Kahapon para akong tulala sa nangyari....Akala ko katapusan ko na pero siguro may plano pa sa akin si papa god kung bakit hindi pa din ako napuruhan...
Habang kausap ko ang mahal ko sa phone ay biglang bumuhos ang napakalakas na ulan pero hindi ko marinig na may kulog at kidlat....Kaya lang parang humina yong signal kaya tinapos ko na muna yong conversation namin dahil hindi na kami magkaintindihan....
Maya maya dahil sa gawa lang sa anahaw ang bubungan namin siguro dahil sa matagal na din ito ay biglang tumulo doon mismo sa malapit sa pinaglalagyan ko ng mga unan....Dali dali akong kumuha ng plastic pansamantala lang naman na ilalagay ko sa tumutulo para tumigil ito...Meron talagang alambre sa loob ng kwarto namin lagayan ko kasi ng sinampay kapag tulad ngayon na tag ulan......At don din yong may tumuluto....Nasagian ko yong alambre...Actually sagi lang talaga at hindi ko hinawakan..Yon din yong pagkulog at kidlat na napakalas at parang napaso yong buo kong katawan....Sumakit yong aking dibdib dahil parang may dumaloy na napakalas na kuryente sa aking katawan.....After noon nawalan kami ng kuryente..Medyo natakot ako sa nangyari..mabuti nalang talaga at hindi ko hinawakan yong alambre dahil kung hindi eh baka hindi lang yon yong nangyari sa akin.....Hindi biro ang kulog at kidlat dahil marami na din akong nabalitaan na namatay dahil dito......
Sobrang thank you pa din ako dahil ligtas ako.....Narealize ko na hindi talaga natin hawak ang ating buhay kahit napakalakas natin,kung yon na yong plano ni papa god para sa atin eh wala tayong magagawa.....Pero hindi naman natin maiwasan talaga ang aksidente kahit sobrang ingat na ang ginagawa natin.....
By the way thank you so much sa aking mababait na sponsors,,old and new at sa mga nag renew....maraming salamat po ulit...
Reminders:
Huwag tayo hahawak ng mga bagay na pwedeng maging dahilan para tayo ay mapahamak kapag meron na kulog at kidlat.....Kahit itak,kahit nasa loob din ng bahay ay iwasan natin humawak ng alambre,...ika nga sabi nila...ligtas daw ang may alamπ π π
Ay dapat talaga mag iingat sis. Ingat po ateee