3 in 1 - Third is my first
020322
Since Thurday na naman ngayon, pagsasamahin ko ang Tagalog Thursday, Love Talk (since Feb ngayon) at Movie Recommendation in one article. Shet, baka malito ako pero swak naman siguro. Let me try my best and les go!!!
Flaunting my sponsors and I would like to welcome my new sponsor
@OfficialGamboaLikeUs shooketh ako bigla. I wanna cri again huhu.
Thanks to @Chelle18. Since nabasa ko yung article nya kagabi about her in-law's love story, naalala ko bigla yung napanuod namin ng nanay ko na movie sa Netlfix noon, titled 'First ko si Third' . Panuorin nyo muna yung trailer dito:
Syempre di ako magbibigay ng spoilers para sa mga di pa nakakapanuod. Ayaw natin ng ganern!
Plot overview
Romantic-Comedy film about a retired woman who adapting to her retired life with her husband when her first love suddenly shows up, which made her question her relationship about her husband.
Cast & Characters
Corazon - main character played by Nova Villa.
Corazon's husband - played by Dante Rivero. Helping his wife adjust on her retired life at home.
Third/Robert - played by Freddie Webb, ex-boyfriend and first love of Cory.
Shet tagalog Thursday nga palaaaaaa.
Wala akong ikkwentong special or yung ending kasi nga gusto ko mapanuod nyo hahaha.
So ayun na nga, may sad parts and may mga parts na mapapa-'aaaaaw' ka kasi nangyayari din talaga to sa totoong buhay lalo na sa technology ngayon.
Nung nabasa ko yung article ni sis, naalala ko yung kinuwento ng nanay ko after namin panuorin tong movie na to. Bigla syang nagkwento about sa ex-jowa bago nya makilala tatay ko. Natawa ako kasi sinabihan ko yung nanay ko na ang sama nya HAHAHAHAHA, nighost nya pala.
Ganito daw nangyari, nung napamaynila na ang nanay ko naiwan yung jowa nya sa Negros. Pero ang naintindihan ko sa kwento ng nanay ko eh, sinabihan nya daw na wag na sya hintayin pero hinintay pa din sya ni ex-jowa. Lagi pa daw sumusulat sa kanya, nagtatanong sa mga pinsan nya about sa nanay ko ganern hanggang nadepress si ex jowa tapos napariwara daw ng konti. In short tinaguan nya na talaga kasi ayaw ata ng nanay ko magpakasal sa kanya, kasi ang sabi ni guy eh hihintayin daw sya tapos pagbalik ng nanay ko papakasal daw sila.
Nagkaroon na din ng sariling pamilya syempre tapos tinanong ko kung nasan na yun, patay na daw pala. huhu. ayun, parang nagsisi ata sya na di pa din sila naging okay.
Forever?
Andaming taong naghahanap ng ka-forever nila noh? Kaso pag anjan na hindi mo minsan maiisip na kaya ba hanggang forever? Pano kaya mamemaintain yung spark or love sa forever?
Hindi natin alam talaga sa totoo lang. Kasi kahit mga kasal na nagkakaproblema pa din. Siguro para sken masasabi kong sya na yung forever ko kapag panatag na yung loob ko na wala nakong hahanapin sa iba. Eto yung sinasabi sa kanta ng Ben & Ben na 'Araw-Araw'.
Eto yung kahit anong mangyare, kahit anong sitwasyon, kahit anong sabihin dapat isa't isa pa din ang pipillin nyo araw araw. BS yung, dahil galit ka sa partner mo, di mo kakausapin pero kakausap ka ng ibang tao to comfort you. Hahahahha. Chaaaar.
Ayun, panuorin nyo yung movie sa Netflix. Wag na din kayo mahiyang magshare ng love story ng mga magulang nyo o kaya ng mga oldies na kilala nyo. Iba sila magkwento, tapos dun mo din makikita na may spark pa talaga. yieeeeeee!
Peace out!
Lead image from unsplash
Gusto ko mga ganitong films. Unique. Yung bida is not a young love team. hehe. I like light and fun films. Pass muna ako sa mga horror and tragic.