Mahirap Maging Mahirap

10 25
Avatar for MrsPepper
2 years ago

Ayon sa ilang opisyalis ng National Economic and Development Authority (NEDA) sa isang press conference noong nakaraang ika-apat ng Pebrero ng kasalukuyang taon ay tinatayang aabot sa pagitan ng 15.5% and 17.5% ang poverty rate ng Pilipinas ngayong taon. At inaasahang aangat pa ang mga numero habang ang buong mundo ay nakakaranas pa rin ng pandemya.

Bago pa man dumating ang Covid19 sa sating bansa, malaking bahagi na ng populasyon natin ang nasa poverty sector meron pa nga ang nasa below poverty sector. Lalo lamang lumaki ang bilang nang kumalat ang nakakahawang sakit na Covid19. Marami ang nawalan ng trabaho nang dahil sa mga nagsarang negosyo. Kabilaan ang mga nagkakasakit at namamatay dahil sa nakahahawang sakit. Pinagbawalan lumabas ang mga tao para sa kanilang kaligtasan. May ayuda mang nanggaling sa gobyerno at ilang pribadong sektor ngunit hindi pa rin sapat para sa karamihang pamilya.

Nakakapagod maranasan yung takot ka magkasakit hindi dahil sa sakit mismo kung hindi dahil alam mong wala kanOtherili ng gamot. Kaya karamihan sa atin ay isinasantabi na lang ang sakit na nararamdaman. Manghihinayang ka kasi gumastos para sa gamot at doktor. Dahil yung perang meron ka ay sapat lang pambili ng pagkain ngayong araw.

Gustong magpatuloy sa pag-aaral ng panganay mo pero dahil kapos kayo sa salapi ay hindi na sya matutuloy. Masakit para sa mga magulang na hindi nila masuportahan yung pangangailangan ng mga anak nila. Kaya may mga magulang na napipilitang ibenta ang kanilang mga anak kapalit ang magandang bukas na hindi nila kayang ibigay sa ngayon.

Nandiyan yung hahabulin ka ng mga pinagkakautangan mo, ipapahiya, ipapa-barangay o kaya sisiraan ka dahil sa utang na hindi mo naman sinasadya na hindi mabayaran. Talagang walang-wala ka lang kaya wala ka din maiibibigay sa kanila.

May mga batang sa murang edad ay nagbabanat na ng buto para may ipambili ng pagkain. Sa halip na libro o laruan ang hawak ay kalakal ang pinagkakaabalahan. Mga batang maagang namulat sa hirap at realidad ng buhay.

Nabubuhay ka one day at a time? Yung okay ka ngayong araw, may pagkain ka, tirahan, pero nganga ka naman bukas. Walang katiyakan ang kinabukasan mo. Hindi sigurado kung may trabaho pa ba bukas o kung makakakain ba ang iyong pamilya.

Totoong mahirap maging mahirap. Palagi kang kapos sa pera, sa pagkain, sa damit, sa lahat ng bagay. Pag gising mo sa umaga, sa halip na magpasalamat Sa Kanya, problema agad ang maiisip. Ano kaya ang kakainin namin ngayon? May bigas pa ba kami? Ilan lang yan sa mga tanong na gumugulo sa atin. Madalas hanggang sa pagtulog yan ang ating naiisip. Paano na kami bukas? May makakain kaya ang mga anak ko bukas? Masakit pero yan ang realidad ng karamihan sa atin. Malaking bahagi ng ating populasyon ay ganyan ang kinakaharap sa araw-araw.

Si Reynaldo Alcala, ang taxi driver na nag-viral dahil sa sinabi nyang, "Mahirap pag mahirap" sa isang panayam sa TV Patrol. Marami ang naantig ang puso sa kanyang sitwasyon at bumuhos ang tulong mula sa iba't ibang sektor.

Dahil sa sitwasyon ngayon, madami sa atin ang lalong naghirap ang buhay. Nakakalungkot man isipin pero ito ang katotohanang sumampal sa lahat ng mga Pilipino at sa buong mundo. Hindi man natin gustuhin ang nangyari pero wala na tayong magagawa upang maibalik pa ang dati. May tulong na galing sa gobyerno at ilang mga mabubuting tao pero hindi pa rin dapat tayo umasa sa kanila lamang. Hanggat kaya mo, ikaw mismo ang mag-angat sa sarili mo. Huwag kang panghinaan ng loob at huwag matakot sumubok ng bago. Likas sa ating mga Pilipino ang pagiging madiskarte kaya marami na sa atin ang mga umangat ang buhay. Sipag, tiyaga at tiwala Sa Kanya at sa sariling kakayahan ay kailangan din para pangarap ay makamit.

Mahirap ang taong hindi sapat o walang makain sa araw-araw. Mahirap ang taong laging problema ang salapi pambayad ng kuryente, tubig, o utang. Mahirap ang taong walang pananampalataya Sa Ama. Mahirap ang taong walang pangarap sa buhay.

Ang Sa Akin Lang

Ang sa akin lang, hindi mo dapat ikahiya kung nanggaling ka sa kahirapan. Hindi kasalanan ang pagiging mahirap. Pero kung wala kang gagawin para maiba ang direksyon ng buhay mo o magbago man lang ang takbo ng kapalaran sayo, ay ibang usapan na yun. Gamitin mo ang sitwasyon mo ngayon para mapabuti mo ang kinabukasan mo. Ang taong walang pagsisikap sa buhay kailanma'y walang mararating hanggang kamatayan.

Lead image source

Others images are from ABS-CBN News Official FB account and Unsplash, respectively.

https://www.rappler.com/business/more-poor-unemployed-filipinos-even-by-2022

6
$ 0.30
$ 0.10 from @carisdaneym2
$ 0.10 from @dziefem
$ 0.05 from @Winx1988
+ 2
Avatar for MrsPepper
2 years ago

Comments

Grabe talaga tong pandemya na to. Lahat apektado pero pinaka apektado pa rin un hirap na hirap na bago pa nagkapandemya panot na kaya ngayon?

$ 0.00
2 years ago

Tama ka jan. Lalong naghirap ang mga mahihirap.

$ 0.00
2 years ago

Mahirap nga naman any buhay natin ngayon pero sa akin lang din kahit na ganon marapat ay sikapin pa rin nating mamuhay ng tama at patuloy na magsikap sa buhay at wag maghatakan sa bawat isa sa pamamagitan ng paninira at pag alipusya ng ating kapwa.

$ 0.00
2 years ago

Dapat lang na magsumikap talaga para sa pamilya. Hindi dapat pairalin yung inggit saka crab mentality.

$ 0.00
2 years ago

Ramdam na ramdam ko mamsh lahat ng sinabi mo dito. Mahirap talagang maging mahirap, napakahirap. Kaya dapat eh may gawin tyo para umangat..

$ 0.00
2 years ago

Yes po. Mahirap maging mahirap. After I graduated from elementary, my parents cannot support me financially so when I'm in highschool, I became a working student up to now, incoming 4th-year college. Hindi ko kinakahiya na mahirap kami. Ang importante ay nagsikap, dahil sa tyaga namin ay makakatapos kami at mai-aangat sa buhay ang pamilya.

$ 0.00
2 years ago

Congrats in advance! Claim na natin ang magandang buhay para sating mga minamahal. By the way, salamat sa support😍

$ 0.00
2 years ago

Yeees po! Let's claim it! No problem po! 😁

$ 0.00
2 years ago

Tama po at isa kami sa sinubok ng panahon. Dati yung wala pang covid ang sweldo ng aking asawa ay sapat sa amin. Minsan nga sobra pa. Ngayon, paputol putol ang trabaho dahil minsan mahina daw ang pag export ng mga produkto na ginagawa nila. Dati 7days halos wala ng day off ngayon minsan 4 days a week nalang ang pasok. Kaya gumawa na kami ng paraan para mapunan ang kulang. Dahil talagang masasagad kami. Buti nakilala ko si noise at ang asawa ko nag sideline magbenta ng kung ano ano sa mga katrabaho niya. Ngayon nakakasurvive kami. Mas nakakaipon kami non nag agent ang asawa ko. Kasi mas malaki na ang kinikita niya don. Kailangan lang talaga dumiskarte para makayanan ang lahat magigimg problema sa pera. Tiyaga at diskarte lang at makakaahon din sa kahirapan.

$ 0.00
2 years ago

Maganda yan at dalawa kayo ng asawa mo ang nagtutulungan sis. Sa panahon ngayon, kelangan talaga ng diskarte para mabuhay.

$ 0.00
2 years ago