Whats up?
@malditah
Joined 9 September 2022 · 305 posts
I'm Lyn08, Single mom😍
120 KT
0 KT received · 0 KT given
Posts
Kamusta po kayo dito? After 3 months nakasilip ulit ako dito, ano po ang balita kay noise app?
Kamusta po dito? Antagal kong hindi nakasilip dito Nabusy sa fb reels, haha Sa sobrang boring pati reels pinatos ko na, 🤣 Kayo rin po ba nag reels na?
Happy sunday Nasa church ako nyan kanina Now ko lang napost at ako ay natulog pagkauwi namin magsimba Yung half hour pa lang ako nakatulog biglang nag ingay ang mga bata sa kapitbahay ko Pero pinilit ko parin matulog ulit Ayun tuloy parin ang ingay at nag iyakan pa Nabadtrip ako, sumakit ulo ko kulang tulog ko Naiinis ako sa kapitbahay ko hindi man lang masaway ang mga bata na nag iingay, Mga hindi marunong rumespeto sa natutulog na kapitbahay, Samantalang ako ang dalawang bata dito sa bahay pinagsasabihan ko na kapag 1pm to 3pm wag mag iingay baka may natutulog na kapitbahay, Napaka iyakin naman talaga ng mga bata pinapaiyak pa lalo, Sino ba nman ang hindi maiinis, Parang gusto ko ng sigawan eh Pero naalala ko nagchurch nga pla ako kaya pinigilan ko na ang sarili ko. Hanggang ngayon masakit pa ang ulo ko
Kaya pala.... Kaya pala nung bata tayo pinapatulog tayo ng hapon kasi kapag tumanda na, namamalimos ka na ng tulog at pahinga. Kaya pala pinapakain tayo ng gulay noon para sa pagtanda mas malakas nating harapin ang mga pagsubok na kaakibat ng paglago natin ngayon. Kaya pala hinahayaan tayong maglaro noon kasi mas seryoso na at hindi na pala biro ang buhay ngayon. Kaya pala iniingatan tayo noon na hindi masugatan at madapa kasi sa pagtanda mas masasaktan pa pala tayo. Kaya pala tinuruan tayong maglakad noon kasi sa pagtanda masyadong malawak yung kailangan nating tahakin sa buhay. Kaya pala galit na galit mga guro noon kapag maingay tayo kasi sa pagtanda, mahalaga pala ang matuto tayong makinig at hindi ang bumunganga. Kaya pala lima o sampung piso lang baon natin noon para mapahalagahan ang bawat sentimong kikitain, na ang kapalit ay pagod at sakit ng kasukasuhan natin. Kaya pala kailangang sabay sabay kumain noon, kasi darating pala ang araw, na mag isa ka nalang kumakain sa hapag ngayon. Kaya pala palagi tayong karga ng mga magulang natin kasi kapag tumanda, walang ibang bubuhat satin kundi sarili lang natin. Kaya pala yung mga magulang natin ayaw tayo malingat sa paningin nila noon, dahil taon bago ka nila makasama ngayon. Kaya pala hinahayaan tayong kumain ng matamis noon kasi mapait pala ang buhay ngayon. Kaya pala hinahayaan tayong mangarap nung bata tayo, kasi kapag tumanda mapapagtanto mo na posible palang mangyari lahat ng bagay kung pagsisikapan mo. Kaya pala masaya tayo kahit walang wala tayo noon kasi hindi pala mabibili ng pera yung saya na hinahanap natin ngayon. CCTO
Good morning Pumasok na ang mga estudyante ko Pero maulan po ngayon dito sa amin Kahapon pa ulan ng ulan Sabayan pa ng hangin Napaka lamig na lalo Hindi ako makakaligo nito kapag ganito ang panahon, haha
Inihaw na tilapya Bigay lang po yan sa akin nung may palaisdaan Half kilo na po yang 1pc na yan Ang sarap po nyan sa toyomansi Pantanggal umay sa dumaan na new year Nagmamantika din sa taba, hehe
Magandang hapon Maulan po dito sa amin kagabi pa Mag new year pa yata na maulan ah Hindi na nga mahangin ngayon pero maulan naman, Ilang araw nalang new year na Hindi pa ako nakakapamili ng iluluto Parang tinatamad na nga ako magluto Dalawa lang naman kasi kami ng anak ko dito sa bahay, Kayo po ba ready na sa new year?
Huwag mong iasa ang sarili mo sa mga bilog na prutas, May ari nga ng prutasan nagtitinda. Kung swerte yan ibibinta paba nila?😁✌🏼 Pinapaubos pa nga nila diba? Ang dami kong tawa dito, haha Syempre kailangan samahan din ng sipag at tiyaga para swertehin😃
Magandang hapon po Pagtapos pasko balik trabaho na ulit Cut ulit ng mga tahiin para bago mag new year matapos ko man lang ang mga tahiin ko Dahil sa january dadating nnman ang sangkatutak na pantyliner at pads ko Sana bago dumating yun makapahinga man lang ako ng 1 week straight, hahaha Para makaipon ng madaming lakas😊
Kamusta po kayo? Grabe ang lamig ng panahon Napaka lakas pa ng hangin Hindi naman siguro masama ang hindi maligo ano hahaha Hinihika lalo ako sa lamig Naka jacket at medyas na nga ako Pero ang lamig parin talaga Nagkukulong narin ako sa bahay.
Merry christmas everyone Birthday ni mama kahapon Kaya pumunta kami sa sementeryo Padilim na kami pumunta dun kahapon Nagluto pa kc kami Ang dami namin pumunta dun Sumama ang dalawang kapatid ni mama Tapos mga pamangkin ko Masaya na yun si mama Kinantahan pa namin sya,

Nainip sa pila ang anak ko Ang haba kasi ng pila Nagsisiksikan na sa grocery store Bawat cart punong puno ng laman Mas lalo ito bukas hirap na makipag siksikan.
Pumunta kami ng anak ko sa bayan Nagwithdraw ako Birthday kasi ni mama bukas kya bibili ako ng konting handa, Unang birthday nya na wala na sya Nakakalungkot man isipin na magcecelebrate kmi ng birthday nya na wala na sya😭😭😭 Sobrang nakakaiyak
Good morning po Malungkot ang panahon ngayon Naglaba po ako hindi pa ako naka banlaw Hinihintay ko pa na patubigan kami Hindi nanaman matutuyo nilabhan ko nito dahil walang init, umambon kasi kanina Kaya hanggang ngayon hindi nagpapakita si haring araw.
Kain po tayo Nagluto ako ng sitaw Binili ko yan sa kapitbahay ko ang sitaw Nilagyan ko lang ng pritong isda Hindi ko na yan ginisa Umay na ako sa mamantika Hanggang bukas pa namin yan ulam ang dami po kasi masyado dalawa lang kami ng anak ko ngayon, sinundo kasi ang pamangkin ko Doon sya magpapasko sa lola at lolo nya(mother side) Ihahatid din ulit sya dito bago mag new year. Kayo po anong ulam nyo?
Magandang hapon po Mahina po ang net ko kaya hindi nakasilip maghapon Parelax relax nalang rin po muna ako Konti nalang ang tahiin ko Baka bukas tapos ko narin ito Makakapahinga rin ng pasko, Akala ko aabutin pa ng new year ang tahiin ko eh
Kain po Pumunta ng birthday party ang anak ko Pamangkin ng bayaw ko yung may birthday at binyag 1 year old na yung baby, Hindi ako naka punta May tinapos kasi akong tahi Napagod na kasi ako. Pag uwi ng anak ko may dalang lechon sa akin Binalot daw ng kapatid ko para ibigay sa akin. Kain narin po kayo
Nag order po ako ng puto kutsinta May bisita po kasi ako mamaya Yung may ari ng pantyliner na tinatahi ko Umuwi kc dito sa Mindoro Pasyalan nya daw ako, Kaya nag order ako ng pang meryenda, wait ko nalang sya,
Kain na po Ano po bang tawag sa isda na ito? Pinabili ko lng sa pamangkin ko yan kanina Niluto ko lang yan na hindi ko alam kung ano ang tawag jan, hahaha Masarap naman sya
Tanghalian na po Pagkatapos ko maglaba nagprito agad ako ng isda May nakasalang pa akong paksiw para ulam namin mamayang gabi Akoy tutulog muna after namin kumain Mamaya na ulit ako hapon mananahi. Kain narin po kayo
Almusal muna Ginutom ako, maaga pa kasi ako naglaba Hindi pa ako tapos magbanlaw Tumayo na muna ako at nag aalburoto na talaga ang tiyan ko haha Nilagang saging at milo lang muna ang almusal ko Mamaya pa ako magluluto ng ulam pagtapos ko laba.
Magandang gabi po Napa selfie din ako kanina Nasa church po ako nyan Nagsimba kaming mag ina Next sunday christmas party din namin sa church 100pesos lang din ang gift namin Tapos kanya kanya dala ng food,
Meryenda po Kagigising ko lang po Nanghihingi ng meryenda ang anak ko Yan biscuit stock ko yan para may madukot sila kapag nagutom sila Yan nalang daw meryendahin namin Bumili nalang kami ng coke
Hello everyone Kamusta po ang lahat Lateup lang po ito, hehe Walang maiupload na picture eh Sa sobrang busy po talaga wala ng time magpicture,
Nood muna ng tv Pahinga din sa tahi, may bukas pa naman Grabe ang hirap ng signal ngayon Yung globe tower kasi dito sa amin pinutol putol daw ang wire, ninakaw daw ang tanso Kainaman ng mga tao talaga Purwesyo ang alam gawin Hindi magbanat ng buto para kumita ng pera Nakakainis ang mga taong walang magawa sa buhay, nagdurusa nanaman kami sa signal Kaya hindi maka upload ng picture ngayon.
Kamusta po kayo dito? Now lang ulit nakasilip dito Sumakit kasi ulo ko kahapon Sa mata na yata itong problema ko Kapag sumakit kasi nagsisimula sa kilay ko Tapos nasusuka na ako Sa katatahi ko narin siguro ito Kailangan ko na talaga magpacheck up ng mata
Binata na kong pumorma ang anak ko Gusto nya pang bastunin ko ang pantalon nya Ano pa bang baston ang gusto, haha Marunong na pumili ng suotin eh Grade 4 pa lang yan mapili na sa damit #christmasparty
Almusal po Maaga din ako kumain Pupunta din kasi ako sa school ng mga bata Christmas party nila ngayon Kaya sumabay din ako sa kanila ng pag gayak Tara na po almusal narin kayo Good morning
Pumunta ako sa bayan Tumawag kasi sa akin kahapon ang taga Mayor's office para sa claim ko na burial assistance ni mama, July 29 pa daw daw hindi daw kasi nila ako makontak nung tinatawagan nila ako, Kaya sinubukan daw nila akong hanapin sa fb Ayon may nagchat nga sa akin na hinihingi ang no.ko nagpakilala na taga Mayors office sya Kya binigay ko naman, tinawagan nila ako Kaya pumunta ako sa bayan para iclaim yung cheke, pinapalitan ko sa veterans bank 3k din po yun Kaya sobrang pasalamat ko talaga Kahit wala na si mama hindi parin nya ako pinapabayaan, May panghanda ako sa birthday nya sa 24, Kain po tayo, ginutom kamibeh, hehe