2 sticks for 2 friends
062422
Tagalog muna tayo for chudeys bidjows. Gusto ko sana ituloy yung 30day writing challenge kasi nasa day 9 nako, kaso lang parang wala akong maisip na sagot dun sa topic ng day 9. Another journal blog muna tayo, ok lang ba mga ses?
Malapit na maubos ang mga pagkain sa ref namin kahapon. Dahil magtatagulan na din, mahina na din ang benta ng halamanan at lupa ng mga magulang ko. Wala nang work ang tatay ko at nananahi ulit ang nanay ko. Senior citizens na sila, dito kami ni Lil B nakatira pero syempre kaming magkakapatid nagkukusa ng contribution para dito sa bahay. Si ate sa rent ng bahay, isang kapatid ko sa bigas at bilang kami ni Lil B ay andito nakatira, kami ng asawa ko sa groceries.
Grocery bonding
Since nagpandemic, naging bonding time na namin ng friend ko ang maggrocery. Chika time and alone time bonding namin. Tita time namin.
Mejo nabawasan ang paggrocery bonding namin simula nung nabuntis ako at nanganak. Sya naman dahil nagwork from home na din, umuwi muna sya sa probinsya para makasama ang asawa nya.
Lately, stressed na naman kami sa life at naggrocery kami kahapon. Dito ko na naman nabitawan ang mga salitang 'Gusto ko na lang maging hakdog' pero hindi pwede kas may mini hakdog na ko HAHAHAHA.
Dito kami sa favorite naming takoyaki.
Bisyo?
Matagal tagal na din akong nagstop sa bisyo like yosi or vape. Hindi ko talaga maicocommit sa sarili ko na I will stop, kasi lalo na sa mga oras na wala akong makausap yosi or pagvvape na lang ang katuwang ko. Yun ang nakakagaan ng loob ko eh.
Nagstop ako magbisyo kasi nagbbreastfeed ako. Pero sa dami ng mga inaalala ko lately, parang gusto ko magyosi. Yung urge ko para magyosi andun pa din. Never sya nawala to be honest. Nararamdaman ko na may mga times na babalik pa din ako magyosi or magvape. Same din kay ate gorl, since nagpandemic at diagnosed sya ng anxiety she stopped smoking na din.
Hindi naman sa nagiging masama akong kaibigan pero napapansin kong tumatahimik na sya ulit habang naglalakad kami. Sabay sabi ko, gusto mo magyosi? Hindi ko naman sya pipilitin, pero nagulat ako nung sinabi nyang 'Tara'. Bumalik kami sa dating gawi, pagkatapos maggrocery, hits kami ng yosi.
Parang walang nagbago, parang namiss lang namin lalo magyosi. 2 sticks lang. Tapos we continued to talk how shitty life can be. We can never have it all talaga. You have to sacrifice one thing para makagalaw ka or magmove forward ka.
Yung feeling na parang 'eto na lang ba yung buhay namin?'
Hindi ko naman sinasabi na babalik bisyo na kami or ako. Syempre nasundutan lang dahil sa mga bagay na di namin inaasahan.
Don't worry mga momshies, I made sure to change and make ligo nung nakauwi ako para walang upos na matira sa katawan ko. Pagbigyan nyo na ko, minsan lang. Gusto ko lang gumaan ulit loob ko. Sadly, yosi ang isang tulong for me.
I will still do my best para mapigilan, or kapag hindi magvvape nalang ako ulit HAHAHA CHAR. I don't know.
O sige na, laters goys!
Di ko rin kayo ma judge kung bakit you resort to smoking when stressed but I hope na you'll find better ways to cope up with anxiety na hindi naco-compromised ang health. Cheers to that 🤟