read.cash Log in
@Nengste more from that month

Ito ang isa na pinagkukunan ng kita or income ng aking lolo at lola noong nabubuhay pa sila nasa elementary pa lamang ako noon, ang palibot ng aming tirahan ay mga puno ng kape kung kayat ito ay mamunga at pwede ng pitasin tumutulong din akong mamitas binibilad ito para matanggal ang balat saka bubusahin sa apoy tapos dadalhin ni lola sa bayan para ibenta sa may-ari ng gilingan ng kape minsan sinasama ako ni lola nilalakad lang namin papunta at pauwi mga 5 kilometro ang layo dahil noon wala pang pampasaherong jeep na masakyan mga truck lang ng tubo ang halos dumadaan, swerte na lang pag may dumaang truck ng tubo dahil makakasakay kami sa unahan, naalala ko nga pala merong bus pala noon kaso madalang ang pagdaan. Pagkabenta ng kape bibili na agad si lola ng pangangailangan sa bahay lalo na ibat ibang klaseng tuyo at bagoong.Masaya na mahirap ang nakagisnan kong buhay. https://unsplash.com/s/photos/coffee-tree

1 comment

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.