Dun ka sa Kambing Maghanap ng Lambing!

11 34

050622

Friday na naman! Ang bilis nga naman ng panahon at ilang araw na lang magiisang taon na ang aming Lil B. Parang kailan lang, jumojowa jowa pa lang ako tapos landi landi ngayon may sarili na kong pamilya. At dahil jan, bakit hindi natin alalahanin ang mga masasakit na mga pangyayari sa mga nagdaan na relasyon.

Sponsors of Micontingsabit
empty
empty
empty

Minsan kasi di mo din maiiwasan na magbalik ang alala. Hindi ibig sabihin nito na gusto kong makipagbalikan sa kahit sino sa kanila, pero more like gusto kong balikan yung mga natutunan ko at pagtawanan nadin yung mga nangyari. Yung tipo na kung dati iniiyakan mo yun, ngayon pagtatawanan mo na lang kasi nagawa or nasabi mo yon.

Wala naman masyadong masakit na nangyari pero naalala ko yung ibang mga nakakatawang banat ko kapag nagaaway kami ng mga naging jowa ko. Halo halo na to, kayo na magjudge if funny ba sya or hindi.

Lagyan ko na din ng konting kwento. Konti lang pramis. 🤣🤣🤣

Eto na isa isahin natin kung meron akong memorable lines na nabitiwan noon.

Jowa M AKA first jowa, AKA Mr. President, AKA first kiss.

'Wag mo gawin sakin, gawin mo na lang sa iba.'

Eto yung binitawan kong salita sa kanya noon, kung tinanong nya ko about if we can more intimate. Virgin pa ko syempre nun, college lang ako nagkajowa tapos mukang sya mulat na sa mga ganung bagay. Dahil sinabi ko naman sa kanya na wala pa kong experience sa mga ganung bagay, ayan, nasabi ko yan. AT hindi ko naman alam na gagawin nya talaga.

Hindi ko naman sya nahuli pero nakonsensya sya at isang araw inamin nya sken na may naka-jerjer sya (jerjer means 2nd base). Nagulat ako sa inamin nya syempre, umiyak, nagisip, nagpatawad. Pero makalipas yung ilang araw nawala ako ng gana sa relasyon namin at iniwasan ko nalang sya bigla.

Jowa T AKA baboy, AKA kadiri, AKA feelingero

Ang sama ko no hahaha! Pero di ko lubos maisip kung bakit ko naging jowa to. Siguro nasa state lang ako ng gusto ko ng jowa kaya sinagot ko tong taong to. Anyway, eto ang linya na nasabi ko sa kanya...

"Wala kang respeto, napakalibog mo!"

Syempre pagkatapos ko manggaling sa relationship na 'mejo' nagcheat sakin, kinuwestyon ko yung sarili ko sa ganung bagay. Ayun, sa sumunod na relasyon ko, mas naging mapusok at maexperimento ako. (Alam nyo na yon!). Nags*x kami pero di nya ko pinilit, nagkusa naman ako kasi curious nga din ako dibaaaaa.

Pero mukang di pa sya nakuntento. Isang araw, may prof kami na di pumasok at nakatambay lang kami sa room. Yung iba lumabas para magDOTA. Dota boy din sya pero ayaw ko sumama palabas ng school kasi maglalakad pa, sabi ko dun nalang ako sa room. Di na din sya sumama sa mga kaibigan nya magDOTA at sinamahan ako tumambay. Matutulog sana ako kasi antok pa ko at akala ko matutulog din sya sa room. Nagulat ako nung nakayuko na ko at nakapikit eh, hinawakan nya yung b**b ko. Hinawi ko kasi nga matutulog ako. Aba inulet, walk out ang lola mo! At ayun, sinigaw ko yan habang hinahabol nya ko palabas ng school.

May isa pang linya na sinabi ko lang sa isip ko.

'Nakapasok na ba?'

HAHAHAHA! uy hindi to insulto sa ano nya ha. Infairness naman may kargada naman sya pero ang di ko lubos maisip eh nung unang beses namin ginawa yun eh wala akong naramdaman. Dito ko din napatunayan na hindi lahat ng first time sa ganon eh magical ang feeling.

Ay isa din pala to sa malandi. Nung pinakilala ko sya sa mga Highschool friends ko, ginawa nyang textmate yung isa. Ayun sinira nya din yung pagkakaibigan namin ng ilang buwan din or halos isang taon din, bago kami nag kabati ni beshiewap. Nagsorry din naman sya sken.

Jowa D, AKA sinekreto ako, AKA long term almost 5 years

Dahil sa ito yung pinakamahaba kong relationship, di ko na matandaan yung ibang mga drama namin.

Dito ako nagstart magpakamartyr. Kahit na sinekreto nya ko, ipinaglaban ko na ako yung nauna kahit ako yung lumabas na kabit or nangagaw. Dahil sa kanya nagkalamat yung pagkakaibigan namin.

Ito yung masasabi kong pinakatoxic na relationship ko kasi, feeling ko nagbago ako sa hindi magandang paraan. Yung mga dating sinasabi ko na di ko gagawin as a jowa, biglang nagawa ko. Nagaaway sa gitna ng kalsada, nagpakamartyr, nagbulagbulagan, nagbigay ng ilang chances tapos sinayang, niloko na naman ako, kaya kapag nagyaya sya pumapayag na lang ako para di sya maghanap ng iba, at gumawa pa ko ng desisyon na hindi maganda para lang makawala sa relasyon na yon. Wala akong lakas ng loob makipaghiwalay. Feeling ko kasi binigay at nasakripisyo ko na lahat sa kanya, pamilya at kaibigan ko kaya feeling ko enough na yun para magstay sa kanya. Kinailangan ko kumausap ng ibang tao at nakapagcheat ako ng hindi ko intensyon, pero yung tao din na yun yung nagparealize saken na may iba pang taong magkakagusto sken. (hindi ko jinowa yung tao na yun ha)

'Alam ko, naalala ko, hinihintay lang kita tapos ikaw magagalit'

Tong linya pala yung time na nagaway kami kasi hinihintay ko syang bumati sa monthsary namin bago ko sya batiin. Eh sya din pala naghihintay ng bati. So matatapos na araw namin at hanggang ihatid nya ko, di ko pa din sya binabati tapos nagalit sya saken. kinalimutan ko daw. HHAHHAHAHA naloka ako, inisip ko dapat ako nga yung magiinarte eh.

Mag-aagree ba kayo na it's a girl thing yung monthsary celebration?

Jowa S AKA pinakamabait at close sa family ko, AKA clingy

Almost 4 years kami ni Jowa S, pero isa lang naman yung ayaw ko sa kanya. Yung pagiging clingy nya, na kala mo naman ang ganda ng jowa nya para magkaroon or maghanap ng iba. Insecurity nya na yon sa totoo lang, di ko alam sa kanya.

'Dun ka sa kambing maghanap ng lambing!'

Isang gabi hinatid nya ko pauwi, pagod sa trabaho tapos habang naglalakad kami nagalit sya kasi di daw ako masyado responsive sa usapan namin. Siguro dahil nasa bagong work pa lang ako nun tapos nagaadjust pa yung katawan ko sa schedule and work kaya lutang ako. Eh gusto pala nya magpalambing. Nagaaway kami habang naglalakad, tapos sa sobrang pikon ko sinabi ko yan. Natawa ako sa sinabi ko, pero kelangan kong panindigan na galit ako hahaha!

Di kasi maganda impression nya sa Call center agents kasi puro kabitan daw doon. Jusko naman, sa payat ko at hindi ako maganda parang naman pagkakaguluhan ako doon tska una sa lahat may jowa ako, jowa ko sya, bakit ako lalandi sa iba. Yun yung madalas naming pagawayan. Kelangan bawat utot ko at hininga sasabihin ko sa kanya. Pati pagpunta sa mga bespren ko na puro babae kelangan kasama sya lagi. Juzkoooo.

Buti nalang kaibigan ko bespren nya, kaya sinasabi ko na oy lumabas kayo ng hindi ako kasama utang naloob, kasi kelangan ko ng me time. yung me time ko na tulog day HAHHAHAHA.

Ayun lang muna. Hindi man kami nagkatuluyan ng mga taong yon, nagsilbing aral naman ang mga nangyare.

Ngayon nasa piling nako ng asawa ko at anak. Hiihii

Mema post lang muna tayo for today. Weekend naaaaa!

Chika na lang sa baba!

4
$ 1.14
$ 1.11 from @TheRandomRewarder
$ 0.02 from @charmingcherry08
$ 0.01 from @yhanne
Sponsors of Micontingsabit
empty
empty
empty

Comments

Yung mga past talaga basta mabalikan nakakatuwa rin kahit masakit sa feeling noon HAHA sa mga past ko din nakita ang gusto at mga di ko gusto sa mga lalaki. Dami kong lesson na natutunan about relationships.

$ 0.01
2 years ago

Yes yes! Sa mga pagkakamali tayo natututo talaga.

$ 0.00
2 years ago

Hahahahha grabe di ko maimagine na maexperience ang ganto takot kasi ako sa commitment hahaha weyt tawang tawa pa din ako sa aka baboy and dumi nya jusko tama lang na naghiwalay kayo haysst

$ 0.01
2 years ago

Hahahaha nandiri dn ako bakit ko natiis yon HAHAHAHAH

$ 0.00
2 years ago

Sissy tawang tawa ako sa story mo😂, in fairness huh, ako Isa lang talaga naging jowa ko..

$ 0.01
2 years ago

Masakit sa ulo sis. Buti ka pa natagpuan mo na ang one and only moooo

$ 0.00
2 years ago

Masakit din sa ulo minsan sis hehe, pero keri parin namn😅

$ 0.00
2 years ago

Hahaha ang kwela ng adventure mo.

$ 0.01
2 years ago

Mga nakakainis pero nakakatawa dn minsan 🤣🤣

$ 0.00
2 years ago

Nakaka intense nmn ang mga na jowa mo sis. Hehe pero for sure marami kang learning jan.

$ 0.01
2 years ago

Oo sobra. Kaya natuto akong hindi makipagaway kasi nakakapagod haahha

$ 0.00
2 years ago