4 Lessons: Hello, Love, Goodbye taught me.
1. “Ganun naman talaga pag nagmahal ka it’s all or nothing, kasi if you hold back, bakit ka pa nagmahal.” Ethan
Sa pagibig, kahit ilang beses ka ng nasaktan at nadapa, wag kang matakot magmahal ulit at ibigay ang buong IKAW. Ang pag ibig ay isang sugal, sa simula pa lang alam mo ng masasaktan ka pero sumugal ka kasi yung taong alam mong maaari kang saktan ay yun din ang taong magpapasaya sayo ng totoo.
Love without hesitations and reservations, ibigay mo lahat, kung maghiwalay man kayo atleast nagawa mo lahat at nabigay mo ang lahat ng kaya mo. Wag matakot sumugal sa pagibig, malay mo sa susunod na tataya ka, mahanap mo na siya!
2. May mga taong dadaan lang sa buhay mo para baguhin ka.
Not everyone is meant to stay with you, there are people who will just come in your life to teach you a lesson and to sharpen you up to be a better person. Masakit isipin pero kailangan tanggapin. May mga makikilala tayo na akala natin siya na, na akala natin makakasama natin hanggang dulo pero hinde, magiging parte lang sila sa isang kabanata ng buhay natin. Walang kasiguraduhan kung makikita mo pa siya o makakasama pa ulit, ang mahalaga naging parte siya ng buhay mo at baon mo lahat ng alaala at leksyon na natutunan mo mula sa kanya.
3.Hindi madali maging isang OFW
Pag nakakausap natin ang mga kapamilya nating OFW madalas ang una nating sinasabi “pag uwi mo dala ka ng pasalubong” “maganda ba dyan?” “yaman mo na siguro, ang laki ng kita dyan!” pero natanong ba natin sila kung kamusta na sila? ok lang sila? masaya ba sila?
Lahat ng trabaho nakakapagod pero mas mahirap magtrabaho ng mag isa at malayo sa pamilya. Kailangan mong tiisin ang pagka miss mo sa kanila, kailngan mo makisama sa mga taong iba ang kultura, kailangan mo mas mag ingat dahil isang mali mo lang pwede kang ma deport, gusto mong magpahinga pero kailangan kumayod, lahat kailangan mong gawin dahil marami ang umaasa at nakadepende sayo. Sana maisip natin na sa bawat pera, chocolates, sapatos at mga pasalubong na hinihinge natin katumbas ay pawis at pagod nila sa pagtratrabaho.
If you have a friend or a family working abroad, don’t forget to thank them for all their sacrifices and make them feel loved, they need it to continue fighting!
4. You can still be more!
We all made mistakes and wrong decisions in life but it should not stop us to move forward. Hindi dahil nagkamali ka wala ka ng karapatan makabawi. Accept your mistakes, forgive yourself and learn from it!
Hindi pa huli ang lahat, pwede ka pang magbago, pwede ka bang bumangon at magsimula muli. We all deserve chances!
Don’t dwell in your mistakes and stop living in the past, start a new life!
The movie is all worth it! Walang tapon, everything is just beautiful.
Thank You for Reading!
Lead Image Taken from Me
-===-
Those questions regarding our living heroes are true.. Dina naiisip ng iba yung hirap at mga sakripisiyo nila. Ang nakikita nalang nila ay pera , chocolates and karangyaan. Which is should be not.