Farewell to you Coco!
Blog's#29
Sabi nila ang pagaalaga ng hayop ay isa sa mga pwedeng gawin pang alis ng stress(stress reliever ) .May iba naman na hindi lang basta stress reliever ito,ito'y nagging bahagi na ng buhay nila o minsan pa nga member ng pamilya. Katulad na lamang sa pinsan ko na ilang yerlars na sila ng asawa niya,ngunit until now hindi pa sila nabibigyan ng anak kaya naman ang pag-aalaga ng pet ang isa sa naging way nila.
Bumili sila ng pet (shitzu) naa nagkakahalaga ng 8000 (Philippines money) or sa dollar is nagkakahalaga ng 160$. Can you imagine? May mga tao na bumili ng ganun kahalaga, para kasi sakin mahal na yun? Pero may iba rin naman na higit o million pa ang halaga ng mga pet nila katulad na lamang nito.
Tibetan Mastiff this dog is rare at dahil rate siya once na makakita ka daw nito ay expect muna na nagkakahalaga ito ng 1500$ or 5000$. Isa ito sa pinakamahal na breed na dog sa buong mundo.
This bulldog or british bulldog ay isa sa pinakamahal na breed na aso sa buong mundo. Tumatagal ang life span niya ng 8 to 10 yrs. Old. Can you imagine how much this dod value but the life span was too short.
Sa kabilang banda bumibili parin ang mga tao sa kabila ng kamahalan ng mga ito. Lalo na ang dog kasi ang mga dog is "Man bestfriend" kaya naman mahal man siya napapabili ang tao.
Ngunit ganun pa man may mga tao namsn na katulad ko na kung ano lang ang kaya ng budget. Kagaya nalamang ng pagaalaga ng "Rabbit" kamakailan lang bumili ng rabbit ang partner ko,together with my bunso. Si bunso daw ang nagpabili noon kaya binili niya.
At first against ako na magalaga muli kasi ilang pet na ang tinry naming alagaan, like ng isda at ng hamster ngunit lahat ay hindi naman tumagal ng isang buwan. Kaya sabi ko,naku! Hindi naman magtatagal yan bakit bumili kapa?
Meet our Coco
Picture niya yan nung unang dumating siya dito samin. Una naging againts man ako sa huli natuwa narin ako na may alaga kaming rabbit. Hindi naman kasi mahirap alagaan ang rabbit basta may food lang siya at water okay na.
Pinalalabas din namin siya sa kulungan at pinapagala dito sa loob ng bahay.
Yan yung nagtatakbo siya sa loob ng kwarto namin remember ko pa bawat takbo niya may nahubulog na popo sa pwet niya.
Picture na inidet kopara isali sa isang site na pinagkakabalhan ko. Ang cute ni Coco diyan, by the way dumating siya samin ng March 4 nitong taon. Coco ang pinangalan ng anak kong bunso kasi mahilig siya sa CocoMelon na palabas sa YT. Balak pa namin siyang bilan ng partner noon na papangalanan na Melon para maging "CocoMelon".
Yung bunso ko at si Coco. Sinakay niya si Coco sa Motor niya at nagikot sila sa loob ng bahay. Naaasar pa nga ako niyan kasi baka malaglag si Coco,at mga rabbit pa naman bawal na nagugulat o nalalaglag kasi pwede mag cause ng kamatayan nila. Pero nakita ko na tuwang tuwa ang anal kong bunso at hi di naman niya pinapabayaan si Coco kaya ayun pinicturan ko sila after nun binababa ko na si Coco niyan.
Love na love ng bunso ko si Coco,ayaw na ayaw niya na malayo dito hanggat maaei gusto niyang katabi ito. Kaso later on naging mapanghi na at maamoy na ang popo at ihi ni Coco kaya hi di na siya pwede sa kwarto namin. Kaya yan ginagaw ang anak ko kaapg bagong gising pupuntahan niya si coco ibaba sa baba at yan tatabihan niya.
Picture nilang dalawa ng anak ko habang naglalaro ang bunso ko sa office chair ng papa niya. Ako talaga ang natatakot kay Coco niyan kaya ginagawa ko pagkatapos kong kunan ay kinukuha ko na si Coco para ibaba, at sinasabihan ko ang bunso ko na hayayan si Coco na magikot- ikot ng sita lang magisa.
Yan si Coco namin kapag nagikot na yan doto sa bahay parang bata na nagtatago kung saan saan, mahilig din niyang paliguan ang sarili niya. At talagang minsan makikita mo yung ang bilis bilis niyang tumakbo na kala mo may hinahabol.
Ito na pala ang last na picture ko sa kanya.😢 Sinabihan ko pa siya niyan na huwag masyado matakaw kasi ang mahal ng petchay baguio at sabi ko din sa kanya na konting tiis nalang mabibilhan ko din siya ng kulungan niya at kapareha. Ngunit hindi na pala mahihintay ni Coco dahil kanina lang pag-uwi ko binalita sakin ng hunso ko na " Dead na raw si Coco" nalaglag sa hagdan. At after nun nangisay daw ito.
Kung alam ko lang na mangyayari yun,sana ako nalang naglinis ng kulungan niya. Ako naman talaga naglilinis ng kulungan niya,pero sa kapabayaan ng kung sino ay may hindi magandang nangyari. Wala akong sinisisis kaya lang kung sana ay sa baba nalang nilagay si Coco marahil hindi ito malalaglag.
Napakasakit na malaman yun,kasi bumili lang naman ako ng uslm namin panghapunan tapos sinilip ko pa siya at masigla siya. Then pag-uwi ko biglang nasa box na siya. Hindi ko na nga rin tiningnan yung box kung saan nandun siya kasi sure na may luhang babagsak sa mga mata ko.
Napamahal na sa akin si Coco even hindi siya ka expensive katulad ng nabanggit kong pet sa taas,hindi parin matutumbasan yung saya na bingay niya sakin at sa anak kong bunso. Si coco yung nagiging kausap ko minsan kapag gisto kong dumaldal,kahit na hindi niya ko naiintindihan at hindi siya sumasagot ramdam ko sa kilos niya na naiintindihan niya ko.
Hindi ganito yung naramdaman ko dun sa una at pangalawnag naging pet namin. Iba kasi talaga si Coco,ako yung naglilinis at nagpapakain at kinakauspa ko talaga siya. Hindi na nga lang siya isang pet bagkus isa na siya sa mga anak ko na tinuturing eh! Kaso wala na kong magagawa kung hanggang dun nalang siya,at sana mapatawad niya ko dahil sa kapabayaan ko. Dapat talaga ako ang naglinis ng kulungan niya,hindi siguro nangyari ang nagyari sa kanya.
Pet lang siya para sa iba,pero sakin isa na siyang bahagi ng buhay ko na gustong gusto kong itanim sa puso ko. Hindi na ko ayag na magalaga pa sila o bumili pa ng ibang pet ang partner ko o magpabili pa mga anak ko. Dahil ayoko na matulad ito kay Coco.
Message to Coco..
Coco sorry at salamat sa isang buwan na napasaya mo kami. Hindi hindi kita makakalimutan, maybe sa iba is napakadrama kong tao pero if ever na kayo ang nasa kalagayan ko mauunawaan niyo ko. Kaya coco kung nasan ka man ngayon sana maging masaya kana, wala ng mangungulit at magagalit sayo. Malaya ka ng tumakbo hanggang saan na gusto mo. Pero ito tayandaan mo mananatili ka sa puso ko, Farewell to you Coco😭😢
Thank you sa lahat ng nasa sponsor Block ko.
You may read their work and you will see how great they are.
Summary of my blog's
📌Summary-of-articles-for-february2022
Maraming Salamat po❤
Nakaka Lungkot naman po sis at nawala napo Si coco Mahal na mahal pa namn po sya Ni bunso mopo nakakahinayang po Pero wala namn po may kagustuhan ehh aksidente po Yun.