Make Your Love Life Bitter or Better?
052422pm
I can't deny that I am having fun answering prompts or random questions from time to time. Aside from the fact that it helped me whenever I ran out of topics or if I can't continue drafting a specific topic.
Good thing I happen to pass by @MizLhaine article. Here's where she got the questions too 53 Relationship Questions That Will Make Your Love Life Better .
Ituloy natin ng tagalog para mas madaling masagot hihi. Di nako pumili ng ibang tanong, kung ano ang ginawa ni sister eh un na din ang sagutan natin.
ARAT!
What was your first impression of your partner?
Maginoo pero mejo bastos, char! Pero soft spoken sya actually kung ano yung first impression ko ganun talaga sya. What I saw is what I got.
Do you like spending time with your partner’s friends and family?
Yes, of course. Pero hindi pa talaga ako nakapagspend ng time sa family nya since nagstart kami nung naglockdown and nasa province kasi ang side nya. Pero looking forward na kami makapagspend ng time sa in-laws ko with Lil B.
Do you get each other’s feeling without the need to say anything?
Sometimes. Naniniwala kasi ako minsan na may bagay na hindi na kelangan sabihin lalo na if alam nyang magaalala ako. Kahit di nya naman din sabihin, nakikita ko at ako na din ang nagaadjust. Sya din naman ganun sakin kaya naappreciate ko ang asawa ko ng sobra. Madalas nga lang mejo mapaligoy ligoy sya ng sinasabi kaya naiinis ako HAHAHHA, ang ending nagegets ko na lang din sya.
Is it really necessary to know everything from your partner’s previous relationships?
Hindi naman siguro lahat necessary, pero I think it depends kung ano napagdaanan nya and gaano sya ka-open or ka komportable ishare yun sayo. May ibang tao kasi na mas gusto na lang sarilinin at wag na ishare kasi babalik yung mga hindi magagandang memories, masasaktan or traumatic pa din.
How do you feel when your partner has to leave you for some time because of work or study?
Haaay, I got used to it not in the sense na wala na akong magagawa or this will make me fall out of love.
LDR kami since naging kami hanggang nagkaanak na kami, tanggap ko naman kasi dito kami kumukuha ng isusuporta sa anak namin. Kelangan lang namin magadjust ng konti soon kasi ayaw kong malayo kami sa kanya.
It's more like it's about not how I feel, but how Lil B feels. I noticed for the past few months na umuuwi ang asawa ko happy si Lil B. Tapos when he leaves again for work, parang nagiging iyakin si Lil B lalo.
Will you say sorry to your partner even though it’s not your fault?
Oo naman, pero hindi dapat palagi. Dapat alam mo kung kelan ka dapat magbaba ng pride or kelan ka magssorry for lambing purposes. Hindi man ito uubra sa iba at depende pa din yun sa pagkakakilala nyo sa isa't isa.
What makes you happier in a relationship, sharing or sacrificing?
Both. I believe na magkasama dapat yan. Sharing and sacrificing, parehas yan na form of caring pero dapat balanse. Hindi man equal pero dapat narereciprocate pa dn kahit sa anong paraan.
Love advice ba yern?!?!?
Naniniwala kasi ako na minsan kelangan mo makakita ng willing sumabay sa trip ng buhay mo. Yung tipo na kahit ano pang personality mo or ugali mo eh makakasabay at maiintindihan nya. Yung standards ng ibang tao eh iba iba. Minsan hindi angkop sa iba ang angkop sa lahat. Hulihin ang kiliti ng bawat isa at huwag ipilit ang mga bagay na hindi naman kaya ng tao.
Wag ka magalala friend, for sure naghihintay na din yung para sayo. Sa ngayon, mag Tinder, Bumble, OKCupid ka muna HAHAHHA !!!
Char!
My love life for now can be said to be quite good, because lately I have been spending too much time with the people I care about, so that between spouse and family can be said to be balanced.