"Utak Talangka" (Crab mentality)

22 297
Avatar for Loveleng18
3 years ago
Topics: Life, Lessons

Ika-13 ng Agosto 2021 Biyernes

Magandang araw sa inyong lahat. Ang buwan ng Agosto ay "Buwan ng wika" na ipinagdiriwang naming mga Filipino. Bilang pakikiisa ay napagdesisyonan ko na magsulat dito gamit ang aking sariling lenggwahe.

Marahil ay pamilyar na kayo sa salitang "Utak talangka" o mas kilala sa wikang ingles na "crab mentality". Ito ay isa sa hindi magandang pag uugali ng isang tao.

"If I can't have it, neither can you" (source) o sa tagalog, "kung hindi ko makukuha ang gusto ko, di mo din dapat makuha ang gusto mo"-Ninotchka Rosca

Inilalarawan ng pariralang ito kung ano nga ba ang pag uugali ng mga isang taong may utak talangka. Ito ay tumutukoy sa kasakiman, pagiging makasarili, ayaw malamangan, hinihila ang kapwa pababa, masyadong mataas ang tingin sa sarili at hindi marunong tumanggap ng pagkatalo. Lahat ng ito ay negatibo at walang magandang naidudulot sa ating kapwa o kahit sa sarili mismo natin.

"Ang Talangkang Nakaharap Lumakad"

https://buklat.blogspot.com/2017/11/ang-talangkang-nakaharap-lumakad-pabula.html?m=1

-Kwento ni Jayson Alvar Cruz

Sa kwentong ito ay mayroong talangkang nagngangalang Mokong talangka. Siya ay naiiba sa kaniyang mga kabaryo dahil siya ay paharap kung lumakad at hindi patagilid. Minsan na siyang nagbigay ng mungkahi patungkol sa pag papaunlad ng kaniyang baryo ngunit hindi siya pinakinggan at sinabigang kabaliwan lamang ang kaniyang pinagsasabi kaya magmula noon ay pinili niyang manatili na lamang sa loob ng kaniyang tirahan. Ang kaniyang kakaibang kilos at sa kaniyang angking galing ay naging dahilan upanh siya ay apihin at tuksuhin ng kaniyang mga kababaryo, marami itong naririnig na masasamang salita laban sa kaniya. May isang talangkang nagngangalang tikang ang nakausap niya at dito ay sinabi nya ang dahilan kung bakit ayaw nyang lumakad ng ayon sa nakagawian nila. Para sa kaniya ay ayaw niyang sumabay sa agos, hindi niya gusto ang kultura nila. Dahil sa iisang paraan ng paglalakad nila ay naghihilahan sila kapag may panganib at kapag may magandang ideya naman ang isa ay hindi nila tinatanggap, hinihila din nila pababa.

Isang araw ay niluson si Mokong talangka ng kaniyang mga kabaryo ngunit kapahamakan lamang ang dulot nito sa kaniyang mga kabaryo, dumating ang mga nanghuhuli ng talangka. Nag unahan ang mga talangka sa pag takbo at ang mga maliliit na talangka ay naiwan dahil hinihila ito ng ibang kasamang talagka, madaming naipit. Wala halos natira sa kanilang baryo maliban kay Mokong talangka na iba ang direksyon ng paglakad at si Tikang na naging mabait kay Mokong.


Dito ay ipinapakita na walang magandang naidudulot ang pagiging utak talangka. Ang paghihilahan pababa ay mayroong negatibong epekto. Marami ang nakakagawa ng hindi maganda sa kapwa dahil ayaw nilang malamangan sila nito.

Sinusino nga ba ang mga taong may utak talangka?

Sila yung mga taong:

  • Hindi gustong makita na umaangat o umuulad ang kanilang kapwa

  • Masyadong mataas ang tingin sa sarili at ayaw magpalamang

  • Hindi tumatanggap ng mungkahi o opinyon ng iba

  • Ginagawa ang lahat para lamang hindi makuha ng kapwa nito ang gusto nito

  • Sinisiraan ang kapwa

  • Mga taong makasarili at sakim

Nakakalungkot isipin na mayroon paring mga tao na ganyan mag isip sa kagustuhang umangat ay hinihila ang iba pababa. Hindi ba mas masarap sa pakiramdam yung sabay sabay kayong uunlad? Yung sama sama kayong aangat? At isa ka sa dahilan ng pagiging matagumpay ng isang tao? Masarap sa pakiramdam yung tumutulong ka sa kapwa mo. At kung hindi mo man makuha ang gusto mo sa ngayon huwag kang mainggit sa iba, dahil may iba iba tayong kakayahan at oras, siguro ay hindi pa iyon ang tamang oras para sayo.

Maging mabuti sa kapwa. Huwag pairalin ang pagiging utak talangka.

Maraming salamat sa iyong pagbabasa. Nawa ay nakapulutan mo ito ng aral na iyong maisasabuhay sa araw araw :)

- Loveleng18

Lead image source

11
$ 5.55
$ 5.21 from @TheRandomRewarder
$ 0.10 from @dziefem
$ 0.05 from @Jane
+ 6
Sponsors of Loveleng18
empty
empty
empty
Avatar for Loveleng18
3 years ago
Topics: Life, Lessons

Comments

Ugaling hindi na ata mawawala sa mga pinoy pero sa atin bagong henerasyon dapat natin subukan simulan na maging masaya sa pag unlad ng iba kahit na ibig sabihin nitoy tayo ay naghihintay pa rin sa ating pag unlad. Dapat marunong tayong maging masaya sa pag unlad kahit pa tayo ay naghihintay pa sa ating tamang panahon.

$ 0.00
3 years ago

Sana po maiwasan na to ng mga tao dahil walang magandang mangyayare kapag inugali nila yung ganto

$ 0.00
3 years ago

Sana nga po

$ 0.00
3 years ago

Laging nakatatak sa pinoy yang crab mentality na yan.. Naghihilahan imbes na iangat ang isat isa para lahat umangat

$ 0.00
3 years ago

Ugali na hndi mawala2 sa mga pinoy. Kya dami hndi umaasenso haha

$ 0.01
3 years ago

Korek po kayo dyan. Toxic mindset na dapat baguhin.

$ 0.00
3 years ago

Marami ang ganyan, nagkalat kung saan-saan :D Mag ingat na lang para di mahawaan lol!

$ 0.01
3 years ago

Haha wag po talaga papahawa XD.

$ 0.00
3 years ago

Yes, ikaw din, sige ka lol!

$ 0.00
3 years ago

Haha hinding hindi po :D

$ 0.00
3 years ago

Isa pang lesson na natutunan ko dito eh yun pagiging unique or kakaiba sa lahat. You don't need to pretend para lang iaccept ka ng iba. Being different is good. So be true to yourself..

$ 0.01
3 years ago

Tama yan. Kung ayaw mo umasenso, hayaan mo na lang un iba wag kang mandamay. Dapat tumulong sa iba kahit sila din ang tutulong sa atin pag nakataon.

$ 0.01
3 years ago

Yes po mas maganda parin yung tumutulong sa kapwa kaysa mang down.

$ 0.00
3 years ago

ngayon ko lang nalaan ung term na utak talangka

$ 0.01
3 years ago

Di po kayo pamilyar dyan? Now you know na po hehez

$ 0.00
3 years ago

Wala naman masamang maghangad ng malaki as long na wala kang tinatapakang tao at hindi ka maiinggit. Yung iba, may sinabi lang na ganito, parang iba na agad yung magiging meaning ganon. May ganon akong kaibigan haha kaasar lalo na nung downfall stage ko kaasar

$ 0.01
3 years ago

Yep tama ka po. Haha may ganyan talagang tao, tayo nalang mag adjust char

$ 0.00
3 years ago

Sa tingin ko hindi na mawawala ito sa tao. Haha. Crab mentality is everywhere. Kahit dito sa readcash may ganyan. Dinadown yung ibang users pag may naaachieve kasi naiiinggit sila. Hindi naman nakamamatay sumuporta at ang sarap pa sa pakiramdam. Nakakalungkot lang talaga. Hays.

$ 0.01
3 years ago

May malaking check ka dyan! Tama hehez nakakatakot makaencounter ng ganun. Buti nalang mga mababait pa naman nakakainteract ko dto. Ayoko po sa toxic hehez.

$ 0.00
3 years ago

Auto-block or ignore ko nga pag nakaencounter ako ng toxic e haha. Kahit sa ibang article ko nakita naiinis ako e haha. Sakit sa lipunan. 🤣

$ 0.00
3 years ago

Hahaha di ko pa nagamit yang dalawang yan XD.

$ 0.00
3 years ago

Wag ka na sana dumating sa point na yun haha

$ 0.00
3 years ago