Buwan ng Wika Challenge! Tara Sulat Tayo in Filipino

54 190
Avatar for LucyStephanie
3 years ago

Ano na mga bes? Kamusta po ang unang araw ng Agosto? Para sa akin ayos lang naman. Napaisip lang bigla magsusulat na lang ako ng sanaysay in Filipino muna. Siguro magsusulat pa rin ng English, bahala na, depende sa mood.

(Tip for international readers: To translate this article, manually copy paste entire article to the translator because Google Translate can't translate when using the website link.)

Image via Unsplash

 Bakit Bigla Akong Magsusulat in Filipino?

Walang masama if magsulat tayo sa sarili nating wika. Aba bakit ang read.cash rules nga sabi write in your own language eh. Papakahirap yung marami sa kaka-English e pwede naman in Filipino. Pero siyempre kung ang habol nyo ay more readers aba e di use English din pag may time. 😂

Ebidensya ba kamo na pwede magsulat in Filipino dito? Sige. Ayon sa sinulat ni read.cash mismo:

Screenshot from read.cash article.

"Prefer writing in a language you know well," daw. O so ibig sabihin, walang masama kung puro Filipino isulat natin dito basta ayusin nyo rin po.

ATSAKA, lagyan nyo na lang po ng Disclaimer ang isusulat nyo. Mukhang di kaya ng Google translate na mag-translate gamit ang website link ng article. Kailangan manu-mano na i-copy paste sa Google Translate para maging Ingles.

 Ano Ba Ang Pwede Nating Isulat Dito sa read.cash?

Nakow, Tagalog na nga gamit natin di na tayo mahihirapan di ba? Pero hindi ibig sabihin nun e puro walang kwenta na isusulat natin dito. Wag naman yung susulat kayo ng kung anu-ano lang. Dapat maganda pa rin ang pagkakasulat at may kabuluhan ang laman.

Ganito bigyan ko kayo ng konting writing guidelines:

Image via Pixabay

1. Magsulat ng may kabuluhan.

Ayan. Ibig sabihin, hindi pwede yung may maisulat lang tapos wala namang katuturan. Luh. 😅 Wag na po isulat dito kung wala naman silbe ang isusulat natin ano po? 😁

Isipin nyo, yung dapat nyo isulat dito ay yung mga bagay na pag trinanslate nila sa English or iba pang wika e may makukuha pa rin silang matututunan mula sa inyo. Di ba pag nakakabasa kayo ng kakaiba o hindi nyo pa nalalaman e natutuwa kayo or naaliw or kung ano pa man? O, dapat ganun din isusulat natin.

2. Mamili ng mga hilig mong isulat at ikwento sa ibang tao.

Yan para makaisip ka ng topic, ano ba mga hilig mong ikwento sa iba? Mahilig ka ba magpaganda? O di magsulat ka tungkol sa mga kolorete sa mukha (make up), pagkukulay ng buhok, at kung anu-ano pa. Yun pa lang ang dami mo nang masusulat di ba?

Mahilig ka ba sa ginto at mga alahas? Ay naku sis, may nakita nga akong YouTuber na gumagawa ng videos tungkol sa mga experience nya, ikaw pa kaya? Share mo na rin dito bakit hindi? Sulat mo na lang kung ayaw mo mag-video para may BCH ka pa di ba?

Image via Unsplash

Nabubwisit ka sa trabaho, sa kapitbahay mo, sa kapatid mo, sa buong mundo, atbp.? Sige mag-blog ka dito, diary entry ang peg. Siyempre ingat lang baka bigla kang makasuhan ng libel hahaha. Dapat yung side mo lang i-share mo, ano mga naramdaman mo atbp. Wag tayo manira ng ibang tao dahil lang galit tayo. Maglabas ka ng sama ng loob pero wag manira. Bad yun.

Mahilig ka gumala? Ay naku welcome na welcome ka dito. Sus patingin nga yung huling pinuntahan nyo ng jowa mo? Ganern. Hahaha. Alam mo naman mga maraming hayok gumala ngayon bes. 🤣

Dami-dami nating pwede isulat kaya taralets, sulat tayo in Filipino.

3. HUWAG KOPYAHIN ang English (and other language) articles tapos ita-translate lang sa Tagalog/Filipino.

'Yan ang huwag na huwag niyong gagawin. Hindi po magandang gawin yung ita-Tagalog nyo lang yung English article ng kung sinuman. Sablay yun. Wag ganun. Plagiarism pa rin yun. Bawal yun dito sa read.cash. Plagiarism = pagnanakaw ng sinulat ng iba. Kailangan pag susulat kayo dito sarili nyong gawa.

Image via Pixabay

Kung di naman kayo nagpaalam at hindi pinayagan ng may-ari na gawing Tagalog yung sinulat nila e wag po nating gawin. Kaya tayo napapasama sa ibang lahi eh. 'Kala nila lahat ng nagsusulat na mga Pinoy sa mga write-to-earn sites eh mga pasaway. Bigyan nyo naman tayo ng konting karangalan bes. Wag naman tayong maging magnanakaw ng sinulat at ginawa ng iba.

 Handa ka na ba magsulat in Filipino?

Ayan, pagkatapos nyo basahin lahat ng nasa taas, handa na po ba tayong magsulat in Filipino? Ako eto na nga nakasulat na ako ng pangalawa ko o. Hahaha. Kayo ba? Alam ko yung mga dati na dito meron na ring mga nasulat eh. Yung iba nga nasa halagang $10 na yung upvote mula kay random rewarder bot. Ay wow! Sana all! 🤣

Paano kaya pag Filipino sinulat natin, kaya pa bang makakuha ng mataas na upvote mula sa random rewarder? Yan ang isang magandang challenge din. Hehehe. Di ba kung kaya naman natin magsulat in Filipino dito tapos malaki pa rin makukuha nating upvote, aba isa kayong henyo!!! 😁

Image via Pixabay

Ang maganda nito, kung masusuportahan din natin ang ibang nagsusulat dito sa wika natin. Kasi siyempre, sino pa ba susuporta sa atin kundi kapwa rin natin di ba? Para may bumasa din naman ng sinulat ng iba. Haha.

Kung sakali namang di pa kayo handang magsulat in Filipino e okay lang naman. Wala namang pilitan dito. Kung ano'ng trip nyo isulat sige lang. Kung sa'n tayo masaya dun tayo.

Yung iba nasubukan na nila pero ayaw na umulit. Ayos lang walang kaso dun. Pero sa mga di pa nasusubukan at kung nag-iisip pa kayo paano ba magsulat dito sa read.cash, e basahin nyo rin yung isa kong article na'to. Marami akong tips diyan para sa maayos na pagsusulat dito sa read.cash. Pwede nyo rin magamit sa ibang writing sites yan siyempre.

So ano na, ready, set, go! 😆

XOXO,

@LucyStephanie

* * *

(Lead/header image from Pixabay)

Previous articles:

Not a member of read.cash yet? Come join us!

24
$ 7.23
$ 6.71 from @TheRandomRewarder
$ 0.10 from @Ruffa
$ 0.06 from @meitanteikudo
+ 11
Sponsors of LucyStephanie
empty
empty
empty
Avatar for LucyStephanie
3 years ago

Comments

Masubukan ngang magsulat sa tagalog. pero pag-iisipan ko pang mabuti kung anong magiging paksa nito. Salamat sa pa-challenge. Natawa ako, mga 2 taong nakalipas, ramdam na ramdam ko ang Buwan ng Wika kasi pinagtatahi ko pa yung mga susuotin ng mga anak ko para sa paaralan. :))

$ 0.00
3 years ago

Hahaha, ok sure kahit ano magawa nyo keri lng. Ah kasali sila sa mga school kontes ba? Ayos. :D

$ 0.00
3 years ago

Minsanan lang, pero compulsory yung pagsusuot ng pambansang mga pananamit. hahaha!

$ 0.00
3 years ago

Totoo wala naman po talagang kaso kung tagalog ang article mo. Ako marami na akong article na tagalog nasa 3 o 4 na ata, sinusulat ko sila sa lenggwahe natin kasi mas komportable ako eh. Basta kung saan ka masaya doon ka hahahhaha parang hugot na ata yun ah hehehe.

$ 0.01
3 years ago

Hahaha tama sulat tayo kung ano bet natin isulat kahit anong wika pa yan. :) Nabasa ko n nga ung isa mong sinulat eh kaya napa-comment tlga ako. Sana di na tlga maulit ganun kalalang baha. Kaya kako band-aid solution ang replanting/reforestation. Mas mahalaga tlga ang pag-preserve and conserve. Hehe.

$ 0.00
3 years ago

Yes po thank you po sa pagbabasa at pagcomment. Sana nga po dina talaga maulit at maging effective yung project nila about sa pagtatanim ulit ng mga puno.

$ 0.00
3 years ago

Sobrang nakakatuwa naman itong nabasa kong article, bigla akong ginanahan, since pangalawang araw ko palang ngayon sa read.cash, nangangapa pa ako, nag published ako kahapon ng una kong article, sobrang hirap mag english, trying hard ako haha, nagdadalawang isip kasi ako kung gagamitin ko ba ang sarili nating wika, pero simula ng nabasa ko article mo, nagkaron na ako ng lakas ng loob, pagiisipan ko mabuti ang susunod na gagawin kong article at gagamitin ko ang wika natin. Maraming salamat sa pag bigay ng inspiration. 😊

$ 0.03
3 years ago

You're welcome. Hehe. Marami naman sa atin nagsusulat din in Filipino dito. Mas madalas lang sa English pero pwedeng-pwede tlga kahit Filipino gamitin natin.

$ 0.00
3 years ago

Akala ko talaga bawal eh, kasi sa mga community na filipino, puro mga english ang articles na nakikita ko, tapos nakita ko itong article mo na nagtatagalog ka, kaya nasabi ko pwede naman pala hehe.

$ 0.00
3 years ago

Hehehe. Ayos. Looking forward to your Tagalog article/post. :)

$ 0.00
3 years ago

Yaaaay, excited narin ako pero kailangan ko muna pagisipan, so far magbabasa muna ako ng mga articles mo para may guide din ako. 😊

$ 0.00
3 years ago

Hehe sige lang take your time. 😊

$ 0.00
3 years ago

nakakatuwa naman itong artikulo mo. napangiti na lang ako kasi parang nakikipag usap ka lamang sa isang kaibigan. Natuwa naman ako sa iyong ibinahagi. More Filipino articles this month. hehe. pag nagbabasa ko ng filipino articles feeling ko isa akong makata. haha

$ 0.00
3 years ago

Uu naman bes we're all friends here. Ahaha. Meron pa yan mga Filipino articles soon. Mga bet magsulat susulat n lng basta. :)

$ 0.00
3 years ago

Magandang ideya to para maengganyo ang iba na magsulat sa Filipino.

May mga nasulat na ako na Filipino articles pero mas madadagdagan ko yan ngayong Buwan ng Wika.

Ito yung una https://read.cash/@Nyctofiles/filipino-toxic-trait-ningas-kugon-535be354

$ 0.00
3 years ago

Tama. Kala kasi nila puro English lang dapat, ayun nosebleed kakasulat. Haha.

$ 0.01
3 years ago

Aynahh..😲 parang gusto ko rin siya i try. I am a bisaya, but parang hindi din siya swak gamitin. Iilan lang dito yung bisaya people eh..

Nawa'y mapalaganap pa ang ating sariling wika, sa pamamagitan nang pagsusulat nang mga artikulo na kagaya nito na purong tagalog ang ginamit na lenggwahe..

Pagpalain ka nang Diyos!😇🙏

$ 0.02
3 years ago

Hehehe. Oo nga baka mas onti makaintindi pag Bisaya. Go lang kung ano ang inyong masulat. Salamat po! God bless din sa inyo. 😁

$ 0.00
3 years ago

hihi.. Maraming salamat sa iyong malugod na suporta sis.😁

$ 0.00
3 years ago

Ay oo nga, buwan na ng wika susubukan ko rin gumawa ng artikulo na naka sulat sa tagalog, para di nako nahihirapan charot hahaha

$ 0.03
3 years ago

Hahaha tama yan! Go go gooo.

$ 0.00
3 years ago

I live in Hungary and want to write in my own language because Google doesn't translate what I write correctly. But that way no one will understand, isn't that a problem?

$ 0.00
3 years ago

Well, if there's a will there's a way. Hehe. An article can be translated via Google translate itself if we copy and paste the entire article there. Even if it is not translated correctly we can determine some parts of it at least. It can definitely be a problem but such is life.... 😅

$ 0.00
3 years ago

Hello ready to write in tagalog again..tag po kita pag tapos na haha ako di masyadong magaling sa english siguro loyal lang sa sariling wika haha joke

$ 0.01
3 years ago

Go go gooo. Hehe. Sige po babasahin namin yan.

$ 0.00
3 years ago

Masaya akong mabasa ang artikulo na ito na isinulat sa ating sariling lenggwahe. Nakapagsulat na rin ako ng artikulo gamit ang wikang Filipino. Dahil buwan ng wika, sisikapin kong makasulat muli. Hahaha.

$ 0.01
3 years ago

Yehey. Hehe. Actually naghanap nga ako buong umaga ng mga Tagalog articles dito. E medyo marami rin naman pala. :)

$ 0.00
3 years ago

Yes. Marami naman. Iniisip ko tuloy kung ano isusulat ko 🤣

$ 0.00
3 years ago

Ehehe go go gooo.

$ 0.00
3 years ago

Try ko din po gumawa ng entry gamit ang Wikang Filipino, kasi feel ko magkaka brain hemorrhage nko kaka English..😅,,Salamat po at na inspired nyo po ako♥️

$ 0.01
3 years ago

Bwahaha, go go gooo.

$ 0.00
3 years ago

Na share ko na sa mega friends ko ang site na to kaso ayaw nila kasi mahirap daw mag english,pero pwede naman sa tagalog,siguro pag hindi talaga interesado hindi talaga magtatagal.

$ 0.00
3 years ago

Awww yun lang. Try m ulit baka magbago isip magsulat na in Filipino. Hehe.

$ 0.00
3 years ago

Buwan nga naman ng wika. :)

$ 0.00
3 years ago

Uu hehe. Kahit paminsan-minsan e makapagsulat din tayo ng hindi English. :)

$ 0.00
3 years ago

hahah kahirap nga lang.. :)

$ 0.00
3 years ago

Kayang-kaya nyo yan for sure. Hehe. Meron ako tips sa isa ko pang Tagalog article baka makatulong. :)

$ 0.01
3 years ago

ay oh? haha cge cge.. :) matignan

$ 0.00
3 years ago

Wow parang gusto ko rin itong subukan haha

$ 0.00
3 years ago

Taralets... Hehehe.

$ 0.00
3 years ago

Ang galing naman hehe

$ 0.00
3 years ago

Sige try ko yan. Dudugo ilong ko neto pero matry nga hehe. Buwan ng Wika na nga pala.

$ 0.00
3 years ago

Hahaha mas sanay ba sa English? Kayang-kaya mo yan kaw pa ba. Gusto mo Ilocano naman i-next natin? 😁

$ 0.01
3 years ago

Haha pwede din pero matindi pangangailangan haha! Tingnan muna natin kun pano reward ng Filipino.

$ 0.00
3 years ago

True, yan ang tunay na challenge pag Filipino ang sulat. Hahaha.

$ 0.00
3 years ago

Tama haha! Pero un iba dito ang huhusay walang kachallenge challenge yan hehe

$ 0.00
3 years ago

Kaya nga eh. May nakita pa ako $13 ata un. Wow. Haha.

$ 0.01
3 years ago

Wahhh, Buwan na ng Wika. Magsusulat ako for sure. Kaso kailangan ko munang lutuin ang plano. Mahirap yong susugod tayo sa gyera na may armas nga'y waka namang bala. Aba'y suicide ang gusto charingg wahahaha. Buwan na ng Wika, tarang ipagyabang ang ating sariling wika 💙

$ 0.00
3 years ago

Hahaha, true yan. Ako sumugod na lang wala man lang plano. Ayan tuloy. 😂

$ 0.00
3 years ago

Bwahahaha, easy kill sa enemy wahahaha

$ 0.00
3 years ago

Tama tama. Buwan ng Wika na pala ngayon dahil Agosto na. Sige, gagawa ako ng entry ko diyan. hehehe

$ 0.00
3 years ago

Yun o. Hahaha. Sige babasahin ko lahat ng entries. haha.

$ 0.00
3 years ago

Ay oo noh buwan na pala ng wika❤️oo nga pag sa fb mo post wala bayad kaya dito n lng hehehe

$ 0.00
3 years ago

Trulalu. Pwede rin dito para may mga upvotes pa. haha.

$ 0.00
3 years ago