After Party, A Nightmare Happens Part II Sapi

4 32
Avatar for Meraki
Written by
3 years ago

Good day mga kaibigan, medyo na busy ako dahil sa nagpa konsulta ako kanina sa OB gyne. Kaya ngayon lang ako nagkaroon ng oras para makapag sulat ng Part II.

Ito na po yung karugtong sa una kung isinulat na artikulo. Kung hindi niyo pa po nabasa ito po ang Part I ito ang link niya https://read.cash/@Meraki/after-party-a-nightmare-happens-part-i-b6dcc087

Nalaman nga namin na meron kalaro ang anak ko ng hindi nakikitang tao o laman lupa.

Nabigla ako kasi palagi kung kasama ang anak ko pero hindi ko manlang yun nahalata at naramdaman, dahil tahimik lang naman ang anak kasi tatlong taon pa lang sya noon. Nahuhulog siya palagi at napipilayan pero hindi namin alam na ganoon na pala ang nangyayari at kung natuloy pala kaming umuwi ng araw na yun ay mawawala sa amin yung bunsong anak ko. Palagi na pala namin kasama ang taong laman lupa. At sumama pa sa amin ng umuwi kami at doon nagsimula na sapian ang kapatid ko.

Kinausap ko ang kapatid ko na sinapian nung medyo nawala na ang takot ko.

Ako: Kung sino ka man na nandyan sa katawan ng kapatid ko bakit gusto mong kunin ang anak ko?

Aira: Wala akong kasama sa tinitirhan ko, at tahimik lang si anthony kaya gusto ko siya kalaro.

Ako: Hindi ko siya ibibigay sayo, hindi mo siya pwedeng kunin

Aira: Hindi ko naman siya sasaktan gusto ko lang makipaglaro.

At bigla siyang umiyak na parang bata. Kaya gusto niya pala kunin ang anak ko dahil pamalit raw sa sinira naming tahanan niya. Yung pinagtayuan pala namin ng bahay ay doon siya naninirahan. Galit na galit siya sa amin.

At unti unting nawala ang galit ng laman lupa nung nakita niya si anthony ang bunso ko. (kwento ng kapatid ko nung magaling na siya) Nakita din ng kapatid ko na hinihimas himas ng laman lupa si anthony habang natutulog. At nang oras na yun na meron sapi ang kapatid ko, si anthony ay matamlay, tahimik lang, walang ganang kumain at makipag laro. Kaya nagpasya kami na hindi muna umuwi. Dahil natakot kami sa nalaman namin.

photo credit via Unsplash.com

At sinimulan ng albularyo na gamutin si Aira, iyak ng iyak habang ginagawan ng ritwal. Sabi ng albularyo hayaan lang siyang umiyak dahil hindi yun si Aira. Ilang minuto biglang tumigil at parang nanghina si aira. Sabi ng albularyo lumabas na sa katawan ni aira ang laman lupa. Pati ang anak ko pinasara ang third eye niya. Para hindi na malapitan ng laman lupa. Isang malaking tao at mahaba ang tenga ng laman lupa, pero tuwing nakikipag laro ito sa anak ko nag aanyong bata siya para hindi matakot si anthony at makipag laro sa kanya.

Dahil panatag na kami na wala nang sapi si Aira kaya umuwi na ang albularyo, kinabukasan nakipag libing si Aira sa namatay nilang kaklase pero sinamahan siya ni nanay. Habang nasa simbahan, sabi ni nanay tahimik lang si aira at hindi nagsasalita, hindi niya rin kinakausap ang mga kaibigan niya, iniirapan niya lang ito at hindi pinapansin. Pagkauwi nila ni aira at nanay nagbihis at umupo siya sa balkonahe. Tinanong namin siya at sumasagot naman, sinabihan pa ako na bantayan si anthony dahil umaaligid aligid pa ang laman lupa na, ngumingiti pa nga kaya akala namin maayos na siya. Tapos si nanay inayos yung buhok niya, pinusod ito ni nanay na parang bata.

At ilang sandali bigla na naman itong natulala at sa iisang direksiyon lang nakatingin. Pinapahiga siya ni nanay pero ayaw niya. Hindi na rin niya kami sinasagot pag kinakausap namin siya. Hindi na umiimik at iniirapan niya na lang kami.

Bigla nagsalita ang ate ko na hindi pa yan magaling kaya kelangan uli na tawagin ang albularyo. Tinawagan nga nila at agad pumunta ang albularyo sa bahay.

Ng makita ng albularyo at hawakan ang pulso ni Aira napailing ito dahil iba na naman raw ang sumapi kay Aira. At isang batang babae na nakatira sa punong kahoy sa loob ng bakuran ng inuupahan na bahay ng magulang ko.

Sinimulan na nga gamutin uli si Aira, at umiyak na naman ito na parang batang nagmamakaawa pero hindi pinalapitan sa amin.

At inisa isa ng albularyo ang puno na naroon dahil ang kaluluwa ng kapatid ko ay nandun sa puno nakatali. Naramdaman niya ng biglang parang may humila sa kanya na pumunta sa puno na yun. Si Aira pala yun at humihingi ng tulong. Mga isang oras ang lumipas bago napa alis sa katawan ni Aira ang batang babae na sumapi sa kanya.

Umiyak kaming lahat na magkakapatid pati mga magulang namin, dahil gustong isama raw si aira ng mga sumasapi sa kanya, at nanghihina na rin ito kasi pagod na pagod na siya, pag bumabalik siya sa katawan niya gutom at uhaw siya. Tinatawag namin ang pangalan ni aira para marinig niya na hindi namin siya pababayaan. Tinatali kasi siya at dinadala sa ibang lugar pag mayroon naka sapi sa kanyang katawan.

Hanggang kinabukasan ganoon pa rin, hindi na siya nilulubayan ng mga masasamang elemento ng mga laman lupa. Halos hindi na kaming lahat kumakain sa pag aalala kay Aira. Dumating yung mga kaibigan niya ng ikatatlong araw na ganoon ang sitwasyon niya. Kinakausap nila si aira kahit hindi ito sumasagot sa kanila. Sobrang nanibago sila dahil hindi naman ganoon ang ugali ni aira. Maiingay sila pag nagkikita kita. Habang kinakausap nila ito bigla na naman natulala at biglang nanghina. At namumutla na din siya. Kami naman nagkagulo agad. Yung ate ko tinatawagan ang albularyo pero hindi agad makakarating dahil meron din ibang ginagamot pa. Hindi na namin alam ang gagawin at lahat kami ay mangiyak iyak na.

Hanggang nagsasalita na si aira at tinatawag na si nanay at humihingi ng tulong. At hirap na hirap na raw siya at pagod na pagod na. Nagsasalita na rin siya na sasama na lang para matapos na ang lahat. At si nanay naman iyak na ng iyak.

Aira: Nanay tulungan niyo ako

Nanay: Aira wag kang sasama, mahal na mahal kita. Hindi ko kakayanin pag mawala ka.

Aira: Tulungan niyo ako, nanay! nanay!

Lahat kami nataranta na pati yung bakla na manghihilot kinuha na nila tatay, para matulungan kami. Pero sabi ng manghihilot na trauma lang si Aira.

Hindi kami naniwala kasi iba ang trauma at sapi. Hanggang sa tumawag ng ibang albularyo para maagapan agad dahil hinang hina na si aira. Gumaling naman siya, sabi ng albularyo gusto nilang sila ang manirahan sa bahay na inuupahan ng magulang ko. Nagkataon lang na si aira ay mahina kaya siya ang sinapian. At binantayan siya buong magdamag dahil baka umulit na naman. Pero sa awa ng diyos gumaling na siya pero hindi makausap pa ng maayos dahil tulala lang at hindi pa siya makapaniwala na nangyari yun sa kanya. Pinalipat rin muna siya sa bahay ng auntie ko at pinagsuot ng rosaryo.

Kasabay ng pag galing ni Aira ay ang bagyong tisoy. Sobrang lakas at lahat kami basang basa, at ang bunso kong anak nilalagnat ng gabing binabayo kami ng bagyong tisoy. Lahat kami hindi nakatulog at walang kain. Pakiramdam namin noon pinaparusahan kami. At nang gabing yun parang katapusan na ng mundo dahil ang lakas ng hangin at ulan..

Tanging dasal na lang ang aming nasasambit nung gabing iyon.

Pinagdaanan man namin ang unos na yun. Yun din ang naging daan na maging matibay ang relasyon namin mag pamilya. Dahil sa oras na yun sa isa't isa lang talaga kami kumapit.

Maraming Salamat sa lahat ng magbabasa nitong article ko. Luv yah!!!

photo credit via unsplash.com

2nd article.

August 20,2021

3
$ 0.10
$ 0.05 from @Zcharina22
$ 0.05 from @Ling01
Sponsors of Meraki
empty
empty
empty
Avatar for Meraki
Written by
3 years ago

Comments

Ipabless niyo kaya yung bahay niyo ate.. Grabe habang binabasa ko ito nakakaramdam ako ng kilabot. Godbless you and your family ate kapit lang po sa Panginoon..

$ 0.00
3 years ago

Lumipat na magulang ko sis. At ngayon pag nakikita ko ang bahay na yun kinikilabutan ako

$ 0.00
3 years ago

Roadmap

Aaah lumipat na pala kayo...okay na rin yun para magpakaroon po kayo ng peace of mind.

$ 0.00
3 years ago

oo sis totoo yan. Natahimik na nung lumipat.

$ 0.00
3 years ago