Ocean Deep Q&A Couple Edition Part II.
Blog's#42
Good morning readcasher.
For today's blog, I might continue my unfinished blog yesterday. This blog occurred my yesterday's blog which is the Q&A Couple edition wherein I answered some of the questions on how I treated my partner and vice versa.
Some questions were confidential to answer but I m willing to answer those questions and share my thoughts about them.
But before I continue this let me share with you some of happening to us earlier. As I post on my noise. cash account my partner had a big problem with his job. He accidentally makes a mistake and this mistake has a punishment it's either suspension or termination.
In our situation right now it's hard to accept if the decision was made was to terminate him. Like Naku! Huwag naman sana. If ever na mangyari yun saan kami pupulutin.(sorry for tagalog I can't express what I wanted to express if it is not written in Tagalog, so magtatagalog na muna ako) I posted on noise. cash that my partner had a huge depth and he can't pay all the depth if he doesn't have a job. For G Sake!
Kaya kanina my partner can't sleep, he was bang on higa. Tingin sa cellphone then bangon again, upo sndali then tayo again. Ganyan siya kanina, kaya ako naman bilang partner niya Hindi narin mapakali. Nagaalala ako sa kanya. Kung ano nasa isip niya? At sa kalusugan niya narin. Kaya ito ako ngayon, walang tulog dahil sa pangyayari kanina. Kaya ngayon I make my sleepless nights into productive ones by doing this blog.
Mahirap talaga kapag may mabigat na dinadala. Yesterday my kumpare( my daughter's Godparents) made some loud noise inside their house. He even balabag anything outside the house and shouted that he wants to die. He is the only child of his parents at lagi kong kausap yung mama niya. Sa totoo lang walang problema ang pare ko but he had a gf(girlfriend) who has depth and he was the one who shoulders his gf's depth. As in duh hindi naman sila kasal at wala naman silang anak, GF niya palang yung girl kaya kung tutuusin he isn't his responsibility to shoulders all the depth that his GF commit. Diba tama naman ako? Pero ayun dahil mabait ang pare ko,nagkabaon baon na rin siya just like my partner.
Pero syempre iba yung samin ng partner ko even hindi kami kasal or legal may mga anak namin kami. So ayun kaya apektado ako sa nangyayari sa kanya. At the same time natatakot ako sa maari niyang isipin,kaya lagi kong sinasabi o pinaparamdam na nandito lang ako for him. Kahit na iniiisp ko talaga if saan napunta yung mga inutang niya. I Hope and I pray na hindi siya matanggal sa work niya. 🙏 please Lord sana bigyan pa siya ng chance at maawa naman sa partner ko.
Yun lamang ang ishashare ko.
The end😅😅
Joke lang! Syempre I will continue some questions so let's dig in and find out about kung paano ko sasagutin ang mga confidential na mga tanong. (Tagalong nalang muna,wala kasi akong tulog kaya hindi ko na mahukay yung english ko.✌)
Do you throw your temper easily for small mistakes of your partners?
My answer is No! Hindi ako madaling magalit ako kasi yung tipo ng tao na hanggat kaya ko pang unawain,inuunawa ko. So hindi ako madaling magalit kaya i never throw my temper on my partner easily. Para akong bulkan, iniipon muna bago sumabog. 😉
Do you respect each other's beliefs?
My times na Oo my times na hindi. Wala naman kasing pinaniniwlaan itong partner ko bukod sa sarili niya. He even not listened to me. But sometime we do naman kapag same ang mga pananaw namin. Nagakaksundo at nirerespeto namin ito. Huwag lang talaga yung tipong hindi na tama yun,nagaaway na kami kapag iba na gung tipong out of tbs world na. Haha or yung tipong nanghihimasok na siya sa guato ko dun na kami hini nagkakasundo.
Will you say sorry to your partner even though it's not your fault?
No! We don't say sorry to each other. Once we are arguing we don't talk to each other. Then after two days naguusap na kami. Ganun lang kami as a couple.
When was the last time you had an in-depth conversation with your partner?
Last night. We had in depth conversation dahil sa hindi na niya siguro makayanan yung bigat ng pinaggagawa niya. Kinausap na niya ko,kung ano ano sinasabi sakin. If hindi ko na daw kaya is malaya naman daw akong maghanap ng taong tutulungan ako. Nagbingi-bingihan ako than time,the sabi ko ano sinasabi mo? Sabi niya wala. Sa totoo lang nahibirapan din ako magisip ngayon if paano ko siya matutulungan. Lalao na sa financial at the same time naiinis ako kasi bakit niya ginawa yung ganun,alam naman niya na wlaa kaming maasahan na iba. Sobrang haba ng gabi kagabi at sa haba at lalim ng usapin namin hindi na ko nakatulog. Buti kanina nakabaw bawi ako ng tulog,kahit papano.
Are you keeping any secrets that you're afraid of letting your partner know?
Oo nagtago ako ng lihim,lihim na kumikita ako. Kapag kasi alam ng partner ko na may pera ako kala mo ang laki laki ng pera ko. Nandiyan na yung aasa na siya kesyo mangaasar na siya ng libre. Mahilig akong magipon noon pero ng dahil sa kanya nauubos at nawawala lahat ng ipon ko. Kaya much better na bilhin ko nalang gusto ko kesa malaamn niya na may nakatago akong pera ganun. Ewan ko ba sa taong yun,bakit ganun kaya ayan. Pera ang dahilan kung bakit ang laki ng problema namin. Hindi marunong gumamit ng pera,hindi naglilimit sa kung anong kaya ng sahod niya. Mas lamang pa ang waldas kesa sa ounapasok na pera kaya ang nangyayari utang.
Do you think your partner's friends and family like you?
Hindi ko alam. Maybe yes maybe no I don't know kaya minsan gusto ko makabasa ng isip pero misan naman hindi haha.. ako yung tipong much better na hindi ko alam para hindi ko dini dibdib ang mga malalaman ko. remember my code name sa noise.cash (MommyMadamdamin) kasi ganyan akong tao maramdamin ako.
Do you feel that your partner accepts the way you are?
Yes, una palang naging honest na ko sa kanya he knows my flaws. He know my secret atvery beggining of our relationship kaya I know he accept me the way I am.
Is it really necessary to know everything from your partner's previous relationships?
No. Hindi naman importante ang past ang mahalaga ang present at ang future. Sadyang alam ko lang ang mga past relationship niya noon dahil ang isang naging ex niya is friend ko. Same as me he know my past relationship and even my relationship after we break up. He know's it very well and he accept me even he know it all. Maraming nangyari sa relationship namin bago kami humantong sa isa't isa.
Have you seen each other at your best and worst?
Yes, we seen it well. May time na nagkasakit siya (yung sa likod) akala niya iiwan ko na siya because of that pero inalagaan ko siya I even care of him. Tuwing tapos ng klase ko noon ay pumupunta ako sa kanila noon just to take care of him. Tapos yung pinag tulungan naman ako ng mga tao dun sa amin ay even share it here, pero sa mga hindi pa nakakabasa noon lagay ko nalang yung link dito once in a lifetime i became a criminal. Siya kasama ko noon sa court every time na may hearing dahil hindi kaya ng magulang ko ang ganoong bagay. Maging sa Barangay siya ang kasama kong humarap kaya we've seen the worst of each other and we share also the best of us. Syempre yung best is nung nagkaroon na kami ng anak, yun ang best part naming dalawa na hindi namin makakalimutan pareho.
Have you ever thought about breaking up with your partner and why?
Before. Pero ngayon na kailangan niya ko parang hindi ko kayang iwanan yung mokong na yun. Even namin kasi hindi nakikinig sakin at may pagka matigas ang ulo nun is siya parin ang ama ng aking mga anak. Mag-aaway man kami pero hindi ko siguro maiisip na iwan siya lalo na ngayon.
Have you ever thought about cheating on your partner? Why?
No. Tapos na ko sa mga kalokohan na ganyan. Simula nung nagsama kami at nagkaanak kami nevrer kong naiisip yan. Siguro nagaaway kami pero never akong magloloko, o maghahanap ng bato na ipopokpok sa ulo ko.
What makes you happier in a relationship,sharing or sacrificing?
Sharing of course, masarap sa pakiramdam if nagshashare kayo sa lahat. Maging problema man yan o ano pa man. Wala ng sasaya sa isang relation na open sa lahat ng bagay at binabahagi ito sa bawat isa.
If you could choose your partner again, would you the same person?
It hard to answer this one. Pero kung iba kasi ang pipiliin kpo hindi ko magigimg anak ang mga anak ko ngayon. So maybe YES! I choose him again for the sake of my child. Parang ang hirap kung hindi mukha ng mga anak ko ang makikita ko, I love my child very much so maybe love ko rin kung saan sila galing at iyon ang partner ko ngayon.
Atlast after a long hour natapos ko rin itong blog's ko. Umaga ko pa ito ginagawa pero dahil sa umidlip ako at sa dami ng ginawa ko kanina now ko palang mapupublish ang blog's ko na ito. Sana ay nagustuhan niyo at may matutunan kayo kahit papano.
Ocean Deep Q&A Couple Edition Part II
Thank you to all my sponsors blocks.
You must read there work's and you will see how great they are!
Special Thanks to;
@alicecalope and @joydigitalsolutions for renewing there sponsorship!Salamat mga sissy you know how grateful i am sa mga taong katulad niyo na naniniwala sa aking kakayahan. Love YOU <3
@ewyr thank you buddy for upvoting my blog's. It build's my confidence to do my best on here at read.cash!
Closing Thought;
Hindu importante kung paano kayo nagkakilala at ang mga nakaraan. Para sa akin mas importante parin kung paano niyo haharapin ang bukas na hindi niyo binibitiwan ang bawat isa. ✌💪
Thank's for Reading❤
©MommySwag
Hahahha hirap talaga mag jowa ang adaming suyuan na pag dadaanan hahaha