She drowned by saving her friend's life.

14 40
Avatar for MommySwag
2 years ago

February 22, 2022

Blog's#08

Pansin niyo ba ang petsa ngayong araw? 2/22/2022 tapos Tuesday pa siya! Base sa Nakita ko sa page search sa google, we can call this day as two's days it's a rare and they called it palindrome date which means it can be read as the same both backward and forward. So pwede kang umusad at pwede ka rin bumalik.

Credit to the owner

Kuha ang photo na yan sa google chrome, nagandahan lang ako sa ibig-ipahiwatig nung number at ang mensahe na nakaakibat dito batay sa gumawa nito.

Guardian Angels naniniwala ako sa salitang yan,sa totoo lang wala akong idea kung ano ang isusulat ko today, yung goal ko na one day article a day ay mukhang hindi ko magagawa but luckily one of my co- writer article make me realize and got the idea from her article. So thank you @UsagiGallardo15 dahil sa article mo nagka- idea ako kung ano ang isusulat ko ngayong araw.

May kapit-bahay kami na malapit na malapit sakin noon. Ngunit dahil sa aksidente na nangyari sa kanya ay maaga siyang kinuha ng Diyos. Kaya bago humaba ang aking intro eh! sisimulan ko na ang aking kwento.

Noong dalaga pa ako,may kapitbahay kami na ka-edad lang ng kapatid kong bunso. Lagi akong tinatawag nun, laging nasa tabi ko yun lalo na kapag uuwi ako galing paaralan nung high school and even nung first year college ako.

Masayahing bata si Sarah or Sarai ang tawag namin sa kanya. Alam niyo ba ang pangarap niya? Napaka-simple at matatawa kayo sa napakainosente niyang pangarap.

She dreamed to go to other country to be a laundry lady sa tagalog labander. Sa tagal na hindi ko na maalala yung bansa na gusto niyang puntahan para lamang maglabada. Opo! Ganun kasimple ang pangarap niya, kaya tuwnag tuwa kami sa kanya kasi napaka inosente niyang bata. At napakataas din mangarap, kasi diba? Sino ba sa inyo ang nakaisip na mangarap maglabada sa ibang bansa? Wala hindi po ba? Pero siya,hindi siya naghesitate na sabihin ang gusto niyang hangarin.

Kaya ngayon naiisip ko na baka laundry shop yung pangarap niya na itayo sa ibang bansa diba? Sa tingin niyo po? Balik sa kwento.

Pinangarap niya yun dati,dahil ang nanay niya ay labandera katulad ng aking ina noon. Kaya naman tuwang tuwa ako sa batang yun,nagpapaturo din sakin yun noon at masaya akong turuan ang batang katulad niya na nakikitaan mo ng kasipagan sa pagaaral. Kaya nga lang yung nanay niya is sobrang lupit at higpit. Sa konting pagkakamali lang ay palo at kurot na yung nararanasan niya. Bawal ang ganito,bawal ang ganyan. Hindi ko masisisi ang nanay niya noon kasi nga ang hirap ng buhay,kahit na dalawa na sila ng asawa niya na nagwowork syempre gipit parin plus nangungupahan pa sila ng bahay noon. Kaya minsan kapag nagugutom yun si Sarai lalapit sakin yun, "ate airin may piso kaba diyan?" Tatanungin ko yun kung ano gagawin niya sa piso, sasabihin lang niya bibili siya ng sitsirya na tig- piso dahil nagugutom daw siya. Palibhasa may pers ako noon,dahil lagi akong panalo sa pool (yung laro na may mga numbers,tapos yung baraha ang guide mo kung anong number ang ishoshot mo sa butas. One na naubos muna yung number sa baraha mo. Ikaw ang panalo.) Kaya ginawa ko bumili ako ng coke sakto,dati nasa 5pesos lang ang coke sakto tsaka biscuit na tig-limang piso. Sabi ko sa kanya hindi merienda yung sitsirya, kaya huwag niyang gagawing merienda yun at hindi naman siya mabubusog dun. Simula noon lagi ng nakadikit sakin talaga yun,kapag nakikita ako lagi akong tinatawag at lahat ng sinasabi ko sinusunod nun.

Kaya nung may nangyari sa kanya,sobra akong nalungkot sa nangyari dahil napakabata pa niya para mawala sa mundo. Madami pa sana siyang pangarap sa buhay at nais pa niyang matulungan ang nanay niya at tatay niya para maiahon sa hirap. Pero sadyang mapaglaro ang tadhana at may mga bagay tayong nagagawa na nagiging dahilan ng ating pagkawala o pagkadisgrasya.

Tanghali noon nung nagsabi siya sa nanay niya na sasama sa mga klasmayt niya. Hindi pumayag ang nanay niya noon,dahil ang layo nung lugar. At syempre may maliit pa siyang kapatid na babantayan. Kaso matigas ang ulo niya ng mgs panahon na yun,hindi nakinig sa nanay niya at sinunod ang kagustuhan niya na makasama ang mga ka-eskwela niya. At nang hapon na nga isang masamang balita ang gumulantang sa lugar namin. Nalunod daw si Sarai kasama ang apat niyang kaklase. Bigla daw kasing tumaas ang tubig kung saan sila naliligo, at mabato din. Naligo sila sa may ilalaim ng tulay sa may spill way,hindi daw na kalkula ng mga bats ang mangyayari kaya lahat sila ay nalunod. Subalit batid namin na si Sarai ay marunong lumangoy,kaya nagtaka kami bakit siya nalunod? Yun pala niligtas niya yung mga kaklase niya, nailigtas niya yung dalawa ngunit yung isa ay malabo ng iligtas ngunit sinagip niya parin sa pagaakala na kaya niya. Sadly yung hawak nung niligtas niya is mali kaya pareho silang nalunod. At dinala ng agos sa malalim na parte ng ilog. Sabi ng mga rescuer nakita daw ang katawan ni Sara sa ilalim ng batuhan,naipit siya dun. Kaya kung makikita mo siya nung nakaburo ay sobrang laki ng mukha niya dahil sa dami ng tubig na nainom ng katawan niya.

Nabalitaan ko yun nung hapon na pag-uwi ko galing sa eskwelahan. Sobra akong nalungkot nun,at the same time bumilib din ako sa ginawa niyang pagligtas sa buhay ng mga kaibigan/kaklase niya. Even yung dalawang na save niya is lubos na nagpapasalamat at nagsisisi sa nangyari. Ngunit sabi nga nila na "Ang pagsisisi ay laging nasa huli"

Siguro kung nabubuhay pa ang bata na yun, malamang magagaw aniya at matutupad niya ang kanyang pangarap. Dahil isa siyang batang may malasakit sa kapwa,mapagmahal na kaibigan at anak at masayahing bata. Laging positibo at palangiti yan ang katangian niya na kailanman ay hindi hindi ko makakalimutan sa kanya.

Kung hindi siya umalis nun para lumangoy sa ilog siguro buhay pa siya,pero kung ginawa niya yun yung dalawang kaibigan na nailigtas niya ay baka yun ang wala na sa mundo ngayon. Maybe yun ang calling ni God for her, to save other life and to be in God in her early age. Sabi nga nila ang mababait ay maaga kinukuha ni Lord.

I miss you sarai i know your happy beside God. Lagi kong maalala ang isang bata na laging masaya kapag sinasabing kamuka ko siya.

She drowned by saving her friends life.

That's for my blog today, hope you like it.


Lead image: Unsplash


Recent Article 📩


Closing thought;

Hindi talaga natin alam kung kelan tayo kukunin ni Lord. Pwedeng sa isang desison na magagawa natin ay maging sanhi ng kapahamakan natin. Kaya we might take care of our decision in life,coz every decision we make might coz a problem or maybe worst.


Once again this is MommySwag,kung nagustuhan mo ang blog's ko na ito paki click ang thumbs up and mag-comment ka narin upang malaman ko ang saloobin mo.😉

You can add me here👇

📩noise.cash


8
$ 3.97
$ 3.72 from @TheRandomRewarder
$ 0.07 from @Ruffa
$ 0.06 from @UsagiGallardo215
+ 4
Sponsors of MommySwag
empty
empty
empty
Avatar for MommySwag
2 years ago

Comments

I just heard this term palindrome date. It is a brave act for a young girl, hope everyone of us learn a lesson. Always be careful on the things you do because there is always a certain consequences. So treasure your time with your family and friends. You never know what would happen tomorrow. A Feeling sadness but yet you know that God has a good plan for us. We just believe and trust God for everything he has done is always good for us.

$ 0.01
2 years ago

Hope it will mark as a lesson. But she was bravery and hero for those friends she save.

$ 0.00
2 years ago

Ang galing namn po ng bata sis kaya lang parehas ng ngyari sa pinsan ng asawa ko nalunod po. Ang aksidente tlaga hindi natin maiiwasan pero pwedeng magingat. Slamat po sis

$ 0.01
2 years ago

Oo nga sis, isa siyang hero lalo na sa mga kaibigan niya na nailigtas niya.

$ 0.00
2 years ago

My gosh, OMG ang bats bata pa nya 🥺🥺 but her braveness will mark to everyone na nakaalam ng balita ng yan. For sure thankful din sa kanya ung naligtas nya.

$ 0.01
2 years ago

Oo sis, panay iyak nga nung mga yun nun,tapos panay pasalamat yung mga magulang nung mga bata sa mama niya. Nagsisisi na nga daw sila sana hindi nalang daw sila naligo at nagpasaway sana daw buhay pa si sarai. Kaso yun nga nasa huli talaga ang lahat.

$ 0.00
2 years ago

Ganon naman talaga laging nasa huli ang lahat mahalaga may nstutunan sila 🥺

$ 0.00
2 years ago

Totoo yan sis. Kaya nagiging aral ralaga yung mgs nagagawa nating mali at desisyon sa life.

$ 0.00
2 years ago

Kawawa nmaan.. But she's a hero kung san man sya ngayon.

$ 0.01
2 years ago

Oo sis, isa siyang tunay na hero. Nakakapanghinayang talaga yung life niya dahil bata pa siya but sa mga mata ng nakakakilala sa kanya is isa siyang Bayani. Kung hindi dahil sa kanya baka yung kasama niya nung time na yun baka wala na.

Salamat sa pagbisita sis.😉

$ 0.00
2 years ago

Aw. Ang bata pa nya, Sarai kung nasan ka man magsave ka pa ng ibang tao sa earth please.

$ 0.01
2 years ago

A true hero.

Salamat po sa pagvisit as aking gawa.

$ 0.00
2 years ago

Nakakaiyak naman. Huhu. Tiyak kasama niya si Lord ngayon at masaya na siya doon ❤️

$ 0.01
2 years ago

Oo sis, sure yun. Tagal narin niyang nawala eh. 27 na sana siya if nabuhay siya. 11yrs. Old siya nung nawala. Nakakalungkot talaga.

$ 0.00
2 years ago