This Was Me

29 52

031622

Teka bakit English yung title pero nagtatagalog ako? Okay lang naman siguro sa inyo, mahihiya pa ba ako sa inyo eh English at Tagalog na nga lang alam ko edi paghaluin na natin.

Sponsors of Micontingsabit
empty
empty
empty

Minsan may mga times na nageedit ako ng nasa drafts ko tapos bigla akong may maiisip na iba, tapos magddraft ulit tapos tatamarin kaya magbabalik na lang ako sa pagsagot ng questions HHAHAHHA!

Pero ayun na nga, nagcheck lang ako ng mga nakabookmark na articles ko tapos nakita ko yung post ni @Murakamii.7 mga 6months ago HAHAHAHHAHAA! Click the link kung tama ako bwahihihi So instead na tapusin ko yung ibang articles ko, gusto ko lang na gumaan muna ulit utak ko by answering these questions. I believe dito galing yung questionsย here.

Tara! Mabilisan lang.

1. Who was your bestfriend when you were in college and why?

Yung isang ka-Maria ko na name pero mas mabait sya sken. Sya yung bespren ko na unang niligawan ng naging jowa ko that time, pero may jowa pa si Maria kaya secretly naging kami ng jowa ko nun tapos nung wala nang boypren si Maria mukang nagkagusto nadin sya sa jowa ko na di nila alam na kami tapos lumabas na ako pa yung kabit.

AY, dami hanash? yung WHY di ko na nga nasagot. Pero naging bespren ko sya kasi, tatlo kaming Maria na magkakavibes.

2. If you could instantly change one aspect of your personality, what would it be?

I want to be..... teka na blanko na naman ako dito.

3. What's your strangest talent?

Wala naman akong strange talent ih! Siguro yung uminom ng suka or kahit anong maasim, mahilig ako sa maasim eh, pati sinigang mix pinapapak ko minsan.

4. When you were little, what did you want to be when you grew up?

Nung una, teacher, tapos astronaut tapos napakaimpossible nun kaya kung ano na lang kinaya ng brain cells ko hahahahha!

5. Describe your most memorable experience in college.

Yung sabay sabay kaming uuwi, tapos half ng class namin eh papuntang cubao ang way pauwi so sabay sabay kaming sasakay ng jeep sa Stop&Shop sa gabi kasi panggabi kami, tapos pipili sila ng jeep na pumapalo (nagsswerve) tapos kapag pumapalo yung jeep bawal humawak sa hawakan dun tapos maghahampasan na ng katabi tuwing papalo yung jeep. Yung mga patok na jeep yun, madalas. May isa dun na favorite ng mga classmate ko yung jeep na 'Our Father' yung name kasi mapapadasal ka sa pagpalo nung jip. Super delikado sya lalo na may nababanggang jeep tska tumataob minsan, pero di pa talaga namin oras kaya buhay pa kaming lahat.

6. What do you think about the most?

Penge pa akong maraming pasenya. Namention ko ba na ako yung taong di nakasalo ng maraming pasensya and since naging mother nako, I needed more, I am begging for more patience for myself.

7. Give three best past moments that you can't forget.

  1. Nung nanganak ako. Kahit ramdam ko yung paghiwa at buo ang diwa ko nung nilalabas nila sa tyan ko si Lil B.

  2. Nung nagkilala na kami ng husband ko kasi di ko inakalang may magttyaga sakin ayieeeeeeeee! **Bigla akong inantok, literal*

8. If you are outside, what are you most likely doing?

Nakatingin lang sa sky at stars, inaamoy ang simoy ng hangin at dinadamdam yung lamig sa balat.

9. Do you prefer to be behind the camera or in front of it?

Behind, kasi di ako photogenic. Talikodgenic ako literal HAHAHAHAHAA.

10. Ever had a poem or song written about you?

Aysus, wala.

This was drafted kaninang madaling araw kasi di ako makatulog and buti na lang inantok ako while doing this article at di ko na dinagdagan bahala na kung ano mga pinagsasabi ko jan HAHAHAA

HAPPY DAY EVERYONE!

11
$ 2.99
$ 2.89 from @TheRandomRewarder
$ 0.03 from @Usagi
$ 0.02 from @Carewind
+ 3
Sponsors of Micontingsabit
empty
empty
empty

Comments

I miss highschool life, hindi pa uso ang hatid sundo ng mga magulang yung sabay-sabay umuwi kasi no transportaion pa.

$ 0.01
2 years ago

Totoo yaaaan. Buti na lang dn nung highschool ako pwedeng lakarin pauwi kasi sa loob ng subdivision ang daan. Mga 30mins walk dn. Minsan nagtatakbuhan pa kami

$ 0.00
2 years ago

Dito sa amin, nagsipag unahan magsitakbo dahil nag uunahan mamitas ng bunga ng biyabas,hahaha

$ 0.00
2 years ago

Hahaha! Natawa naman ako sa biglang inantok ka sis. Best moment talaga yung birth of Lil B. So adorbs!

$ 0.01
2 years ago

Di ko talaga makalimutan yung hinanap ko sya agad sabi ko asan baby kuuuuuu

$ 0.00
2 years ago

Hahah unang question palang eh ang saklap naman nun. Sa 9, same tayo hahaha ung kahit nakaformal pose ka wacky pa din ang mukha mo hahahahah talikod na nga lang๐Ÿ˜‚

$ 0.01
2 years ago

Di baaaaaa. Kaya wala akong matinong picture eh hahaha

$ 0.00
2 years ago

Ako naman ayoko sa patio na jip mapapadasal ako nun.๐Ÿ˜…๐Ÿ˜… minsan infront minsan behid depende sa camera.,๐Ÿ˜… taaka true patience din ang kailngan ko. Haha wala talaga akong pasensiya since dalaga ako kapag ayoko ayoko. Now na may anak na ko at ang titigas ng ulo jusme napapadasal nalang ako. Lord patience pa please.

$ 0.01
2 years ago

Napapakamot ka dn bigla sa di makati HAHAHAHAHA.

$ 0.00
2 years ago

Aliw ako sis haha psti ako napaisip sa intro mo haha anyways wahhh nakakamiss ang school uwian moments kung saan saan muna ang gora bago makauwe. Hala gusto ko din sagutin to ang entertaining haha save ko to sis ah.

$ 0.01
2 years ago

Go lang ses! Itambay mo na yan sa drafts mo para di ka dn maubusan ng ippost hihi.

$ 0.00
2 years ago

Namiss ko rin yung umuwi galing school at tsaka sabay sabay maglalakad. Haysss

$ 0.01
2 years ago

Kaya marrealize mo na lang na, shet ang tanda ko na. ๐Ÿ™„๐Ÿ™„๐Ÿ™„

$ 0.00
2 years ago

Mahilig din ako sa suka hahaha, apir! Pero bet ko kapag may sili.

$ 0.01
2 years ago

Ay naman! Bet ko dn yung suka na may kalamansi, tapos syempre may sili. Sheeeeesh! Hot!

$ 0.00
2 years ago

Naku,. Lagot ang kidney mo nyan lods, hinay hinay sa suka at ginisa mix, ihalo mu nalang muna sa gin, wag pakpakin haha

$ 0.01
2 years ago

Aaaaaay maganda yan hahahha char! Di pwidi may malalasing na bibi haaha

$ 0.00
2 years ago

Haha, breastfeed ba baby mo lods?

$ 0.00
2 years ago

Oo lods

$ 0.00
2 years ago

Whahahaa, you make my day, yung sah intro palang natawa kana, at hanggang sah dulo ng walang hangagan๐Ÿ˜ ito talaga c maria,whahhaa.

$ 0.01
2 years ago

Oh no nailantad ko pala yung di ko dapat mailantad na pangalan ko HAHAHAHS

$ 0.00
2 years ago

Whahaha, ang cute nga me Maria eh

$ 0.00
2 years ago

Ano ung pang number 3 na sagot sa number 7 na tanong sis wahaha,..

Teka taga saan kayo bat nagagawi ka sa StopnShop? Sta mesa manila yan diba..

$ 0.01
2 years ago

Taga marikina ako pero dun ako nagcollege sis. Hahahha. Yung pang 3 sa question 7, feeling ko the best is yet to come HAHAHAHAHA

$ 0.00
2 years ago

Ohh marikina ka lang pala sis. Sta ana naman ako. Nasa province ka na ngsyon??

$ 0.00
2 years ago

Sa marikina pa dn. Soon magprovince na kamii

$ 0.00
2 years ago

So anong kinaya ng braincells mo?

$ 0.01
User's avatar Yen
2 years ago

Maging call gorl hahahahaa

$ 0.00
2 years ago

Ahahaha biset ๐Ÿคฃ

$ 0.00
User's avatar Yen
2 years ago