Mali nga ba?. Bawal nga ba?. Yan ang mga tanong na palaging pumapasok sa isipan ko simula nong ako ay nagmahal. Ako ay isang babae na nagmahal rin ng isang babae. Oo, kung ano ang nasa isip niyo ay tama kayo, ako ay isang bisexual.
Diko masasabi na ako ay lesbian kasi nagkakagusto rin naman ako sa lalaki pero sa ngayon ang mahal ko ay isang bababe. Ang pangalan niya ay Maechel
at siya ngayon ang taong nag papatibok ng puso ko. Diko alam kong paano nag simula basta gumising nalang ako na mahal ko na siya hahaha basta alam nyo na yun. Sabi nga nila ganyan daw yan pag tinamaan ka di mo alam ang kung ano ang dahilan. Masasabi ko sa sarili ko na mahal na mahal ko siya kasi sumila pag gising at sa pagtulog ko di sya mawala wala sa isipan ko. Ewan ko ba sa lahat ng mga nakarelasyon siya ay ibang iba, iba yong nabibigay nyang kasiyahan. May mga ginagawa sya na minsan walang kuwenta pero napapasaya nya parin ako. Pero sa lahat ng kasiyahang yon ako ay natatakot at nangangamba dahil sabi nga sa kasabihan "ang babae ay para sa lalaki" at yon rin ang nasaisip ng mga magulang ko. Kaya natatakot akong sabihin sa kanila na ganto ako, na siya ang mahal ko, o siya ang jowa ko. Wala naman akong pakialam sa sasabihin ng iba pero pag sa magulang ko iba na ang usapan.
sabi sakin ng nanay ko
Nanay: Nik2 kung mag aasawa ka dapat ganto at ganyan blah blah blah (di ko na pinakinggan kasi pa ulit2 nalang)
Ako: Nay wag kanang mag hope kasi ayaw ko mag pakasal at mag asawa hahah pabiro kong sabi.
............................
Gustong gusto ko nang sabihin sa kanya ang lahat pero natatakot ako, natatakot akong madismaya siya sa mga desisyon na ginawa at pinili ko, at sa taong minahal ko. Sinubukan ko namang sabihin sa kanya na pa unti-unti pero wala ayaw niya sa ganitong pag-ibig. Ang hirap...ang hirap hirap na ipa-intindi sa kanya. Ang hirap itago ang totoong ako sa harap nila, para akong aso na nakatali at walang kalayaan na gawin at mag desisyon sa sarili ko. Bawal nga ba talaga? Wala naman akong ginagawang masama, wala naman akong tinatapakang tao, ang ginawa ko lang naman ay magmahal. Gusto ko lang naman maranasan ang magmahal at mahalin na hindi tinatago, mali ba yon? Damn! di ko narin alam...
Sa ngayon, di parin nila alam. Susubokan ko pa ba ulit ipa intindi sakanila o hahayaan ko nalang na sa iba nila malaman? Ako ay litong lito na.. need advice guys comment kayo .
Salamat nga pala sa pag basa bago lang po kasi ako dito hehehe ☺️
Awwww. Ayos lang naman yan. Meron lang tlgang mga tao na hindi kayang tanggapin ang mga bagay-bagay. Gaya ng pagkain, di naman lahat gusto natin kainin, ganun din yung ibang parte ng buhay.
Siguro alam na yan ng nanay mo kasi ano ba ang maililihim natin sa mga magulang natin di ba? Kilalang-kilala naman nila tayo. Kung sabihin m man sa kanya ok lang siguro. Para matapos na paghihirap kesa patagalin mo pa. Ayan nakasulat ka ng artikulo dito. Haha. May BCH ka pa.