Puppy Love: Themesong "Later" Part I

11 31
Avatar for Meraki
Written by
2 years ago

Hello guys heheheh. Andito na naman ulit ako. At ito muna ang isinulat ko. Tsaka na yung Part II ng Pregnancy Journey ko .. Pag highschool di ba madaming crush at textmate noon? At mahilig din noon yung may themesong bawat mag jowa. Relate kayo noh! Lalo na ang mga batang 90's. Kaya ito naisipan kong gawan ng istorya..

The name of main character is Jannah and Angelo!!!!

Pasukan na naman sa eskwelahan kaya nasa bayan na si Jannah at hinatid siya ng nanay niya sa magiging boarding house niya. Fourth year highchool na siya.

Nanay: Anak iiwan na kita dito ha, kasi baka iwanan ako ng sasakyan. Mag ingat ka dito at wag kang mag gala ng mag isa. Kung pwede lang na eskwelahan at bahay ka lang. Delikado ang panahon ngayon. Oh ito yung allowance mo sa isang linggo, tipirin mo yan..

Mahabang litanya ng nanay ni Jannah.

Jannah: Opo nay, susundin ko po ang sinabi mo. Hindi naman po ako lumalabas ng bahay. Di'ba nay?

Sagot naman ni Jannah. At umalis na ang nanay ni Jannah para umuwi.

May kalayuan ang bahay nila Jannah dahil kelangan pang sumakay ng bangkang de motor para makarating sa bayan. At sa umaga lang ang byahe ng bangkang de motor kaya kailangan bumalik agad ng nanay niya, baka kasi maiwanan siya.

Nag datingan na rin ang ka boardmate niya. Bale lima silang boardmate. Tapos makakasama rin lang nila sa iisang bahay ang may ari.

Dahil bago pa kaya nagkakahiyaan pa sila mag usap usap na mag boardmate. Tahimik lang nung gabing yun kaya natulog agad si Jannah dahil kinabukasan, lunes na at meron na silang pasok. Excited na din kasi siya na makita ang mga kaibigan niya at kung sino ang magiging classmates niya sa section niya.

Kinaumagahan 4:30 am pa lang gising na silang lahat na magka boardmate para magsaing at magluto ng breakfast. Tapos mag iigib din ng pang ligo.

Ganun ang eksena nila tuwing umaga sa boarding house. Para hindi rin ma late sa school kaya nakasanayan na nila na magising ng maaga.

Pangalawang araw pa lang ni Jannah sa boarding house, gabi nun ng pumasok ang pamangkin ng may ari. At iyon ay si Angelo. Nalaman kasi niya na meron nangungupahan sa bahay ng tita niya, kaya bigla siyang napadalaw sa tita niya. Kasama ang pinsan niyang babae na si Girlie. By the way katabi lang ng bahay ng tita niya ang tinutuluyan ni Angelo na tita din nya (sana hindi kayo maguluhan haha)

Angelo: Hello sa inyong lahat

Si Jannah naman ay tahimik lang at ngumiti lang kay Angelo. Medyo nahihiya pa kasi siya. Bigla nagsalita yung pinsan ni Angelo na si Girlie...

Girlie: Jannah pwede ba raw humingi ng number mo si Angelo?

Jannah: Bakit naman hihingin niya number ko?

Girlie: Gusto niya lang daw makipag kaibigan sayo

Jannah: Ahh ok sige! Ito number ko

Binigay naman agad ni Jannah ang number niya. At ito naman si Angelo pangiti ngiti lang sa gilid . (ngiting tagumpay haha)

Kinabukasan na ng e text ni Angelo si Jannah. Dahil medyo nahihiya pa siya.

Naging mag textmate si Jannah at Angelo, kahit pwede naman sila mag usap ng personal dahil magkatabi lang ang inuupahan nilang dalawa. Araw araw silang magkausap sa cellphone.

Hanggang sa niligawan na ni Angelo si Jannah, nahulog na ang loob ni Jannah kay Angelo kaya sinagot niya agad ito.

2nd year college na si Angelo nun. At si Jannah naman ay 4rth year highschool. Kaya hindi sila magka sabay pumasok sa eskwelahan dahil iba naman ang schedule ng classes ni Angelo. Gabi na rin lang sila magkausap dahil na rin naging busy sa kani-kanilang pag aaral.

Hindi naman nakakalimutan maging sweet ni Angelo kay Jannah, palagi niyang binibigyan ng Loveletter kahit nagkakausap sila sa cellphone. Love ang term of endearment nila

Angelo: Love para sayo

Jannah: Ano to! loveletter?

Angelo: Oo hehehe, mamaya mo na basahin. Love gusto mo palitan tayo ng simcard?

Jannah: Ngayon na ba love?

Angelo: Oo. Para makasiguro ka na wala akong iba, kung di ikaw lang..

Jannah: Haha ganun! sige na nga. Wag mong sasagutin ang tawag ng ate ko ah. Baka isumbong ako kay nanay na nakipag palitan ako ng sim card sayo.

Angelo: Ok. No prob love. Ano yung themesong natin?

Jannah: Ikaw na ang pumili love

Angelo: Ikaw na love..

Jannah: "Later" na lang favorite ko yan ei.

Angelo: Sige love. Sabi mo yan eh

Nagpalitan nga si Jannah at Angelo ng sim card. Kinilig naman si Jannah kasi wala naman ibang textmate si Angelo bukod sa kanya. Hindi rin mawari ni Jannah kung bakit yun ang napili niyang themesong nila. Siguro dahil favorite niya yun. At sumang ayon naman si Angelo.

ITUTULOY ........

Magiging Happy ba ang ending ni Jannah at Angelo? Abangan........

Itong story ay fictional lang po.. Hahaha Hirap mag isip ng story. Ito ay Part I pa lang, Abangan niyo po ang Part II.... Maraming Salamat sa magbabasa.

My 5th Article
Puppy Love 
Themesong "Later"
August 27,2020

Lead image credit from Picsart

Here some of my articles:

(1) https://read.cash/@Meraki/after-party-a-nightmare-happens-part-i-b6dcc087

(2)https://read.cash/@Meraki/after-party-a-nightmare-happens-part-ii-sapi-38c9a696

(3)https://read.cash/@Meraki/lost-314e914b

(4)https://read.cash/@Meraki/my-pregnancy-journey-part-i-b0c7f828

7
$ 0.13
$ 0.05 from @mhy09
$ 0.03 from @Zcharina22
$ 0.03 from @Ling01
+ 1
Sponsors of Meraki
empty
empty
empty
Avatar for Meraki
Written by
2 years ago

Comments

Nakakaproud naman sa mga kaya gumawa ng ganito katulad sayo :D Looking for the next part, for sure happy ending ito(sana nga hahaha)

$ 0.01
2 years ago

hehe salamat po sis. Hilig ko kasi noon na magbasa ng pocketbook. Kaya try ko kung kaya kung gumawa din haha. Naka published na sis part 2.

$ 0.00
2 years ago

Segi Sis, basahin ko mamaya during vacant ko:)

$ 0.00
2 years ago

cge sis salamat

$ 0.00
2 years ago

Pahamak talaga yang cellphone na yan sis, nakakasira ng buhay....hahahaha

$ 0.01
2 years ago

hahaha bakit sis

$ 0.00
2 years ago

Yung simcard ba sis dito yun? Hahaha, alam kona may malalaplap na naman ang tigre na isang puting karnero lods,. Later nalamg din ang comment lods hahah

$ 0.01
2 years ago

hahaha awitt..

$ 0.00
2 years ago

Hahahhaah grabe yung palitan ng simcard..pag ako hindi ko yun gagawin haha mabuking pa ako sa kalokohan ko haha

$ 0.01
2 years ago

ahaha uso yan noon sis..

$ 0.00
2 years ago

Grabe naman privacy yun eh..

$ 0.00
2 years ago