2 sticks for 2 friends

30 40

062422

Tagalog muna tayo for chudeys bidjows. Gusto ko sana ituloy yung 30day writing challenge kasi nasa day 9 nako, kaso lang parang wala akong maisip na sagot dun sa topic ng day 9. Another journal blog muna tayo, ok lang ba mga ses?

Sponsors of Micontingsabit
empty
empty
empty

Malapit na maubos ang mga pagkain sa ref namin kahapon. Dahil magtatagulan na din, mahina na din ang benta ng halamanan at lupa ng mga magulang ko. Wala nang work ang tatay ko at nananahi ulit ang nanay ko. Senior citizens na sila, dito kami ni Lil B nakatira pero syempre kaming magkakapatid nagkukusa ng contribution para dito sa bahay. Si ate sa rent ng bahay, isang kapatid ko sa bigas at bilang kami ni Lil B ay andito nakatira, kami ng asawa ko sa groceries.

Grocery bonding

Since nagpandemic, naging bonding time na namin ng friend ko ang maggrocery. Chika time and alone time bonding namin. Tita time namin.

Mejo nabawasan ang paggrocery bonding namin simula nung nabuntis ako at nanganak. Sya naman dahil nagwork from home na din, umuwi muna sya sa probinsya para makasama ang asawa nya.

Lately, stressed na naman kami sa life at naggrocery kami kahapon. Dito ko na naman nabitawan ang mga salitang 'Gusto ko na lang maging hakdog' pero hindi pwede kas may mini hakdog na ko HAHAHAHA.

Dito kami sa favorite naming takoyaki.

Bisyo?

Matagal tagal na din akong nagstop sa bisyo like yosi or vape. Hindi ko talaga maicocommit sa sarili ko na I will stop, kasi lalo na sa mga oras na wala akong makausap yosi or pagvvape na lang ang katuwang ko. Yun ang nakakagaan ng loob ko eh.

Nagstop ako magbisyo kasi nagbbreastfeed ako. Pero sa dami ng mga inaalala ko lately, parang gusto ko magyosi. Yung urge ko para magyosi andun pa din. Never sya nawala to be honest. Nararamdaman ko na may mga times na babalik pa din ako magyosi or magvape. Same din kay ate gorl, since nagpandemic at diagnosed sya ng anxiety she stopped smoking na din.

Hindi naman sa nagiging masama akong kaibigan pero napapansin kong tumatahimik na sya ulit habang naglalakad kami. Sabay sabi ko, gusto mo magyosi? Hindi ko naman sya pipilitin, pero nagulat ako nung sinabi nyang 'Tara'. Bumalik kami sa dating gawi, pagkatapos maggrocery, hits kami ng yosi.

Parang walang nagbago, parang namiss lang namin lalo magyosi. 2 sticks lang. Tapos we continued to talk how shitty life can be. We can never have it all talaga. You have to sacrifice one thing para makagalaw ka or magmove forward ka.

Yung feeling na parang 'eto na lang ba yung buhay namin?'

Hindi ko naman sinasabi na babalik bisyo na kami or ako. Syempre nasundutan lang dahil sa mga bagay na di namin inaasahan.

Don't worry mga momshies, I made sure to change and make ligo nung nakauwi ako para walang upos na matira sa katawan ko. Pagbigyan nyo na ko, minsan lang. Gusto ko lang gumaan ulit loob ko. Sadly, yosi ang isang tulong for me.

I will still do my best para mapigilan, or kapag hindi magvvape nalang ako ulit HAHAHA CHAR. I don't know.

O sige na, laters goys!

14
$ 1.49
$ 1.38 from @TheRandomRewarder
$ 0.02 from @cinderella
$ 0.02 from @Jijisaur
+ 6
Sponsors of Micontingsabit
empty
empty
empty

Comments

Di ko rin kayo ma judge kung bakit you resort to smoking when stressed but I hope na you'll find better ways to cope up with anxiety na hindi naco-compromised ang health. Cheers to that 🤟

$ 0.00
2 years ago

Yung papa ko malapit na magsenior. He is a chainsmoker. Sobrang lala niya mag yosi. Di rin namin siya mapigilan kasi nga sobrang addicted na siya sa yosi. Pero ang nakakagulat ni minsan di ko nakita na ospital tatay ko tapos yung boses niya hindi nanginginig na parang sa mga chainsmoker talaga.

$ 0.01
2 years ago

Same ata sila ng tatay ko sis. Chainsmoker dn tatay ko, pero nakakapagbike pa sya ng mejo malayo. Hindi na dn sya mapigilan, kapag di nakapagyosi maghahanap pa yan ng barya makabili lang kahit isang stick

$ 0.00
2 years ago

Mukang nag-enjoy po kayo kasama ang kaibigan niyo hehe. I also have friends na nagyoyosi, though I don't really try it po because of my asthma.

$ 0.01
2 years ago

Tita bonding na kami hahaha grocery time hahaha

$ 0.00
2 years ago

May psychological effect kasi ang pagyoyosi kaya hindi sya madaling igive-up aside from the nicotine na nakakaaddict . Like sayo nagiging stress reliever or nakakapag pakalma may soothing effect, yung feeling na may" me time" ka kapag nagyoyosi. Hubby ko one pack a day dati pero gradually sa tulong ko, hahaha! unti unti nabawasan hanggang sa totally nawala na at ngayun pag nakakaamoy ng yosi nahihilo na hehe. Keri yan gurl.

$ 0.01
2 years ago

Ay di naman ako umabot sa one pack a day unless nagiinuman. Ako kahit anong try ko or kahit after nung nanganak ako, I still find yung amoy ng yosi appealing pa dn hahaha. Pero nastop ko naman sya nagbabadya lang talaga na magbalik

$ 0.00
2 years ago

May friends din ako na nagyoyosi ate :) pero ako hindi kasi talaga pwede. Support lang ako sa kanila, pero lagi ko rin sinasabihan na basta wag silang sosobra hehe.

$ 0.01
2 years ago

Nako wag ka magyoyosi hahaha. Basta as long as di ka naman nila pinipilit or pinapatry.

$ 0.00
2 years ago

Hindi naman po nila pinapasubok, at bawal din po kasi sa akin dahil nattrigger asthma ko. Lumalayo po sila kapag magyoyosi sila

$ 0.00
2 years ago

adulting momsh...hayz.. minsan din gusto ko na rin na maging ham...hahahaha

$ 0.01
2 years ago

HAHAHAHAHAA OMG! mga frozen goods HAHAHAHA

$ 0.00
2 years ago

Hindi po talaga madali e cut yung ties sa nakasanayan na natin. Pero okay lang po yan atleast you're trying your best and I know soon, you will be able to conquer it.💗💗

$ 0.01
2 years ago

Yes yes, hoping na lang dn ako na sana magtuloy tuloy ang pagstop ko

$ 0.00
2 years ago

💗💗💗💗💗💗

$ 0.00
2 years ago

Pag nasanay tlga friend ang hirap kalimutan noh. Ang lhat naman friend nakakaya sa tulong ni lord

$ 0.01
2 years ago

Mahirap talaga pag nkaugalian na sis nuh pero I know someday makakaya mo dn yan.

$ 0.01
2 years ago

Nagulat nga ako nakaya ko sya itigil since nung nagbuntis ako eh. Nawala yung cravings, bumalik lang talaga ngayon

$ 0.00
2 years ago

Kahit sa agdadiet nandun pa rin yung urge na kumain ng marami, kaya naman laban lang po makakayanain din po natin yung ma goal na gusto nating maachieve soon

$ 0.01
2 years ago

Totoo yaaaaan. Mapapamind over matter ka talaga. Hindi naman kasi chain smoker so kaya ko syang istop pero pag may urges or stress talagang mapapayosi ako. Kelangan ko dn maging healthy para ke bebe

$ 0.00
2 years ago

Struggle din po talaga ang magcommit but soon malalampasin din natin ang mga urges na natin yan

$ 0.00
2 years ago

Maganda yung ganung style sis, yung kanya kanya kayo ng contribution sa bahay, mas magaan sa pakiramdam. Anyway hindi talaga madaling tigilan at tanggalin ang bisyo, kaya pag gusto ng mag quit minsan napapasubok pa din. Wala naman akong bisyo, nakikita KO Lang sa mga taong nakakasalamuha ko.

$ 0.01
2 years ago

Totoo yan sis. Hindi ko alam o psychological na lang dn talaga siguro na minsan bisyo ang nagpapakalma sken.

$ 0.00
2 years ago

hello po ate. kung nakasanayan mo na talaga ang bisyo may mga panahon talaga na hahanap-hanapin mo yan, pero syempre iba na ngayon dahil may baby ka na so paminsan-minsan nalang. dun nalang sa kung tatawagin ka talaga ng pagyoyosi mo hehehe. hintayin mo pong tawagin ka😃

$ 0.01
2 years ago

That's actually a good advice at least hindi araw araw, occasionally na lang. Kaya nga bilib ako sa ibang tao na ang bilis nila nakapagquit. Since college kasi nagyoyosi na ko, around 2010 so isang dekada talaga bago ako nastop dahil nabuntis ako. Pero may mga kilala ako na kahit buntis sige pa dn magyosi.

$ 0.00
2 years ago

oo meron kaming kapitbahay dito kahit buntis nagyoyosi pa din and parang ok lang din naman anak niya

$ 0.00
2 years ago

At least sis, share share kayo sa bahay. Ako kasi lahat halos ng gastusin dito sa bahay ako sumasagot. Apwera pa dyan yung mother ko na sinusupport ko din (di sya sa akin nakatira). Ang pinipray ko lang kay God na sana continuous yung capability ko na makatulong. Feeling ko bawal ako magpahingan. Kaya kahit malaki rin naman salary ko, sige pa rin ang raket ko.

$ 0.01
2 years ago

Hindi kasi talaga kaya kapag di kami nagsshare. Nakakahiya lang sa asawa ko kasi wala akong trabaho so sa kanya ako nanghihingi.

$ 0.00
2 years ago

ang ganda po na share share po kayo sa gastusin sa bahay, kumbaga po ay tulungan. mahirap din po magkaroon ng bisyo kung may anak na po.

$ 0.01
2 years ago

Pero minsan di pa din talaga enough, kaya nagiisip nga ako pano ako magkakaearn pa ng mas malaki dito para mas makatulong pa. Madami din nasasacrifice para sa sarili naming pamilya for now.

Hindi ko na kasi talaga alam pano ako mapapanatag minsan kaya nagreresult na lang ako sa bisyo, lalo na ngayon bihira ko makausap mister ko kasi pumapalya ang gadgets nya lately.

$ 0.00
2 years ago