read.cash Log in
@Nengste

@Nengste in August 2021

@Nengste

Dahil walang pasok sa trabaho ang aking bunso, paggising niya kanina nagtanong kung anu ang masarap na almusal tapos lumabas at pag-uwe niya may dala nitong lugaw tokwa sabi niya walang baboy tokwa lang, siguro mahal ang baboy ngayon. Ka-ingay almusal po tayo, maaraw na umaga kaingay☀️

@Nengste

Nakaluto na at kumain na yata ang ibang ka-ingay, ako po hindi pa gumagayak tiyak na lutong ulam ng tindahan na naman ang aming uulamin, luto na rin ang sinaing at pinakain na din ang aming dalawang alagang aso🐕 sardinas ang kanilang ulam.

@Nengste

Katatapos lang namin kumain ng tanghali-an ni bunso, ang aming ulam ay lutong ulam ni Ka Elvie, maraming pagpipilian na luto ngunit ang pinili kong bilhin ay ginisang pechay at pritong isda nang nagliligpit na akong pinagkainan naalala ko na hindi ko pa pala nakuhanan na picture ang masarap naming inulam nakapokus kasi isip ko sa pinagkakwentuhan namin ni bunso habang kumakain😅

@Nengste

Bago mamahinga o iidlip, gagawin ko muna itong diamond painting paglaaan ko ng time kahit isang oras lang kasi pag tinutukan ko itong gawin maghapon sumasakit ang aking likod, balikat at mata. Nakakaantok na hapon 😊

@Nengste

Nakaidlip din ng ilang minuto, meryenda time na! Kumain na rin ako ng snacks biscuits at tubig. Good to see na nahihila na pataas ni bitcoin ang konting na hodl kong altcoin slowly moving upward ang status sana tuloy tuloy na ito.

@Nengste

Kasalukuyang umuulan pasundot sundot ang ulan dito. Maghapunan na po tayo ka-ingay ang hapunan namin ni bunso ay magkaiba ang aking kinain ay pritong saba at ang kanyang kinain ay tuna at biscuit kumain din pala siya ng 2 hiwang pritong saging at tubig ang aming panulak.

@Nengste

Sabi ni bunso, lumabas daw ako minsan para alam ko kung saan na ang babaan ng jeep papunta ng pamilihang bayan at baka daw maliligaw na ako kasi mga kalahating taon na yatang hindi ako nakakapunta ng bayan pag may kailangang bilhin si bunso ang aking runner kasi siya lagi ang umaalis dahil pumapasok sa trabaho😅

@Nengste

Umuulan dito ngayon at binabayo ang bubong ng aming kapitbahay ng malakas na hangin parang bagyo ang habagat, buti nakasara ang aming bintana. Mga ka-ingay baka ganito rin ang nangyayari diyan sa inyo ingat kayo wag lalabas ng bahay baka tamaan kayo ng yero.

@Nengste

Nagpapakulo ng luya para makapagsalabat po muna bago matulog para mahimbing ang tulog. Pagkatapos nito matutulog na ako, kaya Ka-ingay iiwanan ko na kayo dahil wala na rin silbi ang pawer ng aking pagpuso sa inyo, bukas ulet. Good night!

@Nengste

Ang aga ni granny nagising, may nabasa ako sa aming group chat na ibabahagi ko po sa inyo dito tungkol ito sa mga checkpoint para sa kaalaman ng lahat lalo na sa mga biyahero. NLEX-San Fernando Exit: only essential travel, no children allowed NLEX-Angeles Exit: Only essential travel, no children allowed Marcos Highway Town and Country East and West Bound - with checkpoints -and children below 18 NOT ALLOWED Mcarthur highway, Bulacan/Pampanga boundary.. Hard Check point From…

@Nengste

Dahil Lunes Labada day ngayon ni granny, nakayari at naisampay na lahat. Nang nasa kusina ako nagpakulo akong tubig sa electric kettle nang tangkang ibuhos sa tasa ang lamig ng tubig at isinaksak ko ulet akala ko po sira na at ayaw umilaw inayos ko ang cord ayaw pa rin yun pala cord ng oven toaster ang naisaksak ko 😅tara snacks tayo ka-ingay biscuit at milo na may halong konting 3 in one na kape.

@Nengste

Habang ako ay naglalaba kanina, naghanap si bunso ng maluluto niya para ulam ng tanghali-an at nakabili siya ng tahong at inihanda niya kaagad ang mga sangkap para sa pagluluto niya at heto po luto na ginisang tahong sa luya, bawang, sibuyas at kamatis na may dahon ng sili at siling panigang.

@Nengste

Heto po naghahanap akong alambre para gagawa ng sampayan kasi yung dating sinasampayan ay naaanggihan pag ulan na may kasamang hangin, ang sampay ko po nabasa sayang nadryer pa man din ito. Dito ko po balak maglagay ng sampayan.

@Nengste

Maagang nagluto ng ulam si bunso pero ngayon pa lamang kami kakain ng tanghali-an bukod sa ginisang tahong ang kalahati ay ginawa niyang baked tahong pinakuluan niya muna ang tahong pagkabuka hinango sa apoy at tinanggal ang kabilang shell at saka nilagyan ng butter, garlic at cheese. Kain po tayo ka-ingay

@Nengste

Ang aking kapitbahay panay patugtog ng awiting pang pasko mula pa ito kaninang umaga, minamadali na ang ang Disyembre siguro masaya siya at may naaalala sa mga awiting iyon. Meryenda na po kayo, ako ay busog pa dahil late na kami nananghali-an.

@Nengste

Kailan kaya hihinto ang habagat sa Luzon nakakapagod intindihin ang panahon lalo na pag naglaba tapos nakakapraning po ng panahon😅 bigla na lang didilim at bubuhos ang ulan tapos hihinto at may dalang hangin ang ulan kaya naaanggihan at nababasa kahit nasilong na.

@Nengste

Dahil hindi nakapagmeryenda maaga kaming kumain ni bunso same pa rin ang ulam may natira kasi kaninang tanghali-an na ginisang tahong. Same pa rin ang weather sinusumpong. Ipapasok ko mamaya ang isinilong na mga sampay sa gilid baka mamaya uulan na may malakas na hangin ulet. Kumain na rin po kayo ka-ingay.

@Nengste

Andito kanina ang aking apo binigyan siya ng chupa chups na lolipop ng kanyang tita, humingi ako ng lolipop sa aking apo at sumagot siya na "no lolipop is for kids only" sabi ko sa kanya I am also a kid look at me, at sumagot ulet si apo " no you are not a kid you are grown-up, buti grown up ang sinabi noong nakaraan sabi niya matanda daw ako nag galit galitan ako kaya grown-up na tawag sa akin🤣

@Nengste

Dumating na ang oras ng aking pamamahinga, iiwanan ko na kayo ka- ingay bukas natin itutuloy ang pagbabahagi ng ating buhay dito sa noise community. Magandang gabi sa lahat.

@Nengste

Kamusta ang tulog natin Ka-ingay? Maaga akong bumangon dahil may nakababad pa akong labahin binanlawan ko na at isinampay sa ginawang sampayan sa gilid, pinatali-an ko sa aking bunso dahil matangkad siya sa akin at dito ko na sinampay ang mga binanlawan ko kanina ni dryer ko na para siguradong matutuyo. Magkape na po kayo🌦

@Nengste

Katatapos ko lang po magtiklop ng mga natuyong damit na nilabhan kahapon at heto nagluto nito ang aking bunso late almusal na ito. Ang panahon dito ay kasalukuyang maaraw at mahangin. Kain po tayo ka-ingay.

@Nengste

Nang bumili po ako ng lutong ulam kanina ang nabili ko ay gulay na mais para sa akin tapos naghanap ako kung anu ang ipaulam kay bunso nang nakita ko itong young pork tocino mga isang taon o mahigit na yatang hindi nakakaulam ang aking bunso ng tocino kaya bumili ako nang kumakain na kami panay sabi ang sarap! Paano hindi nasarapan eh ang tagal niyang hindi nakakain nito.😅

@Nengste

Kachat ko ngayon lang ang aking pangalawang anak at masayang binalita na aayusin na ang kable ng internet na pinatid ng malaking truck ng nagdaang linggo, tiyak na dadalang na ang pagpunta ulet ng aking apo dahil maayos na ang problema nila sa internet, ma missed ko ang kakulitan ng batang yon😄

@Nengste

Nakaidlip po ako ngayong hapon paggising ko kinuha ko sa pagkacharge ang selpon tapos may mga random messages galing sa shoppee delivery mga almost isang oras na ang nakaraan ni checked ko ang call walang missed call, tiyak na naubusan na load ang delivery man kaya kaagad kong nireplayan.

@Nengste

Pagkareceived ng parcel kaagad ko itong binuksan para mainstall ito, nang aking bunuksan kaagad akong nadismaya dahil sa nakita kong mga parts na parang hindi ito ang inorder kong design, itinuloy ko pa rin ang pagbuo bayad na eh wala na akong habol move on na agad😄Ang inorder ko po ay ito yung design kulay blue ang dumating na binuo ko ay itong sa pangalawang picture.

@Nengste

Nang binubuo ko kanina ang computer table si bunso ay umalis pumuntang bayan pag-uwe niya ngayon may dalang donut, pagkabukas kaagad kong hinanap ang bavarian at blueberry cheesecake, sabi ni bunso naubos na raw itong mga flavor na lang daw ang natira. Meryenda hapunan ko na po ito, kain tayo😊

@Nengste

Salabat tayo ka-ingay bago matulog, Kumain na ba lahat ng hapunan ang hindi pa kumain na kayo. May natutunan ako ngayon sa online selling na may manloloko ang ganda ng product sa advertisement tapos umorder ka then iba ang design na dumating, ang saya ng seller ngayon dahil may naloko at ako yun😊

@Nengste

Its time to say good night and goodbye to all Ka-ingay mauna na akong matulog sa inyo, sana naging produktibo ang araw ng martes sa ating lahat. Huwag matulog ng gutom dahil hindi kayo makagawa ng tulog pag ang tiyan ay walang laman.

@Nengste

Nagising ako ng 4 am at naisip ko na parang may naiwan akong nakacharge na selpon bago ako natulog, tama nga kaya tinanggal ko sa saksakan at walang balak buksan at itinabi nang biglang naalala kong icheck ang value ni bitcoin cash kaya binuksan ko ang cp hanggang ngayon hawak ko pa hindi na nakabalik sa pagtulog😀Magandang maulan na umaga🌧

@Nengste

May natirang kanin kagabi isinangag ko po at ininit ang natirang tocino at saka nagprito ng itlog para almusal ni bunso. Ang aking almusal naman po ay itong natirang donut kagabi at saka milo with milk. Kasalukuyang maaraw ang panahon at maalinsangan na. Kumain na tayo Ka-ingay☀️

@Nengste

May dumaang naglalako ng isda kanina kaya nakabili po akong kalahating kilong galunggong, ang gustong luto ni bunso dito ay paksiw adobo yung may bawang, luya, paminta, siling haba, suka, toyo at nilagyan ng gulay na talong gusto ko sana bunga ng ampalaya kaso wala. Nauna na akong kumain kay bunso kasi busog pa yun dahil kumain ng almusal na sinangag, pag kumain siya mamaya gusto niya pinirito nitong lutong paksiw adobo kaya ipagprito ko pa siya nito bago siya kumain.

@Nengste

Nasa kwarto si bunso tinatawag ako, tinanong ko ng bakit sabi niya wala pa daw siyang ulam ang ibig niyang sabihin ipagprito ko siya ng niluto kong paksiw na adobong galunggung kaya ipagprito ko siya pati luya at talong pinirito ko na rin. Tapos binalikan ko ang aking ginagawa online, siya na ang bahalang mag-urong ng kanyang pinagkainan.

@Nengste

Ka chat ni bunso ang pinsan niya na nagwowork sa call center tinanong siya kung gusto niyang mag apply sa kanila at umuo naman si bunso then hiningi ang kanyang resume mga 15 minutes ang lumipas may natanggap siyang call mula sa mag iinterview nabigla ang aking anak pero narinig ko po usapan nila maayos naman ang pagsagot ng aking bunso in english. Nag apply siya as recruiter.

@Nengste

Meryenda time na pala, late na itong aking meryenda biscuits at tubig, hindi ko na namalayan ang oras nalibang na naman ako sa pag diamond painting, meryenda po tayo😊

@Nengste

Sa wakas . may appointment sked na ako para sa step 2 Philsys ID katatanggap ko lang ng email ito ay gaganapin sa SM ng bayan namin sa August 24. Ang sa Vaccination na lang ang inaantay ko. Gagayak na naman ng hapunan Ka-ingay nakapag-isip na ba kayo ng mauulam?

@Nengste

May natanggap ulit na tawag ang aking bunso final interview niya sa VXI applying as call center recruiting and hiring, salamat at na hired siya pinapapasa na po siya ng requirement at ang ibang requirement na wala pa siya to follow na lang, one month observation muna siya.

@Nengste

Nauna na akong naghapunan kay bunso dahil busy pa siya ang ulam ko ay tirang paksiw na adobong galunggong tinirhan ko siyang konting kanin baka sakaling kumain ng kanin kung hindi pwede niyang isangag para almusal niya bukas. Kumain na rin kayo ka-ingay.

@Nengste

Time na for signing off, muli na naman akong magpapaalam para maunang matulog sa inyong mga gising pang ka-ingay, pag hindi na kaya ng mata magpuyat pagbigyan niyo ng mamahinga may bukas pa naman 😀 Good night na Ka-ingay

@Nengste

Akala ko po 3 am pa lang nang nagising ang aking diwa at ng ako ay dumilat maliwanag na pala, muli na namang nagpapasalamat at nasilayan kong muli ang liwanag sa umaga sa pagbigay muli ng pagkakataong magpatuloy mamuhay kasama ng aking mga mahal sa buhay at patuloy sa pag-iingay dito kasama ng aking mga virtual na kapitbahay saan mang sulok ng mundo. Magandang umaga Ka-ingay☀️

@Nengste

Bumangon ako kanina dahil pinabuksan ni Zorro sa akin ang pinto sa kusina dahil gusto na niyang lumabas tapos ako naman ay bumalik sa paghiga medyo antok pa ako ngunit kailangan ng bumangon para gumalaw galaw at iinat inat, hahawak ng walis at magpupunas ng mga alikabok.😊

@Nengste

Ka-ingay kain na tayong almusal dahil natapos ko na ang aking gawain sa umaga maliban sa paggayak ng mauulam sa tanghali-an, umalis si bunso pumuntang bayan dahil may inaayos na papeles kaya sabi ko bumili na siya ng mauulam mamayang tanghali-an. Ito po ang aking almusal scrambled na itlog na niluto sa margarina, tinapay at salabat.

@Nengste

Nang ginagayak ko na ang pagkain ng aming dalawang alagang aso dumating si bunso galing bayan at may bitbit na nakaplastic bag at tinanong ako kung ano ulam ng mga alaga niya sabi ko san marino tuna na nasa maliit na lata (malasa po kasi itong klaseng tuna nilalamas ko ito sa kanin nila ) sabi niya mayang gabi try ko daw ipaulam ito sa kanyang alaga.

@Nengste

Paglabas ni bunso sa kanyang silid nakita niya akong ginagawa ko ang diamond painting at sabi “aba mama wala ka bang balak mananghali-an anung oras na” kasi gutom na rin siya kaya lumabas gusto niyang tumayo ako at gumayak na para kumain kami. Ito ang aming tanghali-an binili ng pumunta siya ng bayan kanina, tiyak na kumain na kayo pero yayahin ko pa rin kayo, tara po kain tayo😋

@Nengste

Nagising po sa pagkaidlip ng maiksing oras, pagkatapos kumain kanina ng tanghali-an hindi ko na binalikan ang paggawa ng diamond painting dahil inantok na po ako. Kasalukuyang nagmemeryenda po itong meryenda ko ay libre ni bunso tapos may uwi din siyang 2 maliit na ice cream para sa dalawa niyang aso kinuha ko ang isa at itinabi at ang sabi “mama para yan kina Grey at Zorro 🐕, aso ka ba ma?” at sinagot ko bakit hindi ba pwedeng kumain ng ice-cream ang tao😆kaya hinati niya na…

@Nengste

Si bunso maagang nagluto ng kanyang paboritong pasta recipe na may mga sangkap na bawang,cheese, san marino spicy tuna, button mushroom, pamintang durog at spaghetti pasta noodles. Ginisa niya sa konting mantika ang bawang, tuna, mushroom at saka inilagay ang lutong spaghetti pasta, cheese at pamintang durog, hinalo at saka tinanggal sa apoy dahil luto na😀 Ito ang aming pinagsaluhang hapunan ngayon, tara kain po tayo.

@Nengste

Kasalukuyang bumubuhos na naman ang ulan, gusto ko na sanang mag sign off kaso aktibo ang aking puso kaya samantalahin ko muna ang pagkakataon na ito para maipamahagi sa kung kanino titibok .Magandang gabi

@Nengste

Maaraw na umaga ito ang aking nasilayan ngayon, nakakalito ang panahon dito sa Luzon. Ang aga kong bumangon para buksan ang pinto sa kusina para hindi na ako kukulitin ng aming alagang aso na si Zorro. Biyernes na ka-ingay ang bilis umikot ng orasan kailan lang munggo ang ulam namin ngayon na naman ulet heheh . Magkape na kayo ka-ingay, ako din magpapakulo ng luya para makapagsalabat na rin. Magandang umaga☀️

@Nengste

Biglang buhos na naman ng ulan, umalis si bunso pumunta sa dati niyang trabaho para sa clearance. Dahil umuulan dito ngayon, nagluto ako ng spicy seafoods noodles ito ang aking almusal sa mga bagong gising mag-almusal na rin kayo🌧🌦

@Nengste

Pagdating ni bunso sa bahay kaagad na nag-ayang kumain kasi hindi ito nag-almusal bago umalis sa pagkuha ng clearance sa dating work niya kaya kaagad kong pinirito ang lumpiang shanghai may nabili din akong isang order na lutong munggo ito ang aming pinagsaluhan ngayong tanghali-an. Kain na rin po kayo ka-ingay

@Nengste

May mama dito kanina na bakal bote meron kasi ditong 2 garden chair na kinalawang na naisipan kong ipatapon o ibigay sa mambobote binigyan ko ng 50 pesos para kako itapon niya rin itong mga basurang carton at pinalabas ko na sa kanya at nilagay sa harap ng bahay nichecked ko rin kung naalis na niya, nakita kong nawala na sa harap ang mga ito maya maya ang kapitbahay ko tinanong ako kung sa akin ba yung dala niyang mga carton sabi ko pinatapon ko iyan sa mambobote, sabi niya…

@Nengste

Dahil hindi nakapagmeryenda kasi nakatulog po ako ng mahabang oras kaya heto po gumagayak na para magluluto ng aming hapunan, pritong talong at tinapang isda saka magsasangag dahil may tirang kanin pa ng tanghali-an. Nagluluto na rin po ba kayo Ka-ingay?

@Nengste

Nang kumakain kami kanina hindi na ako nakapagsawsaw sa bagoong dahil ang nabiling tinapang isda ay medyo maalat kaya nagsuka na lang para mabawasan ang alat. Kasalukuyan umiinum na ng salabat pampatulong sa paglusaw ng kinain at naparami ng kain.

@Nengste

Ang kapitbahay ko nagkwento na pinasok ang limang bahay ng magnanakaw kagabi, mga ala una ng gabi nananalasa. Noong wala pa kaming aso ilang beses na rin kaming balak nakawan pero hindi sila nagwaging pasukin ang bahay dahil naramdaman agad namin nang sumigaw akong magnanakaw kaagad na tumakas umakyat ng gate nagising ang aming kapitbahay sinundan nila pero hindi nila nakita. Tunay ngang ang taghirap ngayon kaya nagnanakaw na lang sila dahil sa kawalan ng pagkakitaan o…

@Nengste

Kagigising ko lang ka-ingay ang sarap ng aking tulog, tiyak na nagkape o nagkakape na kayo. Nang pinatong ko ang tasa ng salabat sa working table ito ang aking nakita, hindi ko namalayan na gumayak at umalis ng maaga ang aking bunso ang alam kong appointment niya para medical ay sa lunes pa baka inusad ngayon ng company para makapagsimula na siya ng work sa monday. Magandang umaga ka-ingay🌞

@Nengste

Ang ganda ng umaga pag maberde ang kapaligiran katulad ng ating paboritong crypto na bitcoin cash nasa 28K+ na ang value sa oras na ito. Tiyak na masayang namimitas na ang ibang ka-ingay, hindi muna ako pipitas at hindi pa naman kailangan. 😍

@Nengste

Dumating si bunso na may dalang lugaw at tokwa’t baboy at saka fried kamote hati kami sa lugaw dahil ang dami ng isang serving dito niya lang ito binili sa labasan namin pagbaba niya ng jeep. Ako po nagugulat noong kailan na lumabas ako dahil marami ng nangyaring pagbabago sa labasan.

@Nengste

Ang aming kapitbahay ay nagpapagawa ng bahay maaraw nang biglang nagbadyang bumuhos ang ulan bigla din bumaba ang mga karpintero at sumisigaw ayan na! ayan na! habang naghahanap ng lugar na masilungan pagkabuhos ng ulan ng ilang minuto aaraw na naman ulit. Nakakastressed ang panahon po dito sa luzon.

@Nengste

Late na itong aking tanghali-an, tiyak na kumain na po kayo ang ibang hindi pa nananghali-an kain po tayo pagsaluhan natin itong isda sa lata na ginawang lutong sinigang, hindi ko kasabay si bunso dahil natutulog, gutom na ako kaya nauna na akong kumain.

@Nengste

Have a break with biscuit at water muna si granny Nengste. Nag meryenda na rin po ba kayo? Almost done na ang diamond painting hinto muna ako sa paggawa nito bukas ulit at nakaramdam na ako ng pangangalay ng braso at likod.

@Nengste

Kamusta masaya ba ang pagsasalo ng buong pamilya? Kahit simpleng pagkain ang nakahain sa mesa basta sama samang kumain ay nagiging espesyal ang inihaing pagkain dahil ang sarap kumain😀 katulad ng pinagsaluhan namin ngayon ng aking bunso haing pang-almusal, binating itlog, tinapay at saka hot choco habang kami ay kumakain ang 2 naming alaga ay nakabantay at naghihintay na mabahagian din.

@Nengste

Last post ko na ito ngayong gabi dahil ako ay matutulog na, kusang napipikit na ang aking mata bukas ulet, sana ay naging produktibo tayo sa araw na ito, sa mga Ka-ingay na gising pa mauna na ako sa inyo, huwag masyadong magpuyat.

@Nengste

Kanina pa po ako gising mga 3 am, nagising ako sa ingay ng aming aso pagdilat ko nakita ko si Zorro na pumatong sa devan na nakasilip sa may bintana napatayo ako at sumilip din ang nasa isip ko ay magnanakaw, yun pala may pusa sa labas 😅 kaya tuloy napasilip ng maaga dito sa noise. Magandang buntag sa inyo tanan

@Nengste

Nais kong matulog muli ngunit kahit anung pikit ko gising pa rin ang aking diwa, ang hirap bumalik sa pagtulog pag naistorbo ang tulog pag granny ka na. Heto bumangon na at maglalaga ng luya sa mahinang apoy para magsalabat habang inaantay kong kumulo palakad lakad muna sa labas ng bahay.

@Nengste

Galing akong sari-sari store at napadaan sa nagtitinda nitong lumpiang togue ang isa sa pinakapaboritong meryenda ng kapwa ko pinoy masustansiya dahil ito ay binubuo ng mga sangkap ng sari-saring gulay. Nabili ko ito ng 5 piso isang piraso san ka pa sa mura na 😀15 pesos lang may masarap at masustansiya ka ng almusal. Halikayo kain po tayo kaingay

@Nengste

Tanghali-an na po, ako ay naghahanda na para mananghali-an, nagluto po ako ng gustong luto ni bunso sa atay at balun-balunan ang spicy fried adobong atay at balun-balunan ng manok sinahugan na rin ng 2 pirasong patatas. Alam niyo ba na ang atay ng manok ay good source of iron, pinipigilan ng iron ang pagkakaroon ng anemia at pinahuhusay ang kalidad ng dugo pero wag laging araw-arawin ang pagkain nito dahil mataas ang taglay nitong kolesterol, samakatuwid eat moderately lang…

@Nengste

Simula kagabi hanggang ngayon hapon ay hindi na umulan, ramdam na ang init kung kailan mainit ang panahon nasabik namang humigop ng mainit na sabaw, gusto niyo rin bang humigop😅tara dito hintay muna nagpapakulo pa lang ng tubig. Madalang lang ako nito kumain huwag din lagi at hindi nakakabuti sa kalusugan.

@Nengste

Tiyak na magulo at masaya ang inyong tahanan sa araw na ito at tiyak na napagod ang ina ng tahanan sa kaluluto ng pagkain na inyong pinagsaluhan. Dahil kaming dalawa lang dito ni ng aking bunso may natirang kanin ng tanghali-an at ito ay aking ginawang garlic fried rice at saka may tira rin na ulam sa inulam namin kaninang tanghali-an ito ay aking ininit para pagsaluhan ngayong hapunan. Sa hindi pa nakakain, kumain na rin po kayo.

@Nengste

Ibabahagi ko ang activity ng aking isang apo bago sumapit ang kanyang kaarawan, siya ay masayang tumulong magkabit ng paper plates sa holder dahil excited siya sa kanyang kaarawan, alam niya kasi pag may birthday dadating ang maraming tao kasi sa kanilang bahay wala siyang kalaro siya lang ang nag-iisang bata sa pamilya.

@Nengste

Eexit na po si granny Nengste oras na ng pamamahinga, pansamantalang iiwanan ko kayo ka-ingay bukas ulet. Sana ay maging maayos ang ating pagtulog. Magandang gabi sa lahat na gising pa.

@Nengste

Lunes, unang araw ng pagpasok sa trabaho pagkatapos ng isang araw na pahinga. Tiyak na gumagayak na kayo, ingat sa inyong pagpasok lalo na yung nakamotor ang facemask at faceshield panatiliing tama ang pagkasuot nito lalo na ang facemask. Ako naman ay mag-uumpisa na rin maglaba, magandang umaga Ka-ingay🌞

@Nengste

Katatapos ko lang maglaba buti maaraw ngayon sana wala na si habagat dito sa luzon. Nagutom po ako walang makain dito sa bahay, hahanap muna ako ng makakain sa labas makabili na rin ng lutong ulam ng tanghali-an para isang labasan na lang.

@Nengste

Kasalukuyang kumakain ng almusal, nakabili ng tinapay tapos gumawa ng egg sandwich, ibahagi ko dito kung paano ko ginawa ang egg sandwich.. Sangkap: 3 nilagang itlog 3 kutsarang mayonnaise Konting iodized salt Ground black pepper Konting asukal ayon sa inyong panlasa Durugin ng tinidor ang itlog at saka paghaluin ang lahat ng sangkap. Kain tayo ka-ingay

@Nengste

Lunch na po si granny Nengste, ito ang nabili kong lutong ulam kanina, napansin niyo po bang laging inihaw na baboy ang aking binibili o kaya ay may sabaw para kasing nasuya ako sa masarsang pagkain. Nauna na akong kumain kay bunso dahil abala sa unang araw niya sa work, orientation niya ngayon araw nasa kwarto lang siya dinalhan ko kanina ng makakain egg sandwich at hot choco.

@Nengste

Ang init po ngayon at lalong uminit pa dahil sarado po ang buong bahay, bintana at pinto dahil maingay at may ginagawang bahay tapos may pa sounds na sobrang lakas ang karpintero siguro parang working pills nila para maaliw sila kaya lumapit ako at sinabihan at pinaalam na may kausap ang aking bunso baka pwede niyong hinaan, at sumunod naman po sila😊

@Nengste

Kasalukuyang pinaghahanda ng meryenda si bunso, todo asikaso dahil bagong sabak po siya sa trabaho medyo stress ang isipan sa pag-aaral ng mga pamamaran para magawa niyang iapply ito baka sakaling makatulong gumaan ang aking pag-aasikaso sa kanya. Ito rin ang aking meryenda ang egg sandwiches at water na panulak. Meryenda na tayo Ka-ingay😊

@Nengste

Maalinsangan na hapon nakarinig ako ng pagkulog ngayon lang baka sakaling uulan, hindi man lang ako nakaidlip ngayong araw dahil sa sobrang init. Nakaluto na po ba kayo Ka-ingay balak kong ulamin ngayon ay tuyong sap-sap o tuyong dilis tapos sawsaw sa sukang maanghang masarap sana dangit kaya lang mahal. Masayang paghahanda ng hapunan.

@Nengste

My youngest daughter asked me, what would we have for dinner? I said I want fried dried fish (sap-sap or anchovies) then my youngest daughter said ma, I want jollibee chicken, and I replied I don't have money to pay for it, then she said ma, don't worry I have money to pay for my order. So then I couldn’t cook dried fish anymore because she also ordered me a cheese burger.😋Kain na tayo Ka-ingay.

@Nengste

Sinilip ko ang isang exchanger na meron akong konting altcoin na matagal na natingga nagulat ako dahil gumagalaw na pala pataas at tumubo na ng doble sa presyo noong nabili ko kaya nag set sell na ako sakaling umabot sa sell order. Kumusta ang maghapon natin ka-ingay? Mauna na akong matulog sa inyo, server error kanina sa end ko si noise, overloading daw ang dami na siguro natin dito. Good night!

@Nengste

May nabasa po akong ilang post sa ibat ibang user na same issue tungkol po sa wallet address nila sa pagpayout dito kay noise na napalitan kaya po icheck niyo lagi ka-ingay ang inyong wallet address. Magandang umaga

@Nengste

Natapos ko na ang aking gawain ngayon umaga at heto pinaghanda ng makakain si bunso dahil hindi ito nag-almusal bago nag-umpisang magwork from home nag milo lang siya kanina. Dumaan dito kanina ang aming kaibigan ang sabi niya may part na daanan na isinara dahil may nagkacovid sa lugar na yun buti malayo sa amin, katakot na po lumabas lalo na hindi pa ako nabakunahan kontra covid, kung sana may kakayahan tayong lahat para mag shop online na lang ng ating pangangailangan sa…

@Nengste

Tiyak na nakapagluto na po kayo ng inyong tanghali-an. Ako ay bibili lang ng lutong ulam sa tindahan ni aling Elvie, maraming mapagpiliin doon pero may sabaw ang balak kong bibilhin para pagsaluhan namin ni bunso. Inuna ko ng pakainin ang aming 2 aso para hindi na ako kukulitin ni Zorro dahil makulit ang aso na ito paglate na sa oras ng kaniyang kain.😊

@Nengste

Ito ang nabili kong lutong ulam sinigang na baboy buti nag time out for lunch si bunso kanina ko pa siyang inantay mananghali-an ngayon lang siya available medyo stressed si bunso dahil sa oras na ito tatlong aplikante pa lang ang naendorse niya for initial interview kailangan daw maka 14 applicants ang mascreened at pumasa. Kain tayo Ka-ingay

@Nengste

I saw a post of @wickedsoul posted one hour ago and was amazed of a huge tipped from a fellow noiser, he is so generous to tipped this such amount.Thanks for your generosity #pichi28 more blessing will come you👏

@Nengste

Hapunan na naman ka-ingay dahil hindi nakapagmeryenda heto inagahan ko na magluto ng hapunan namin ni bunso may natirang kanin ng tanghali-an kaya ginawang Longsilog ang tawag sa pagkaing combination ng Longgainsa, Sinangag at Itlog para sakaling gusto na niyang kumain pagkaout niya sa work from home may nakahanda na dahil ako ay may dadaluhang pulong ng 6 pm. Ka-ingay it’s cooking time😋

@Nengste

Bumili ako kanina sa sari-sari store tapos nakita ko na may harang ang aking dadaanan nagtanong ako bakit hinarangan at ang sabi ng taong tinanungan ko "tanggalin niyo muna para makadaan kayo kaya hinarangan para hindi daw makadaan ang mga taong naninirahan malapit sa mga nagCovid positive. Binahagi ko lang po ang nangyayari dito sa aming baranggay.

@Nengste

Napasilip po dito dahil nagising sa tawag ng kalikasan at sinilip din ang kalagayan ng ating paboritong crypto na Bitcoin cash.Kasalukuyan pumapatak ang ulan dito, sana makabalik ako sa pagtulog. Good mornight!

@Nengste

Muli na naman nagkita ang ating presencia sa pamamagitan ng ating post ngayong umaga, umagang kay ganda ang aking pagbati Ka-ingay! Tuloy pa rin ang laban ng buhay habang may buhay, para guminhawa ang buhay at wag makalimot magpasalamat at magbigay papuri sa naglalang sa atin.

@Nengste

Take a rest muna and have some snacks si granny biscuits at tubig bago magluluto nasa mood ngayon magluto😀 Ang ganda ng panahon ngayon maaliwalas tiyak makakatuyo ka-ingay pagnaglaba kayo. Medyo stressed ang lola niyo dito sa ingay dahil may ginagawang bahay sa tabi namin kaya pansamantalang isinara muna ang bintana at pintu-an para mabawasan ang ingay.

@Nengste

Ang sinabi ko pong nag 100% profit sa nahodl kong altcoin hindi na reached ang ni set kong sell order akala ko may itataas pa 😀biglang bumagsak pababa ang value, waiting ulet sa pagtaas ng value. Sana maulit muli

@Nengste

Maaga ko po ito niluto then inantay ko ang lunch break ni bunso sa kanyang work from home saktong 12:00 pm lumabas siya at ako naman ay naliligo sa oras na yun kaya kusa niyang ininit ang sabaw at naghain saktong patapos na rin ako kaya nakasabay ko siyang kumain. Ito po ang aming pinagsaluhan, baka hindi pa po kayo nananghali-an kumain na kayo😊

@Nengste

Updates muna tayo sa movement ni Bitcoin cash nasa 31K na ang value. To the moon na ba ang ating paboritong bitcoin cash😀 ang likot ng merkado ngayon parang posibling aakyat pa ang value po niya.

@Nengste

Pagka out ni bunso sa work niya nahiga muna siya para iunat ang kanyang katawan dahil maghapon itong nakaupo pagkaraan ng kalahating oras saka lumabas at nag-aya ng kumain kaya kaagad na naghanda si granny, ang aming pinagsaluhan ngayong hapunan ay ang tirang ulam kaninang tanghali ang pritong isdang bangus at tinolang tahong. Naghapunan na rin ba kayo Ka-ingay?

@Nengste

Dahil nakapako na sa upuan ang aking anak dahil sa kanyang trabaho, inabisohan na niya ako na ako na ang kukuha ng kanyang TOR sa dati niyang pinasukang school bago siya nagtransfer sa isang school na pinagtapusan niya ng kolehiyo. Sa totoo lang takot akong lumabas dahil sa momong virus na ito ngunit kailangan kuhanin dahil isa ito sa mga requirement for her graduation application, magdala na lang akong mga panangga😄

@Nengste

May ibahagi po ako sa inyo mga ka-ingay kung bakit nag-alala ako sa mga nakaranas ng matinding side effect pagkatapos magpavaccine. May kaibigan ako na may asawang chef sa barko noong umaga magkausap pa sila tapos nabanggit ng husband niya na nakapagpavaccine na daw siya lahat silang staff sa barko masaya pa nga daw silang nag uusap at nagtitiklop pa ng mga damit ang husband niya nang kinagabihan may natanggap siyang balita na wala ng buhay ang asawa niya, bago ko ito…

@Nengste

Isang bagong umaga muli ang ating nasilayan ito ay nagbibigay ng pag-asa at maraming pagkakataon sa ating pamumuhay upang magbago, ipagpatuloy ang pangarap, matuto sa mga bagay kung saan tayo nagkamali at iaahon ang sarili kung saan tayo nabigo at marami pa. O kay ganda ng umaga☀️

@Nengste

Naalaala ko noong taong nakalipas na na may carnival o perya dito sa aming baranggay buhay pa ang aking asawa noon at nasa elementary pa lang ang aking mga anak. Laging naririnig ng aking mga anak ang salitang carnival sa kanilang kaklase at binibida ng kaklase nila na sumakay daw sila sa ferris wheel. Dahil na usi sila kaya isang gabi pumunta kami sa lugar na iyon at namangha sila sa ibat ibang rides, ang balak ko lang ay ipakita sa kanila kung anu ang carnival kaya lang…

@Nengste

Dahil tutok sa work si bunso pinaghanda ko na rin siya ng makakain at pinatong ito malapit sa kanyang working place. Natapos ko na rin ang mga gawain sa bahay kaya sitting pretty na si granny habang ninanamnam ang sarap ng lasa ng tinapay with tubig na hindi malamig, ganun din si bunso dahil maghapon itong may kausap baka masira ang vocal cords sa malamig na tubig.

@Nengste

Ngayon pa lang kami kakain ng aking bunso, lagi na akong may kasabay ngayon tuwing kakain 😀 as usual bumili lang ng lutong ulam bago ako lumabas para bumili ng ulam nag convert muna ako ng konting amount of bitcoin cash then agad na nagwithdraw via gcash para sabay pagcashout Pagbili ng ulam sa labasan, aalis kasi ako mamaya para kuhanin ang TOR ni bunso baka sakaling may madaanan na gustong bilhin may mahuhugot 😆

@Nengste

Nang nag-aantay ako ng jeep na masakyan kanina papuntang bayan ang tagal ko pong nag-abang, sabi ng nasa tindahan na pinagtanungan ko madalang daw dumaan ang jeep kaya nagtricycle ako napamahal tuloy ang aking pamasahe, nang pauwi na ako pumunta ako sa dating terminal ng jeep buti may nakatambay na jeep kaya lang nalagpas naman ako sa aking bababaan kaya si granny medyo napagod dahil ang layo ng aking nilakad pabalik.Itong litrato ay kuha ko nang ako’y nag-aabang ng jeep.

@Nengste

Bago ako umalis kanina naghanda na akong damit na pagpapalitan, isinabit ko ito sa loob ng banyo, pagdating ko ng bahay sa kusina ako dumaan at dumiretso sa banyo para mag half bath pagkatapos ay namahinga muna sandali saka nagmeryenda. Nang dumating ako sa school kanina ang haba ng pila buti napansin ako ng security guard at agad na iniscan ang aking iamsafe QR code at inassist papuntang school registar window para sa pagclaim ng TOR ng aking bunso kaya sobrang nagpasalamat…

@Nengste

Ginising ako ni bunso sa pagkaidlip pagdilat ko gabi na pala, tinanong ako kung anu ang aming mahahapunan, may natira pang ulam kaninang tanghali yung sinampalukang manok, may tatlong hiwang karne ng manok pang natira kaya ito ay aking pinirito, nagprito rin ng itlog at saka ang natirang kanin ng tanghali-an ginawang garlic fried rice. Kumain na rin kayo ka-ingay.

@Nengste

Maaga akong nakatulog at maaga rin nagising kaya naisip kong magbukas ng selpon at icheck si noise at siyempre ang coins.ph para icheck naman ang value ni BCH. Biyernes na naman ang bilis ang paglipas ng mga araw. Ka-ingay back to sleep na ako, Magandang umaga!

@Nengste

Buti nakatulog ulet ako sa paggising ng 3 am kanina at nagising ngayon lang. Nakakalungkot basahin ang post ng isang Ina dito na kailangan at pansamantalang mahiwalay sa kanyang pamilya dulot ng pandemyang Covid19. Isang Inang nasusubaybayan kong paano inaalagaan ang kanyang 3 anak na ang buhay niya ay umiikot sa pagiging hands on niya sa kanyang pamilya. Hangad ko ang agarang paggaling at maging negatibo ito para magkasama kayong muli ng iyong mga chikiting at buong pamilya.

@Nengste

Anu ang aasahang marinig pag may gumagawa ng bahay? Ang pagpukpok, ingay ng yero at tunog ng mga bakal ganito ang aking naririnig araw-araw. Siyanga pala gusto ko po ibahagi sa inyo ang pinag-usapan namin ni bunso tungkol sa work niya na pag may natawagan siyang aplikante na gustong magkaroon ng trabaho lalo na ito ay may anak naawa daw siya dahil hindi niya maipasa para sa initial interview dahil international ang hawak nilang account need nila ang good communication skill…

@Nengste

Nauna na akong kumain sa aking kasama dito dahil nakapagmeryenda si bunso kanina kaya kumain na walang kasabay si granny, bumili lang ako ng lutong ulam ang ginisang munggo tapos may side dish na bagoong alamang at pork chicharon. Munggo din ang ulam ng aming dalawang aso favorite din nilang ulamin ito😀kain na tayo ka-ingay.

@Nengste

Ako ay ipinanganak sa probinsiya ng aking tatay na kasama ko ang aking lolo at lola sa pagpapalaki sa akin namulat ako sa kapaligirang maberde dahil ang kabuhayan ng mga tao doon ay pagsasaka ng tubo, palay, kape, pag aalaga ng manok at baboy at mga bungang kahoy. Sa murang edad naranasan kong mag-ani ng palay, magtanim ng tubo at tumutulong sa pagdadamo at pagdidilig sa gulayan ng aking lola. Minsan pag nag-iisa ako hindi ko maiwasang gumuhit sa isipan ko ang dating…

@Nengste

Biglang dumilim ang kalangitan at kumukulog ito ay nagbabadyang umulan, sana nga po matuloy 😄 nagmeryenda na ba kayo? Ako po ay kumain lang ng chips at isang saging + tubig, mukhang inantok po ako sa pag-iba ng klima ng panahon kaya lang alanganin ng matulog. Meryenda na Ka-ingay.

@Nengste

Alas sais pasado na po pala akala ko ala singko pa lang ng hapon. Anu ang ating hapunan Ka-ingay? Kami yung ulam pa rin ng tanghali-an na natira "munggo" sabi ni bunso mag instant spicy seafoods daw siya, hindi ko pa ginagayak dahil namamahinga pa siya. Walang bumagsak na ulan panay kulog lang baka sakaling bumagsak ngayong gabi.

@Nengste

Nakapaghapunan na rin si granny, ako lang kumain dahil pagka out ni bunso sa kanyang work from home namahinga tapos nanood sa netflix saka nilantakan ang binili ko kahapon na mga chips kaya nabusog na. Hindi ko rin naubos ang munggo kong ulam, hinati ko kina Grey at Zorro tapos may natirang kanin hinati ko rin sa kanila at nilamas sa munggo kaya ang saya ng dalawa 2 beses naghapunan😅

@Nengste

Maaga akong nakatulog kagabi kung kaya't hindi ko naramdaman na lumindol kagabi, sana mahina lang at walang napinsala. Nabasa ko lang po dito kaya ko nalaman. Meron tayong mga kabigoan sa buhay, pag-ibig, trabaho sabi nga sa kanta " huwag damdamin ang kasawian may bukas pa sa iyong buhay ang landas ay mag-iilaw" Kaya wag tayong manghina o malumbay laging may bukas na may dalang pag-asa. Umagang kay ganda sa ating lahat.

@Nengste

Update muna natin ang value ni bitcoin cash ay nasa 33K+ na mga ka-ingay, tiyak na sumigla at sumaya tayo dahil maberde ngayon ang merkado. Hodl or convert?

@Nengste

Dahil walang pasok si bunso, papaligu-an niya ngayon ang kanyang 2 anak na lalake ang panganay muna ang una niyang paligu-an ngunit may problema ayaw ni Grey maligo nahiga at ayaw niyang magpabuhat sa kanyang nanay😅

@Nengste

Snacks muna tayo ka-ingay, tapos na kasi ako sa paggawa ng gawain bahay kaya nakaupo na at ito ang nahanap kong kainin, nakabili na rin ng lutong ulam at nagbukas na ng de latang rose bowl sardines para sa aming dalawang alagang 🐕🐕 Nasarapan ako sa brand na ito 4 na malalaki ang laman at ang sarap ng sauce.

@Nengste

Tanghali-an na tayo Ka-ingay meron kaming inihaw na baboy na nabili sa tindahan ng lutong ulam at saka nagprito ng tuyong sapsap at kumain na nakakamay nang sa kagitna-an na kami ng pagka-in dumaan ang mamang nagtitinda ng ice drop nagparinig ako kay bunso kako ang sarap ng ice drop tamang tama panghimagas natin, nang pagkadinig niya nag-isip muna nakalagpas na ang mamang nagtitinda saka niya sinabing sige ma tawagin niyo kaya tinawag ko ang mama at ang nabigkas ko ay 2 buko…

@Nengste

Just completed the QR challenged again of noise. I had tipped the user not having recieving tip for a long time. Thank you noise for your generosity.

@Nengste

Break muna si granny sa pagbuo ulit nitong diamond painting para mag snacks, nahinto ako sa paggawa nito ng dalawang araw dahil sumakit ang aking balikat. Malapit ng mabuo nakikita na rin ang disenyo may konting part nga lang na hindi pa nalagyan ng beads. Kain po tayo bread pan + tubig = meryenda😊

@Nengste

Dahil may kausap po ako kanina via google meet nauna ng kumain si bunso bumili siyang lumpiang togue at fried calamares sa labasan, nagtira rin siya para ulam ko, pagkatapos ng pag-uusap kumain kaagad ako.Kayo po ka-ingay kumain na rin kayo. Ang lamig ng panahon ngayong gabi kahit hindi naman umulan.

@Nengste

I bid goodbye for now my dear noisemates I keep on yawning and that I lost control the phone that I was holding fell down, lucky me not on my face😄 Tomorrow again, have a good night sleep to all!

@Nengste

Umagang kay ganda na may hatid ng pag-asa at mga hindi inaasahang sorpresa sa ating lahat maging positibo tayo bawat araw para magaan ang pagpasok ng grasya sa ating pang araw-araw na pamumuhay. Mapagpalang araw ng linggo sa ating lahat🙏

@Nengste

Kachecked ko lang po ng value ni bitcoin cash ito ay nasa 35K+ na, may pag-asa pa bang tumaas pa lalo o bababa? Convert or hodl😀

@Nengste

Flex ko rin itong aso naming si Zorro tumayo lang ako saglit sa pagkaupo dahil may kinuha pagbalik ko hindi na ako makaupo, pinabababa ko ayaw umalis sa upuan😂kaya hinayaan ko na, antayin ko na kusang bumaba.

@Nengste

Dahil hindi ko namalayan ang oras at nakatutok ako sa paggawa ng diamond painting dahil gusto ko na mayari ito ngayong araw si bunso naman ay nakatutok sa kapapanood ng movie sa netflix bigla kong naisip na magpadeliver ng jollibee spicy chicken kaya ganito po ang aming tanghali-an ngayon. Tara po kain tayo😊

@Nengste

Si bunso lumabas dahil may meet up sa inorder niyang pabango nadaanan siya ng kanyang kapatid sa kalsada at inabot itong 1 kilong baboy ni chat ko itong anak kong nagbigay bakit kako binili pa kami ng baboy eh ang mahal ng baboy, sagot niya “mura lang yun ma 100 isang kilo” nagulat at nagtaka ako naisip ko baka double dead dahil mura, tinanong ko siya ulet “sabi niya may kakilala siyang nagtratrabaho sa Baliwag litson manok at itong binigay niya ay pinagtabasan😅Heto niluluto…

@Nengste

Lumabas akong bahay para magpahangin nang makita kong may putol na sanga ng malunggay nakalagay malapit sa sinasabitan ng lalagyanan ng basura, pinuntahan ko saka pinitas sa sanga ang mga dahon ng malunggay na pwede pang pakinabangan sayang ang mga ito tinapon lang hindi kaya nila alam ang benipisyo sa pagkain nito?

@Nengste

Ito sana ang meryenda namin ni bunso kaso hindi nakain, tinanong ko si bunso kung kakain siyang kanin at magsasa-ing ako sabi niya hindi na daw kaya ito na ang aming hapunan ngayon. Cheessy de luxe burger sa akin,ito lagi ang gusto kung kainin kasi cheese overload may lettuce at sliced tomato, isa rin akong mahilig sa cheese kaya nagustuhan ko. Ka-ingay mauna na kaming kumain😀

@Nengste

Sa wakas nagawa kong tapusin ngayong araw, ang sarap sa pakiramdam na maganda ang pagkabuo ng aking pinagpaguran. Tinanong ko ang aking anak kung may gagawin pa akong kasunod nito sabi niya “wala pa ma oorder pa lang ako.” ayos lang ng makapahinga muna😆

@Nengste

Lunes na, at muli na naman kaming magkikita ng aking mga labahin at washing machine buti nabawasan ang labahin sa pag work from home ni bunso dalawang salang na lang, isang salang sa mga damit at isang salang sa mga kombre kama. Tara ng bumangon at maglaba Ka-ingay😊

@Nengste

Natapos na ako sa aking paglalaba at naisampay na din lahat buti maaraw ngayon. Kaagad kong niluto ang balak kong lutuin sa malunggay na itinapon ng aking kapitbahay kahapon na agad ko naman kinuha, dinagdagan ko ito ng isang pirasong talong, okra, talbos ng kamote na binigay ng isa kong kapitbahay at sinahugan ng ginisang bagoong na alamang ang tawag sa luto na ito ay laswa ito ang tawag ng aking lola at ng mga tao sa kanilang probinsiya, kaya ko po niluto agad dahil sabik…

@Nengste

Hinainan ko na si bunso ng kanyang tanghali-an sa mesa, kanina ko pang inaayang kumain ayaw pa niya kaya nauna na akong kumain sa kanya ang ulam ko ay laswa yung niluto ko kaninang umaga na may dahon ng malunggay at iba pang gulay. Itong ulam niya ay niluto ko pa po ito kahapon ngayon lang mauulam ni bunso dahil hindi kami kumain ng kanin kagabi ito yung baboy na binigay ng isa kong anak na nabili lamang niya ng 100 isang kilo, ang mura po kasi pinagtabasan po ito ng Baliwag…

@Nengste

Nang kumain ako ng tanghali-an kanina nag-iisip ako ng panghimagas kahit kako saging, tinamad naman akong bumili sa labasan. Nang kumakain na si bunso tinawag ako gusto niya raw ng mangga doon ko naalala na may manggang pahinogin pala akong nilagay sa bigasan,😂natawa na lang ako sa aking sarili, sobrang makalimutin na ako.

@Nengste

Ito ang isa na pinagkukunan ng kita or income ng aking lolo at lola noong nabubuhay pa sila nasa elementary pa lamang ako noon, ang palibot ng aming tirahan ay mga puno ng kape kung kayat ito ay mamunga at pwede ng pitasin tumutulong din akong mamitas binibilad ito para matanggal ang balat saka bubusahin sa apoy tapos dadalhin ni lola sa bayan para ibenta sa may-ari ng gilingan ng kape minsan sinasama ako ni lola nilalakad lang namin papunta at pauwi mga 5 kilometro ang layo…

@Nengste

Meryenda na tayo ka-ingay, ito ang aking meryenda bread pan at water. Sobrang init ngayong araw, natanggal ko na sa sampayan ang mga sinampay, natiklop na rin at naibalik na sa kanya kanyang paglagyan, nagutom bigla kaya naghanap ng makakain😀

@Nengste

Nakakain na kami ni bunso, kumain na rin kayo kaingay. Ang aming pinagsaluhan ay ang natirang ulam kaninang tanghali-an hindi pa rin namin naubos ang adobo sabi ni bunso ipagsangag ko raw siya bukas ng umaga kaya nagsa-ing pa ako pagkatapos namin kumain para may maisangag bukas.

@Nengste

Maagang bumangon para ipagluto si bunso ng makakain bago pumasok sa kanyang work from home dahil hindi na naman ito makakain mamaya ng lunch sa tamang oras dahil sa pagkatutok sa work. May natirang adobo kagabi sinama ko sa sinangag at nagprito ng itlog na malutong ang gilid dahil ito ang gusto niyang luto sa itlog😀nauna pa si Zorro umupo sa kakain. Umagang kay ganda!☀️

@Nengste

Ngayon lang ako natapos sa aking gawaing bahay, ngayon lang din ako mag-aalmusal, may natirang fried rice si bunso kaya ito na ang aking kinain hinati pa niya ang isang itlog na pinirito ko para sa kanya. Ang init pinapawisan na ako papahinga muna para makaligo na.

@Nengste

Pagkatapos kong maligo, nakaramdam agad ako ng antok, hindi pa ako nananghali-an dahil late na po ako kumain ng almusal, kayo ka-ingay kumain na kayo lalo na yung mga nagtratrabaho break muna kayo para mananghali-an ng makapag-isip ng maayos at makafocus sa inyong ginagawa.

@Nengste

Hawak ko ang isang cp ni bunso na pang personal use niya, may mga tumatawag dahil sa job hunting niya noong hindi pa siya napasok sa VXI, nang napasok na siya nakatanggap siya ng iba't ibang tawag ang una ay mula sa Jollibee corps at ascentify. Kanina may tumatawag sinagot ko at ito ay nagpakilala na ang dinig ko ay task force, napaisip ako bakit tinawagan ng task force at napicture sa isipan ko mga uniform men. Binigay ko sa kanya ang cp buti wala siyang kausap ng oras na…

@Nengste

Sa wakas lumabas na sa kanyang lungga si bunso para mag lunch, ang aking inihanda sa kanya ay luto ni Ka Elvie ang kalderetang baboy na may gata ito ang gusto niyang luto ni Ka Elvie na may sarsa. Hindi ako sumabay sa kanya dahil nabusog po ako sa tatlong latundan na saging, pagnagutom ako may okra dito iprito ko ito mamaya at isawsaw sa bagoong na may maanghang na suka.

@Nengste

Lumabas ako papuntang kalsada dahil may kukunin na parcel from shoppee delivery si bunso, dumaan na akong tindahan at bumili nitong instant noodles ito daw ang gusto niyang kainan mamayang hapunan at bumili na rin ako ng aking mangunguya, binusang mais at brownies= meryenda.Kain po tayo

@Nengste

Si bunso dumadaing na ibili ko na daw siya ng computer chair at hindi komportable ang upuan niya ang sakit daw ng pwet at likod sa maghapon pagkaupo dahil sa work niya, kaya pinahanap ko siya sa shoppee ng pinakamurang computer chair sa halagang 1k ang budget, at kaagad namang naghanap at may nakitang 1,104 kasama shipping fee, sabi ko sa kanya basahin niya ang review, sabi niya nabasa na niya at 25,000 sold na daw yung shop at magaganda ang review kaya pinacheck out ko na…

@Nengste

Hindi po kami magkasabay ni bunso kumain, ang aga niya kasing kumain nag instant spicy noodles( mi goreng) at sunny side up egg lang ang kanyang hapunan may tira pa siyang kalderetang manok na inulam niya ng tanghali-an nilamas ko sa tirang kanin at pinaghati sa 2 naming 🐕🐕 hindi din kasi ako kumain ng kanin, nag cookies at gatas lang ako. Kumain na ang hindi pa naghapunan😄

@Nengste

Meron rin ba kayong nabasa sa coins.ph account niyo na need ulet magverify para maupdate ang personal information sa coins.ph. Nabasa ko ito ngayong gabi bukas ko na lang ito gagawin.

@Nengste

Ang aga ko nagising 4 am isang sign of aging kumbaga hindi na mapigilan ang bilis ng panahon, ang bilis ng pag tik tak ng orasan kaya gagawin natin ang makakabuti sa ating pamilya para may maiwan tayong magandang ala-ala sa puso nila na kahit wala na tayo sa mundong ibabaw, buhay pa rin tayo sa puso at isip ng ating mga mahal sa buhay. Umagang kay ganda!

@Nengste

Halikayo Ka-ingay mag-almusal tayo, binili ko ng maaalmusal si bunso sa labas, sopas na mainit sa mainit din na panahon. Kinain niya ito bago siya magstart sa kaniyang work kanina nang pumunta akong kusina para uminum ng tubig may nakita akong may nakatakip sa ibabaw ng mesa tiningnan ko may sopas pa pala hindi niya inubos tinirhan pa niya ako😀

@Nengste

Dumayo pa sa amin ang isang kaibigan para ibahagi sa amin ang inani niyang talbos ng kamote mula sa kanilang taniman, syempre masaya dahil naalaala kaming bigyan🙏Ipagprito ko nito si bunso mas gusto niya prito kesa pinakuluan, ipares ko ito sa biniling inihaw na baboy para ulamin namin mayang tanghali-an. Mga anemic mainam po sa inyo ito

@Nengste

Dahil ngayon lang nag break for lunch si bunso kaya ngayon ko lang din niluto ang talbos ng kamote ito ay aking pinirito, pagkaluto saka naghain. Ito ang aming simpleng pagkaing pagsaluhan ni bunso. Tara kain po ulet tayo Ka-ingay😋

@Nengste

Meryenda na tayo Ka-ingay, meron akong hopiang tipas na nabili ko kanina sa tindahan bagong deliver kaya bumili akong isang box na assorted flavor. Ito ang kilalang hopia na gawa sa Tipas bakery sa Taguig city, ang founder nito ay isang babae na nagsimula lang sa paggawa muna sa kanilang kusina hanggang nagustuhan at naging paboritong snack ng mga Filipino. Ang unang palaman na ginawa niya ay Monggo kinalaunan may ube at pandan na

@Nengste

Sobrang init ngayong araw bigla kong naalala ang ulan😄sana madalaw kami ng ulan ngayon din. Ang kakilala namin nagkacovid ang ina hindi na makapirma may konting pera sa bangko gusto sanang withdrawhin ng mga anak para makatulong panggastos ngunit hindi pumayag ang staff ng bangko na pumunta sa ospital para mawitness ang pagkuha ng thumb mark dahil nga baka mahawaan at nagsuggest ang mga anak na iscan at email na lang sa bangko ang thumbmark ng ina ngunit hindi din pumayag…

@Nengste

Nakakatakot po ang kulog at kidlat habang umuulan ng malakas kaagad 6 inches ang taas ng tubig sa labas, may phobia ako sa kidlat kasi noon tinamaan ang electric fan sa loob ng bahay at ito ay lumiyab buti hindi naabot ng apoy ang kurtina, si Zorro sinundan pa ang kanyang amo sa banyo na naliligo sa sobrang takot nanginginig buong katawan. Ito ang aming hapunan ni bunso tig dalawa kaming balut.

@Nengste

Maagang naglinis ng kapaligiran dahil sa biglang pagtaas ng tubig kagabi dulot ng malakas na pag-ulan kagabi. May mga natuyong putik kaya nilinis ko kaagad bago ko pinalabas ang dalawa naming alagang 🐕🐕 para mag pee, pagkatapos gawin bumalik ako sa paghiga at medyo sumakit ang aking bewang dahil sa pagkakayuko sa pag isis ng putik. Magandang umaga 😊

@Nengste

Napunta ng tindahan para maghanap ng malulutong gulay at ito ang aking napusuang lutuin ampalaya at nakakita din ng maalmusal hindi ko po alam ang tawag dito may konting palaman pong munggo, ang sarap!

@Nengste

Kasalukuyang ginagayak at inihahanda ko na aking lulutuin na aming uulamin ni bunso sa tanghali-an, ito ay gulay na ampalaya na sinahugan lamang ng fried tokwa, chicken broth cubes, oyster sauce, cornstarch slurry with soy sauce, half cup of water bawang at konting oil, bawang at sibuyas sa paggisa. Walang meat sa tokwa na lang babawi para makakuha ng protina.

@Nengste

Ito na po ang niluto kong ampalaya, kakain na po kami ni bunso, isa ito sa mga paborito niyang gulay, lalong sasarap pa sana pag may karne okay na ito may tokwa naman. Tara kain po tayo Ka-ingay

@Nengste

Nakaidlip saglit kahit sa tindi ng init, dala ng sobrang antok dahil maaga akong nagising kanina. Pagkagising ko ngayon naging gloomy ang kalangitan, mukhang babagsak na naman ang malakas na ulan. Meryenda na tayo Ka-ingay. Wala akong meryenda 😊

@Nengste

Pakiramdam ko po para akong pagod wala naman akong ginawang nakakapagod pagkatapos ko gawin ang pag scrubed ng putik sa labas kaninang umaga. Marami na yata akong napansin kakaiba ngayon sa aking sarili, normal lang ito mga Ka-ingay pa Seniors Citizen na kasi si granny😄

@Nengste

May free meryenda kaming natanggap mula sa pangalawa kong anak, late na nadala itong pansit at maja blanca. Ito na ang aming hapunan ni bunso, konti lang din ang aking nakain dahil nagmeryenda akong kanin kanina kaya pati si Zorro at Grey nabahagian din ng pansit.

@Nengste

Malamig po ang klima ng panahon dito ngayon kahit hindi pa bumabagsak ang ulan, baka umuulan na siguro ngayon sa ibang lugar. Sana pag umulan wag biglang lakas, yung mahinahon lang sana para walang mangyaring pagbaha. Paano ba ito Ka-ingay inaantok na ako, bukas ulet. Magandang gabi sa lahat

@Nengste

Ang paggising sa umaga na may malusog na pag-iisip at katawan ang unang mga pagpapala na natanggap natin ngayon mula sa itaas, dapat tayong magpasalamat at gawing produktibo ang ating buhay araw-araw para sa ikabubuti din ng iba. Naputol ang aking panaginip dahil nagising ang aking diwa sa katabi kong umiiyak, si Zorro ginigising ako ng kanyang pag-iyak gusto na niyang lumabas ng bahay kaya binuksan ko na ang pintuan sa kusina.

@Nengste

Inihahanda ko na ang aking mga kailangan sa appointment date ng step 2 application sa Philippine ID, ID's at supporting documents. Noisemate's @wella46 advised me not to wear colored white or red clothes at saka magdala ng ballpen. Ka-ingay, nakapag apply na rin po ba kayo? O waiting na lang sa inyong PhilID?

@Nengste

Nagluluto ako ngayon ng munggo at ito ay sasahugan ko ng tokwa, dinamihan ko na prito para may mapapak po ako😆mahilig din ba kayong magpapak nito?

@Nengste

Pakiramdam ko ako ay sinisilaban ng apoy kahit bagong ligo, tiyak na kumain na kayo, kami ni bunso kumain na rin maagang nag-out dahil appointment sked niya ngayon sa NBI isang requirement niya sa work na hindi pa naipasa. Nakatanggap po ako ng sagot sa aking query from our mayor facebook page na open ang step 2 philsys ID application dito sa aming bayan kahit po under MECQ ang Bulacan.

@Nengste

Kagigising lang galing sa pagkaidlip ng ilang minuto, lalabas sana ako para bumiling saging na saba nang dumating si bunso may bitbit na mameryenda, ayos nasaved ang aking pambili ng saging saba.😀Kain tayo Ka-ingay

@Nengste

Nagagalit na naman ang kalangitan ang ingay ng kulog buti walang kidlat kaya si Zorro ay nanginginig na nakatago sa tabi ng kanyang amo samantalang itong isa naming asong si Grey hindi natatakot. Habang nagtatype po ako heto pumapatak na po ang ulan.

@Nengste

Busog si bunso kaya ako lang mag-isa kumain ngayon at ang aking ulam ay ang natirang munggo kaninang tanghali-an, may natira pa kaya hinati ko kina Grey at Zorro nang tinatawag ko na si Zorro para pakainin ayaw lumabas sa silid ng kanyang amo dahil takot po sa kulog, pagkatapos ni Grey kainin ang kanyang parte, nakita niya ang pagkain ni Zorro at ito ay kinain niya rin. Ang takaw ni Grey🐕 nasarapan sa munggo.😄

@Nengste

Nagising na naman ulet ako sa aking live alarm sa pagtabi at pag-iyak ni Zorro 🐕tinatamad pa akong bumangon para buksan ang pinto para makalabas siya ngunit napakakulit dinaghanan ako at panay dila sa akin kaya napilitan akong bumangon. Maayong aga sa lahat na gising😊

@Nengste

Inorder po ito ni bunso sa kanyang kababata para ibigay ang mga ito sa dalawa niyang pamangkin ( sa anak kong panganay) as a treat mula sa kanyang unang sahod. Kase nasita ko siya kahapon na bakit lagi niyang binibigyan ang isa niyang pamangkin (sa pangalawa kong anak ) samantalang ang dalawa hindi niya naisip bigyan sabi niya “ kasi ma ang layo nila walang maghahatid, sabi ko “bukas ( ngayon) pupunta ang brother in law niyo para maghatid ng bigas dito “ sabi niya “ ah sige…

@Nengste

Ang aga ko pong nakaluto Ka-ingay ng aming uulamin ni bunso sa lunch ito ay pritong Tilapyang isda, bago ko lutuin ito pinaligoan ko muna ang aming dalawang alaga🐕🐕 kasi nag OverTime work from home ang kanilang nanay ngayon at double pay daw dahil holiday😀wait ko na lang si bunso mag break for lunch para sabay kami. Pagod si granny hindi ako nag-almusal, ito na muna kakainin ko pantanggal pagod.

@Nengste

Tiyak na kumain na po kayo ng tanghali-an, kami po katatapos lang kumain at ang aming ulam ay yung pinirito ko kaninang Tilapya. Flex ko lang itong alaga namin na si Zorro🐕saglit kong kinunan ng picture habang kami ay kumakain ng tanghali-an ni bunso.

@Nengste

Meryenda na ba? Just want to share that I am having hot drinks right now it’s salabat or ginger tea. Nag-uumpisa na namang kumulog at dumilim ang kalangitan, tiyak na bubuhos ang ulan sa mga sandaling ito. Kamusta naman po diyan ang ulat ng panahon sa inyong lugar?

@Nengste

Nadelivered na po ang computer chair ni bunso na nabili sa shoppee kaninang alas 4 ng hapon, ang nagdelivered ay nakatricycle na puno ng parcel mga 100 parcels pa daw ang kanyang idedeliver, dahil hindi ko mabuhat kasi ang bigat at saka umuulan may dala pa akong payong kaya sabi ko ako na magbabantay ng mga parcels kung pwede siya na magbuhat papunta sa tirahan namin dahil 2 bahay lang naman ang pagitan mula sa kalsada, yun nga po siya ang bumuhat. Ito na po ang computer…

@Nengste

Tinanong ko si bunso kung kakain ng kanin, at ang sabi ay "ayaw niya" nang gumagayak na ako para kumain, pinirito ko ulet ang isdang tilapya para palutungin, sabi ni bunso " heheh mama gusto ko na rin kumain tipalya lang," masarap kasi ang tilapya pag malutong ang pagkaprito. Agree po ba kayo Ka-ingay?

@Nengste

Pinagpala po tayo ulit na magising sa umagang ito na may kagalakang masilayan ang ating kapaligiran, mga kasama sa bahay at magawa ang mga bagay na hindi pa natin naumpisahan at natatapos ito na ang pagkakataon para ipagpatuloy ito, halina at gawing kapakipakinabang ang ating araw. Mapagpalang Linggo sa ating lahat🙏

@Nengste

Nakapagsa-ing na ako, nagpapalamig na akong kanin para pakainin ang dalawa naming alagang 🐕🐕ang kanilang ulam ay sardinas. Bibili lang din ng lutong ulam sa tanghali-an, sabi ni bunso pag may nagtitinda daw na fried calamares sa labasan bibili daw ako at yun ang kanyang gustong ulamin. Late meryenda muna tayo Ka-ingay Pandesiosang cheese overload.

@Nengste

Palagay ko po nakakain na kayo ng tanghali-an, ngayon pa lang kami kakain ni bunso. Nakabili na po ako ng lutong ulam sa labas ito ang gustong ulamin ni bunso fried Calamares na tinusok sa stick at chichow ako naman po ay inihaw na baboy. Nawiwili sa kapapanood ng movie si bunso, kaya pagkatapos kong maligo ako na ang nag-ayang kumain at gutomized na ako. Kain po tayo ulet Ka-ingay.

@Nengste

Kamusta kayo Ka-ingay? Isa rin ba kayong nababahala sa mga hindi kanais nais na nangyayari ngayon? Nakakalungkot daming nawawalan ng buhay, madaling kapitan ng virus ang mga seniors dahil Mahina na ang immune system at humihina ang lungs habang nagkakaedad, katulad ko. Kailangan natin magpalakas ng ating immune system sa pagkain ng masustansiyang pagkain, like prutas at gulay, kung sana sa probinsiya tayo nakatira sagana prutas at gulay doon dito sa city may kamahalan.…

@Nengste

Nagbabadya na naman pong umulan, ganito nangyayari lagi tuwing hapon, dumidilim at kumukulog hindi malaman kung anung oras papatak ang ulan basta panay kulog ang naririnig. Meryenda na tayo Ka-ingay, anung meron kayo? Ako wala eh uminum lang akong salabat.

@Nengste

Late dinner, late na din kasi nakapagluto at may ka video chat, ito po ang aking dinner young pork tocino with sawsawan na kamatis hindi kumain ng kanin si bunso nagpapak lang ng konting tocino at nag gatas. Kumain tayo ka-ingay gutom na gid ako kaayo😃

@Nengste

Makatulog na po Ka-ingay, hindi kasi nakaidlip kanina kaya inaantok na ako, panay na ang aking paghikab, mauna na akong matulog sa inyo, bukas ulet ang lamig po ngayong gabi kahit hindi umuulan. Good night!

@Nengste

Nakaupo din, pag lunes po kasi labada day ni granny, heto nakaupo na po dahil natapos ko na labhan ang aming isang linggong maruming damit at nasampay na din lahat. Flex ko lang itong kuha ng mag-amo nakita ko ito sa aming family group chat ngayon. Sumaglit lang mag post si granny bago ako hahanap ng maalmusal. Magandang umaga sa atin lahat🙏

@Nengste

Nang bumili ako ng lutong ulam may nadaanan akong nagtitinda ng banana cue at turon tamang tama dahil naghahanap din ako ng mameryenda at almusal na rin kasi pagkabangon ko mula sa higaan kanina kaagad kong inumpisahan ang paglalaba. Nagkape ako ngayon dahil nasasabik na po ako sa lasa ng kape😊meryenda po tayo Ka-ingay.

@Nengste

Nakapaglunch break na si bunso nang oras na yun busog pa ako dahil sa kinain kong sweets overload na turon kaya hinainan ko na lang siya at saka ininit ang sinigang na baboy na nabili ko kanina. Maalinsangan pa rin ang klima ng panahon dito, maya maya lang ay sisinupin ko na ang mga sinampay na damit. Enjoy your lunch na lang mga Ka-ingay.

@Nengste

Katatapos ko lang kumain ng aking lunch meryenda na na yun, ang aking panghimagas ay lollipop, naaalala ko tuloy noong bata pa ako na may nakasubong lollipop ako noon tapos nasagi ng aking kalaro ang nakalabas na hawakan napasok sa bibig ko at nabulunan ako tapos may ginawa sina nanay at ang aking mga kamag-anak para maisuka ko yung lollipop buti naisuka ko naman. Sa mga magulang bantayan niyo po ang ating mga anak kung mayroon silang nakasubong lollipop sa bibig. Nakatuyo…

@Nengste

Dahil may Philsys ID appointment ako bukas, nagluluto na akong mauulam ni bunso bukas sakaling matatagalan po akong makakauwi. Nagpabili ako ng pinagtabasang baboy ng Baliwag Litson sa aking pangalawang anak at ito po inadobo ko ulet patutuyuin ang adobo sauce at iprito sa sariling mantika, nilagyan ng 2 hiniwang siling labuyo para lalong sumarap.

@Nengste

Kasalukuyang umuulan at ang lakas sana hihinto hindi magtuloy tuloy kasi tataas na naman ng 6 inches ang tubig at siguradong magkakaputik ang labas namin. Kumain na ba kayo Ka-ingay? Kami ni bunso ay kumain na rin may konting kanin na natira kaninang tanghali-an pinaghati naming dalawa nang hindi kami mapalakas ng kain, inulam na namin ang spicy fried adobong niluto ko kanina, ito ang natira matataba.😀

@Nengste

Makakalabas at mapapalayo ako bukas dahil pupunta akong SM para sa aking appointment date step 2 Philsys ID. Nakahanda na ang lahat na dadalhin, ID’s supporting document, face shields, disposable facemask, ballpen, alcohol at wipes. Ready na kaya matutulog na po ako para makagawa muna ng gawain sa bahay bago lumakad bukas. Good night na po sa lahat.

@Nengste

Galaw galaw na si granny sa pagwawalis at pagpupunas sa pagtanggal ng alikabok at balahibo ng aming alaga bago gumayak sa pupuntahan ngayong araw. Mawawala muna ako dito mga ilang oras ngayong umaga, sana hindi mahaba ang pila para makauwi agad. Magandang umaga sa lahat.

@Nengste

Bago ako umalis kanina papunta sa SM kumain muna kami ni bunso ng lugaw tokwa at baboy pagkatapos naligo na ako at umalis na ng bahay at 7:30 am nakarating akong SM ng 8:10 bukas na ang SM para sa may Philsys ID appointment at vaccination need lang ipakita ang appointment form at ang aming Iamsafe QR code to scan for contract tracing purposes. Pang 20 akong dumating ang bilis ng proseso natapos ako ng 9:30 at kaagad na umalis na sa SM at sumakay ng Jeep papunta sa isang…

@Nengste

Pagdating ko ng bahay nag half bath agad ako at saka kumain ng tanghali-an dahil gutumized na ako 😃tapos namahinga at pinaloob ko na sa frame ang diamond painting sabi ni bunso sa kwarto niya daw isasabit, heto nakasabit na po hindi nga lang maganda pagkaayos ko. Habang kinukunan ko ng picture binabantayaan ako ni Zorro, hindi niya pinapansin ang pagtawag ng kanyang amo na kakain silang dalawa, napakasungit na aso ayaw niya na pumapasok ako sa silid nilang mag-amo😅

@Nengste

Kakahinto lang ng ulan, biglang lumamig po ang klima nakapagmeryenda na ba kayo? Nakabili ako kanina nito, ang chips para kay bunso sa akin ang tipas pero kung gusto ni bunso pwede siyang kumuha ng tipas😀Meryenda tayo Ka-ingay. Nang tumatawid pala ako kanina papuntang SM napansin kong nabibilang ang mga sasakyan na dumadaan, kuha ko ito mula sa overpass kawawa mga driver wala silang kita dahil wala din maraming pasahero.

@Nengste

Kumain na ba ang lahat? Kain na tayo ka-ingay adobo pa rin ang ulam, inulam namin ito kahapon ng hapunan, kaninang tanghali-an at ngayong hapunan ang isang kilong baboy na aking inadobo, ayaw na ulamin ni bunso kaya nagluto na lang siya ng spicy beef noodles. Para maubos pinaulam na kina Grey at Zorro ang mga taba.

@Nengste

Maagang natulog at maaga din nagising hindi po ako nagbukas ng electric fan mula kagabi hanggang ngayon dahil malamig ang klima ng panahon. Magandang umaga Pilipinas! Bagong umaga, bagong araw na namang pakikibaka sa buhay . Sana maraming tayong matatanggap na pagpapala sa araw na ito🙏

@Nengste

Balak ko sanang magconvert ngayon ng bitcoin cash kasi humiling din ang aking pangalawang anak ng working table at computer chair, pagbigyan ko na at baka may masabi, sumama ang loob at magselos kay bunso kaya lang wrong timing ngayon bloody ang merkado😀kagabi ko pa inaantabayanan na mag 35K pero hindi nangyari at ngayon bumababa pa lalo.

@Nengste

Maaraw ngayon pero hindi maalinsangan tama lang ang timpla ng panahon. Nakapag-almusal na po yata kayo ka-ingay, katatapos lang din namin ni bunso kumain at ito ang aming inalmusal, nabili sa tindahan ng mga lutong ulam at saka bumili na rin ng ulam panglunch para hindi na ulit lalabas mamaya.

@Nengste

Tanghali-an na po, nagsangag po ako at nagluto ng scrambled egg with tomatoes at saka ang biniling lutong gulay kanina na ampalaya ito ang pinagsaluhan namin ni bunso. Maaga kaming kumain ngayon dahil nagbreak ng maaga para maglunch si bunso habang hindi pa daw siya natatambakan ng mga tatawagan.

@Nengste

Kanina pa nagbabadyang umulan mag isang oras na ang nakaraan hindi pa rin pumapatak ang ulan dumidilim lang, sa mga nabasa ko dito ang lakas na daw ng pag-ulan sa kanila o baka papunta pa lang dito. Ka-ingay anu po meryenda niyo, makikain na lang po ako heheh.

@Nengste

What’s for dinner? We have here a little leftover dish from lunch the sauted bittergourd ( ampalaya) and scrambled eggs with tomatoes then I added fried Calamares and Chichow which I bought from the street vendor the served rice on each plate were just enough to consumed for our dinner. Come, pagsaluhan natin itong simpleng pagkain.

@Nengste

Noisemates see you again tomorrow, kusang napipikit na ang aking mga mata, bukas ulet. Sana ay maging maayos ang ating pagtulog, makapahingang mabuti ang pagal na katawan sa gayon may sapat na lakas na makabangon ng maaga bukas ng umaga. Magandang pagtulog sa ating lahat.

@Nengste

Umagang kay ganda! Panatiliing laging ligtas sa kalaban na hindi natin nakikita laging magdala ng panangga kahit saan man tayo pupunta. At isa pang payo mula kay Granny na tanggalin ang inggit at galit sa ating kapwa sapagkat ang mga ito ay lason sa ating katawan na unti unting kikitil ng ating buhay. Flex ko lang itong bulaklak na nakunan ko noong isang araw nang ako ay namasyal ng ilang oras😀

@Nengste

Almusal at snacks na po ito Ka-ingay, Lumabas ako kanina para maghanap ng makakain ni bunso bago siya pumasok sa kanyang work at ito ang aking nabili ngayon ko lang kakainin ang aking parte. May binigay din kanina ang isa naming kapitbahay ito ay isang prutas na kung tawagin ay Guyabano o Soursop ito ay nabalita noon na itong prutas ay isang natural medicine na nakapagpagaling ng cancer totoo kaya ito? Just DYOR😊

@Nengste

Dumating kanina ang aking son in law, hinatid ang kanilang shared bounty ito ay half sack of rice, biscuits, bread at cupcakes at saka nag-abot din ng isang maliit na envelope na may laman. Sabi ko sa aking Son in law na “bakit may pa-envelope pa siya okay na kako yung half sack of rice dahil may maayos ng work si bunso”? Sabi niya okay lang daw at maluwag naman ang katayu-an ng finacial nila, saka ko naman inabot ang treats ng aking bunso sa kanyang 2 anak.