Ano Ba Dapat Ang Itsura ng Isang Kaaya-ayang Sanaysay?

22 198
Avatar for LucyStephanie
3 years ago

Okay ganito... Sapagkat bukas ay Buwan ng Wika na po, ituturo ko sa inyo ang ipinagbabawal na teknik para tumaas naman ang antas ng pagsusulat ng karamihan ano po. 😁 Oho magta-Tagalog tayo ngayon kasi pwede naman dito sa read.cash ang sariling wika. Wag na magpakahirap sa Ingles kung di naman kaya.

If gusto matuto talaga pwede rin maghanap ng writing mentor na papayag turuan ka para mas madali. Pero mas maganda kung matuto tayong mag-observe sa mga articles ng iba para malaman natin saan tayo nagkukulang.

(Tip for international readers: To translate this article, manually copy paste entire article to the translator because Google Translate can't translate when using the website link.)

 Ano ang Sanaysay?

Essay yan mga bes. Yung ginagawa natin dito sa read cash panay essay yan huy. Article writing tinuro naman po yan sa elementary at high school, English language. Diyan ko natutunan paano sumulat ng sanaysay. Naging paborito ko pa nga eh, na-enjoy ko yung pag-aayos ng mga kaisipan para masarap basahin ang sinulat at madali maintindihan.

Reviewhin po natin, ano ba dapat ang itsura ng mga sinusulat natin para mukhang maganda at maayos? Para naman magmukha tayong professional writers di ba?

Image from Pixabay

Gagawa ako ng sanaysay sa loob ng sanaysay ha. Halimbawa:

* * *

Titulo - Tungkol Saan Ba ang Sinusulat Mo?

(Introduction) Kaya tayo nagsusulat dahil kailangan o gusto lang natin. Siyempre ipaliwanag natin ano ba talaga, ano ang gusto nating sabihin sa babasa ng sinulat natin. Gawan mo ng paunang salita gaya nito bago ka dumiretso sa sasabihin mo. Kasi kung hinde, magugulat yung babasa biglang may sinasabi agad di pa siya nahimasmasan sa titulo.

Unang-una maliban sa laman ng isusulat mo dapat pati yung laki ng mga letra ibahin mo rin. Gamitin ang H1 or (Header 1) sa pinakabuod na pangungusap gaya ng makikita nyo sa I. sa baba. Tapos sa ilalim nito, gamit kayo ng Header 2 (H2).

Ang shortcut is mag-type kayo ng simbolo na # tapos lagyan ng puwang atsaka mga letra para maging H1. Dalawang ## naman para sa H2. Ang H2 ay para sa laman o ilalim ng nasa H1. Subukan nyo para makita nyo na malaki ang mga letra gaya sa baba.

I. Punong paksa 1 - Ano ba ang isa sa pinaka-puntong gusto mong sabihin?

Sample lang 'to ha kasi dapat ang isang article iisa ang pinakapaksa o laman ng pinag-uusapan. Kung hindi man iisa, dapat magkakarugtong at may relasyon sa isa't-isa.

Ang paksa ng sanaysay ko na'to ay paano sumulat ng tama. Yun lang naman eh. Para pag binisita at binasa ng ibang tao, matuwa at magustuhan ang sinulat mo. O di kaya baka i-share pa nila sa ibang social media accounts nila lalo na kung maganda o nakakaaliw yung kung anumang sinasabi mo.

Wag mo kalimutan lagyan ng larawan siyempre. Mas maaliwalas sa pakiramdam pag may mga nakikita tayong hindi puro salita di ba? Pahinga din ng mata pag may time.

Lagyan mo ng konting description, tungkol saan o ano ba yung pic at ano'ng relasyon sa sinusulat? Iksian mo lang para di sobrang haba gaya nito. Tapos wag kalimutan ilagay kung saan kinuha. Give credit to the photographer/artist kasi pwede ka kasuhan nyan at ayaw ng mga writing websites ng "ninakaw" na mga larawan. Image via Unsplash. Ganern. Tapos lagyan mo ng link kung saan galing unless yung pic e pwede na walang credit.

II. Punong paksa 2 - Ano pa yung susunod na pinaka-punto ng sinusulat mo?

May sasabihin ka pa, at may mga gusto ka pa ipaliwanag kaya meron pa nito. Kailangan lang sulat ng sulat para mahasa at magsawa. 😂 Kahit anong wika pa yan ganitong format dapat solb ka na.

O lagyan mo ulit ng kahit anong larawan mamaya. Tapos wag puro isang buong talata (paragraph). Hatiin mo rin depende sa ano'ng sinasabi mo. Kasi pag tuluy-tuloy 'yang sinasabi mo kahit ibang topic na dapat pero iisang talata pa rin naku ano na bes ang haba-haba na ng nasulat mo. Halu-halo na naman ang labas. Gaya nito, dapat itong pangungusap na'to nakahiwalay na sa next paragraph kasi tapos na yung sinasabi kong thought sa taas. Eto kasi iba na dahil about paghihiwalay na ng paragraph/idea ito hindi na about bakit dapat hatiin ang mga paragraph. Gets ba? Hehe. Kita nyo ang kapal na ng paragraph o paano ba yan. Ambigat na sa mata di ba?

Image from Pixabay

A. Tungkol sa punong paksa 2a - Parang mini-titles itong mga ito na nagsasabi o nagdadagdag kung tungkol saan o ano ba ang sinasabi mo.

Kasi siyempre minsan merong mga pangyayari na maraming parte-parte talaga yung gusto mo isulat. Wag mo rambulin yung kwento kasi mabubwisit yung magbabasa. Kelangan nyan sunud-sunod para di masakit sa ulo ng babasa.

Tapos pwede mong lagyan ng video naman dito para maiba naman. Wag puro larawan palagi kasi kung masyadong marami e 'di rin maganda yun.

B. Tungkol sa punong paksa 2b - O ano pa yung gusto kong sabihin about pagsusulat na punto ko.

Sorry na lang Taglish yung video sa taas pero 'yang ganyan tinuturo nga sa schools so review lang po ito kung paano ba magsulat ng maayos na essay na marami ang matutuwa.

Gaya nga ng sabi ni prof sa video, wag tayo mangopya ng sinulat ng iba na hindi naman tayo mismo ang gumawa o nagsabi. Yan yung nagiging problema ng iba sa atin, sinabi ng iba yung pangungusap na nakasulat pero inangkin mo na parang ikaw mismo nagsabi. Parte rin yan ng plagiarism o pangunguha ng mga sinulat/sinabi ng iba tapos akala ng mga babasa ikaw mismo nakaisip o nagsabi.

Basahin mo'tong article ko tungkol sa mangroves. Dami nyang mga link. Actually if research paper yan dapat may superscripts na kagaya sa Wikipedia tapos nasa dulo ang sources. Kaso di ko na inaral if pwede ba magawa dito sa read.cash, so ayun.

.Screencap from Mangingisdasays via Twitter

Kung hindi ka expert sa kung anumang napili mong paksa, e di mag-online research! Basta dapat naka-link kung saan ba galing yung impormasyong nalaman mo. Wag kang magsulat ng sinabi ng iba na parang alam mo talaga pero 'di naman ikaw mismo ang nakakaalam kundi yung ibang taong sumulat ng nabasa mo. Yan yung tinatawag nilang plagiarism.

O paulit-ulit na ba ako? Haha. Parang larawan lang din yan, always give credit to the owner unless sinabing libre kopyahin gaya sa Pixabay or Unsplash.

C. Tungkol sa punong paksa 2c - Last na'to, lagyan mo rin ng mga puwang at nakahubad o nakahigang mga letra. 😆

Natawa ka ba bes? Bold tsaka Italic eh. Wala pa ngang may underline. Haha anu bah, yoko mag-search ano Filipino nyan 'kaw na muna maghanap. 😂

Ehem, sabi ko nga, lagyan mo rin ng tamang espasyo. Kita mo yung ginawa ko sa letrang A at letrang B sa taas. Una may mga space sa gitna ng mga mini-titles; eto wala. Halos dikit o di ba? Di masyadong okay pero mapagti-tiyagaan kaso mas maganda yung hindi magkadikit.

Tapos para 'di boring basahin lagyan mo nga ng nakahubo at nakahigang mga letra. 🤣 Wag lang parang jejemon na kada pangalawang word or sentence may halu-halong naka-hubo o naka-higa, atbp. Anu na bes, parang Christmas tree ang labas nyan. 😂

Image via Unsplash

Ako ang gamit ko sa bold ay pang-diin sa gusto kong sabihin. Di ka naman galit pero ito talaga yung gusto mong sabihin eh. Yung dapat pansinin talaga at intindihin ng ibang tao. Kung di naman masyadong importante sinasabi mo, like medyo-medyo lang, pwedeng italic na lang. O kaya kung ibang wika ang isang salita na ginamit mo pwede mo gawing italicized para alam agad na ibang salita yun. Ganern lang.

III. Punong paksa 3 o Panghuling Salita kung nais nang tapusin ang sanaysay

Pwede pa pahabain hanggang more than III kung kaya n'yo naman. Kung gusto n'yo na tapusin agad yung sinusulat e pwede ring magsulat ng conclusion / buod / call to action or basta panghuling salita.

That's it! Ganun lang gagawin nyo and then tapos na ang sanaysay! (Wag kalimutang i-edit at i-check ang grammar kung tama, pati spelling na rin. Hehe.)

* * *

 Tataas ba Upvote sa Inyo Pag Aayusin ang Itsura ng mga Sanaysay?

E kung upvote dito sa read.cash ang habol nyo, (gaya ko rin siyempre) may tsansa naman na mas marami ang maging boto at lalo mapapansin din kayo ng ibang tao. Di ko naman din sigurado tungkol sa pagboto ng upvoting bot kasi hindi naman ako yung random rewarder haha. Pero kung ako at ibang tao yung makakabasa ng sinulat nyo at maayos ang pagkakasulat aba wow. Ia-upvote ko rin ng medyo mataas lalo na kung maganda rin naman yung topic nyo.

Actually, before or after ng paksang isusulat nyo, pwede nyo pa nga lagyan ng divider images. Yan yung pangharang sa mga paragraph para may design eklavu. Haha.

Like eto sa baba, gamit ko 'to dati sa ibang writing site. Pwede kayo gumawa ng sarili nyo kahit picture i-crop nyo lang pwede na yun. Ginagawa rin ng iba dito yun.

So anyway sana nakatulong po itong aking isinulat para mas gumanda ang inyong mga article dito sa read.cash. Kung may tanong (or violent reactions?) kayo i-comment nyo na lang po. haha.

XOXO,

@LucyStephanie

* * *

(Lead/header image from Pixabay)

Previous articles:

20
$ 3.68
$ 3.52 from @TheRandomRewarder
$ 0.05 from @Pichi28
$ 0.05 from @Jaytee
+ 2
Sponsors of LucyStephanie
empty
empty
empty
Avatar for LucyStephanie
3 years ago

Comments

Sobrang informative po ng article na ito. Looking forward for more articles like this. Good work!

$ 0.00
2 years ago

I'm glad it is helpful for others. Hehe. Thanks too.

$ 0.00
2 years ago

Akoy natutuwa at napaka ayos ng pagpapaliwanag mo sa inyong isinulat na artikulo Sanay magawa ko ng tama ang aking isususlat sa araw na ito.

$ 0.00
2 years ago

Ayos. Good luck! 👍

$ 0.00
2 years ago

Salamat sa napakagandang paliwanag Lalo na sa mga ngfefeeling writer katulad ko...

$ 0.00
3 years ago

Walang anuman. :)

$ 0.00
3 years ago

Sana ay medyo maayos na Ang latest article ko ..hndi ko tlaga alam kung matatawag ba talagang artikulo Ang aking ginawa🤯

$ 0.00
3 years ago

Everyday is a learning experience. :)

$ 0.00
3 years ago

Thank you for this po. Di talaga ako masiyado ma alam in term on this pero thank you for posting po it's informative post for us. Great posting wait kopo next article mo goodluck po Ang godbless.

$ 0.00
3 years ago

Ok you're welcome. :) I hope magamit nyo mga yan sa next articles nyo dito. ;)

$ 0.00
3 years ago

Salamat po sa impormasyon.Malaking tulong po lalo na nagsisimula pa lang dn ako at hindi maintindihan pa masyado ang pagsusulat ng article.Mabuti po at nakita ko ito

$ 0.00
3 years ago

Okay, you're welcome. :) Good luck!

$ 0.00
3 years ago

sa talented naman this girl. yung natatawa na lang ako habang ngbabasa kasi parang naiimagine ko kung pano mo to sinusulat. this is very helpful lalo sa mga pinoy kasi maigi nila maiintindhan yung pinupunto mo

$ 0.00
3 years ago

Salamat. Hehe, sana nga may matulungan na marami ito. :)

$ 0.00
3 years ago

Ang totoo, kahinaan ko talaga magsulat kahit sa Tagalog. Hehe

$ 0.00
3 years ago

Ah ok. Baka need lang po ng more praktis. Hehe.

$ 0.00
3 years ago

Nagbasa. Natuto.. Salamat po!

$ 0.00
3 years ago

Yun o. Haha. You're welcome! :)

$ 0.00
3 years ago

Naku gets na gets ko talaga, ay sandali ang ibig Kong sabihin ay kuha ng kuha at sapol na sapol sa kaisipan NG lahat ang iyong paksa.

$ 0.00
3 years ago

Bwahaha kaya sulat na para maiba naman dahil Agosto na. :)

$ 0.00
3 years ago

Ay dami q natutunan.. 1st post q wala masyado emphasis.. Ngayon habang natututo ayun my pa bold na, italic, underline, mga efeks hehe.. Taz pagbasa q nito mas lalo nanman nadagdagan Ng mkaalaman 🥰❤️

$ 0.01
3 years ago

Orayt. Good luck sa atin. :)

$ 0.00
3 years ago