Mag send tip via QR code sana ako naiscanned ko na po ang QR code ng aking pagbibigyan kaso ito ang lumabas hindi ko po tuloy nagawa ang aking balak, ang higpit na ngayon ni Coins.ph dahil sa pagsunod sa rules and regulation ng BSP. Paano na pag may QR challenge ulit si @noise.cash? Bitcoin.com na ba tayo mga Ka-ingay kong user ng Coins.ph
@Nengste in August 2021
Nareinstalled ko na po ang Bitcoin.com wallet at ginamit ko ang aking dating account, may $0.10 pa pala ako pwede pa magamit pag nagpa QR challenge ulit si noise. Meryenda na po! Ako po walang ganang magsnack parang busog pa ako naumay po ako sa siopao na kinain ko kanina.
Hapunan na tayo Ka-ingay, ito ang aming hinapunan ni bunso, nagluto ng spicy beef noodles at pinaresan ng tinapay. Mahigpit ang aming panguluhang Baranggay ngayon ang order sa mga Baranggay tanod ay hulihin ang mga bata na gumagala at ang mga taong lumalabas na walang facemask at may penalty pa na 1,500 may mga nahuhuli po pero hindi ko sure kong nagbabayad ba talaga sila ng penalty.
Magandang gising Ka-ingay! Muntik ko ng makalimutan na nagpapaluto pala ng hotdog si bunso at ito daw ang gusto niyang kainin sa almusal kaya kahit ayoko pa sanang bumangon bigla akong napabangon ng naramdaman kong gising na siya. Ito po nakaserve na waiting sa kanyang pag-upo sa harap ng hapag kainan. Isang cup na mainit na tubig naman ang sa akin.
Gaano nga ba natin kamahal ang ating selpon? Mahal dahil magbibitiw tayo ng perang malaking halaga para magkaroon nito. Mahal dahil palagi natin dala ito saan man tayo pumunta Mahal dahil palagi din natin hawak kahit may ginagawa tayong iba parang ayaw natin mawala o bitawan. Mahal dahil ito ay gamit natin para makausap ang napalayong mahal sa buhay. Mahal at mahalaga ang selpon sa panahon ngayon. Ikaw Ka-ingay gaano kahalaga ang selpon para sa iyo baka may madagdag pa po…
Dahil natapos ko na ang aking gawain ngayong umaga, nakapagluto na rin ng ginisang munggo para ulam ng tanghali-an, heto po nakaupo at nagmemeryenda almusal na. Kain tayo Ka-ingay. Nangingiti po ako habang binabasa ang inyong mga komento sa aking huling post tungkol sa selpon😅
Update Status Ng Panahon Biglang dumilim ang kalangitan, kumukulog at umaambon habang sinusulat ko po ito. Isinilong ko na ang mga underwear na nihandwashed ko kanina, mukhang makakaidlip po ako ngayon dahil masarap matulog pag-umuulan.
Nakalimot na naman po ako, nagmamadali pa akong bumili ng lutong ulam sa labas baka kako magsara wala kaming mauulam ngayong hapunan ni bunso, pag-uwe ko tinanong ako ni bunso “ mama saan ka galing” sumsgot ako na bumili ng ulam, tapos sabi niya “ bakit ka bumili eh may ulam pa tayo “ doon ko naalala na may natira pa palang munggo na natira kaninang tanghali-an😅
Pagkatapos na aming Zoom meeting nag -ayang maghapunan na agad si bunso nagmamadali akong naghain at ininit ang munggo at ang nabili kong lutong ulam na bachoy tagalog, inulam ko ang munggo sa kanya ay bachoy hindi ko rin naubos ang munggo kaya binigay ko kina Grey at Zorro. Pagkatapos namin kumain, humingi ako ng lolipop kay bunso tapos sabi niya " sige po may natira pang dalawa" na nakangiti nang nilabas niya ang plastic na may laman na lolipop, sabi niya sa akin "tumingin…
Dahil rest day ni bunso sa work from home, nakababad pa si granny Nengste sa higaan kahit gising na si bunso sa oras na ito at nililinis na ang kanyang silid bago gumayak ppuntang SM para sa kanyang Philsys ID appointment. Ang lamig kagabi Ka-ingay kaya hindi ako nagbukas ng electric fan kahit ngayon habang sinusulat ko ito, nakapagtipid sa kunsumo ng kuryente. Magandang umaga🌞
Almusal snack time na si granny Nengste, magkasunod na dalawang araw na akong nagkakape hindi ko napigilan ang aking pagkasabik sa kape dahil nakikita ko lagi sa kusina ang kapeng binigay ng aking sister in law. Nang dinalaw ko kasi ang aking sister in law may malaking taster’s choice po siyang kape tapos nagsalin siya sa isang maliit na bote at binigay sa akin bago ako umuwi kaya nakabili tuloy akong coffee mate 😊
Nang nasa SM kanina si bunso naisip kong itext siya na bumili ng 2 order na double burger steak para sa lunch. Pag-uwe niya may bitbit nga siyang jollibee bag, binago nga lang niya ang aking order dahil gusto niya ng chicken buti may dalang pera napaluwalan ang aking pinapabili sa kanya. Halina Ka-ingay kain tayo.
Hinubad ko ang aking hikaw noong kinunan ako ng biometrics sa Philsys ID nakita kong parang nangitim na, buti may natira pang baking soda kaya nalinis at napakintab muli sa pamamagitan ng pagbabad at paglamas ng baking soda.
Kagigising galing sa ilang minutong pagkaidlip pagbangon naghanap ng mangunguya. Ang pangalawa kong anak excited na ibinalita sa akin na nadelivered na ngayon ang computer chair na binili ko sa kanya sana daw madeliver na din ang computer table para magamit na niya. Sobrang saya ko rin sa naging reaction niya😄 salamat @noise.cash dahil nakaipon ako at nagagamit sa tuwing may gustong hingin ang aking mga anak, napasaya ko sila at napasaya niyo rin po ako @noise.cash🙏
Maghapunan na po tayo kaingay, ito ang niluto ni bunso spicy ramen with egg and kimchi, kung anu ang kakainin niya follow lang ako 😀ang sarap po bumagay ang kimchi at saka nabawasan ang pagkaspicy dahil sa itlog, noong una siyang nagluto nito nilagyan niya ng mayonnaise hindi ko nagustuhan ang lasa. Baka gusto niyong subukan.
Nang naglilinis ako ng bahay kaninang umaga, may nakita akong mga bagay na hindi na ginagamit katulad ng mga sapatos books at ang scrap book na ginawa ng aking pangalawang anak noong high school pa siya nang binuksan ko ito may nakadikit na mga larawan niya at larawan naming buong pamilya, tinanggal ko po itong mga larawan sa pagkadikit para itabi o itago dahil itatapon ko na po ang scrapbook kasi ito ay nasira na ng daga at ipis.
Masarap bang magbabad sa higaan dahil malamig ang klima? Nakatulugan ko kagabi na bukas ang electric fan dahil maalinsangan kagabi bago ako matulog tapos nagising ako sa ginaw kaya ni turn off ang electric fan kasi hindi ako makatulog pag giniginaw ako😀 Araw ng linggo ngayon, araw ng pagsama-sama ng buong pamilya.
Meryenda/almusal time na ni granny Nengste habang pinapanood ang estorya ni propetang Daniel ayon sa salaysay sa “Ang mabuting balita mula sa Diyos” Ang Bibliya. Have a blessed Sunday sa ating lahat🙏
Pinagbilin ni bunso na may 2 parcel siyang parating nang nadelivered na inabot ko ito sa kanya at ang sabi " ma sa inyo po yung isa" 🤔 napaisip tuloy ako at excited na binuksan, ito po ang laman step-in na pambahay ko daw mga ilang oras na nagdaan hindi niya ito nakita na sinusuot ko at ito ang tanong niya" bakit hindi niyo sinusuot ma hindi niyo ba nagustuhan?"at ang sagot ko ay "Siyempre nagustuhan kaya lang maayos pa itong panloob kong step-in."
Maalinsangan po kanina, pag maalinsangan tanda daw yun na paparating ang ulan kung minsan hindi natutuloy pero ngayon po ay natuloy tatawagin kong kalmadong ulan. Kumain na po ba ng tanghali-an ang lahat? kami ni bunso ay ngayon lang kakain, ang aming ulam ay luto ni Ka Elvie ito ay chop suey at menudo 2 putahe ang aking nabili ngayon, ang sabi ni bunso ay “mukhang hindi po kayo nagtipid ngayon mama”? Karaniwan kasi isang serving at isang putahe lang ang binibili ko at…
Malamig ang klima ng panahon dito kasi umuulan ngayon kaya kasalukuyang nagkakape si granny pangalawang beses ko na itong pag-inom ng mainit na kape sa araw na ito, sana maayos ang pa rin ang aking pagtulog mamayang gabi.
Malamig na gabi po sa inyo lahat! Kumain na po tayo ng ating inihandang pagka-in sa hspunan. Ang aming pinagsaluhan ni bunso ay nilagang itlog at piniritong saging na saba, mabigat din pala sa tiyan ang saging na Saba nakakabusog😀 pagkatapos kumain naglakad lakad muna sa loob ng bahay para makatulong pagpababa ng kinain.
Ang Television dito sa bahay hindi na po namin nabubuksan dahil wala ng nanonood ng news o kahit na anung programa. Ang cp ang lagi kong hawak, mga pagkakakitaan online na ngayon ang aking libangan. Noong araw na hindi ko pa alam na pwede palang kumita online, lagi lang akong nanood ng palabas sa tv lalo na balita na nakakapag pastressed sa akin minsan.
Umagang kay ganda! Hindi ako ngayon ginising ng aking live alarm 🐕 bumangon ako at pumuntang cr at nang binuksan ko ang pintu-an sa kusina naramdaman ni Zorro at kaagad na lumabas ng silid at nag-iinat ang cute, kukunan ko sanang litrato kaso hindi ko hawak ang selpon. Magdamag na naman hindi ako gumamit ng electric fan, nakakatulong itong klima ngayon sa pagbaba ng kunsumo sa kuryente.
It’s Monday today, Heroes day so it’s holiday and laundry day of yours truly😀had just done washing our dirty clothes so here granny is presently having her snacks/breakfast hot milk and fudgee bar she skipped drinking coffee for a while.
Ang dami kong kakilala na nagkakasakit ngayon hawa-hawa buong pamilya. Ngayon naman pamilya ng aking anak unang nagkasakit ang hubby niya sumunod ang anak buti hindi tinablan ang aking anak may mag-aalaga sa kaniyang mag-ama. Sabi ng aking anak hirap siya at hindi nakakatulog, naawa po ako sa kanya ng sinabi niya iyon kung sana andito sila sa akin makakatulong ako sa kanya kahit papano.😥
Pagkatapos kong kumain ng lunch kanina sobra akong inantok at ngayon lang nagising ang haba ng aking tulog buti hindi umulan dahil nakalimutang kong isilong ang mga sampay na damit. Pagkagising Dali daling bumangon ako dahil nakita kong madilim na ang kalangitan at kaagad na tinanghal sa sampayan ang mga damit. Kumusta naman po ang panahon diyan sa inyo Ka-ingay?
Pagkatapos magtiklop o magtupi ng mga damit na nilabhan ko po kanina at paglalagay sa balik sa clothes cabinet, niluto ko na ang ang aming ulam sa hapunan de latang tuna at 2 sunny side up na itlog pagkaluto agad kaming kumain. Kumain na din ba kayo?
Ngayon lang naassembled ang nabili kong computer chair para sa pangalawa kong anak, kinunan niya ito ng video at nagpasalamat sa akin. Masarap mabudol ng anak pag nadama natin ang taos puso nilang pasasalamat sa atin.
Huling araw na ni Agosto, bukas September na ang buwan na ipinanganak ko ang aking bunso, madadagdagan na naman ng isang taon ang kanyang edad. Musta po ang ating gising Ka-ingay? Kanina pa po ako gising at maagang naglakad lakad dito lang sa aming maliit na bakuran, pagkatapos maglakad inumpisahan ko na ang mga gawain sa bahay ang paglilinis, walis at punas. Umagang kay ganda🌞 na may dalang pag-asa.
Mga 200 meters ang aking nilakbay kanina papunta sa tindahan ng mga sari saring gamit sa bahay itong tindahan ay nasa gilid ng kalsada balak kong bumili ng walis tambo. Ang mahal na pala ng walis ngayon 170 pesos sabi ni manong tindero, tinawaran ko po 150 hindi pumayag nakuha ng 160 kasi need ko at wala ng ibang nagtitinda nito malapit sa amin.
Nang pauwi na ako galing sa binilhan ko ng walis tambo napansin ko ang puno ng malunggay sa gilid ng kalsada ito ay sa harapan ng isang saradong bahay, gusto ko sanang humingi kahit konting dahon nito para ilalagay ko sa pagluluto ng scramble egg ngunit walang katao tao sa bahay na iyon kaya nilagpasan ko na lang at ibinaling ang tingin sa mga bulaklak na ito.
Baka hindi pa po kayo nakapaglunch kain na po tayo, ito ang aking ulam binili sa suking tindahan. Maalinsangan ngayon pinagpapawisan po ako kahit kaliligo ko palang bago kumain.
Pagkabreaktime ni bunso sa kanyang work lumabas papuntang sari-sari store at namili ng mangunguya, binigyan niya rin akong parte sa mga napamili niya ito daw yung sa akin binigyan niya pa ako ng cream bread stick hahah
Sa tuwing lalabas ako papuntang kalsada nadadaanan ko itong puno ng bayabas, humihinto ako at laging tumitingala sa puno at naghahanap ng papahinog na bunga, minsan may nakita ako inaabot ko para kuhanin ngunit hindi ko maabot-abot kulang po kasi ako sa height 😀buti may kakilala akong kapitbahay na dumaan nakiusap ako kung pwede niyang abutin ito para sa akin, yun po napitas niya. Pagdating ko sa bahay hinugasan at kinagat ko po agad hahah hindi ko makagat matigas pa pala…
Binalita sa akin ng aking anak na pagaling na mula sa pagkakasakit ang kanyang mag-ama, hindi na nilalagnat inuubo nga lang ang kanyang anak, sana tuluyan ng gumaling si apo. Hapunan na Ka-ingay, kumain na kami ni bunso nagluto lang po akong 4 na jumbo tender juicy hotdog nasarapan si bunso dahil madalang lang kaming kumain ng hotdog nanibago sa lasa😄
Kasalukuyang kumukulog lang, nagbukas po ako ng electric fan dahil maalinsangan ngayon ayaw pa kasing bumagsak ng ulan. Miyerkules na bukas ang bilis kailan lang naglunes heheh.. kung pwede lang sana bumagal ang pag tik tak tik tak ng orasan. Tulugan na po, ipahinga na ang katawang na nanggaling sa buong maghapong pagpapagal. Bukas ulet Ka-ingay good night na po🙏
Hello Wednesday! Ilang buwan na lang 2022 na, kung may maliit kayong mga anak ngayon sulitin niyo na pong halikan dahil ang bilis ng panahon baka magulat ka na lang na ayaw nilang magpahalik sa atin dahil teen-ager na sila at ayaw na nilang binebaby pa sila😀Magandang umaga