So I didn’t write for almost 1 week+, just like what I said magpapahinga muna ako ng halos ilang linggo or araw until sa maging okay na.
And this article will serve as an open forum para sa lahat, letter lang to...letter for them even if they can’t read this.
—
“This Child Of Yours Are Tired”
Dear My Parents,
Dy? Nay? Gusto ko lang sabihin sainyo na napapagod na ako. Na sobrang ayaw ko na, na sobrang suko na ako. Suporta niyo lang naman hinihingi ko diba? Simpleng salita lang ng “Susuportahan kita”, “May tiwala ako sayo” ay masaya na ako. Nay, Dy, sobrang ayaw ko na sa gulo ng utak ko. Sobrang ayaw ko na sa part na hindi ko na maintindihan sarili ko dahil kailangan ko kayong intidihin sa lahat ng bagay, kung bakit sa ganitong mga bagay ayaw niyo akong suportahan. Lahat ng ginagawa ko, para sainyo. Lahat ng ito para sa inyo ni ina. Nagiisang anak niyo lang ako, matanda na kayong dalawa, malaki na rin ako. Hindi ako papayag nanisa sainyo yung mag trabaho sa kabila ng katndaan niyong dalawa.
Tahimik lang ako pero sobrang mahal ko sayo, tahimik lang ako pero mahal na mahal ko kayong dalawa. Hindi ko to gagawin, para sa ikakasaya at ikakasarap ng buhay ko. Lahat to, lahat ng ito para sainyo.
Napapagod na ako, pagod na akong tapakan tayo ng ibang tao, na puro nalang sila yung papakinggan natin at halos wala na tayong napapala.
Napapagod na ako, napapagod na ako sa mga salitang paulit-ulit niyo sinasabi na sana di nalang ako pinanganak, na sana di niyo nalang ako niluwal. Di ko hiniling na mapadito sa mundo, hindi ko hiniling na mabuhay at hindi ko rin hiniling na makilala niyo at mabuo sainyo.
Sobrang nasaktan ako nung sinabi niyo kanina at halos pinaramdam niyo sakin na wala kayong tiwala, na para sainyo sobrang mali ng gagawin ko. Ano ba gusto niyo marinig?, na aalis ako para gumanda buhay ko? Aalis ako para maging maayos ako? Aalis ako para saan?.
Naaalala ko pa, nung bata ako na nasa elementary pa. Tanda niyo pa ba? Lagi lang ako nasaloob ng bahay habang kayo nasa sugalan, naghihintay ako palagi kung sinong unang uuwi at papasok sainyo ni ina para may kasama at maging masaya ulit ako. Halos nakasilip lang ako sa bintana, naghihintay na mapansin niyo, naghihintay na tawagin niyo, naghihintay na may bumalik at umuwi para samahan ako...naghihintay ako na baka maisip niyong magisa lang ako at kailangan ko ng kasama at makakausap.
Pero wala, nakatayo lang ako palagi at palihim na pinagmamasdan kayo. Naghihintay ako kung kailan kayo uuwi, pero wala. Ni isa walang nakapuna sa pagiging mapag-isa ko, tanging papel at ballpen lang kasama ko sa buong hapon habang naghihintay. Tanging isang maliliit na bato lang nasatabi ko at winawaksi ko lumipas lang ang oras.
Magigising ako ng magisa, at uuwi kayong mainit ang ulo.
Lagi akong uhaw sa yakap niyo, uhaw sa lahat sainyo. Hanggang sa lumaki ako at yung uhaw nayun lalong lumalala, mas hinahanap ko presensya niyo, mas hinahanap ko yung kakamustahin niyo school ko, kakamustahin niyo lahat saakin.
Pero, none of you ask me if how my day is...You didn’t even bother to ask me if I eat or not. Paguuwi kayo, sasabihin niyo pa na “Napakawalang silbi ng anak mo, sobrang malas”, you didn’t know how hurt it was to be heard by your own father. Me too, I didn’t wish for my existence.
I try to understand everything, kahit ayaw na ng puso’t-isipan ko. Pinilit kong intindihin lahat at umakto na okay lan ako, na wala akong problema. Halos ang perpekto tingnan ng lahat saatin kapag sa mata ng iba tao, di nila alam na sa likod nun di talaga tayo ganito.
Dapat nga di ko sinasabi ngayon to dito, pero di ko alam kung paano at saan ilalabas. Binibigay ko naman gusto at kahilingan niyo diba? Binibigay ko naman kung ano hingiin niyo. Saan ako nagkulang?? Ni minsan di ko kayo pinagdamutan.
—
8 months from now wala na ako sa tabi niyo, 8 months from now di ko na kayo kasama. I wish before that 8 months come, lahat magbago. Maramdaman ko na mahal niyo ako, maramdaman ko na suportado kayo at maramdaman ko na may tiwala kayo. That’s what your only daughter wishing for...I don’t have any wish other than that, believe me or not this decision is from the both of you. No one can help me but myself only, no one can help me but me. I know you two appreciates my decision. Thank you for allowing me to go away from you in the next 8 months, thank you for letting me have your permission about my decisions. I know both of you are old, but always remember that I love you both and para sainyo to...
I’m not going to there to have a pretty life, or whatsoever. I’ll go there since I wanna try if the things will work out, pinagdadasal ko kay God na sana magwork out lahat. Di ako magpapasarap ng buhay, di ako magpapaganda ng buhay..pero lahat to para sainyo.
Mahal ko kayong dalawa, di ko kayo tatalikuran. I just need to do this to earn enough money for the both of you 🥺.
-
Author’s Note,
this is not a selfish decision. This decision will serve as a life lesson for me lalo na at mabilis yung walong buwan, may the God bless everyone.
10-22-21
by:OfficialGamboaLikeUs
I feel you Mare. Ako grabe na ginagawa ko sa parents ko kapag may kailangan sila kahit walang wala ako binibigay ko sakanila para lang wala silang masabi. Yung tipong stress na ako tapos dagdag pa sila. Buti nalang talaga mabait jowa ko sakanya lang ako nakakapag labas ng sama ng loob ko sa parents ko