..

$ 0.00
3 years ago

Lagi nyo na lang akong pinapaiyak. Huhuhu char.

$ 0.00
3 years ago

It only means na naiintindihan mo kaming mga parents..

$ 0.00
3 years ago

Sis. Ambot na lang. Giduka kaayo ko pero pag basa naku. Hayst. Di ko mama pero na touch ko. I guess as an anak. Makagawa nga ng ganito.

Long live sa tanang inahan diha! 💚

Libog ko if crying emoji ba or unsa sa heart na lang. ♥️

$ 0.00
3 years ago

Hehehe, nhilak pud ko sang ginhimo ko ni kay naremember jud na ko ang every chapter sang akuang anak nga upod ko..

$ 0.00
3 years ago

Nakabasa siya ani? Sure ko nig magminyo na na, makahinumdom na sad ka ani from her being just inside you until the moment na nilakaw siya aisle.

$ 0.00
3 years ago

Grabe naman guro hilak ko sis

$ 0.00
3 years ago

I couldn't understand one bit, but I enjoyed looking at the pictures :)! I love those pink glasses, I might get myself one soon! :)

$ 0.00
3 years ago

Sorry for late response Stea. Yes, bmjc9i is right. You can hit the globe icon for the translation..

$ 0.00
3 years ago

I think you can hit that globe icon for translation.

$ 0.00
3 years ago

It doesn't work for me :( It shows, 'can't translate this page'

$ 0.00
3 years ago

Oh. I'll try, and it worked for me.

$ 0.00
3 years ago

It is about the story of my daughter while growing up. How I guided her until now..

$ 0.00
3 years ago

oh ok, thanks :)!

$ 0.00
3 years ago

Nakaka-touch naman ito mamsh! Gusto ko din masubaybayan yung paglaki ni Prince e hahaha swerte mo sa anak mo mamsh, swerte din pala sya sa inyong mag-asawa hihihi <3

$ 0.00
3 years ago

Hello mamsh!eto na ba new mo?

Of course naman,masusubaybayan mo yan. And i am sure magiging mabuting bata si Prince dahil sa inyong mag asawa..

$ 0.00
3 years ago

Uu mamsh! This is me, MrsPepper hihihi shelemet ah! Swerte natin sa mga anak natin hahaha

$ 0.00
3 years ago

Awww Mama nakakaiyak. Ayyy. Haha.

Ang swerte ng anak nyo at swerte rin siya sa inyo. :)

$ 0.00
3 years ago

For sure lahat ng anak eh swerte sa kanikanilang mga mommies, heheh.. Thanks for reading and for the upvote sis..

$ 0.00
3 years ago

Grabe tusok na tusok sa puso Naman to ate. Grabe, sobrang supportive nyo po sa anak nyo. Sana matupad niya lahat Ng mga pangarap niya sa buhay.

$ 0.00
3 years ago

Gagabayan ko sya ng husto beh para maaigurk na maabot nya lahat pangarap nya..

$ 0.00
3 years ago

Napakasupportive niyo naman po sa inyong anak . Sana po matupad lahat ng mangarap niya sa buhay. Goodluck po sa journey nya ...

$ 0.00
3 years ago

Salamat sis. I am sure lahat ng Nanay eh supportive sa kanilang mga anak, at yun kasi ang daat ara lumaking mabuting tao..

$ 0.00
3 years ago

Nakakatouch po... Gaiging senti siguro talaga ang mga nanay lalo na at makita ang anak na para bagang hindi kana kailangan dahil kayang kaya na nila ang mgasarili nila..

$ 0.00
3 years ago

Tama sis, kaya ikaw habang bata pa ang anak mo eh spend more time. Kasi ddating yun araw na mas gusto na nila kasama friends nila kesa sayo..

$ 0.00
3 years ago

Kaya nga sis.. Di ko din maimagine na parang magiging itsapwera nalang ako sa mga anak ko.. .. Maramdamin pa naman ako.. Hahahaha...

$ 0.00
3 years ago

Hahaha, naku sis, be ready kasi ako eh pinagdadaanan ko na yan..

$ 0.00
3 years ago

What an emotional article. It really came from the heart. 🥺 Sacrificial and unconditional talaga ang love from parents. ❤

$ 0.00
3 years ago

Mau jud madams, in time maexperience mo man how to be a mom,,btw, thanks a generosity naman madams,hehe

$ 0.00
3 years ago

Balang araw magsusulat din ako nang ganito huhu 😭 excited ako sa paglaki nang anak ko hehe

$ 0.00
3 years ago

Darating din yun araw mo sis,hehehe.. salamat sa upvote..

$ 0.00
3 years ago

Hehe welcome sis paka active ka dito para mapansin ka nang robot.

$ 0.00
3 years ago

Yes sis,heheheh.. thanks

$ 0.00
3 years ago

Ay nakakatouch naman po, sana ako din masubaybayan ko pa ang paglaki ng anak ko, at mashare nya pa sa akin mga pangarap nya paglaki nya:)

$ 0.00
3 years ago

Ilan taon na ba anak mo sis?ako kasi eh maagang nagbuntis

$ 0.00
3 years ago

Mag 3pa lng this december madam taz maedad na ako, kaya im praying for long life para masubaybayan ko pa lahat ng mga mangyayari sa knya

$ 0.00
3 years ago

Oh I see, ako kasi eh 23 nun nagkaanak, 4 years na lang gagraduate na sya sa college

$ 0.00
3 years ago

Kaya nga po, ako mahabang mahaba pang oras ang kailangan ko para makarating dun, may advantage tlga ang maagang pag-aasawa lalo na sa mga panahin ngayun na halos maiksi na ung life span ng tao

$ 0.00
3 years ago

Tama ka sis, kasi mas]masusubaybayan mo ng matagal ang anak mo

$ 0.00
3 years ago

Umiiyak din ako ngayon mommy , Kainis ka! Tulo luha ko ko oh

$ 0.00
User's avatar Yen
3 years ago

Ayun, congrats to the proud parents lodi,! Ayus lahat sa dulo, yung gawing kalasag lods, si hubby mo daoat yon,. Ikaw nalang ang 10 yaya in 1,., Hehe

$ 0.00
3 years ago

Ayieee, napaka sweet naman na Mommy ni Madam, for the Love if her Child. Nakaka tuwang nakita mo ang pa unlad at pag laki ng anak mo into a beautiful and amazing girl. Sana'y matupad nya lahat ng pangarap nya. Madapa man sya'y pilitin nya sanang bumangon, para sayo at para sa Papa nya 💙🐟🌊🐋

$ 0.00
3 years ago

Ang seryoso ng message mo madam, naiiyak tuloy ako, hehehe... Lahat talaga ng magulang eh gagawin yan pra sa kanilang mga anak.. Maraming salamat sa Suporta madams, hehehe

$ 0.00
3 years ago

Aheeee, dapat mag seryoso din minsan madam. Wag daw puro lalaki iisipin, wahahahaha.

$ 0.00
3 years ago

Ang masasabi ko lang po ay isa kayong supportive at mabuting ina. Hiling ko na sana matupad ang mga pangarap ng iyong anak. :)

$ 0.00
3 years ago

Salamat beh,

$ 0.00
3 years ago

Nakakatouch nman po ito sis.. sana mabasa ng anak mo malaman niya gaano mo siya kamahal.😍

$ 0.00
3 years ago

Nabasa na nya sis, heheh.. Btw, bakit nakahide comment mo sis?

$ 0.00
3 years ago

Yun nga po sis mukhanv marked as spam nnman siya nkakawalang gana tuloy magsulat.

$ 0.00
3 years ago

Aigoo. Ang sweet naman nito. . nagbloom sya te 😁

$ 0.00
3 years ago

Yup Jane, nagbloom ng bongga, hehehe

$ 0.00
3 years ago

Awwwwww. That was deep and inspiring, sis!

$ 0.00
3 years ago

Thank you sis!💜❤

$ 0.00
3 years ago

You're welcome, sis!

$ 0.00
3 years ago

ay grabeee ang bigat ! chay

$ 0.01
3 years ago

Hahaha, thank you pixel, salamat sa time na nilaan sa pagbabasa, heheh

$ 0.00
3 years ago