Paano natin malalagpasan ang mga pagsubok na nararanasan natin ngayon at sa mga susunod pa?
No current
Isang simpleng bagay lang naman kung iisipin kapag walang kuryente like brownout.Pwede naman tayo gumamit ng kandila sa gabi or gasira..Pwede din tayo gumamit ng pamaypay kung naiinitan sa araw....Or pwede tayong pumunta sa isang lugar na hindi tayo apektado ng brownout...Pero ang mga bagay na yan ay hindi madali sa atin para gawin.Kasi may mga kanya-kanya tayong dahilan at sitwasyon sa buhay na mahirap baguhin...Lalo na kung hindi mo naman talaga nakasanayan.....Tulad dito sa amin halos araw-araw nalang brownout..Kung hindi sa araw,,sa gabi..Napaka hirap sa isang tulad ko lalo na kung nagtatrabaho ako sa araw at nagtuturo ng module ng kapatid ko sa gabi.Sobrang naaawa ako sa bata kasi gustong-gusto niyang matuto pero madilim dahil sa brownout..Hindi naman kaya ng budget namin ang bumili ng solar para lang sa kapatid ko....But super proud ako sa kapatid ko dahil kahit madilim at gamit lang ang aming flashlight ay hindi hadlang sa kanya ang tumigil sa pag-aaral...
Disease
Hindi talaga naiiwasan ang pagkakaroon ng sakit kahit anong ingat natin.Minsan kusa nalang dumarating ang karamdaman tulad ng nangyayari ngayon dito sa atin..Pero para sa akin, napakahirap ng pagsubok na ito lalo na kung isa sa pinakamamahal mo sa buhay ang magkaroon ng malubhang karamdaman..Hindi mo alam kung paano mo siya matutulungan lalo na sa sitwasyon natin ngayon..Ang tanging paraan lang natin ay iparamdam sa kanya kung gaano natin siya kamahal at palakasin ang kanyang kalooban...Hindi lang sa akin kundi pati na din sa mga pamilya po dyan na nakakaranas din ng ganitong sitwasyon...Huwag tayong susuko para sa kanila..Manalig tayo sa itaas at maniwala na anuman ang hamon ng buhay ay laging may pag-asa...
Money
Hindi madali ang kumita at humanap ng pera sa marangal na paraan..Lahat tayo ay nahihirapan at isa ang pera sa pinaka problema natin ngayon..Dahil sa pera marami din ang mga pamilyang nagkakawatak-watak..Yong iba naghihiwalay dahil sa pera..Yong iba naman kailangan pumunta ng malayo at mangibang bansa dahil sa pera...Tama po..Importante naman talaga ang pera kasi kung walang pera paano tayo mabubuhay?Ano ang ibibili natin ng pagkain at mga pangangailangan sa pang araw-araw..
Job
Kadalasan mas pinipili natin ang trabaho kisa sa pamilya?bakit?Kasi paano natin bubuhayin ang pamilya kung wala tayong trabaho?Minsan isa sa mga dahilan kung bakit nag aaway ang mag-asawa dahil sa trabaho...Ang iba dahil walang trabaho ang asawa at ang iba naman dahil walang oras sa pamilya at lagi nalang trabaho..By the way may kanya-kanya Naman tayong rason pagdating dyan....
Closing thought
Ang mga bagay na aking nabanggit sa itaas ay para sa akin ay part ng pagsubok sa ating buhay..Ika nga natural na daw yan habang tayo ay mabubuhay....Mas masarap daw na harapin ang mundo kung tayo ay palaban at hindi sumusuko...
To all my beautiful and generous sponsors thank you so much..
To all my readers and commentors old and new...Thank you so much....and to my Random Rewarder,rusty for short..I miss you😅😅
Date published
October 05,2021
Tuesday
11:00am
Philippines
Original photos
Struggles, problems and drama sa buhay, mga pagsubok lang yan. Lagi nating tatandaan bawat problema may solution, kaya laban lang tayo.