Join 78,984 users and earn money for participation

This Child Of Yours Are Tired.

30 31 boost
Avatar for OfficialGamboaLikeUs
1 month ago

So I didn’t write for almost 1 week+, just like what I said magpapahinga muna ako ng halos ilang linggo or araw until sa maging okay na.

And this article will serve as an open forum para sa lahat, letter lang to...letter for them even if they can’t read this.

“This Child Of Yours Are Tired”

Dear My Parents,

Dy? Nay? Gusto ko lang sabihin sainyo na napapagod na ako. Na sobrang ayaw ko na, na sobrang suko na ako. Suporta niyo lang naman hinihingi ko diba? Simpleng salita lang ng “Susuportahan kita”, “May tiwala ako sayo” ay masaya na ako. Nay, Dy, sobrang ayaw ko na sa gulo ng utak ko. Sobrang ayaw ko na sa part na hindi ko na maintindihan sarili ko dahil kailangan ko kayong intidihin sa lahat ng bagay, kung bakit sa ganitong mga bagay ayaw niyo akong suportahan. Lahat ng ginagawa ko, para sainyo. Lahat ng ito para sa inyo ni ina. Nagiisang anak niyo lang ako, matanda na kayong dalawa, malaki na rin ako. Hindi ako papayag nanisa sainyo yung mag trabaho sa kabila ng katndaan niyong dalawa.

Tahimik lang ako pero sobrang mahal ko sayo, tahimik lang ako pero mahal na mahal ko kayong dalawa. Hindi ko to gagawin, para sa ikakasaya at ikakasarap ng buhay ko. Lahat to, lahat ng ito para sainyo.

Napapagod na ako, pagod na akong tapakan tayo ng ibang tao, na puro nalang sila yung papakinggan natin at halos wala na tayong napapala.

Napapagod na ako, napapagod na ako sa mga salitang paulit-ulit niyo sinasabi na sana di nalang ako pinanganak, na sana di niyo nalang ako niluwal. Di ko hiniling na mapadito sa mundo, hindi ko hiniling na mabuhay at hindi ko rin hiniling na makilala niyo at mabuo sainyo.

Sobrang nasaktan ako nung sinabi niyo kanina at halos pinaramdam niyo sakin na wala kayong tiwala, na para sainyo sobrang mali ng gagawin ko. Ano ba gusto niyo marinig?, na aalis ako para gumanda buhay ko? Aalis ako para maging maayos ako? Aalis ako para saan?.

Naaalala ko pa, nung bata ako na nasa elementary pa. Tanda niyo pa ba? Lagi lang ako nasaloob ng bahay habang kayo nasa sugalan, naghihintay ako palagi kung sinong unang uuwi at papasok sainyo ni ina para may kasama at maging masaya ulit ako. Halos nakasilip lang ako sa bintana, naghihintay na mapansin niyo, naghihintay na tawagin niyo, naghihintay na may bumalik at umuwi para samahan ako...naghihintay ako na baka maisip niyong magisa lang ako at kailangan ko ng kasama at makakausap.

Pero wala, nakatayo lang ako palagi at palihim na pinagmamasdan kayo. Naghihintay ako kung kailan kayo uuwi, pero wala. Ni isa walang nakapuna sa pagiging mapag-isa ko, tanging papel at ballpen lang kasama ko sa buong hapon habang naghihintay. Tanging isang maliliit na bato lang nasatabi ko at winawaksi ko lumipas lang ang oras.

Magigising ako ng magisa, at uuwi kayong mainit ang ulo.

Lagi akong uhaw sa yakap niyo, uhaw sa lahat sainyo. Hanggang sa lumaki ako at yung uhaw nayun lalong lumalala, mas hinahanap ko presensya niyo, mas hinahanap ko yung kakamustahin niyo school ko, kakamustahin niyo lahat saakin.

Pero, none of you ask me if how my day is...You didn’t even bother to ask me if I eat or not. Paguuwi kayo, sasabihin niyo pa na “Napakawalang silbi ng anak mo, sobrang malas”, you didn’t know how hurt it was to be heard by your own father. Me too, I didn’t wish for my existence.

I try to understand everything, kahit ayaw na ng puso’t-isipan ko. Pinilit kong intindihin lahat at umakto na okay lan ako, na wala akong problema. Halos ang perpekto tingnan ng lahat saatin kapag sa mata ng iba tao, di nila alam na sa likod nun di talaga tayo ganito.

Dapat nga di ko sinasabi ngayon to dito, pero di ko alam kung paano at saan ilalabas. Binibigay ko naman gusto at kahilingan niyo diba? Binibigay ko naman kung ano hingiin niyo. Saan ako nagkulang?? Ni minsan di ko kayo pinagdamutan.

8 months from now wala na ako sa tabi niyo, 8 months from now di ko na kayo kasama. I wish before that 8 months come, lahat magbago. Maramdaman ko na mahal niyo ako, maramdaman ko na suportado kayo at maramdaman ko na may tiwala kayo. That’s what your only daughter wishing for...I don’t have any wish other than that, believe me or not this decision is from the both of you. No one can help me but myself only, no one can help me but me. I know you two appreciates my decision. Thank you for allowing me to go away from you in the next 8 months, thank you for letting me have your permission about my decisions. I know both of you are old, but always remember that I love you both and para sainyo to...

I’m not going to there to have a pretty life, or whatsoever. I’ll go there since I wanna try if the things will work out, pinagdadasal ko kay God na sana magwork out lahat. Di ako magpapasarap ng buhay, di ako magpapaganda ng buhay..pero lahat to para sainyo.

Mahal ko kayong dalawa, di ko kayo tatalikuran. I just need to do this to earn enough money for the both of you 🥺.

-

Author’s Note,

this is not a selfish decision. This decision will serve as a life lesson for me lalo na at mabilis yung walong buwan, may the God bless everyone.

10-22-21
by:OfficialGamboaLikeUs

12
$ 0.82
$ 0.50 from @ExpertWritter
$ 0.05 from @mommykim
$ 0.05 from @Ayane-chan
+ 7
Sponsors of OfficialGamboaLikeUs
empty
empty
empty
empty
Avatar for OfficialGamboaLikeUs
1 month ago
Enjoyed this article?  Earn Bitcoin Cash by sharing it! Explain
...and you will also help the author collect more tips.

Comments

I feel you Mare. Ako grabe na ginagawa ko sa parents ko kapag may kailangan sila kahit walang wala ako binibigay ko sakanila para lang wala silang masabi. Yung tipong stress na ako tapos dagdag pa sila. Buti nalang talaga mabait jowa ko sakanya lang ako nakakapag labas ng sama ng loob ko sa parents ko

$ 0.00
1 month ago

Hala ate pareho tayooo, swerte ko lang rn kasi mabait jowa ko tas everytime na may problema ako nagooffer sya ng help. Sinabi nya na magpoffer sya ng work sakin if andun nako sakanila para makatulong sya, nahihiya ako masyadoo diko alam pano babawi sa lahat

$ 0.00
1 month ago

Dito din naman ganyan sila pero iniintindi ko nalang. Oo pagod na din ako pero wala pa naman to sa mga nagawa nila sakin. Wala akong karapatang mag reklamo kasi dipa sapat mga ginagawa ko sakanila pero magkaiba tayo ng sitwasyon. Laban lang marengs kaya mo yan! Kung di ka nila mabibigyan ng suporta, Andyan padin naman ang Panginoon eh.

$ 0.00
1 month ago

Marengh madaming salamat sayoooo. Jusko diko alam paano kayo susuklian

$ 0.00
1 month ago

I'm so sorry ate ... Feel na feel ko yung pain. Nangamba ako kung tataposin koba tong basahin kasi nga ramdam konarin ganintong sakit dati. Soon maiisip din nila kung gani sila ka swerte having you.

$ 0.00
1 month ago

Oo ate, sobrang laki ng pagsubok nito

$ 0.00
1 month ago

Hays magiging okay din yan

$ 0.00
1 month ago

Bakit ganun? Bakit ako yung umiiyak? Isa akong ina pero ni minsan di sumagi sa isip ko ang mga salitang sinabi nila sayo na makakaya kong sabihin sa anak ko. Kahit kailan hindi ka isang "walang kwenta at walang pakinabang o walang silbi "langga Kung pwede lang sana kitang yakapin ngayon at kung malapit ka lang sana ay kanina pa kita niyakap nang mahigpit at sabihin sayong ang tatag mo at yung kinaya mo ang ilang taon na ganyan lalo na yung kabataan mo na mag isa ka lang at uhaw sa pagmamahal nang magulang.. nadurog puso ko dun huhhuhu..di ako marunong mag comfort pero kaya kong sabayan ka sa pag iyak langga.. huhuhhu yung luha ko ayaw matigil anubahhhh

$ 0.00
1 month ago

Umiiyak ako monsh habang tinatype ko kanina to, diko na kasi talaga alam kung paano ilalavas at sasabihin. Diko alam sino mapagsasabihan ko, gulong-gulo lahat sa isipan ko

$ 0.00
1 month ago

aigoooo at umiiyak pa rin talaga ako di ko man naramdaman yang nangyari sayo sa mga magulang mo pero ramdam ko ang sakit na pinang gagalingan mo at sobrang tatag mo langga

yakap kita kahit sa hangin lang...sana umabot sayo pagmamhal ko

$ 0.00
1 month ago

Laban lang mare. Patuloy sa pagdarasal na i soften ng Diyos ang kanilang puso towards you and that eventually maintindihan nila deaisyon mo.

$ 0.00
1 month ago

Sana nga ate, sana talaga mismo maintindihan nila. Although wala silang reklamo sa desisyon ko pero feel ko labag sila

$ 0.00
1 month ago

I'm so speechless while reading this. Ang sakit lang kase yung akala mong mga taong unang magpaparamdam sayo ng halaga sayo ay siya pa pala ang unang tatalikod sayo.🤧🥺Di ko man na-experience yung ganto but ramdam na ramdam ko yung sakit nito. I commend you kase apaka strong mo dahil nakakaya mo pa rin ang lahat ng yan. I'm praying na sana hindi pa huli ang lahat kapag narealize nila ang lahat ng pinaaramdam nila sayo. Mahirap pero kapit lang ha! I believe that one day, magiging ok rin ang lahat,😊🤗

$ 0.00
1 month ago

Pinapaiyak nyoko sa comment nyo 🥺

$ 0.00
1 month ago

Grabe ang sakit naman ng binabasa ko 😔 is it real? Di ako makapaniwalang may ganitong parents 😭 lumaki kaming mahirap pero never ipinamukha samin na malas kami, di man ako binusog ng masasarap na pagkain pero binusog kami sa pagmamahal at pag aaruga. Napaluha ako habang ngbabasa, nasambit kong how lucky am I, mahirap man, di kinayang makapagtapos ng pag aaral at nakatira sa barong barong pero maswerte sa mga magulang. Sissy wag mo masyadong dibdibin ang lahat kc depression ang makakalaban mo, keep praying God is good Insha Allah everything will be alright soon

$ 0.00
1 month ago

ANg swette nyo sa part na pinuno kayo ng pagmamahal ate, ako mapapasanaol nalang pero mahal ko parin pamilya ko

$ 0.00
1 month ago

Hala sorry sissy to feel like this, mahal ka din nila pero di lang sila showey sau

$ 0.00
1 month ago

Oo nga ate, siguro di lang nilanalam paano ipapakita since only child ako

$ 0.00
1 month ago

Na bc lang siguro cla sissy lalo na kapag naglalaro cla. Xoxo

$ 0.00
1 month ago

I have a mixed emotions while reading this one sis. Magkahalong sakita t kasiyahan. Sakit sa mga naranasna mo. At kasiyahan dahil pinili mo na sa wakas ang sarili mo. I am so sorry thatt you have to go through this things. I wanna give you a hug right now :(

$ 0.00
1 month ago

NEed ko rin hug sis, sana nga owede mapadalandito kamay nyo

$ 0.00
1 month ago

Naiyak ako sis. Ramdam ko yung pain. Ang hirap din kasi na ipaalam yung feeling natin sa magulang natin kasi di naman nila tayo maintindihan. Kaya naman kahit masakit, pinipilit parin nating yung sarili natin. Mahirap ang desisyon na iyong napili pero alam kong may mabuting kang intensyon kung bakit mo yan gagawin. God will always be there for you sis. Sending hugs. God bless you. 💗

$ 0.00
1 month ago

Oo sis, pra din mismo sakanila

$ 0.00
1 month ago

I'm sorry that you have felt this through. Ramdam ko young sakit at hirap na dinaramdam mo. Sana mabigyan kita ng kahit isang yakap man lang at iparamdam sayo na magiging okay din lahat. Minsan kasi mas nakakapagbigay ng sakut yung mga taong hindi natin maiisip na sasaktan talaga tayo. Yung paraan pa nila ay yung, hindi nila alam na nasasaktan ka na sa pinaparamdam nila sa atin. Sana isipin mo, hindi mo obligasyon ang lahat para sa pamilya mo. Hindi natin choice ang mabuhay, sila ang pumili sa choice na buhayin tayo. Pero nga anak tayo. Hindi talaga maiiwasan na isipin na may obligasyon talaga tayo. Mag-iingat ka. Alagaan mo sarili mo para sa kapakanan ng pamilya mo. I am rooting for you.

$ 0.00
1 month ago

Salamat 🥺 oo magiingat ako palagi para sakanila, matagal-tagal pa naman pero ang lapit nalang

$ 0.00
1 month ago

Sorry gy. Kahit ako rin minsam gusto ko malaman ng parents ko yung hirap ko sa lahat pero wala. At kahit kailan hindi

$ 0.00
1 month ago

Oo nga e

$ 0.00
1 month ago

Bakit naiyak ako Langga.🥺 Kahit gaano kasakit pipiliin parin natin mabigyan ng magandang buhay yung mga parents natin. Kahit ang sakit2 na at napakahirap. Gagawin lang lahat para mapabuti sila.🥺 Sana Minsan ma realize din ng ibang parents kung gaano sila tini treasure ng mga anak nila...🥺

$ 0.00
1 month ago

Oo nga ate eh, hiling ko rin tong bagay nato. Mahirap pero kailangan kasi anak lang ako

$ 0.00
1 month ago

Maski rin ako ate. Pero may mga magulang talaga na di narerealize at nakikita halaga ng anak nila kahit anong gawin natin not until mahuli lahat

$ 0.00
1 month ago