Hello to all here in readcash. This is my first article to write. And I hope maayos ang una kong article dito.
Itong isusulat ko ay hindi kathang isip, ito ay talagang nakita at nasaksihan ko, marami rito na alam kong hindi maniniwala dahil sa teleserye at mga pelikula lang natin ito nakikita. At ang iba dito ay hindi naranasan ito kailan man.
Naniniwala ka ba sa laman lupa at kababalaghan?
Pagsisimula
Kaarawan ng aking pamangkin noon, Taong 2019, buwan ng Nobyembre. Pinauwi kami ng ate ko dahil gusto ng pamangkin ko na nandoon ang mga pinsan niya sa kaarawan niya. Kahit wala kaming pamasahe ay binigyan kami ng ate ko para lang maka punta. Kami lang kasi ang kulang pag hindi kami dumalo sa simpleng selebrasyon. Simpleng handaan lang kasi kaming pamilya at malalapit lang na kaibigan nila ang dumalo sa kaarawan ng pamangkin ko.
Masayang masaya ang lahat lalo na at minsan lang magkita-kita. Dahil kahit iisa lang ang probinsya na tinitirhan namin magkakalayo naman na bayan. Mayroon nag kakantahan, kainan, nag iinuman at naglalaro naman ang mga bata. Lahat naki-ayon sa selebrasyon, walang kahit isa na naging malungkot at nagwala dahil sa kalasingan. Kinagabihan ay nagsasayawan na dahil mga lasing na.
Nang natapos na ang selebrasyon hindi agad kami umuwi, dahil nga minsan lang nakauwi nanatili muna kami ng ilang araw sa inuupahang bahay ng mga magulang namin.
Yung bunso namin na kapatid kinabukasan nag camping sila sa school katapat lang ng bahay na inuupahan nila nanay kasi scouting noon sa kanila. Ayaw payagan sana ni nanay dahil gabi kaya lang para sa pag aaral kaya napapayag si nanay, grade 10 siya noon. Kasama naman lahat ng kaibigan niya kaya naging panatag si nanay. Nang mag hahating gabi na bigla kami nagising lahat kasi kumalabog yung gate pero naka locked yun kasi palagi yun naka locked pag matutulog na kami. At nabigla kami kasi yung bunso kong kapatid at yung isa niyang kaibigan nasa may pintuan na at umiiyak habang kumakatok, tapos naninigas ang katawan ng kapatid ko.
Tinatanong namin kung anong nangyari pero hindi sumasagot ang bunsong kapatid ko. Kaya yung kaibigan niya yung nag kwento, pero nanginginig din at takot na takot habang nagsa-salita ay mangiyak-iyak din.
Habang nasa eskwelahan sila kwento ni Hannah kaibigan ng kapatid ko, meron silang classmate na namatay dahil sa sakit at sumapi ito sa isa nilang kaibigan at kaklase, kaya nagkagulo ang lahat ng nandoon sa camping, at dahil nga kaibigan nila ang sinapian sabi ni hannah gusto daw ito tulungan ng kapatid ko sa pamamagitan ng pagkuha sa bahay ng alcamporado na bigay ng albularyo sa kanila. Doon pa lang sa school marami nang umiiyak kaya dali dali silang lumabas ng school. At sabi ni hannah ang bilis maglakad ng kapatid ko at hindi niya mahabol ito, nakakapagtaka kasi ang dali niyang nabuksan ang gate.
Habang inaalalayan namin ang kapatid ko kinakausap at niyayakap ito ni nanay, na okay lang yan at wag na bumalik sa eskwelahan, pero mas lalo siyang umiiyak at nanginginig. At dahil kinakabahan na rin si tatay kaya kinuha nila ang malapit na albularyo para tingnan kung bakit nagka ganoon ang kapatid ko, pero sa labas marami nang nag iiyakan na estudyante habang pauwi sa bahay nila.
Dumating ang albularyo at sabi niya nabigla lang daw ito sa nakita at natakot kaya ganun na lang ang reaction niya. Nang matingnan ito ng albularyo at dinasalan ay bigla itong inantok kaya pinahiga na namin, pero naka bantay pa din si nanay at tatay. Ang kaibigan niya naman ay hindi na namin pinauwi, pinatulog na lang namin sa bahay. Baka kasi kung mapaano pa sa daan.
Kinaumagahan nag uusap usap na kami tungkol sa nangyari nung nakaraan na gabi nang biglang lumabas si bunso, at sumakay siya sa duyan na nasa balkonahe. Akala namin ay ayos na siya kaya hinayaan muna namin kasi bagong gising. Tapos itong kaibigan niya lumabas at uuwi na daw siya, baka raw hanapin na siya ng mga magulang niya. At nagpaalam ito sa kapatid ko pero inirapan niya lang ito. Nagtaka si Hannah kasi closed na closed silang magkaibigan at unang pagkakataon na hindi siya nito pinansin, pero hinayaan lang ni hannah kasi naiintindihan naman niya na baka shocked pa ito sa nangyari kagabi.
Kami naman nag gagayak na kami para umuwi kasi ilang araw na din kami nanatili doon at meron pa trabaho ang mister ko. Nakabihis na kami pati na din ang dalawa kong anak ng bigla nagsalita yung kapatid ko ng pasigaw sa amin ng bunso kung anak at sabi niya sa anak ko.
Aira: Psst!! Anthony wag kang sasama sa kanila, gusto nila tayong pag hiwalayin!!
Ako naman bilang ina, bigla akong kinilabutan at kinarga agad ang anak ko, at medyo lumayo sa kapatid ko. Para hindi niya mahawakan ang anak ko. Kasi nag iba yung ugali niya. Nanlilisik din ang mata niya habang nakatingin sa amin. Bigla akong naiyak. At tinawag ko agad si nanay.
Kinausap ito ni nanay...
Nanay: Uuwi na sila kasi meron pa trabaho ang kuya mo (asawa ko)
Aira: Hindi pwede! hindi nila pwede dalhin si anthony. Hindi kami pwede maghiwalay ( umiiyak )
Sabi naman ng ate ko, nanay kelangan natin yan patingnan sa albularyo, kasi alam talaga namin na nag iba ang kilos niya.
Ako naman binigay ko muna sa asawa ko ang anak namin, tapos kinausap ko siya. Pero sa totoo lang natatakot akong lumapit sa kanya. Pero pinilit ko kasi sa isip ko baka ayaw niya lang pauwiin muna ang pamangkin niya, kasi siya lagi ang unang pinaka excited pag uuwi kami.
me : aira uuwi muna kami kasi meron kaming dapat asikasuhin din dun sa bahay.
aira : pinaghihiwalay niyo kami ni anthony!
Tinawagan agad nila ang kakilala nilang albularyo na magaling sa sapi. Medyo nagtagal pa bago dumating dahil sa malayo at mahirap ang sasakyan kasi nga umaga pa lang.At kami naman hindi muna kami pinayagan mag byahe kasi baka raw kung anong mangyari sa amin habang nag byahe.
Dumating na yung albularyo at sinabi agad niya, yung anak ko ang dahilan kaya sinapian si aira, kaya ako naman nabigla. Sabi ko paano naman nangyari yun?
At bigla agad namin naalala ng ate ko, yung pagkadating pa lang namin pinahilot namin ang anak ko na si anthony kasi inuubo siya, kasi sabi ko baka meron na naman siyang pilay. At sabi ng baklang manghihilot na meron kalaro ang anak ko na hindi namin nakikita at medyo matagal na raw. Sinabi pa ng manghihilot na pag nagagalit daw ang kalaro ng anak ko ay sinusuntok at hinuhulog siya nito.
To be continued.....
Part I pa lang po iyan mga kaibigan. Akala ko kasi kaya sa isang article lang. Ang haba pala. Bale kasi pang apat na araw yan na kwento. Kaya mahaba haba pa. Salamat po sa matiyagang pagbabasa hanggang sa Part II po sana ay antabayanan niyo ang artikulo ko.
Habang sinusulat ko ngayon yan, ang lakas ng kabog ng dibdib ko sa kaba, dahil hanggang ngayon pag naaalala ko natatakot pa rin ako at kinikilabutan.
GOODNIGHT EVERYONE AND HAVE A GOOD SLEEP !!!
August 17,2021
Tuesday
1st Article
Lead image source: via unsplash.com
Ano ba naman itong mga topic natin, parang madadalawang isip akong basahin kasi madaling araw ko to nakita hahaha pero bet ko din ganitong mga kwento, lalo na't based on experience