Whether we are blood relatives or not

8 38
Avatar for McJulez
3 years ago
Topics: Life

Maugong ang bansang Pilipinas sa buong mundo buhat ng mga kabi-kabilang isyu na kinasasangkutan at nangyayari sa nasyong ito.

Talamak ang mga kaso ng iba’t-ibang krimen, droga, at karahasan. Karamihan sa mga suliraning ito ay nag-uugat sa hindi maitatanggi at napakatagal nang dinaranas ng malaking porsyento ng mga Pilipino – ang kahirapan.

Alam ng marami na ang Pilipinas ay masagana sa likas na yaman, subalit bakit nga ba mabagal ang pag-unlad ng mga naninirahan dito at mayroon pa ring mga nasa laylayan?

Patuloy ang pagbubulag-bulagan ng ilan at hindi nawawari ang tunay na sitwasyon ng nasasakupan. Ang mga pondong nakapagdulot sana ng kaginhawaan ay naglahong parang bula.

Bunsod sa kahirapan, marami ang hindi nabibigyan ng pagkakataon na makapasok sa paaralan at matamasa ang kalidad na edukasyon. Ang labis na pagkalam ng sikmura ng iba ang nag-uudyok sa kanilang gumawa ng krimen – kumakapit sa patalim mabuhay lang ang pamilya. Ang masalimuot pa rito ay ang hindi pantay na pagbibigay ng hustisya. May mga inosenteng Pilipino na pinapatay o naikukulong, ngunit sa kabilang banda, malayang-malaya naman ang mga opisyal na nagnanakaw ng kaban ng bayan.

Mataas din ang porsyento ng mga walang trabaho at unti-unti nang nalalagas ang mga propesyonal sa ating bansa. Mas pinipili nilang makipagsapalaran sa lupain ng mga dayuhan upang magkaroon ng salaping pantustos sa pangangailangan ng mahal nila sa buhay. Dumagdag pa sa dagok ng mga Pilipino ang pandemyang mas lalong humila sa buhay ng mga Pilipino paibaba. Ang pagbagsak ng ekonomiya ng Pilipinas ang dumidiin sa mga mamamayan sa rurok ng kahirapan. Maraming buhay ang nasawi dahil sa kakulangan ng pasilidad pangkalusugan sa ating bansa at karamihan ay mga mayayaman at may pribilehiyo lamang ang nakakatamasa ng sapat na serbisyo.

Higit sa lahat, hindi man natin napagtutuunan ng pansin ang isyung ito dahil sa pagkaka-angat ng ibang suliranin, ito’y nangyayari at tayo ang suspek at biktima. Nawawala na ang ating pagiging pagka-Pilipino. Ang pagsakop ng mga dayuhan sa atin ay buhat ng mga iba’t-ibang uri ng impluwensiya na nangyayari sa kasalukuyan. Sa ating lubhang kagustuhan sa paraan ng kanilang pamumuhay ay mas pinipili natin ang produkto nila kaysa sa atin. Ito’y may malaking problemang dulot sa ating ekonomiya. Bagaman ay madami ang natutuwa sa pagtaas ng halaga ng dolyar sa ating salapi, ito ay pahiwatig na ang ating ekonomiya ay nasa panganib at palabo na nang palabo ang ating pagbawi.

Sana’y maging sagisag tayong lahat ng pagbangon ng ating bayan at maging bahagi ng tunay na pagbabago. Ang pagkakaisa at pagkakaroon ng mabuting intensyon ang makakapagpabangon sa lugmok na sistema at kalakaran ng Pilipinas. Malabo man, hinihiling pa rin – hangga’t iwinawagayway ang watawat ng Pilipinas, mayroong pag-asa na bukas-makalawa, magiging malaya na tayo sa mga taong mapang-api, kadugo man natin o hindi.

1 - Digital Wellbeing: Fine-tune your Tech Habits/ 2 - Promote Better Growth/ 3- Those were the days, my friends/ 4- New Experiences Come and Go/ 5 - Admit or Lie: Choosing Between Options

Sponsors of McJulez
empty
empty
empty

Special Notes:

All Other Images used in this article (without watermark) are Copyright Free Images from Pixabay and Unsplash.

This is original content.

5
$ 5.05
$ 4.90 from @TheRandomRewarder
$ 0.05 from @Ruffa
$ 0.05 from @Cineholic
+ 1
Sponsors of McJulez
empty
empty
empty
Avatar for McJulez
3 years ago
Topics: Life

Comments

Mali nga eh, dapat mga tao nalulungkot tuwing bumababa ang halaga ng peso kaso dahil sa mga umaasa sa $ gusto mas mababa ang halaga ng piso para mas marami silang makuhang piso. Sus ginoo. Parang di naisip ang inflation.

Tapos ayun na nga maraming walang pakialam sa kalikasan. Isa pa yan sa problema natin. Paano uunlad ang bayan e mga nakakaisip makinabang puro mayayaman lang. Yung mga nasa laylayan di naman natuturuan paano kumita at magnegosyo e di wala haha. Pag binigyan ng pangkabuhayan o pabahay ano ang gagawin? Ibebenta at titira pa rin sa kalsada. Haaay Pilipinas.

$ 0.00
3 years ago

Nakakalungkot isipin na Ang pondo para sa bayan ay napupunta sa Kaban Ng iilan na nanunungkulan sa gobyerno pero naniniwala ako Ang lahat ay may hangganan good luck na lang sa kanila.

$ 0.01
3 years ago

Opo. Salamat po sa pagbabasa.

$ 0.00
3 years ago

Wala pong anuman,

$ 0.00
3 years ago

O don't really know what to say pero nakaka lungkot lang talaga na marami pang nangingibang bansa dahil sa kahirapan. To those OFW good news ang pag taas ng dolyar, even satin na may crypto sa bulsa. Pero humihina naman ang ekonomiya ng bansa natin. Sinabayan pa ng pandemic na to tsk. Sana lang talaga maging maayos na ang Lahat tsk.

$ 0.01
3 years ago

Sana nga maging maayos na ang lahat ate Ruffa. :)

$ 0.00
3 years ago

Alam mo binasa ko talaga to Mala Vicky Morales. Ang galing mo dito!!

$ 0.01
3 years ago

Salamat o. Have a great day. :)

$ 0.00
3 years ago