Tanghali-an na tayo Ka-ingay meron kaming inihaw na baboy na nabili sa tindahan ng lutong ulam at saka nagprito ng tuyong sapsap at kumain na nakakamay nang sa kagitna-an na kami ng pagka-in dumaan ang mamang nagtitinda ng ice drop nagparinig ako kay bunso kako ang sarap ng ice drop tamang tama panghimagas natin, nang pagkadinig niya nag-isip muna nakalagpas na ang mamang nagtitinda saka niya sinabing sige ma tawagin niyo kaya tinawag ko ang mama at ang nabigkas ko ay 2 buko salad flavor at inabot ito sa akin ng tapos ng kumain binuksan na namin tanong ni bunso bakit walang prutas ma? Yun din ang nasa isip ko tapos nagtawanan kaming dalawa 😂mali pala ang nasabi ko na buko salad dapat pala fruit salad yun ang nasa isip naming dalawa.
1 comment
Hehe. Pero masarap din naman po ang buko salad. Sarap din po ng ulam nyo. Kami naman pares. Nahilig sa pagluluto ng pares ang kapatid ko.