Salamat Dabarkads!

21 35

01-14-22

Salamat Kapamilya! Salamat Kapatid! At ang higit sa lahat, salamat Dabarkads!

Nakakatuwa na kahit ang mga noontime variety shows ay tuloy pa din ang palabas kahit nagkaroon na ng pandemiya. Kadaramihan sa mga noontime variety shows eh laging may mga segments or contests na nakakapagbigay ng aliw at the same time nakakatulong sa mga tao financially.

Fleyksing my sponsors po!!! Thanks to @Jijisaur my new sponsor!!! huhu

Sponsors of Micontingsabit
empty
empty
empty

By the way, laking GMA7 kami. Hmmm di ko alam kung bakit, siguro kasi pangit ang signal ng ABS-CBN sa tv namin noon kaya kahit maganda na ang reception ng signal ng lahat ng channels nsa GMA 7 buong araw pa din ang TV. Kahit na umay na umay na kami sa mga teleserye na puro halos parepareho lang ng plot eh natatawa na lang kami.

Batang Eat Bulaga na din pala kami hahahhaa. Tapos kapag magpapasko at bagong taon syempre may mga pasabog ang mga yarn!! May segment sila or something para sa mga dabarkads for Christmas.

Isa sa segments nila yung Bida first: Isang tawag ka lang. Magpapakita lang sila ng cellphone number sa screen tapos either ipakita nila ng buo agad or paisa isa, kapag pakonti konti ang pagreveal nila ng number pwede nyong hulaan yung natititira para mauna kang makatawag. Kung sino ang makatawag at pagnasagot, kelangan mo sabihin ang password na 'LEGIT DABARKADS AKO'. Tenen! panalo ka naaaaa at mamimili ka sa mga ipapakita nila na cake at ilalabas nila kung magkano ang napanalunan mo! Ganun lang kasimple.

Pambayad sa bills? Isang tawag mo lang!

Panggamot ng magulang mo? Isang tawag mo lang!

Panggrocery? Isang tawag mo lang!

Yan ang tagline nila hahahha.

Anyway, hindi ako mahilig sumali sa ganyan kasi noon feeling ko mas okay na sa iba mapunta kasi di pa naman kami nawawalan ng kinakain sa hapag kainan or simply mas may nangangailangan na ibang tao. Pero ngayong pandemya at retired na tatay ko at wala akong work, edi sinubukan kong sumali. Ilang buwan din, lagi ako nanghuhula at nagddial. Naalala ko ung isang hula ko, may matandang babaeng sumagot hHAHAHAHAHAH! Hindi host ng Eat Bulaga yung sumagot.

Unfornately, di ako maswerte sa mga ganitong bagay. Kahit sa raffle, tanang buhay ko, for 30 years isang beses lang ako nanalo sa raffle.

Meron pa silang isang Christmas segment.

Gagawin mo lang eh magregister ka online. Yes! Magbibigay lang sila ng category every day tapos magregister ka on the day. Kunyari babaeng senior citizen, ganun. Hinintay ko talaga ang chance na makaregister kami, oo niregister ko yung nanay, tatay ko at bunso kong kapatid bago magpasko, syempre pagdating ng asawa ko dito pinaregister ko na din sya.

Tapos nung 12-28 nang tanghali, mga alas dose pasado na, natutulog si Lil B ts muntik nako makatulog ts biglan pumasok ang tatay ko sa kwarto. Lalamove daw para sa asawa ko from Eat Bulaga.

Nagulat ako syempre, ts dapat kung sino nakaregister ang magrereceive pero nakabalik na sa province ang asawa ko nun. Buti na lang binigay pa din ni kuya sakin, pinakita ko lang ang Passport ID ng asawa ko. HOHOHOHOHOH! Nakakatuwaaaaaa!!! Tuwang tuwa ako! Buti na lang walang taong naglalakad sa labas nun kasi kelangan videohan ng rider na nareceive ko na yung pamasko package, kelangan din ng video message hohohoh. nakakatuwa.

Nakakagulat kasi, ang asawa ko pala ang swerte sa raffle. Last year may uwi din syang blender galing sa Christmas party.

Ang kalakip ng pamasko package aaaaaaaay...

Bali, isang dosenang handsoap, at maliliit na all purpose cream at condensed milk. Madami sya, hahahah hanggang ngayon di ko alam kung san namin gagamitin yung cream at condensed milk hahhaah. Pinamigay namin yung iba syempre, sharing is caring. Binigyan ko ang mga kapatid ko, friends ko na magsasalad, tska yung mga rider ng mga nagdedeliver, pati na din kung sinong kilala ng tatay ko na street sweeper or kung sino man. Masaya din mamigay, nakakataba ng puso.

Dahil marami pang natira, bahala na kung san namin gagamitin or baka may maisuggest kayo na pwedeng paggamitan or gawin sa pagkain, let me know. :)

Minsan wala man tayong swerte sa raffle, nagiging maswerte naman tayo sa mga taong nasa paligid at nakilala natin.

Kaya thank you Tito, Vic and Joey! MARAMING SALAMAT DABARKADS!!!

Legit Dabarkads ako!!!!

Lead image from unsplash, pictures posted are mine

6
$ 2.44
$ 2.32 from @TheRandomRewarder
$ 0.05 from @AmazingWorld
$ 0.03 from @yhanne
+ 2
Sponsors of Micontingsabit
empty
empty
empty

Comments

You are always welcome po! Keep grinding! :D Wow, daming stock para sa pantry hehe

$ 0.01
2 years ago

Nako po wala kaming pantry, walang pampantry hahaha muntik nako mamali ng basa haaa

$ 0.00
2 years ago

Hahaha I also try this but luck is not on my side. Dabarkads din me datiii hahahha kaso nawalan ng gma sa tv namin hahaha sabotahe tv plus.

$ 0.01
2 years ago

Hala, naka tv plus dn kami sis kaya yaaaaan reset mo u g mga channels kaso puro replay pa ngayon

$ 0.00
2 years ago

Natry ko sis kaso hahaa nagkakaroon tas mamaya nakalagay no signal na hahahah

$ 0.00
2 years ago

Wooow, swerte naman ng asawa mo hihi. Nag try din ako nung tawag2 pero di talaga swerte HAHAHAH. Ewan ko ba, di ako swerte sa gamyan talaga HAHHAHA

$ 0.01
2 years ago

Kahit ako eh, sa susunod asawa ko patatawagin ko baka matyempuhan hihi

$ 0.00
2 years ago

Hala nakakaiyak! Ang bait nila at totoo sila sa mga ganito talaga. Kaya ang lucky lucky lang ng mga napipili nila. Officemate ko buong family nila nanalo sa Eat bulaga, 5k ata each eh.

$ 0.01
2 years ago

Hala totoo? Huhu swerte nilaaaaaaa. Nitong pandemic lang ba yun?

$ 0.00
2 years ago

Nitong 2021 sis pero magkakaiba NG araw sila nanalo.

$ 0.00
2 years ago

Haha pa ship Naman Ng condense milk, swerte Naman nang Asawa mo.

$ 0.01
2 years ago

ate ko dn dati madalas nakakakuha sa raffle. Shopee checkout? Charing hahahaha

$ 0.00
2 years ago

Hahaha

$ 0.00
2 years ago

Congratulations sis! Legit dabarkads din ako hahaha! Actually inaabangan ko yang isang tawag ka lang kaya lang ang hirap makakonek, cguro eh mas kelangan talaga ng iba.

$ 0.01
2 years ago

Dapat madami kayo HAHAHAHA. Mas madali tumawag kapag yung si touchscreen na phone, para no look magdial sana makachamba ako o gagamitin ko na naman asawa ko HAHAH

$ 0.00
2 years ago

Mag isa lang ako sa bahay sis, kaya lang ngayon puro replay episodes sila, aantayin kita in one of the episodes😁

$ 0.00
2 years ago

Antayin dn kita malay mo ikaw naman ang sunod

$ 0.00
2 years ago

Pareho pala tayu kaibigan Kasi Yun din Ang kinalakiha. Ko na tv channel especially noon time show na eat Bulaga nakakatuwa Sina Jose at Wally ..grabe talaga sense of humor Ng dalawa.

$ 0.01
2 years ago

Magaling dn ang mga writers nila na nakakaisip ng ibat ibang segments

$ 0.00
2 years ago

Wow congrats pooo. Sanaol at swerte sa ganyan.

$ 0.01
2 years ago

Asawa ko po talaga yung nabunot hahaha.

$ 0.00
2 years ago