Naalaala ko noong taong nakalipas na na may carnival o perya dito sa aming baranggay buhay pa ang aking asawa noon at nasa elementary pa lang ang aking mga anak. Laging naririnig ng aking mga anak ang salitang carnival sa kanilang kaklase at binibida ng kaklase nila na sumakay daw sila sa ferris wheel. Dahil na usi sila kaya isang gabi pumunta kami sa lugar na iyon at namangha sila sa ibat ibang rides, ang balak ko lang ay ipakita sa kanila kung anu ang carnival kaya lang napagkasunduan ng magkakapatid na subukang sumakay sa ferris wheel kaya pinagbigyan ko at sinamahang sumakay kahit ako ay may fear of heights, masaya kami habang hindi pa umiindayog pataas ang ferris wheel ng palakas na ang ikot parang lumiliit ang puso namin na parang mamamatay na kami at sabay naming binigkas na ayaw na namin baba na kami umiiyak na ang aking mga anak, buti na lang napansin agad kami ni mamang operator. May experienced din ba kayo sa pagsakay sa mga rides sa carnival? #unsplash.com
1 comment
Pag siguro sumakay ako jan masusuka ako.. takot ako sa high.. hehehe.. pero masarap daw sa feeling pag nakasakay daw sa ganyan e.. nakaka wala ng stress..