Bakit nga ba importante?

4 32
Avatar for McJulez
2 years ago

Naniniwala ako na kapag ang isang bagay ay pinaghirapan mo, ang bunga nito'y magiging matamis. Gaya na lamang dito. Ito ay isang bagay na tumutulong sa akin, hindi lamang upang patunayan na maaari pa rin tayong kumita kahit na nasa bahay lamang, ngunit upang malaman ang tunay na halaga ng bitcoin cash. Ito'y aking nasimulang matutunan at malaman noong ako'y sumali dito.

Maraming mga artikulo ang nai-pupublish araw-araw, at kung mangyari na binabasa mo ang aking mga post, inaasahan kong kahit papaano ay naaliw ka at nakikita ang tunay na importansiya ng pagsulat ko sa artikulong ito.

Ipagdiriwang ko ang aking unang dalawang buwan dito limang araw mula ngayon. Ako ay masaya dahil sa lahat ng aking natangga dito at tila hindi ko namalayan ang paglipas ng mga araw. Salamat din sa lahat ng kaalaman tungkol sa BCH. Kung wala ang mga bagay na ito, maaaring walang pa rin akong muwang sa larangan na ito.

Ang mga dahilan na aking inilista sa baba aymga dahilan kung bakit ito importante at kung paano nakakatulong ang read.cash at noise.cash, bilang kapaki-pakinabang na platform.

Una, nagbibigay ito ng mga gantimpala sa ating mga artikulo.

Kapag nagsusulat tayo ng mga artikulo dito, may chance na makakatanggap tayo ng tinatawag na 'tip' mula sa iba, lalo na sa ating paboritong bot - TheRandomRewarder. Kailangan lamang magsulat ng isang natatangi at orihinal na post at magdagdag ng ilang litrato upang makuha ang atensyon ng iba. Huwag ding kalimutang makipag-ugnay. Sa pamamagitan nito, maaari ding i-tip ng iba ang ating mga artikulo.

Sa noise.cash, kapag nag-post tayo ng isang bagay, at nakakatanggap ito ng mga puso, makakatanggap tayo ng tip mula sa .01 - .03 dollar. Minsan, wala itong halaga, ngunit okay lang. Ang pagkakaroon ng hearts sa ating mga post ay sapat na upang sumaya ka dahil ang ibig sabihin nito ay nagustuhan nhg iba ang ating post.

Pangalawa, pinapabuti nito ang ating kasanayan sa pagsusulat.

Kapag patuloy tayong nagsusulat, mas nagiging madali ito dahil nakakatulong ito sa pagpapabuti ng ating kasanayan sa pagsulat, at nakakatulong din ito sa atin upang matuto ng mga bagong salita at upang maka-compose ng mga malikhaing pangungusap. Kung mag-aaral ka pa rin tulad ko, siguradong makakatulong ito sa atin sa pagsusulat ng mga sanaysay. Nakakapag-isip tayo nang mas mabilis, at kapag sinimulan ng magsulat gamit ang panulat mula sa papel, magiging deretso ang paglabas ng mga ideya at patuloy lamang ang pagsulat.

Maaari itong makaapekto sa mas mahusay na pagbabago.

Sa mga rewards na nakukuha natin, nakakabili din tayo ng ilan sa ating pangunahing mga pangangailangan tulad ng pagkain at damit. Sa aking pananatili dito, nakasave ako ng pinambili ko ng mga libro na kailangan ko para sa aming mga subjects, pag-load para sa internet data na mahalaga sa mga online classes, mga regalo para sa aking pamilya, at marami pang iba pa. Ang ilan ay naging mayaman din sa pamamagitan lamang ng pagte-trade, at ang ilan ay nakapag-ipon ng kanilang sariling pagnenegosyo kagaya ng paglo-load, at lahat ng ito ay dahil sa bitcoin cash. Naniniwala ako na si sir Marc ay higit masaya dahil sa lahat ng mga bagay na ito, at lubos akong nagpapasalamat sa kanyang pagkabukas-palad at pagiging mabuting ehemplo sa lahat. Higit sa lahat, salamat sa Diyos dahil natagpuan ko ang kapaki-pakinabang na platform na ito.

At marami pang iba

Mayroon tayong sariling mga kuwento upang sabihin kung gaano kapaki-pakinabang ang read.cash at noise.cash. Maaari mong sabihin ang iyong mga saloobin patungo rito. Ang pagsasabi ng pasasalamat ay hindi sapat ngunit hayaan niyo akong ipahayag ang aking pasasalamat sa bawat isa sa inyo. Pagpalain tayong lahat ng Diyos.

Hanggang diyan lang muna sa ngayon, guys. Alam ko at naniniwala ako na kailangan lamang nating magsikap upang mailapat ang lahat ng mga bagay na natutunan. Balang araw, aanihin din natin ang bunga ng ating psgsisikap. Mabuhay!

Sponsors of McJulez
empty
empty
empty

Articles you may also want to read:

Special Notes:

All Other Images that are used in this article (without watermark) are Copyright Free Images from Pixabay.

This is an original content

5
$ 12.09
$ 12.03 from @TheRandomRewarder
$ 0.05 from @OfficialGamboaLikeUs
$ 0.01 from @Pattatunay
Sponsors of McJulez
empty
empty
empty
Avatar for McJulez
2 years ago

Comments

Sobrang malaki talaga ang tulong ng read.cash and noise.cash. More blessings to come. ☺️

$ 0.01
2 years ago

I read your your write best articles https://read.cash/@raashid

$ 0.00
2 years ago

Malaki po talaga tulong ng dalwang platform na iyan...kahit never pa ako nabisita ni random rewarder may mga user naman na napakabait at nagugustuhan articles ko At sa noise naman marami rin nag heheart at naaachieve ko daily qouta ko...sobrang malaking tulong talaga sila

$ 0.01
2 years ago

Filipino muna sa ngayon :)

$ 0.00
2 years ago