Bisyo Isa sa dahilan Kung bakit napakaraming mahihirap dito sa ating Bansa. Tila ba tinanggap na sa kanilang sarili na Hanggang Doon nalang talaga sila. Si Mael ay aking kapitbahay, sya ay aking suki. May sampong Anak, ang iba ay may mga asawa na,nasa limang taon palang ang bunso. Labandera naman ang kanyang asawa. Masisipag naman silang mag hanap buhay, ngunit kinakapos parin sila sa pagkain dahil sa kanilang Bisyo. Si Mael ay mahilig sa alak, kahit kagigising palang ay alak agad ang binibili. Kahapon, kahit wala pa akong Buena Mano sa alak ay pinautang ko na sya, nahihiya kasi akong tumanggi dahil suki ko naman sya. Ipinapangutang ang Bisyo, minsan inaabot ng libo ang halaga ng alak na kanilang naiinom. Kung Sana ay bigas nalang ang kanilang Binili,marami Sana silang makakain. Nasa Tao talaga ang susi ng tagumpay, Kung dimo ito pagsisikapan, ay dimo makakamtan. #Pagkainmunabagobisyo
37 comments
Ang galing ng kwento mo sis ah. Yung ipambibili ng alak dapat pagkain na lang.
Andito kasi ako sa tindahan sis, bigla ko nakita yang listahan ng utang hehe. Kaya ayun nagawan ko ng content si Mael 😄
Nahahasa na talaga tayo sa paggawa ng kwento ay content pala haha.
Hahaha, ibang level na kasi to sis kaya dapat i level up din natin ang content natin.
Naku makaisip ng pang level up haha.
Hahaha go sis, ok lang naman pala tagalog eh kaya gawa na ng pang level up 😁
Relate ako dito sis sa tatay ko halos 3/4 ng sahod niya sa alak at sigarilyo napupunta. Kaya sa pag kain namen wala sya maibigay
Kaya walang pag unlad sis kapag ganyan na inuuna ang bisyo. Mas malaki pa ang napupunta sa bisyo kaysa sa pagkain.
Tama po kayo mabuti nlng at nkapag partnera ako ng hindi kagaya nun
Kaya nga sis, sakit sa ulo kapag ang asawa ay pala bisyo. Parang wala nang peace of mind nun
Listahan pala yan ng utang?
Yes po hihi
Tama ka naman sis ang kawawa kasi yong mga bata pag ganyang marami sila. Hay ako nga wala pang anak pero iniisip ko isa o dalawa lang para matustusan ang needs hehe..buti hubby ko one a month lang uminom..bisyo na talga yan sis.
Gawin mo nang apat ang Anak sis, mas masaya. Tiyak naman na kaya nyo pang suportahan ang apat na Anak.
Yan naman ang ayaw ko sa tao ang manginginom yong hubby na ba ok lang uminom pero kung naisasantabi na ang pamilya di tama yan..sis..pero sabi nga kung na at yon sila choice na nila siguro yon..hehe
Same sis, ayoko rin sa manginginom. Walang maiipon kapag manginginom ang asawa.
Pautang din sis.. hehe. Gandang hapon.
Hahaha OK sis ano ba uutangin mo?
Kape sis na 3n1 lang. Haha..
Madami dito sis, kahit isang kahon pa hahaha
Sayang nga ang pera sana nga inutang nlng sa pagkain ayos pa kesa sa bisyo ano?
Kaya nga sis mas mainam pang pagkain nalang ang inuutang, makakain pa ng mga Anak nya.
Bakit kaya natiis mga ganun ano? Ung d b sila naawa sa mga anak nila?
Totoo yan sis, kung sana ang pang araw araw na pangangailangan kaysa ang bisyo. Okay lang sana mag inom wag lang palagi yung mangungutang para lang makainom malaking ekis na talaga.
Kaya nga sis, para sakin ok lang din naman na mag inom ang asawa pero wag lang Gawing bisyo na Araw arawin nalang.
Agree ako sis totoo yan kaya si mister ko ok na ok kami kasi wala siyang bisyo...sayang kasi ang pera
Sayang talaga ang Pera sis Kung mapupunta lang sa bisyo.
Kung pagkain talaga Sis busog pamilya nila.
Yan ang mahirap sa ating pilipino, mahirap lalong humihirap dahil din sa sariling bisyo.Imbes na magsumikap sa buhay para umangat.
Maraming ganyan sis sinasabing kapos pero panay naman sa luho
May mga Ganyang talagang tao, dito din sa amin may mga ganyan, ang hirap namang i advice sila ksi nagagalit sila, baka kong ano pa masabi nila kapag sitahin sila..Pinagprepray ko nalang din sila.
haist ayan nga ang mhrp mhl n nga bilihin nakakapg bisyo pa
Totoo po yan sis pero wala naman tayo magagawa sis ehh sabhin nghihimasok pa tayo relate tlaga ako Sa sinabi mopo
Hirap talaga kapag ganyan sis. Napupunta sa bisyo.
Tama ka sis, kahit wala ng maibili ng pagkain basta may pang alak sila mas masaya pa sila sa ganun, wala na nga halos makain inuuna parin ang alak,
Yan lang talaga ang mali sis,kapos na nga nilalaan pa alak ang pera,hindi mo rin naman pwede pagsabihan dahil baka sabihin nakikialam ka diba hehe,nasa tao lang din yan sis kung gusto niya baguhin ang lifestyle niya
ay true ka jan sis hindi masam pminsan minsanmag inom pero kapag gianwa ng bisyo ay masama at hindi talaga aasenso